SURPRISE REAH

800 53 4
                                    

REAH'S P.O.V.


Nasa tapat na kami ng bahay ni Lola V. Ginabi na kaming dalawa ng uwi. Nagmamadali na kong tanggalin yung helmet ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko sya matanggal at napansin ni Michael yun kaya lumapit sya sakin at tinulungan ako.

Habang tinatanggal nya yung helmet hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya pero umiwas din agad ako ng tingin ng bigla nya din akong titigan.

"Okay na." Mahinang sabi nya pagkatanggal nya ng helmet ko.

"Thank you." Sabi ko habang inaayos ko yung buhok ko.

"Thank you lang? Wala man lang bang..." Sabi nya habang nakatingin sya sakin. Tinignan ko lang sya ng masama at saka naglakad na papasok ng bahay.

"Isang smile naman dyan." Sabi nya. Napahinto ako sa paglalakad ko at napatingin ako sa kanya.

"Mas maganda ka pagnakangiti ka." Dugtong nya. Nakangiti lang sya sakin habang hinihintay nya na ngumiti ako pero hindi ko binigay yung gusto nya. Dumiretso lang ako papasok sa loob.

Pagkapasok ko sa loob nagtataka ako kung bakit ang dilim sa loob parang walang tao. Hinanap ko agad yung switch ng ilaw at ng mahanap ko binuksan ko agad laking gulat ko ng biglang....




















"WELCOME BACK REAH!!!" Sigaw nila.

Napangiti ako bigla sa kanila. Grabe di ko ineexpect to. Nandito lahat ng mga kaibigan ko at classmates ko noon at pati yung iba kong mga pinsan. Ang dami nila.

"Anu to?" Natatawang tanong ko.

"Surprise Reah!!" Sigaw ni Vhanch pagkalapit nya sakin.

"Reah!!" Sigaw ni Chloe. At isa-isa na silang lumapit sakin para yakapin ako.

Si Vhanch, Chloe, Klara, Hailey at Sandy. Bestfriends at mga kapatid ko sa iba't ibang magulang.

"Grabe Reah namiss ka namin. Welcome back talaga." Sabi ni Klara pagkayakap nya sakin.

"Oh tama na yan ako naman. Reah!!!" Sigaw ni Sandy sabay yakap sakin.

"Buti naman bumalik ka pa akala namin nakalimutan mo na kami." Nagtatampong sabi ni Hailey.

"Hindi ko naman kayo nakalimutan. Wala lang talagang time na makapunta ako dito." Nakangiting sagot ko.

"Hay naku buti nagkaroon ka na ng time at dahil dyan kumpleto na ulet tayo!" Naeexcite na sabi ni Sandy. Nagtawanan lang kaming anim.

"Teka sinu na naman bang nakaisip nito at may paganito ganito pa kayo?" Natatawang tanong ko. Nagkatitigan lang silang lahat bago ituro kung sinung nagplano ng lahat. Napatingin ako sa tinuturo nila. Napatingin ako kay Michael na busy sa pakikipag-usap sa mga pinsan ko.

"Kinausap nya kasi kami kanina na baka daw pwedeng tulungan namin syang gumawa ng welcome party para sayo kaya habang wala kayo kanina eto nag-ayos kami dito." Paliwanag ni Hailey. Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Hindi ko alam na maiisipan nyang gawin to.

"Ayiee.. Si Reah ngumingiti. Anu to muling ibalik ba ulet?" Biglang nawala yung ngiti sa muka ko dahil sa sinabi ni Sandy.

"Sira ka talaga Sandy. Anung muling ibalik ka dyan? Baka nga bumalik na eh." Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Klara.

"Mga sira talaga kayo wala pa din kayong pinagbago." Nakangiting sabi ko sabay tingin ulet kay Michael. Napatingin din sya sakin sabay ngiti. Nginitian ko na lang din sya.

"Oh ayan na oh pangiti ngiti na lang. Anu yan ha share naman dyan." Mapang-asar na sabi ni Sandy. Napatingin ulet ako sa kanila.

"Wala. Kayo talaga." Sagot ko.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon