SHE'S BACK AGAIN

1.1K 66 16
                                    

Merry Christmas & Happy New Year Guys!
(Late? 😂😂😂 Sorry!)

Gift ko para sa inyo!

Isang Update!😊😊😊

Enjoy!!

*****

KAYE'S P.O.V.

Umaga na naman at nauna na naman akong magising kay Reah. Lagi na lang ganito, nahihirapan akong magdesisyon kung gigisingin ko ba sya o hahayaan ko na lang muna syang matulog. Maaga na naman akong aalis ngayon pero si Reah pwedeng pumasok kahit anung oras nya gustuhin.

Hindi na muna ako tumayo kahit alam kong pwede akong malate sa usapan namin para mamaya. Gusto ko lang munang katabi si Reah habang pinapanuod ko sya kung paano sya matulog. Ang tagal na naming hindi nakakapagbonding sa umaga samantalang dati halos araw-araw nagagawa namin lahat ng gusto namin ng walang iniisip na problema.

Hanggang ngayon wala pa din kaming nagagawa para sa kasal naming dalawa. Wala na ding oras si Reah dahil sobrang dami nya ding ginagawa. Hindi ko din naman sya masisisi dahil kahit ako aminado na nawawalan din ng oras para asikasuhin lahat pati nga pagreply at pagsagot sa tawag nya nawawala na sa isip ko dahil sa sobrang sunod-sunod na trabaho. Ang dami kong guestings, tapings at gigs kaya hindi ko na din ma-isingit sa schedule ko yung wedding preparation namin. Aminado din ako na minsan nawawala talaga sa isip ko si Reah. Hindi na ako yung dati na minuminuto hawak-hawak yung cellphone ko para i-check kung may text o tawag galing kay Reah. Sobrang laki ng nagbago saming dalawa. Nakakainis mang isipin pero totoong nawawalan na talaga ako ng oras sa kanya. Sana lang hindi sya magsawa sa sitwasyon naming dalawa.

"Kaye." Nagulat ako ng biglang magsalita si Reah. Tinatawag nya pangalan ko kaya akala ko gising na sya pero hindi.

Nananaginip sya.

"Reah?" Ginigising ko sya. Maya maya lang dumilat na sya at napatingin sa'kin. "Nananaginip ka Reah. Okay ka lang ba?" Tanong ko habang inaayos ko buhok nya.

"Ang sama ng panaginip ko." Sagot nya sabay yakap sa'kin.

"Hayaan mo na panaginip lang yun." Niyakap ko na lang din siya.

"Kaye?" Tawag nya. Napatingin ako sa kanya. "Di ba maaga ka ngayon bakit hindi ka pa bumabangon?" Tanong nya.

"Mamaya na, ineenjoy ko pang katabi ka." Sagot ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

"Pero importante yung meeting nyo ngayon di ba?" Tanong nya.

"Reah mas importante ka. Madali namang lusutan yun hayaan mo na lang muna ako dito sa tabi mo. Kung pwede nga lang wag ng pumunta dun hindi na ako babangon dito eh."

"Sira ka talaga! Ikaw bahala pero pumunta ka ha. Anung gusto mong breakfast magluluto ako?" 

"Kahit anu basta luto mo."

"Okay." Sabi nya habang patayo na sya pero hindi ko sya binibitawan nakawak lang ako sa bewang nya.

"Kaye patayuin mo na ako para makapag-breakfast ka na."

"Mamaya na please. Dito ka na muna namiss kita eh."

"Kaye male-late ka nyan."

"Reah please kahit saglit lang. Hindi mo ba ko namiss?" 

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon