LIES

934 56 19
                                    


REAH'S P.O.V.

Pagkahatid sakin ni Kaye kanina umalis na din sya agad dahil gusto nyang tapusin ng maaga yung recording nya ngayon para masundo nya agad ako ng mamaya. Kakarating ko pa lang ng office sinalubong na agad ako ni Cherry ng sobrang daming trabaho. Punong puno na naman yung table ko ng mga files na kailangan ng approval ko. Isang linggo din kasing wala si Sam dahil may iba syang projects na hinahawakan ngayon kaya ako lang mag-isa ang humahawak at nag-aasikaso sa business namin ngayon dito sa Manila.

"Good morning Sis." Biglang pasok na naman ni Jessy.

"Morning Jess."

"Ang dami nyan ha." Gulat na sabi nya pagkakita nya sa ginagawa ko.

"Oo sobra naiistress na naman ako kakatapos ko lang nung isang araw sa iba tapos eto na naman ngayon at mamaya pupunta na naman ako sa site para magcheck."

"Busy mo naman teka bakit mo nga pala ako pinatawag kay Cherry?" Tanong nya.

"Oo nga pala! Thanks God natanong mo yan! May ipapakiusap sana ako sayo." Sabi ko sabay hawak sa kamay nya.

"Oh My G! Ayaw ko! Mukang sa tono ng boses mo hindi ko magugustuhan yang sasabihin mo." Reklamo agad nya kahit hindi pa nga nya naririnig sasabihin ko.

"Jessy please para din naman sa company to at isa pa part din to ng trabaho mo kaya wala ka ding magagawa kahit ayaw mo." Pakiusap at pagbabanta ko.

"Anu ba kasi yun?" Tanong nya.

"Ganito kasi yun. Kailangan kasi ng magsusupervise sa gagawin sa site this coming friday pero kasi alam mo naman kung anung meron sa friday di ba? Kaya hindi ako pwede at dahil wala si Sam, ikaw na lang muna pagbibilinan ko. Okay lang ba?" Tanong ko. Sana pumayag sya.

"Reah naman bakit ako pa? Baka mamaya kailanganin ka dun at isa pa anung alam ko dun eh ikaw may hawak ng project na yun baka mamaya magkamali pa ko." Reklamo nya.

"Nandyan naman si Cherry para alalayan ka eh alam nya lahat at kapag may problema tawagan mo lang ako sasagot naman agad ako. Please Jessy. Isang araw lang please." Pakiusap ko. Kailangan kong mapapayag si Jessy dahil sya lang talaga pwede kong pagkatiwalaan sa project na hawak ko.

"Still no! Ayaw ko!" Sagot nya.

"Jessy please. I'll do anything kahit anung gusto mo gagawin ko kapalit lang nitong isang araw na hinihingi ko. Please." Pagpupumilit ko.

"Talaga? Kahit anu?" Tanong nya.

"Oo! Anything! Name it!"

"Okay fine payag na ako basta papayagan mo na akong magleave ng one week para makapagbakasyon ako sa Paris ha. Deal na yan wala ng bawian." Nakangiting sabi nya.

"Teka bakit parang lugi ako? Isang araw lang hinihingi ko tapos ikaw one week?" Reklamo ko.

"Ayaw mo? Okay sige magkalimutan na din tayo sa friday." Sabi nya sabay tayo.

"Teka wait lang! Okay sige. Papayag na ako basta sa friday pupunta ka sa site ha at sasamahan mo si Cherry okay?"

"Okay!" Sabi nya na may ngiting abot tenga.

Napabugtong hininga na lang ako. Luging lugi ako sa kasunduan namin na yun pero wala na din akong magagawa kailangan ko talaga si Jessy sa friday para lang matuloy lahat ng plano ko para sa anniversary namin ni Kaye.

"Ay nga pala Sis maiba tayo anu na nga pa lang plano mo sa anniversary nyo? Mag-out of town ba kayo this time?" Tanong nya at umupo ulet sa tapat ng table ko.

"Hindi. Simple lang naman gagawin ko." Sagot ko.

"Ay simple lang? Bakit?" Tanong nya.

"Wala kasi akong maisip na pwedeng gawin at isa pa ayaw ni Kaye na masyado akong maghanda para sa friday kasi ang sabi nya sya na daw bahala dun. Ayaw ko din naman kasi maghanda tapos si Kaye may surprise din pala baka magkagulo lang at hindi magtugma mga plano namin." Sagot ko.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon