DOUBT

754 54 6
                                    

REAH'S P.O.V.

Nakauwi na kaming dalawa ni Kaye. Hanggang ngayon kinakabahan pa din ako sa mangyayaring pagpapaalam ko. Nakaisip na ako ng idadahilan ko at sana pumayag sya. Alam kong dagdag na naman tong gagawin ko sa mga kamalian at kasinungalingan ko kay Kaye pero eto na to kailangan ko ng gawin.

Pagkatapos magpalit ng damit ni Kaye umupo na sya agad sa kama at busy na sya sa laptop nya. Mukang may gagawin sya ngayon at sa tingin ko eto na yung magandang oras para magpaalam ako.

"Kaye?" Tawag ko sabay upo sa tabi nya. Napatingin lang sya sakin at hinihintay na magsalita ako.

"Pwede ko bang puntahan si Mama?" Parang ewan na tanong ko.

"Oo naman." Sagot nya sabay tingin ulit sa laptop nya.

"Ngayon sana." Pagkasabi ko nun halatang nagulat sya kasi napatingin at napakunot noo sya sakin.

"Bakit ngayon pa? Anung oras na di ba pwedeng ipagbukas na lang?" Tanong nya.

"Ah eh kasi hindi pwede eh may pinapasuyo kasi sakin si Mama kailangan kong puntahan alam mo naman yun." Pilit ngiting sabi ko. Grabe pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

"Ganun ba sige samahan na kita." Patayo na sana sya pagkasabi nya nun pero pinigilan ko sya.

"No! Hindi na! Okay lang Kaye ako na lang. Dito ka na lang kasi alam ko may tinatapos ka." Grabe hirap na hirap na akong huminga. Napapalunok na lang ako dahil sa sobrang kaba ko.

"Hindi okay lang mamaya ko na lang to gagawin sasamahan na kita." Pagpupumilit nya. Nakatayo na sya at sinara na yung laptop nya. Hindi pwede to! Dapat maconvinced ko sya na wag ng sumama.

"Hindi Kaye promise okay lang ako. Babalik din naman ako agad eh saglit lang talaga ako." Pagkasabi ko nun hindi na nagsalita si Kaye. Nakatingin lang sya sakin at umupo na lang ulit.

"Wag ka ng sumama kaya ko naman at saka promise babalik din ako agad. Kailangan mo yatang tapusin yan ngayon eh." Sabi ko para lang maconvinced ko pa sya lalo.

"Sige." Simpleng sabi nya sabay bukas ulit sa laptop nya.

"Sige?" Gulat na tanong ko. Tama ba ako ng narinig ko. Pumayag ba sya?

"Sige na. Umalis ka na para makabalik ka kaagad. Ingat ka. Text mo ko kapag nandun ka na at kung pabalik ka na para di ako nag-aalala sayo." Sagot nya pero hindi sya nakatingin sakin. Hindi ko alam kung galit ba sya o naiinis o nag-aalala lang talaga sya.

"Okay sige. Thanks. Babalik din agad ako." Tumayo na agad ako dahil baka magbago pa isip nya.

Nagmadali na akong kinuha yung susi at cellphone ko at lumabas na. Pumunta na agad ako sa kotse ko at nagdrive agad. Kanina habang pababa ako tinawagan ko si Mama at sinabi sa kanya na kapag tumawag si Kaye sabihin nya na nandun ako. Nung una nagtataka sya kung bakit pero pinaliwanag ko na lang din sa kanya lahat. Pinagalitan nya ko dahil mali daw tong ginagawa ko. Walang alam si Mama sa mga nangyayari at sa ginagawa ko kaya nagalit sya sakin kanina pero pumayag na lang din sya dahil kailangan ko talagang puntahan si KC at Michael ngayon.

Habang nagdadrive ako kinakabahan pa din ako. Alam kong anytime pwede akong mahuli ni Kaye at alam ko din na may kutob na sya sa mga ginagawa ko. Sana lang hindi nya ko maunahan. Gusto ko ako unang magsasabi sa kanya ng mga maling ginagawa ko. Sana hindi nya ako mahuli sa akto. Ayaw kong magalit sya kaya dapat maipaliwanag ko sa kanya ng mabuti pero sa ngayon hindi na muna yun yung iisipin ko. Dito muna ako sa mag-amang to. Kakausapin ko lang saglit si Michael at bibisitahin si KC. Aalis din agad ako para makauwi na dahil alam kong hindi mapapalagay si Kaye sa Condo at baka sundan nya pa ako at pumunta sya sa bahay. Hindi dapat mangyari yun dahil malalaman nya na nagsisinungaling ako.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon