MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPI...

Da emoon11

931K 21.6K 852

ISINULAT NI EMOON11 || Sa lugar ng Bezna kung saan ay napapalibutan ng mga bampira at mga nilalang ay hahanap... Altro

MYSTERIOUS VOICE I • THE VAMPIRE KING'S MATE
KABANATA 1 • BAHAGI 1
KABANATA 1 • BAHAGI 2
KABANATA 1 • BAHAGI 3
KABANATA 1 - BAHAGI 4
KABANATA 2 • BAHAGI 1
KABANATA 2 - Bahagi 2
KABANATA 2 - Bahagi 3
KABANATA 3 - Bahagi 1
KABANATA 3 - Bahagi 2
KABANATA 3 - Bahagi 3
KABANATA 3 - Bahagi 4
KABANATA 4 - Bahagi 1
KABANATA 4 - Bahagi 2
KABANATA 4 - Bahagi 3
KABANATA 4 - Bahagi 4
KABANATA 5 - Bahagi 1
KABANATA 5 - Bahagi 2
KABANATA 5 - Bahagi 3
KABANATA 5 - Bahagi 4
KABANATA 6 - Bahagi 1
KABANATA 6 - Bahagi 2
KABANATA 6 - Bahagi 3
KABANATA 6 - Bahagi 4
KABANATA 7 - Bahagi 1
KABANATA 7 - Bahagi 2
KABANATA 7 - Bahagi 3
KABANATA 7 - Bahagi 4
KABANATA 8 - Bahagi 1
KABANATA 8 - Bahagi 2
KABANATA 8 - Bahagi 3
KABANATA 8 - Bahagi 4
KABANATA 9 - Bahagi 1
KABANATA 9 - Bahagi 2
KABANATA 9 - Bahagi 3
KABANATA 9 - Bahagi 4
KABANATA 10 - Bahagi 1
KABANATA 10 - Bahagi 2
KABANATA 10 - Bahagi 3
KABANATA 10 - Bahagi 4
KABANATA 11 - Bahagi 1
KABANATA 11 - Bahagi 2
KABANATA 11 - Bahagi 3
KABANATA 11 - Bahagi 4
KABANATA 12 - Bahagi 1
KABANATA 12 - Bahagi 2
KABANATA 12 - Bahagi 3
KABANATA 12 - Bahagi 4
MENSAHE NG MAY - AKDA
PASASALAMAT NG MAY - AKDA
MGA BIDANG TAUHAN
MGA SUPORTING KARAKTER
MGA KANTA SA KWENTO
MGA KATAYUAN NG GENRE
MAY - AKDA
MGA PARANGAL (AWARDS)
MGA PATALASTAS (ADVERTISEMENT)

KABANATA 2 - Bahagi 4

18.9K 502 16
Da emoon11

~~~•••~~~

NAKATAYO sa harapan ang dalaga sa malaking mansyon. Napalula siya at napaabot tanaw sa matayog na mansyon. Nakita niya mula sa kanyang mata ang istruktura ng malaking mansyon. Ito ay ipininta sa kulay itim na may luntiang parte sa bawat poste ng bahay. May mga halaman din sa harapan ng bahay at itim na bakal na bakod sa paligid. Sa tabi ng bakod ay mayroon ding lampara na nakadikit sa hugis silindro (cylinder) na maliit na poste na yari sa malarosas na semento.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

Nagpasilip - silip ang dilag sa harapan ng bahay at tiningnan kung may tao sa malaking mansyon.

"Tao po!," sigaw ng dilag.

"Tao po! Lola Swara si Scarlett po ito!," dagdag pa niya.

Ilang minuto rin ang nakalipas ay wala pa ring lumabas na tao sa bahay. Umihip ang malakas na hangin kaya biglang nagbukas ang maliit na pintong daan sa bakuran. Dahil doon ay napaisip ang dilag kung siya ba ay papasok o hihintayin na lang na may taong umanyaya sa kanya na pumasok. Ngunit huli na nang makita niya ang kanyang sariling paa sa loob ng bakuran. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil may sariling isip ang kanyang mga paa upang gumalaw ng hindi niya namamalayan na para bang napahipnotismo siya. Dahil doon ay nagpatuloy na lang siya sa pagpasok papunta sa pinto ng bahay.

Nang aakma na siyang kakatok sa pinto ay bigla itong bumukas na walang kahit anong hanging gumalaw dito. Gayon na lang ang pagkataka niya sa hindi inaasahang pangyayari. Pumasok siya sa mansyon ng walang pag - aalinlangan.

"Tao po! Lola Swara!," pasigaw ng dalaga habang siya ay nasa loob ng mansyon.

Aakma na sana siyang sisigaw ulit ngunit sa isang iglap ay nadatnan niya ang isang lalaki na may mapupulang mata na umiilaw. Hinawakan nito ang panga ng dalaga. Binuhat ng paitaas ang dilag gamit lamang ang isang kamay nito hanggang sa hindi na maramdaman ng dalaga ang semento na kanyang kinatatayuan.

"Sino ka?," malamig na saad ng binata habang binubuhat ang dalaga.

"A ... a ....," sagot ng dalaga na tila ay nahihirapan sa pagsasalita habang nakatakip ang kanyang mukha ng itim na bandana.

"Papatayin na lang kita ----," saad ng binata.

"Tumigil ka Kieran! Siya ay aking panauhin," saad ng isang tinig.

Napatingin ang binata sa nilalang na pumigil sa kanya. Nawala ang mapula niyang mata nang makita ang matanda na nakatingin sa kanya. Dahil doon ay ibinaba niya ang dilag at inalis ang kanyang kamay sa panga ng dalaga na nakatakip ng bandana.

"Lola Swara," saad ng dalaga habang hinahawakan ang panga nito.

"Scarlett, kumusta ka na? Alam kong pupunta ka dito," pangiting saad ng matanda.

Matapos ang pangyayaring iyon ay pumunta sila sa salas. Nakaupo ang dilag sa malambot at malakapeng mahabang sopa (sofa). Sa gilid ng sopa ay may dalawa pang sopa na isang tao lamang ang maaring makaupo. Ang upuan ay yari sa antigong kahoy na may mga nakaukit na desinyo. Sa gitna ng mga sopa ay may malarosas na banig (mat). May mga gintong desinyo sa bawat sulok nito at antigong mesa na yari sa kahoy na siyang umaapak sa malarosas na banig. Sa itaas ng kisame ay nakasabit ang aranya (chandelier) na hugis plorera. May marami itong plorera na tila ay mga lampara na umiilaw. Ang bintana ng salas ay nakadesinyo ng may maarkong tupi (folds) ng telang kulay kape. Ang pader ay ipininta sa kulay punong kahoy na may nakadikit na larawang ipininta ng pintor.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng lugar sa kwento.)

Inilagay ng matanda ang kulay niyebeng babasaging tsarera (teapot) kasabay din ang dalawang maliliit na tasa na inilagay sa bilog na bandeha (tray). Nilagyan niya ng tsokolateng inumin ang dalawang tasa at inabot niya ang isang tasa sa dalaga.

Tiningnan ng matanda ang ekspresyon ng dalaga. Nakita niya ang malungkot na mga mata nito na tila ay may pinapasang problema.


"Tila ay may problema ka Scarlett," saad ng dalaga.

"Lola Swara kasi may problema sa ampunan. Ginigipit kami ng gobernador dahil sa babayaring lupa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko ang mga batang nakatira doon, kapag wala na ang ampunan ay walang matitirahan ang mga bata," malungkot na saad ng dilag.

"Huwag kang mag - aalala Scarlett, tutulungan kita," pangiting saad ng matanda.

"Marami pong salamat lola Swara. Tatanawain ko po 'tong utang na loob kahit manilbihan po akong katulong dito upang mabayaran ang utang ko po sa inyo ay gagawin ko," mangiyak na saad ng dalaga.

"Kung 'yan ang gusto mo ay walang problema sa akin iyon," pangiting saad ng matanda.

"Seryoso ka ba dyan bunica (lola)?," agad na sambit ng binata habang nagbabasa ng libro.

Napatingin ang matanda sa kanya na tila ay maligaya na nakita ang dilag. Napatingin din si Scarlett sa kanya at nakita ang malakapeng mata ng binata na kanina lang ay naging pula. Ang kilay nito ay tuwid. May matangos itong ilong at malarosas na babaing labi. Ang mukha nito ay tila isang babae na may maamong wangis ngunit makikita pa rin ang lalaking katawan nito. May makulot itong buhok na maiksi hanggang balikat. Maganda rin ang hugis ng mukha nito na naangkop lamang sa kanyang anyo. Kung titingnan ay nasa dalawamput isang gulang ang edad nito.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng tauhan sa kwento.)

Nakasuot ito ng itim na damit na may mga puting tuldok na parang desinyo. May mataas itong manggas hanggang kamay ang haba. Sa loob ng kanyang damit ay may isa pang itim na damit na natatakpan ang kanyang leeg. Nakasuot din ito ng itim na salawal na terno sa kanyang kasuotan at itim at makinang na sapatos.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng mga kagamitan sa kwento.)

Nagtaka ang dalaga pagkat walang ekspresyong makikita sa mukha ng binata. Napatingin din ang binata sa kanya na wari ay binabasa siya nito mula sa isipan. Agad sumingit ang matanda ng salita sa binata habang umiinom siya ng kanyang inumin.

"Magaan ang loob ko sa kanya kaya pumayag ako at nag - iisa lamang ako sa mansyon kung kaya't gusto ko ng may kasama dito," pangiting saad ng matanda.

"Magsusubaybay pa rin ako dito," malamig na saad ng binata habang patuloy pa rin ito sa pagbabasa.

Matapos ang pag - uusap ay itinuro ng matanda ang bagong silid ng dalaga. Ang kanyang silid ay malapit lamang sa silid ng binata. Sa pagpasok niya doon ay nadatnan niya ang puting kama na may apat na posteng may puting manipis na kortina na nakadikit. Ang kutsyon at ang mga taluhaba at bilugang unan maging ang kumot ay yari sa puting sutla (silk). May mga gintong linya din ang kama na tila ay desinyo na aangkop sa puting kulay nito. Ang kama ay nakadikit sa puting pinintang kahoy na may gintong lamparang nakasabit. Sa tabi ng kama ay may maliit na puting aparador na may gintong linyang desinyo rin at malaking bintana na may kulay garing (white yellow) na kortina. Ang gilid din ng puting kisame ay may gintong linya. May malakapeng pader ito at malaniyebeng sahig.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng mga kagamitan sa kwento.)

Inilatag ng dalaga ang kanyang dalang bag sa sahig at napamangha sa nakita. Sa buong buhay niya ay ngayon lang ito nakakita ng ganoong silid. Minasdan niya ang kapaligiran sa silid at ito ay napangiti sa mga magagandang bagay na nakita. Hindi niya napansin na may kung sino pa lang tumitingin sa kanya mula sa kanyang likuran.

"Katakataka ....," malamig na saad ng nilalang habang sumasandal sa pader.

Biglang napalingon si Scarlett sa nilalang na nasa kanyang likuran. Nakita niya si Kieran na sumasandal sa pader habang nakatingin sa kanya. Nadatnan niya si Kieran na walang kahit anong ekspresyon ang mukha habang tumitingin sa kanya.

"Hindi ko naamoy ang samyo ng iyong dugo. Hindi ko rin mabasa ang iyong isipan, nakakapagtaka...," malamig na saad ng binata.

"Ha?," sagot naman ng dalaga.

"Sino ka ba talaga?," tanong ng binata na dahan - dahang naglalakad patungo sa dalaga.

"Ah ... ako si Scarlett," sagot naman ng dalaga na napangiti sa binata.

"Tila may binabalak ang aking bunica (lola) sa'yo. Hindi naman kaya ay ....," saad ng binata na biglang napaisip.

"Ikaw kaya ang itinakda? Siguradong pahihirapan ka lang ng vara (pinsan) ko. Kikilatisin ko ang iyong pagkatao bago ako magdedesisyong pahirapan ka o hindi," malamig na saad ng binata na bigla ring umalis sa harapan ng dalaga.

"Ha? Itinakda? Ano naman kaya 'yon? Napakamisteryo naman niya, di bale na nga," saad naman ng dalaga sa sarili.

Kinabukasan ay maagang nagising si Scarlett. Nang bumangon siya mula sa kama ay nadatnan niya ang puting damit na nakasabit sa malaking aparador. Ang aparador ay nakapwesto mula sa di kalayuan mula sa kanyang harapan. Ang damit ay yari sa bulak (cotton). Ang itaas na parte ng damit ay mahaba hanggang
kandungan (lap) na may malaarkong hugis mula sa dulo nito. May mga butones din na nakahanay ng patayo mula sa 'v - neck shape'. Ito ay may mataas ding manggas na kanyang itinupi (fold). Ang saya nito ay mahaba din hanggang paa.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

Matapos maligo ay isinuot niya ang damit. Tinakpan niya ang kanyang kwentas sa damit na suot. Ngayon ay nakaharap siya sa salamin at tinitingnan ang sarili. Ang damit ay sadyang bagay sa kanya ngunit mas nagiging kaakit - akit ito ng hindi niya tinakpan ang kanyang mukha ng bandana. Sa takot ng kanyang nakita sa salamin ay agad niyang kinuha ang itim na bandana at tinakpan ang kalahating mukha. Hindi niya mawari ang sobrang takot sa tuwing hindi niya tinatakpan ang sarili ng bandana. Alam niyang mapapahamak siya sa napakagandang mukhang taglay niya.

Matapos isuot ang damit ay itinali niya ang kanyang buhok ng istilong tirintas (braid). Dahil sa mahaba ang kanyang buhok hanggang puwet ay tila naging 'Rapunzel' siya ng pelikula.

Sa ibaba ng aparador ay nakita niya ang kulay gintong sapatos. May bilugang desinyo sa bawat dulo nito at may linyang nakatayo na umapaw sa dulo ng sapatos. Ang harapang parte naman ay may mga nakaukit na dahong hugis. Ito ay maganda at terno sa kanyang suot na damit.

(Ang larawang ito ay representanti lamang ng kagamitan sa kwento.)

Nagulat ang dalaga nang isinuot ang sapatos dahil ito ay kasyang - kasya sa kanya na tila ay ang bagay na iyon ay pagmamay - ari niya. Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas siya sa kanyang silid. Nang nasa labas na siya ng kanyang silid ay nadatnan niya si Kieran na walang ekspresyon ang mukha kung tumingin. Minabuti ni Scarlett na batiin ito.

"Magandang umaga," pangiting pagbati ng dalaga.

"Nakapagtataka, bakit tinatakpan mo ang iyong mukha ng bandana?," saad ng binata.

"Ah ... eh kasi marami akong taghiyawat kaya tinakpan ko na lang ang mukha ko," pagsisinungaling ng dalaga.

"Gano'n ba," sagot naman ng binata na tila ay hindi naniniwala sa dilag.

"Ah sige Kieran, maglilinis muna ako," saad ng dilag na nagmamadaling umalis sa kinaroroonan ng binata.

"Ano ba ang tinatago mo? Malalaman ko rin 'yon," malamig na saad ng binata na hindi man lang ngumingiti.

Agad umalis ang dalaga mula sa kinaroroonan ng binata. Malayo na ang agwat ng distansya nila sa isa't isa. Sa silid kung nasaan ang dalaga ay nakaramdam ito ng malamig na hangin na bumabalot sa buong paligid. Nakaramdam siya ng malamig na bagay mula sa kanyang braso.

Nagulat si Scarlett nang makita niya ulit si Kieran mula sa kanyang likuran. Pumula ang mga mata nito habang nakatingin sa dilag. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ng dalaga kahit nakikita niyang nasasaktan ito sa hawak niya. Hinatak niya ang dalaga sa labas ng bahay. Dahil doon ay napahawak si Scarlett sa pinto pagkat nakaramdam ito ng takot sa binata.

"Te ... teka ... ano ang ginagawa mo! Bitawan mo ako!," saad ng dalaga na tila ay nanginginig sa takot.

"Isasama kita sa Estic Deces (Death in East)," sagot naman ng binata.

"Ha? Ba ... bakit? Ano ang gagawin ko doon?," saad naman ng dalaga na natatakot pa rin.

"Wala dito si bunica (lola), mayroon siyang importanteng pinuntahan at mananatili siya doon ng isang linggo. Ipinaubaya ka niya sa akin," malamig na sagot ng binata.

"Oh sige, siguro ay pinagkakatiwalaan ka ni lola Swara. Kung gano'n ay wala dapat akong ikatakot sa iyo," sagot ng dalaga na tila ay nawala ang takot na nararamdaman.

Napatingin ang binata sa kanya. Nakita niya ang masayang ekspresyon ng dilag na may bahid ng inosenteng mukha. Naramdaman niyang gumagaan ang pakiramdam ng dalaga sa kanya. Dahil sa pakiramdam ng dalaga ay nawala ang mapulang mata ng binata. Siya ay ngumiti ng kaunti sa dilag at napaisip na ito nga ay kakaibang tao na ibinanggit ng kanyang lola. Binitiwan niya ang maiinit na braso ng dilag at isinakay niya ito sa kanyang itim na sasakyan.

~~~•••~~~

Continua a leggere

Ti piacerà anche

10.3K 367 20
|Complete | Till death do as part i love you. TIBO SERIES 2 Book 1: Kahit na ko'y Titibo Tibo Book 2: Tibo-Tibok
109K 3.2K 68
Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ni Scarlet pagkatapos niyang maging isang ganap na bampira? May mga panibagong hirap kaya siyang mararanasan? Kam...
373K 12.4K 55
Nilibot ko ang tingin sa paligid at mabilis na rumehistro sa akin ang lugar kung nasaan ako dahil minsan na akong nakapunta rito. Naaninag ko ang pam...
26.4K 1.1K 49
ISINULAT NI EMOON11 || Sa karagatang pasipiko kung saan matatagpuan ang dimensyon ng mga bampira, natagpuan ni Agata ang kasagutan. Kasagutan tungkol...