UNFAITHFUL

869 60 21
                                    

Maygad!!!!!!!

Eto na!!! As you wish!!!

Enjoy!!!

😂😂😂









*****



KAYE'S P.O.V.

"Bakit ngayon nyo pa naisipan to?" Tanong ko kay Tyng pagkadating ko sa studio.

"Wala na din kasi tayong oras at saka saglit lang to. Paalis na kasi si Jane papunta ng Canada." Nagulat ako sa sagot nya.

"Ha? Aalis sya?"

"Oo may mga dapat daw syang asikasuhin sa Canada kaya babalik na lang daw sya pag okay na lahat dito." Sagot nya.

"At talagang ngayon pa natyempo sa araw na to kung kailan kailangan ako ni Reah." Naiinis na sabi ko.

"Bakit anung nangyari kay Reah?" Tanong nya. Wala pa nga pala syang alam.

"May problema sa site nila Reah kagabi may aksidenteng nangyari kaya ayun hindi mapalagay si Reah." Sagot ko.

"Ha? Teka kamusta sya?"

"Okay naman si Reah wala naman sya sa site nung nangyari yun eh si Jessy lang pero okay na sya kaya lang ang masama may isa pang trabahador nila yung nasa hospital pa din hanggang ngayon."

"Ganun ba kawawa naman pala si Reah."

"Kaya nga naiinis ako kung bakit wala ako sa tabi nya ngayon, dapat kasama nya ko. Teka nasan na ba kasi sila? Bakit ang tagal?" Naiiritang tanong ko.

"Padating na daw sabi ni Janna." Sagot ni Princess.

"After nito aalis na agad ako." Sabi ko.

"Agad-agad?" Biglang tanong ni Jane pagkadating nila ni Janna.

"Oo." Sagot ko.

"Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan buti nakarating ka pa nga pala no. Kamusta anniversary nyo?" Nakangiting tanong ni Jane na parang nang-iinis pa.

"Wala akong panahong makipagkwentuhan Jane nagmamadali ako." Sagot ko.

"Ay ang hard naman pero sige okay lang pero sana bago ako umalis makita ko si Reah para naman masabi ko sa kanya yung mga gusto kong sabihin na hindi ko nasabi noon." Nakangiting sabi nya. Nakakainis na talaga sya.

"Hindi na kailangan. Wag ka ng mag-abalang kausapin sya."

"Bakit naman? Natatakot ka ba?" Tanong nya.

"Tama na yan. Kayong dalawa talaga hindi na kayo nagkabati. Away kayo ng away. Tara na magsimula na tayo." Singet ni Janna. Hindi na ako nagsalita tinignan ko lang ng masama si Jane na parang tuwang tuwa na nainis nya na naman ako. Naalala ko na naman lahat ng napag-usapan namin sa Aklan. Baliw na talaga sya.








































*****

REAH'S P.O.V.

Sinusubukan ko pa ding tawagan si Kaye pero kahit isa sa mga tawag ko wala syang sinagot. Kanina pa napapatingin tingin sakin si Jessy. Gusto nyang magsalita pero alam kong pinipigilan nya lang sarili nya dahil natatakot syang may masabing mali. Naiinis ako dahil sa mga nangyayari at mas lalong nadadagdagan dahil hindi sumasagot si Kaye.

"Bakit ba hindi ka sumasagot?"

"Baka naman busy lang Reah malapit na din naman tayo kaya wag mo ng tawagan." Sagot ni Jessy kahit hindi naman sya yung tinatanong ko.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon