ON THIS DAY!

2.4K 84 65
                                    

LAST CHAPTER NA!

Sorry dahil super late na late na late na late kasi sa totoo lang wala akong idea sa mga ganitong bagay so nagresearch na lang ako ng konti para dito. Konti lang kaya wag nyo pong iexpect na talagang bonggang bongga hahaha pero I don't know kung nagawa ko ba sya ng tama pero sana maappreciate nyo pa din kasi na-nose bleed ako dito😢😭😂.

Mamimiss ko kayo guys😢😭. Hindi ko alam na aabot sa ganito hahaha chaarrot. Ang hirap kasi talaga pero kailangan eh need na munang magpahinga ni author pero syempre bibigyan ko kayo ng isang happy ending. Sana magustuhan nyo to at sana mapaiyak ko kayo kasi naiiyak ako eh para hawa-hawa tayo😂. Sana talaga magustuhan nyo 😔😁.

THANK YOU SO MUCH GUYS!

Ayaw ko ng magdrama at pahabain pa ang intro ko. Eto na guys!

MARAMING SALAMAT SA INYO!🤗 SEE YOU SOON!

ENJOY READING!😉😍😘


























*****

REAH'S P.O.V.

"Ma please promise saglit lang po talaga. Please."

"Hay naku Reah ang kulit kulit mo sinabi na ngang hindi nga kayo pwedeng magkita. Kasal nyo na bukas."

"Ma naniniwala pa ba kayo sa mga ganun-ganun? Pamahiin lang naman po yun hindi naman totoo yun. Sige na Ma please palabasin nyo na ko ng kwarto ko gusto ko lang makita saglit si Kaye."

"Hindi pwede. Dito ka lang at hindi ka lalabas dito naiintindihan mo ba?"

"Ma sige na please promise saglit lang. Miss na miss ko na si Kaye."

"Reah wag ng makulit magkikita din naman kayo bukas hindi lang talaga pwede ngayon."

"Ma pamahiin lang yun."

"At hindi masamang maniwala Reah. Gawin mo na lang. Isang araw na pagtitiis kapalit na panghabang buhay na ginhawa nyong dalawa ni Kaye. Sige na iiwan na kita dito ha at magpapahinga na din ako sa kwarto ko. Reah ha ang bilin ko wag kang lalabas at wag mong pupuntahan si Kaye."

"Pero Ma saglit lang talaga promise kung gusto mo pipikit na lang ako para di ko sya makita gusto ko lang syang i-hug please."

"HINDI! Dito ka lang!" Sabi nya sabay sara ng pinto.

"Saglit lang naman eh. Sinu ba kasi nag-imbento ng pamahiin na yan ipapatumba ko talaga." Kinuha ko na lang yung cellphone ko at tinawagan si Kaye.

"Hello Mahal."

"Mahal hindi pumayag si Mama." Naiiyak na sabi ko pero natawa lang sya sakin.

"Reah hindi nga kasi pwede." Natatawang sabi nya.

"Eh gusto kitang makita." Pagpupumilit ko.

"Hindi nga po pwede wag ng makulit ha."

"Ayaw mo na kong makita?" Nakasimangot na tanong ko sabay higa sa kama.

"Hindi naman sa ganun sundin na lang natin sila ha." Sagot nya.

Hindi na ako nagsalita. Nakakainis talaga. Gusto ko lang talagang makita siya. Gusto ko lang syang yakapin at gusto ko ding malaman kung parehas ba kami ng nararamdaman ngayon.

"Reah?" Tawag nya pero hindi ko sya sinasagot.

"Reah sige na magpahinga ka na ha."

"Ayaw ko." Mahinang sabi ko pero alam kong narinig nya kasi natawa sya.

"Reah wag ng makulit magkikita naman na tayo bukas."

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon