COUSINS

1K 54 20
                                    

REAH'S P.O.V.

Isang araw pagkatapos ng bakasyon namin hinatid na namin sa airport sila Tito at Tita. Ngayon sila uuwi ng Davao kasama si Jed at Kamille.

Pagkahatid namin sa kanila umuwi din agad kami ni Kaye dahil sasamahan ko ngayon si Mama sa pupuntahan nyang event. Ayaw ko sanang sumama dahil gusto ko munang bumawi kay Kaye ngayon pero wala eh. Wala akong magagawa dahil mapilit si Mama at mukhang may importanteng lakad din si Kaye.

Pagkauwi namin sinalubong na agad ako ni Mama para sabihing aalis na kami mamaya.

"Ma pwede bang si Nica na lang ulit isama mo?" Pang 100 times na tanong ko na to kay Mama.

"Reah ikaw na lang para matulungan mo din ako at saka madami kang matutunan dun kaya wag ka ng makulit." Sagot ni Mama sabay alis at punta sa kitchen

"Sige na Reah sumama ka na." Nakangiting sabi sakin ni Kaye.

"Sumama ka na lang din kaya." Natawa sya sinabi ko.

"Hindi po pwede may lakad kami ni Ms. Ad di ba nasabi ko na po sayo yun?" Malambing na paliwanag nya.

"Ang dami ko pa namang planong gawin ngayon na kasama ka. Oh sya sige basta itext at tawagan mo ko pag di ka na busy ha." Nakasimangot na sabi ko.

"Opo. Sige na mag-ayos ka na para naman mas maganda ka sa event na pupuntahan nyo." Nakangiting sabi nya.

"Mas maganda talaga?"

"Oo kasi maganda ka na eh kaya kapag nag-ayos ka pa mas lalo kang gaganda." Natawa ako sa sinabi nya. Grabe ang korni na naman nya.

"Okay sige Mr. Bolero." Natatawang sabi ko.

"Ingat kayo ha. Aalis na din ako." Pagkasabi nya nun nawala na naman yung ngiti sa mukha ko.

"Agad?"

"Oo Reah kailangan ko ng umalis baka malate ako sa usapan namin."

"Okay sige. Ingat ka ha. See you later. I love you."

"I love you more. Sendan mo ko ng picture mo pagnakaayos ka na para makita ko kung gaanu ka kaganda." Natawa na naman ako sa sinabi nya.

"Ewan ko sayo! Sige na ingat ka ha. Bye. Love you." Sabi ko sabay halik sa kanya.

Hindi na nagsalita si Kaye. Nagpaalam na din sya kay Mama at saka nagmadaling lumabas ng bahay. Tinignan ko lang syang makapasok sa kotse nya hanggang sa makalabas na sya ng gate.

Kakahiwalay pa lang naming dalawa miss ko na agad sya. Kinuha ko saglit cellphone ko at tinext sya. Alam kong makulit ako pero gusto ko lang talaga syang makasama ng mas matagal ngayon.




Babe baka magbago pa isip mo. Text mo lang ako ha ;) I love you!


Pagkasend ko ng text ko sa kanya umakyat na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa loob tinignan ko ulit cellphone ko para icheck kung nagreply sya pero mukhang hindi nya napansin yung text ko kaya nagtext ulit ako.


Babe, I can't decide what to wear. Help mo naman ako. Pili ka. Black or Red? Yung may lace o wala? ;)


Natatawa ako sa text ko. Alam kong matatawa din sya pagnabasa nya yun dahil alam nya kung anung ibig kong sabihin dun.


Uggh! Kainis! Can't find my red undies. Nakita mo ba?


Grabe natawa ako ng malakas sa text ko. Halatang nang-aakit na naman ako. Magte-text pa sana ako kaya lang biglang nag-ring yung cellphone ko.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon