GOOD NEWS!

1.9K 91 26
                                    

Hi guys!

Kamusta? Hahaha. Sorry late ang update. Pero bago ang lahat haha. Grabe kayo ha. Nawindang naman ako sa mga reactions nyo sa last chapter haha. Nga pala. Dahil masyadong intense at rated SPG yung last chapter naka PRIVATE na po sya. Mga Followers ko lang po ang makakabasa 😊😂. Baka mabasa ni kikal nakakahiya😄😄😄.

Nahulaan nyo ba kung sinu sinasabi kong magbabalik? Mukang gulong gulo kayo kung sinu sya haha. Bibigyan ko kayo ng clue.

Sa pagbalik nya hindi lang si KAYE ang involve pati na din si NICKY. Oh! Kilala nyo na! 😄😄😄. May mga magbabalik at magpaparamdam mula sa multo ng nakaraan. Minsan nya ng sinubukang manggulo sa KAYEAH pero di sya nagtagumpay pero ngayong babalik sya anu naman kayang gagawin nya 😊😁. Excited na ko!! Haha.

Thanks pala sa mga nakabasa na ng BAMPAYER 😄😄😄. Ok lang ba? Maganda ba o panget? 😂😂😂. Comments naman haha. Baka kasi pwedeng ituloy 😂😂😂.

Oh sya! Back na sa story.



Enjoy!!!!!
























*****


REAH'S P.O.V.

"Okay ka lang?" Tanong ni Kaye pagkababa namin sa eroplano. Kakarating lang naman dito sa Manila.

Napangiti na lang ako sa kanya. Kanina nya pa kasi ako tinatanong kung okay lang ba ako. Actually kagabi pa nya ako paulet ulet na tinatanong kung okay lang ba ako. Naging sweet lalo si Kaye pagkatapos ng mga nangyari samin kagabi.

"Kaye okay lang ako." Nakangiting sabi ko sabay yakap sa kanya. Nanliliit na naman ako sa kanya. Hindi kasi ako nakasuot ng heels. Normal na Reah lang ako ngayon.

"Sure ka? Sabi mo kasi kanina masakit ulo mo." Tanong nya. Niyakap nya din ako. Hinahalikan nya ulo ko habang nakapatong ulo nya sa ulo ko.

"Sure na sure. Basta nandyan ka okay ako." Nakangiting sabi ko.

"Hoy! Kayong dalawa ha! Tama na nga yan. Kanina pa kayo. Nilalanggam ako." Reklamo ni Jessy. Pero imbes na pakinggan ko sya mas lalo ko syang inasar. Niyakap ko lang ng mas mahigpit pa si Kaye habang nakatingin ako kay Jessy. Natawa ako sa paglaki ng mata nya sabay alis. Nag walk-out na lang sya.

"Tara na para makapagpahinga na tayo." Aya ni Ninong. Nakuha na namin lahat ng gamit namin.

"Saan po kayo mag-stay?" Tanong ni Kaye. Inalis ko na pagkakayakap ko sa kanya.

Oo nga. Nawala sa isip ko yun. Hindi ko din alam kung saan kami matutulog.

"Nagpabooked na si Riza ng hotel namin kahapon. Doon kami magstay ngayon. Ikaw Kaye uuwi ka na ba? Kung gusto mo magstay doon okay lang naman." Nakangiting sagot ni Ninong.

Napatingin ako kay Kaye. Gusto ko syang makatabi sa pagtulog kaya sana pumayag sya.

"Hindi na po. Sa condo ko na lang po ako uuwi." Sagot nya. Nawala bigla yung ngiti ko sa muka ko.

"Pero kung okay lang din po sana isasama ko si Reah?" Biglang tanong ni Kaye sabay tingin sakin. Napangiti ulet ako.

"Ganun ba. Oh sya sige kung yan gusto nyo. Malaki na kayong dalawa para pagbawalan pa. Kumaen na muna tayo bago tayo pumunta sa hotel." Aya ni Ninong.

"Hala unfair ako din sasama!" Biglang singet ni Jessy.

Napatingin lang ako ng masama sa kanya. Natawa na lang si Kaye.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon