BITTER TO BETTER

2K 138 40
                                    

Hi guys!

Kamusta? Kayo ha kinikilig kayo pag naughty si Kaye haha. Pinapaalala ko lang po FANFICTION lamang po ang story natin ha haha. Baka Mainlove kayo ng bonggang bongga sa character ni Kaye dito. Hindi ko naman alam kung ganito ba talaga sya in real life hahaha. Pero alam ko inlove na kayo kahit di ko na sabihin 😄😄😄. Laklak realidad minsan ha hahaha. Ayaw kong nasasaktan kayo kaya paghihiwalayin natin sila ni Reah haha (joke lang).

SA MGA PUPUNTA SA OCTOBER 13. Pahug na lang ako kay Kaye ha. Hug lang ha. Bawal kiss. Masasaktan ko kayo 😂😂😂. Charr lang! 😈.

Alam ko naghintay kayo sa sobrang tagal sa update ko haha at alam ko din na naguguluhan na kayo sa mga nangyayari at hindi nyo na mahintay yung flashback haha. Sorry naman. Oh eto na pampakilig lang bago tayo magflashback ng bongga 😊😊😊.

Enjoy!











*****

REAH'S P.O.V.

"Buti naman at naisipan nyo ng lumabas." Sabi ni Kim pagkakita nya samin ni Kaye.

Kakalabas lang naming dalawa ni Kaye ng kwarto. Hapon na pero ngayon pa lang kami kakaen.

"Anu ba kasing ginawa nyo bakit ang tagal nyo?" Tanong ni Nicky.

"Ha? Wala. Nag-ayos lang kami ng gamit namin." Nauutal na sagot ko. Bakit kinakabahan ako sa tanong nila. Anung problema ko. Anu naman ngayon kung malaman nila ginawa namin ni Kaye. Sa pagkakaalam ko ayun naman talaga gusto nilang mangyari.

"Nag-ayos ng gamit o nang isa't isa?" Nakangising tanong ni Nicky.

Nagulat ako sa tanong nya. Hindi ako nakasagot. Napatingin lang ako kay Kaye. Tumatawa sya. Pakiramdam ko nag-init at namula pisngi ko. Nakakahiya.

"Oh sya! Tara na nagugutom na ako. Mamaya na kayo mag-asaran." Aya ni Kim.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng lodging na tinutuluyan namin. Naghanap kami ng makakainan namin. Hindi ko alam kung bakit naiilang na ako kay Kaye. Okay naman kaming dalawa kanina. Sa tuwing mapapatingin ako sa kanya at titignan nya din ako nararamdaman kong nagbablush ako. Pakiramdam ko bumabalik ako sa dating ako. Yung dating Reah na unang beses kinilig ng dahil kay Kaye.

Naalala ko na naman nangyari kanina. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Kaye at sa labi nya. Yung mga halik nya na parang ayaw ko ng matapos. Pero pagkatapos lang din ng mga nangyari kanina parang wala lang din. Balik lang din kami sa normal na magkaibigan lang.

"Reah? Hoy Reah!" Tawag ni Kim. Hindi ko napansin na kanina pa nya ako tinatawag.

"Sorry. Anu yun?" Tanong ko.

"Anung problema mo? Bakit tulala ka?" Tanong nya habang paupo kami sa table namin. Si Kaye at Nicky ng umorder ng pagkaen namin.

"Ha? Wala." Sagot ko.

"Wala daw. Magkwento ka na dali. Anung nangyari kanina sa kwarto nyo bakit natagalan kayo?" Nakangising tanong nya.

Hindi ako makasagot sa kanya. Hindi ko alam kung magkukwento ba ako.

"Wala naman akong ikukwento Kim." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Asus. Kilala kita Reah. May nangyari no?" Tanong nya.

"Wala!" Sagot ko. Pakiramdam ko namumula ako.

"Hahaha. Eh bakit namumula ka?" Natatawang tanong nya.

Hinawakan ko muka ko. Nakakainis sya.

"Anu nga Reah? Anu na ba kayo ni Kaye?" Tanong nya.

"Wala. Magkaibigan lang kami." Sagot ko.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon