FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)

1.3K 90 4
                                    



REAH'S P.O.V.






"Sandy panu mo ba malalaman kapag gusto ka ng isang tao?" Tanong ko kay Sandy habang umoorder kami ng pagkaen namin.


"Hmmmm. Simple lang kapag super caring na sya sayo." Sagot nya.


"Yun lang? Wala ng iba? Eh panu kung yung care na yun pangkaibigan lang? Gaya mo, nila Kara, Chloe, Hayley, Vhanch at Euri. Di ba nagke-care naman kayo sakin."


"Oo. We care for you 'coz we love you. Pero iba kasi yun eh. Alam mo yun. Mapapansin mo naman kasi pag-friends lang. Teka nga. Bakit mo ba natanong? Don't tell me? Ikaw ha. Kilala mo na ba kung sinu si 'Secret Admirer' mo?"


"Baliw hindi. Wala lang. Na-curious lang kasi ako kaya ko natanong." Paliwanag ko. Pero yung totoo may gusto lang talaga akong masigurado.


"Curious mo muka mo! Kilala kita uy. Ayaw mo pang sabihin. Hoy guys! Paaminin nyo nga to." Sabi ni Sandy sa mga kasama namin pagkalapit namin sa kanila.


"Bakit?" Tanong ni Kara.


"Nagtatanong kung panu mo ba daw malalaman kung gusto ka ng isang tao?" Sabi ni Sandy.


"Wow ha! Very nice question. Bakit mo natanong yan Reah? Bakit may napapansin ka na ba?" Tanong ni Kara.


"Meron. Pero hindi ko pa sure. Natatakot kasi ako eh." Sagot ko.


"Natatakot naman saan?" Tanong nila.


"Sa pwedeng mangyari kapag napatunayan kong totoo yung hinala ko."


"Anung hinala?" Tanong ni Hayley.


"Na...."


"Na anu?" Sabay sabay na tanong nila.


"Na si Michael yung nagpapadala ng flowers at letters sakin palagi." Mahinang sagot ko.


Hindi sila nagsalita. Nagtinginan lang silang lahat at biglang tumawa ng malakas.


"Bakit?" Tanong ko.


"Haaay naku Reah! Bakit ba kasi napakamanhid mo? Bakit ngayon mo lang napansin na gusto ka ni Michael?" Natatawang sabi ni Hayley.


"Ha? Anu bang sinasabi mo?"


"Reah. Matagal na naming pansin na gusto ka nya kaya ganyan sya ka-protective sayo. Hindi mo ba napapansin halos bakuran ka na nya sa twing may lalapit sayo para manligaw." Sagot ni Hayley.


"Oo nga. At sinu ba namang lalaki ang magtyatyagang maghatid sundo sa isang babae kahit napakalayo ng bahay nya kung wala lang para sa kanya yung girl di ba? Wala kang makikitang ganung lalaki ngayon unless na lang kung talagang gusto ka nya kaya nya ginagawa yun." Dugtong ni Chloe.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon