With All My Heart

By Muriaticalyy_

5.6K 656 145

Dalawang babaeng magkaiba, ngunit konektado sa isa't isa. Si Aphro na nag-hahanap ng hustisya't matapang at s... More

With All My Heart
Prologue.
Chapter 1: First day of classes.
Chapter 2: New Friends.
Chapter 3: Dustin The Hero!
Chapter 4: "Pim."
Chapter 5: The Vantablack.
Chapter 7: Trav's Treat -IT'S A MIRACLE!
Chapter 8: Party -EXPLOSION!
Chapter 9: Curiosity can kill you.
Chapter 10: "Where's Prim?"
Chapter 11: Acquaintance Party 1.
Chapter 12: Acquaintance Party 2.
Chapter 13: Side effect.
Chapter 14: Suffering Innocents.
Chapter 15: The Letter and The Death Threat.
Chapter 16: After the Tragedy.
Chapter 17: Stuck.
Chapter 18: The Boss.
Chapter 19: Capo Grease.
Chapter 20: The Gang Fight.
Chapter 21: The Gang Fight 2.
Chapter 22: His wounds, Her cure.
Chpater 23: The Oplan Outing.
Chapter 24: Trip to Albay.
Chapter 25: The Outing prt 1.
Chapter 26: Dustin's Shocking Words of Wisdom.
Chapter 27: Beachin'.
Chapter 28: Danger.
Chapter 29: The Feather.
Chapter 30: Good Bye Albay.
Chapter 31: Sweet Planet.
Chapter 32: The Red Velvet Cake.
Chapter 33: Sleep over.
Chapter 34: Curious.
Chapter 35: Secret Admirer.
Chapter 36: Maling Akala.
Chapter 37: Try Out.
Chapter 38: Videoke Bar.
Chapter 39: FIGHT?!?!
Chapter 40: Opening of Interhigh.
Chapter 41: Intherhigh.
Chapter 42: Interhigh-Confession.
Chapter 43
Chapter 44: Interhigh
Chapter 45: Last day of Interhigh-DATE?!
Chapter 46: "Vaporub."
Chapter 47: The transferee.
Chapter 48: Videoke Bar-RIS VS. SOL.
Chapter 49: The Announcement.
Chapter 50: The Masquerade Ball.
Part Two
Chapter 51: Liv's other side.
Chapter 52: Parking Area.
Chapter 53: Sleepless Night.

Chapter 6: Bad, Dustin! Bad!

142 18 7
By Muriaticalyy_

PRIM'S POV.

Naglalakad na ako papasok nang bigla akong mapaatras at napatingin sa may veranda.

S-si Dustin ba 'yon?

Dahan dahan akong lumapit sa Veranda at hinawi ang kurtinang nakaharang sa glass door.

Si Dustin nga.

Nakayuko siya at nakasandal sa itim na motor.

“Anak? Bisita mo ba 'yong lalaki sa labas?”

Nanatili akong nakatingin kay Dustin, naramdaman ko ang pag lapit ni mommy at hinawakan ako sa mag kabilang blikat at nakisilip sa labas.

“Sino siya, anak?”

“Kaklase ko po siya.”

“Anong pangalan niya?”

“Dustin. Dustin Gordon.”

“Anong ginagawa niya dito sa ganitong oras?”

“Hindi ko po alam.”

Sandaling katahimikan ang namutawi, napalingon ako kay mommy at nakita ko siyang nakangiting nakatingin kay Dustin.

“Anak.. bumaba ka kaya at lapitan siya?” Nakangiting tugon nito at napatingin saakin.

Ngumiti rin ako pabalik at tumango, pumasok ako sa kwarto ko at nag palit ng damit. Pagkatapos kong mag palit ay agad akong bumaba't lumabas.

No'ng nakalabas na ako sa gate ay dahan dahan siyang napatingala saakin.

A-ang gwapo niya!

“D-dustin..”

Nakatingin lang siya sa'kin, napatulala ako ng makita ko ang mapungay niyang mga mata. Naiiwas niya ang paningin niya.

“P-pwede mo ba 'kong samahan?” Biglang sabi niya na nakatingin pa rin sa kawalan.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“S-saan?”

Hindi niya ako sinagot at sumakay na lamang sakanyang motor at ginulo ang kanyag buhok at bigla akong nilingon.

Binigyan niya ako ng tingin na parang sinasabing.. sumakay-ka-na.

Medyo nataranta naman ako kaya agad akong lumapit at sumampa sa motor niya.

Napatulala naman ako sakanya nang ilagay niya ang helmet niya sa ulo ko.

“Kumapit ka ng mahigpit.” Sabi niya, kaya nama'y sumunod ako agad sa sinabi niya.

*vruuuuuuum*

Napayakap ako sa bewang niya sa biglang pagpatakbo ng mabilis ng kanyang motor.

*sniff*

N-nakainom ata si Dustin.

Amoy alak kasi siya..

Matapos ang sampong minuto ay hininto na niya ang motor kaya nama'y dali dali akong bumaba.

Nang makababa na siya'y agad siyang nag lakad, kaya nama'y sinundan ko lang siya.

Hanggang sa marating namin ang isang daang napapagitnaan ng dalawang nagkakapalan at nagtataasang kulay puting pader. May nakalagay ring sign na No trespassing. Private Property.

Bahagya pa akong napahinto at hinila ang jacket ni Dustin, napahinto rin siya pero hindi man lang lumingon.

“B-bawal ata tayo dito..”

“H'wag kang mag alala. Pag aari 'to ng pamilya namin.” Sabi nito at naglakad muli.

Napahinto nanaman ako sa paglalakad nang makita ko ang kabuoan ng lugar.

Nakakamangha ito sa ganda..

May mga alitaptap na nag bibigay liwanag sa dilim, nakita ko namang nakaupo sa ilalim ng puno na malapit lang sa lawa si Dustin.

Dahan dahang akong lumapit sa tabi ni Dustin at naup, deritso lang ang tingin niya sa lawa.

“A-ahm. Anong g-gawin natin d-dito?” Tanong ko ngunit hindi man lang nag abalang lingunin ako at sagutin.

Ang tahimik -.-

“A-ano nga palang ginagawa mo sa labas n-ng bahay namin?”

'Gaya kanina, hindi n'ya pa rin ako sinagot.

“'Yong totoo? Bat mo pa ko sinama kung hindi ka naman magsasal--”

“Will you please shut your mouth?!” Inis na sigaw niya.

Napapahiyang napayuko naman ako habang nanlalaki ang mata, dumaan ang ilang minuto at nanatili kaming tahimik.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at naramdaman kong tumayo siya..

“Tumayo ka na riyan. Malalim na ang gabi.” Sabi nito habang nakapamulsang nag lakad.

“Grrrr! Nakakainis talaga ang ugali n'ya! Arrrg! I can't even!” Inis kong sabi at padabog na tumayo at sinipa ang hindi kalakihang bato ngunit..

*boooooom*

A-ARAAAAAY!”

Nadapa ako! Mwesit! Nagkasugat pa tuloy ako!

Tatalon talon akong nag lakad hanggang sa marating ang labas subalit..








NASA'N NA S'YA?!

Nanlulumo at bagsak ang mga balikat akong nag lakad pabalik sa bahay habang iniinda ang sakit ng sugat ko.

Nakakainis ang kasamaan niya!

“Nakakainis ka talaga kahit kailan! Huhuhu!”

*beeeeeep*

“Ay butiki!” Bahagya pa akong napatalon sa gulat at dahan dahang napalingon.

“Prim?”

“VEXX!”

Dali dali siyang bumaba sa kotse niya at nilapitan ako.

“Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba? Bat pagala gala kang mag isa ng ganitong oras?”

“Eh pa'no ba naman?! 'Yong ubod ng bait mong kaibigan iniwan lang naman ako!” Ngumangawang sabi ko.

“Ha? Sino?”

“Si DUSTIN! HUHUHUHU! Sinama sama niya ako do'n sa lugar na maganda tapos hindi naman nag sasalita! Tapos sinigawan pa ako! Tapos iniwan ako! Huhuhuh bat ang sama sama ng kaibigan mo ha, Vexx?!” Sumbat ko sakanya.

“Uy grabe 'to! 'Di naman 'yon masa--”

“MASAMA S'YA! HUHUHU.” Sigaw ko at bahagya pa niyang naiharang sa mukha niya ang dalawang kamay niya.

“O-okay, okay! Masama s'ya! Saan bang magandang lugar ang sinasabi mo?”

“'Yong may makakapal at matataas na kulay puting pader na my sign na no trespassing. Private property!” nanlaki ng mga mata ni Vexx.


“DINALA KA N'YA DO'N?!”

“O-oo! 'Wag mo nga akong sigawan! Huhuhu.”

“S-sorry. Hindi l-lang ako m-makapaniwala.” iiling iling n'yang sabi.

“Anyways, saan ba ang bahay mo? Ihahatid na kita.”

Nagliwanag naman ang mukha ko at dali daling tumakbo papasok sa kotse n'ya at tatalon talon na naupo sa passengers seat habang lilinga linga sa kabuoan ng kotse.

Namamanghang sabi ko.

Nakita ko namang iiling iling na pumasok sa kotse si Vexx, tinuro ko lang sakanya ang bahay at nag daldalan habang nasa biyahe.

“Tama na. Itigil na natin 'to.” Seryosong sabi ko, nagtatakang hininto ni Vexx ang kotse at napatingin sa'kin.

“B-bakit?”

“Nandito na tayo hihi. Salamat sa pag hatid! Ingat ka.” Nakangiti at naka peace sign kong sabi.

Napapailing naman s'yang napatingin sa labas ng bintana at nakita kong nagulat s'ya.

“D-d'yan ka nakatira?” Gulat pa ring sabi niya.

Nagtatakang napatango ako sakanya.

“A-ah.. s-sige. Una na ako, malalim na masyado ang gabi.”

“Ahh.. oo nga pala. Salamat sa pag hatid. Ingat ka.”

“Sige, kitakits bukas.” Nginitian ko lang s'ya at bumaba na sa kotse niya.

Hinintay ko munang makalayo siya tsaka ako pumasok sa bahay.

×××

THANK YOU FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT! ALYVYOU <3

FOR IMPORTANT UPDATES FOLLOW ME AND MESSAGE ME AT:

Twitter: @Muriaticalyy_
Instagram: @muria.ticalyy
Facebook page: https://www.facebook.com/MuriaticalyyOfficialPage/

THANK YOU!

-m u r i a t i c a l y y ♡

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...