UNPLANNED

745 55 9
                                    

REAH'S P.O.V.




Ilang araw na ang lumipas malapit ng matapos tong bakasyon ko. Nakaimpake na din ako ng iba kong gamit para bukas pagbalik ko ng Manila. Gusto ko pa sanang magtagal dito kahit papaanu kaya lang hindi na pwede. Kailangan ko ng bumalik para harapin yung mga naiwan kong problema sa Manila.

Naglalakad ako papunta sa bahay nila Michael ngayon. Palagi ko ng ginagawa to simula ng maumpisahan ko na. Nasanay na akong dinadalaw si Lola Flor at Baby KC. Madalas kaming lumalabas tatlo ni Michael at KC para mamasyal kung saan-saan buti na lang at game na game si KC at hindi na sya tinotopak gaya ng dati. Palagi na din akong kasama sa tuwing dadalhin ni Michael si KC kay Rencie para ipacheck-up.

Nakakatuwa lang kasi nakakarecover na paunti-unti si KC. Hindi na sya kailangan pang piliting sumakay ng kotse basta kasama nya lang ako at yun ang problema ko. Hindi ko yata kayang iwan si KC. Sya lang iniisip ko mula pa kagabi habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko. Nasanay na syang kasama ako at baka bumalik na naman sya sa dati kapag umalis ako.

Nasa tapat na ako ng bahay nila Michael. Ilang beses na akong kumakatok pero wala pa ding nagbubukas sakin kaya ako na lang yung nagbukas at dumiretso pasok na sa loob.

Pagkapasok ko sa loob nagtataka ako kung bakit walang tao pero may naririnig akong nagsasalita sa taas at mukang si Michael yun kaya umakyat na lang ako para tignan. Pagkaakyat ko nakita ko syang nakatayo sa tapat ng pinto ni KC.

"Khel bakit?" Tanong ko.

"Hindi ko nga alam eh. Tinotopak na naman." Sagot nya pagkalapit ko.

"Ganun ba."

"Nag-uusap lang naman kami kanina. Masaya pa sya nun tapos umalis lang ako saglit bigla na lang syang nagkaganyan." Dugtong nya.

"Bakit anu bang pinag-uusapan nyo kanina?" Tanong ko bago ko katukin yung pinto.

"Wala naman sinabi ko na kasi sa kanya na paalis ka na bukas." Mahinang sabi nya. Eto na nga bang sinasabi ko.

"KC? Si Tita to. Bakit nakalock ang pinto mo? Di ba sabi ni Tita wag nilolock ang door?" Tanong ko habang kumakatok sa pinto.

Pakatok pa sana ako ng isa pero nagulat kaming dalawa ni Michael ng bigla nyang buksan yung pinto at yumakap si KC sakin ng umiiyak.

"Baby bakit?" Tanong ko. Umupo ako para magpantay kami. Hindi nya ko sinagot yumakap lang sya ng mahigpit sakin. Sobrang higpit. Basang basa na sya ng pawis kakaiyak nya.

"Bakit Baby? Anung problema? May gusto ka ba ha? Anu yun sabihin mo lang kay Tita." Sabi ko habang pinupunasan ko sya.

"Mommy." Nagulat ako sa sinabi nya kaya napatingin ako bigla kay Michael at kahit sya nagulat.

"Tahan na Baby. Gusto mo bang lumabas? Tara pasyal na lang ulet tayo tapos bili tayo ng gusto mo ha." Iniba ko na lang yung usapan para mapatahan lang sya pero hindi talaga sya humihinto sa kakaiyak nya at paulit ulit tinatawag yung Mommy nya. Hindi na ako nakapagsalita niyakap ko na lang sya.

"KC gusto mo bang bumalik ulit sa park?" Tanong ni Michael. Tumabi na sya samin ni KC.

"No! Mommy!" Sigaw nya. Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Michael.

"Baby si Tita lang nandito ayaw mo na ba sakin?" Tanong ko. Napatingin bigla sakin si KC at umiling para sabihin sakin na Hindi. Napangiti ako sa kanya.

"Akala ko ayaw mo na sakin eh. Sige na tahan na ha. Wag ng umiyak ayaw ni Tita at Daddy na ganyan ka." Pagkasabi ko nun bigla nya kong hinalikan sa pisngi ko. Napangiti ako sa ginawa nya. Ang sweet nya talaga.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon