LET'S PRETEND

1K 65 41
                                    

Hi guys!

Eto na!!!!!!!😂😂😂

Kamusta? Hahaha bitin na bitin na bitin ba kayo? Well well well balon balon balon😁. Handa na ba kayong kiligin?😂 kung hindi pa pwes... Lumayo ka na sa katabi mo kung ayaw mong mahampas ka din nya pabalik kasi malamang mahahampas mo sya sa kilig mo habang binabasa to!😂😁 chaaaarrrot!! Joke lang baka umasa kayo na nakakakilig ang chapter na eto. Medyo lang siguro? Maiiyak kayo sa kilig hahaha😁.

Now ko lang napansin malapit ng mag-100 chapters tong book 3 ang haba na kakatuwa parang kailan lang nung ipublish ko to. Sana lahat ng chapter guys na-vote nyo kahit yun man lang sana gawin nyong gift sakin😁. Minsan kasi sa pagkaadik nyo sa pagbabasa nakakalimutan nyong ivote haha maawan naman kayo sakin ivote nyo na😂 nagmamakaawa na ako😅. Char!

Oh sya tara na simulan na natin to!!!!!!!

Enjoy!!!!




















*****

REAH'S P.O.V.

"Kamusta ka?"

"Kaye?"

Nagulat akong makita sya. Napabangon ako bigla at nagmadaling lumapit sa kanya at ginawa yung kanina ko pang gustong gawin sa kanya.

Niyakap ko sya.

Niyakap ko sya ng sobrang higpit na para bang ngayon ko na lang ulit sya nakita. Ayaw ko na syang bitawan. Napangiti ako ng yakapin nya din ako pabalik.

"Akala ko hindi ka na pupunta." Naiiyak na sabi ko. Narinig kong natawa sya pero mahina lang. Namiss ko bigla yung tawa at ngiti nya.

"Pwede ba yun? Syempre pupunta ako." Pabulong nasabi nya. Napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti sya sakin pero sa isang iglap biglang nawala yung ngiti nya.

"Buti pumunta ka kasi...
















......IKAW may kasalanan kung bakit nangyari sakin to!" Sigaw ko sabay hampas sa kanya.

"ARAY REAH!!" Sigaw nya habang pinipigilan nya ko.

"Reah anu ba?! Tama na! Reah! Reah!!!"























"Reah!"


"Reah!!!"


"Hoy Reah!!!" Nagulat ako sa sigaw nya.

Shit! Anung...?

IMAGINATION?

Imagination ko lang lahat. Nakaupo pa din ako sa kama ko at nakatingin lang ako sa kanya at iniisip ko lang pala lahat yun. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sarili ko o anu. Nakakainis. Nakakahiya ako. Anu na naman bang nangyayari sakin bakit naisip ko yun? Ang tagal kong nakatingin sa kanya. Para na naman akong sinapian. Hindi ko maintindihan kung anung gusto kong gawin. Gusto ko syang sapakin pero parang mas gusto ko syang yakapin. No! Hindi pwede to! Galit ka Reah. Galit ka. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at inayos yung sarili ko.

"Okay ka lang?" Tanong nya. Nagtanong pa sya. Mukha ba kong okay sa itsura ko.

"Oo." Sagot ko kahit hindi naman talaga ako okay.

Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko.

"Anung ginagawa mo dito?" Tanong ko pero hindi pa din ako nakatingin sa kanya.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon