WRONG MOVE

1K 73 14
                                    

(ONE WEEK LATER)

REAH'S P.O.V.

"Kim please help me."

"Reah naman anu bang alam ko sa mga ganyan? Si Nicky dapat kausapin mo dyan wag ako ha."

"Please Kim hindi ko kasi alam kung anung klaseng surprise gagawin ko para kay Kaye at kung paano ko hihigitan yung mga ginawa nyang surprises sakin dati di ba?" Kanina ko pa pinipilit si Kim na tulungan akong magplano para sa anniversary namin ni Kaye next week.

"Eh anu ba kasing balak mong gawin? At saka bakit ba kasi ako ha bakit hindi na lang si Jessy?" Reklamo ni Kim.

"Please ikaw na lang please mas kilala mo si Kaye kaysa sa kanila." Pakiusap ko. Kanina pa ako nandito sa bahay nila.

"Oo na oo na anu pa nga bang magagawa ko di ba? Anu na nga ba kasing plano mo?"

"Yes! Thank you Kim! Wala pa nga eh."

"Ay maganda yan Reah! Sobrang ganda! Panu natin masusurprise si Kaye eh alam mo namang sya lang magaling sa mga ganyan."

"Oo nga eh. Ewan ko ba kung bakit lahat ng surprises ni Kaye ang ganda-ganda. Hay ang hirap naman eh."

"Bakit kasi hindi mo na lang simplehan lang I'm sure matutuwa pa din naman si Kaye no kasi nag-effort ka."

"No! Ayaw ko! Dapat maganda yung gagawin ko para makabawi na din ako sa kanya. Alam mo namang ilang araw na din akong busy at walang oras saming dalawa. Kung hindi work pinag-uusapan namin wedding naman. Hindi ko na sya nakakamusta kaya gusto kong bumawi kaya dapat maganda maging celebration ng anniv namin." Nakangiting sabi ko.

"Okay." Yun lang nasabi nya.

"Kim please!!!"

"Oo na eto na maghahanap na tayo ng gagawin. Teka anu bang pwede?" Tanong nya habang nagsesearch ng kung anu sa laptop nya.

"Kahit anu basta yung maganda."

"Anung maganda?" Nagulat kaming dalawa ng biglang dumating si Nicky.

"Nicky?!" Sabay na sabi namin ni Kim.

"Wow ha. Gulat na gulat teka anu ba yang ginagawa nyo?" Tanong ni Nicky sabay tabi kay Kim.

"Eto kasing si Reah nagpapatulong para sa surprise nya daw kay Kaye sa anniversary nila." Sagot ni Kim.

"Oo nga pala next week na yun."

"Wag mong sabihin kay Kaye ha at saka wag nyong sabihing nandito ako ngayon hindi nya kasi alam." Pakiusap ko kay Nicky.

"Oo naman anu ba kasing plano mo?" Tanong nya.

"Hindi ko pa kasi alam eh." Sagot ko.

"Kahit anu namang gawin mo maaappreciate nya yun." Nakangiting sabi ni Nicky.

"Yun nga sabi ko sa kanya." Singet ni Kim.

"Ayaw ko dapat one big surprise to. Kaya please help me guys."

"Teka nasaan nga ba si Kaye?" Tanong ni Kim.

"May lakad daw sila ngayon." Simpleng sagot ko. Hindi ko na masyadong natanong si Kaye kanina dahil nagmamadali syang umalis.

"May lakad? Saan naman daw?" Tanong ulet ni Kim.

"Hindi ko alam eh." Sagot ko.

"Hindi mo alam?!" Gulat na tanong ni Kim.

"Eh hindi ko na kasi sya natanong kanina pero okay lang yun wala naman syang ibang pupuntahan at saka sila Tyng at Princess lang naman kasama nun." Paliwanag ko.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon