KAYE IS KAYE

1.1K 64 22
                                    

GUYS!!!!!!!!!!!!

Alam nyo ba?! Ang saya-saya ko. Super. Naiiyak ako sa sobrang saya ko😭😭😭. Hindi lang dahil sa magandang music video ng Why Can't it Be (nakaattached sa chapter na to😊) kundi dahil na din sa Blessings na dumarating at darating pa! Thank you so much! Kayo talaga eh.. kayo talaga yun.. kaya lalabs ko kayo eh🤗😘.

THANK YOU SO MUCH!!!!!!!

Anyway! Tama na sa kaartehan author😂. Sa mga nag-ask kung anung klaseng design ba gusto ko para sa T-shirt. Sample naman daw haha. So eto na dahil malakas kayo sakin gumawa ako ng design ko😶🙈. Simplehan lang natin pero kayong bahala kung anu sa tingin nyong maganda😊. Madlang pipol naman ang magpapasya😁.

Sample ko lang po yan ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sample ko lang po yan ha. Binigyan ko lang kayo ng idea. Gawa na din po kayo 😁. Again! Hanggang June 12 po ang deadline ha.

Gusto ko lang din pa lang sabihin😁. Sorry sa mga nag-aadd sakin sa FB na hindi ko pa din naaaccept hanggang ngayon😔 baka kasi sabihin nyo snab ako (Long story at personal kasi☺). Di din naman kasi ako masyadong active sa FB. IG at Twitter lang talaga ako😊😉. Maunawaan nyo po sana hehe.

Salamat!

Enjoy the update guys. Sorry medyo natagalan ha pahirapan kasi eh😣😥.




















*****

KAYE'S P.O.V.

Tulog na sya pero nakayakap pa din sya sakin. Pawis na pawis na sya kahit na hindi ko sya masyadong nakikita. Kahit ako nakakaramdam na ng init dahil naka-off lang yung air-con at balot na balot pa kaming dalawa ng kumot pero okay lang. Alam ko na nilalamig pa din sya hanggang ngayon. Ayaw kong gumalaw o kahit alisin man lang yung kumot sa katawan ko dahil baka magising ko sya. Kailangan nyang magpahinga dahil sobrang taas ng lagnat nya. Sobrang init nya pa din pero hindi na kasing init ng kanina.

Gusto ko na din sanang matulog pero hindi pa ko inaantok. Nag-aalala pa din ako sa kanya. Gusto ko lang syang bantayan ngayon baka kasi magising sya habang natutulog ako. Gusto ko syang alagaan kahit ngayon lang dahil alam ko pagkatapos nito babalik na naman kami sa dati dahil hindi porket nagkasakit sya ngayon makakalimutan ko na lahat ng mga ginawa nya.

Alam ko na may kasalanan din ako kung bakit nangyari sa kanya to. Kung hindi ko lang kasi sana sya hinayaang umalis kagabi hindi sana mangyayari to dapat pinigilan ko sya nun. Gustong gusto ko syang habulin at kausapin para magpaliwanag pero umiral yung pride ko kaya eto ako ngayon nagi-guilty sa nagawa ko.

Habang pinupunasan ko yung pawis ni Reah narinig kong may nagbukas ng pinto kaya tinignan ko agad kung sinu.

"Kamusta na sya?" Tanong ni Tita.

"Nilalagnat pa din po." Mahinang sagot ko.

Lumapit si Tita kay Reah at saka hinawakan.

"Ang init nya pa din." Nag-aalalang sabi nya.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon