PRETEND

1K 69 25
                                    

Hi Guys!!

March na pero hindi pa din tapos tong napakahabang story na to haha. Gusto ko na syang tapusin pero parang ayaw nyo hahaha.

Guys sorry late ulet ha hindi ako masyadong nakakapag-update dami lang talagang ganap sa life. Sana maintindihan nyo huhuhu hahaha.. (baliw lang)

Sana sa update ko na to maintindihan nyo yung part ng bawat character. Hindi ko lang basta basta ginagawa yung story na to at hindi talaga sya madali guys kasi every update I make sure na hindi sya nalalayo sa reality. Lahat ng problema at sitwasyon nilang dalawa madalas maraming nakaka-experience at relate na relate yung iba hahaha.

Thank you guys sa pag-aabang palagi sa update ko ha kahit minsan paasa ako pero guys comment or PM lang kayo kung may mga gusto kayong ishare sakin ha para naman makakuha ako ng ibang idea para na din sa mga bagong stories na gagawin ko. So guys! #tarausaptayo hahahahahaha.

Oh sya eto na haba na naman ng sinasabi ko.

Enjoy!!!








*****


KAYE'S P.O.V.


Sobrang aga pa ng magising ako at napatingin ako sa katabi ko. Napangiti ako bigla ng makita ko syang nakayakap sakin. Inayos ko higa ko para mayakap ko din sya ng maayos. Naramdaman kong gumalaw sya kaya nagdahan-dahan ako sa paggalaw ko. Tinignan ko agad kung nagising ko ba sya buti na lang at mahimbing pa din tulog nya. Umayos ulet ako ng paghiga ko at hinalikan ko sya sa noo nya. Tinignan ko lang si Reah. Ngayon ko na lang ulet sya nakatabi ng ganito sobrang tagal na nung huling beses na nakasama ko sya.


Napangiti na naman ako ng maalala ko mga nangyari kahapon at lalo na kagabi. Sobrang sarap sa pakiramdam dahil alam kong okay na kami. Nag-I love you na din sya sa wakas at ang kulang na lang bumalik na ulet kami sa dati. Madami kaming dapat habulin ni Reah dahil ilang araw na lang bago yung kasal naming dalawa. Dapat tawagan ko si Kim mamaya para manghingi ng tulong sa paghahanda at dapat kausapin ko na din si Reah tungkol dun.


"Ang aga pa." Nagulat ako ng bigla syang magsalita. Napatingin sya sakin.


"Good morning." Nakangiting bati ko.


"Good morning. Bakit ang aga mong nagising?" Tanong nya.


"Hindi ko din alam." Sagot ko sabay tingin sa orasan. Sobrang aga pa nga, 3 a.m. pa lang.


"Matulog pa tayo." Sabi nya sabay yakap ng mahigpit sakin. Natawa ako sa ginagawa nya.


"Namiss mo?" Tanong ko.


"Miss ko na teddy bear ko." Natawa ako sa sagot nya.


"Buti pa yung teddy bear nya namiss nya, ako kaya?" Nakangiting tanong ko. Napatingin ulet sya sakin.


TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon