FIRST DAY

1.6K 75 27
                                    


Hi guys!

Sabi ko sa inyo mamimiss ko kayo eh hahaha. Mag update lang ako ng isa kasi may sasabihin ako. Hindi ko po kasi alam kung ako lang ba nakakaexperience nito. Ilang araw na po kasing nagloloko Wattpad ko 😢. Kaya nahihirapan talaga akong mag-update sa totoo lang tapos nasira pa SD Card ko 😂. I'm so sorry guys.

Pero eto. May update ako. Sana magustuhan nyo. Alam ko nasad kayo dahil ang tagal nito. Kaya bibigyan ko kayo ng isang update. Yehey!!!😊
Pero itutuloy ko pa din po yung isang bagsakan😊. Dahil super busy lang po si author. Ayiiee may ginagawa ako na sana matuloy. (Sana.sana.sana.🙏🙏🙏)

Eto na guys! Isa muna. See you on December 10. Sa mga wala pang tickets dyan. Guys! Anu pa hinihintay nyo? Ayaw nyo ba akong makita ay este si Kaye Cal pala? Haha malay nyo nandun din si Nicky at Kim (malay nyo lang) 😆😅😊.


Enjoy!!!












*****


REAH'S P.O.V.




Nagising akong yakap yakap ako ni Kaye. Napangiti ako ng makita ko kung panu sya nakayakap sakin. Gusto ko pa syang tabihan hanggang sa magising sya kaya lang kailangan ko ng bumangon para pumasok. Unang araw ko ngayon sa office kaya dapat hindi ako malate. Tinanggal ko kamay ni Kaye na nakayakap sakin ng dahan dahan. Ayaw ko syang istorbohin sa pagtulog nya.

Pagkabangon ko dahan dahan kong hinalikan si Kaye at saka kinumutan. Magluluto muna ako ng breakfast namin bago ako magready sa pagpasok ko. Habang naghahanda ako ng lulutuin ko kinuha ko phone ko at tinawagan si Mama. Kahapon din sila lumipat ng bahay kasama si Ninong.

"Good morning Ma." Bati ko agad pagkasagot nya.

"Good morning Reah. Bakit ang aga mo?" Tanong agad ni Mama. Mukang nagising ko sya sa tawag ko.

"Itatanong ko lang po kung okay lang po ba kayo dyan?"

"Okay naman kami dito. At buti na lang din tumawag ka. Nag-usap nga pala kami ni Jessy kahapon balak sana namin mag-ayos pa dito kaya lang may pasok na kayo mamaya kaya plano namin sa weekends na lang. Sama na din kayo ni Kaye para makapili kayo ng ibang gamit nyo dito sa bahay." Pagkasabi ni Mama nun napatingin ako kay Kaye. Natutulog pa din sya.

"Sa akin po okay lang. Itatanong ko po muna kay Kaye kung pwede sya." Sagot ko habang niluluto ko na pagkaen namin.

"Ganun ba. Nga pala Reah hindi ba talaga kayo lilipat dito?" Nag-umpisa na namang magtanong si Mama.

"Ma. Di ba po napag-usapan na natin yan. Hindi ko po maiiwan ngayon si Kaye. At isa pa. Gusto po namin ni Kaye ng sarili naming bahay. Kaya before or after ng wedding baka maghanap din kami ng bahay namin." Sagot ko.

"Sayang naman kasi. Ako lang nandito at si Jessy. Masyadong malaki yung bahay para saming dalawa."

"Ma wag nyo na pong ipilit yan. Nag-usap na po tayo dyan kagabi. Sige na po Ma magready na ko para mamaya. Teka gising na po ba si Jessy?" Tanong ko para maiba yung usapan.

"Hay naku. Sige na nga. Gigisingin ko na lang mamaya si Jessy maaga pa naman." Pagkasabi ni Mama nun. Nagulat ako ng may biglang humawak sa bewang ko at yumakap sakin. Gising na si Kaye. Napangiti ako sa kanya.

TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon