GIVE ME A CHANCE

807 65 27
                                    

Eto na!!

Ituloy na natin to. Paplay na lang ng GIVE ME A CHANCE. Thanks.

Enjoy!!!








*****

REAH'S P.O.V.



"Sa'kin."


Nagulat ako sa boses na narinig ko. Nasa likod ko sya pero kahit hindi ko sya tignan kilala ko na kung sinu sya.


"Iwan ko na muna kayo aakyat na ko sa taas para makapag-usap kayong dalawa." Pagkasabi ni Lola nun umalis na sya.


Hindi pa din ako umaalis sa pagkakatayo ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ko alam gagawin ko. Hindi ko na talaga alam. Nandito sya at hindi ako ready para dito. Anung ginagawa nya dito? Paanu nya nalaman na nandito ako? Sinabi kaya sa kanya ni Mama? Pero nagpromise sya sakin na hindi nya sasabihin. Anu ba Reah? Mag-isip ka. Magsalita ka. Paalisin mo sya dito hindi sya dapat nandito.


"Reah?" Lumapit sya sakin.


"Anung ginagawa mo dito?" Galit na tanong ko humarap ako sa kanya. Ngayon ko na lang ulet sya nakita. 


"Gusto lang kitang makita."


"Hindi ka na dapat nagpunta dito."


"Reah galit ka pa din ba?"


"Obvious ba?"


"Reah I'm so sorry please patawarin mo na ako hindi ko naman talaga ginusto lahat ng---"


"Kaye wag na muna nating pag-usapan pagod ako at gusto ko munang magpahinga."


"Reah."


"Kaye please! Kaya nga ako pumunta dito para layuan ka dahil ayaw ko ng ganito. Ayaw kong pag-usapan natin tong bagay na to dahil hanggang ngayon naiinis pa din ako sayo. Nandito pa din yung inis at galit na pinaramdam mo sakin nung nalaman kong niloko mo ko."


"Reah hindi kita niloko."


"Eh anu? Naglihim ka? Nagsinungaling ka? Pinagmuka mo kong tanga? Anung pinagkaiba nun sa niloko ha Kaye? Di ba wala naman."


"Reah please let me explain. Oo alam kong galit ka pero please kahit ngayon lang naman pakinggan mo ko. Isang lingo na tayong hindi nagkita Reah at nahihirapan na ko sa sitwasyon nating dalawa. Reah alam mong hindi ko kayang malayo sayo kahit isang araw lang kaya etong ginagawa mo sakin ngayon sobra sobra na to kaya please Reah patawarin mo na ko."

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon