TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

GIRLFRIEND DUTIES part 2

910 54 31
By simply_author

Hi guys!!!

Alam nyo ba? Kasi ako di ko pa alam 😂😂😂 chaaarrr. Nakaisip na ako ng idudugtong sa story so ibig sabihin may extension tayo! Yehey! Hahaha.

Naeexcite ako sa mangyayari. Kinikilig na din at the same time hahaha. Yiieehh🤗😊.

By the way guys, sali na kayo sa Pa-GIVEAWAYS ko ha. Promise kapag yung design nyo yung nanalo hindi lang CD makukuha nyo pati yung T-Shirt at...... secret😄. So sali na guys!!!!!!

Enjoy sa update ko sana kiligin kayo!!











*****

REAH'S P.O.V.

"Oo sinabi na sakin ni Kamille kanina. Nagkita kami." Sagot ko sa tanong ni Kim habang tinutulungan ko syang magluto. Sya nakatoka ngayon na gumawa ng breakfast nila ni Nicky kaya anung oras na hindi pa din sila kumakain.

"Talaga? Nagkita kayo ni Kamille?" Gulat na tanong nya.

"Oo kahapon pa. Pa-check nga muna nito kung okay na." Sabi ko habang hinahalo ko yung niluluto ko.

"Okay na. The best ka talagang magluto pero syempre mas the best pa din si Nicky." Natawa ako sa sinabi nya. Pinatay ko na yung niluluto ko.

"Oo na. Tawagin mo na si Nicky at kanina pa gutom yun. Aalis na din ako." Sabi ko habang tinatanggal ko yung apron na suot ko.

"Wait. Saan ka pupunta?" Tanong nya.

"May lakad ako." Sagot ko. Ayaw kong sabihin na pupunta ako sa Condo ni Kaye para maglinis.

"Saan?" Tanong nya ulit.

"Dyan lang. Sige na aalis na ako ha. Tawagin mo na si Nicky dahil late na kayong magbre---" Napahinto ako bigla sa pagsasalita ko ng may narinig akong familiar na boses.

"Bakit?" Tanong ni Kim.

"May bisita ba kayo?" Tanong ko.

"Bisita? Ikaw lang nam--- OMG! I forgot pupunta nga pala ngayon si Kaye!" Tuwang tuwang sabi nya sabay hila sakin palabas ng kitchen.

"Wait! What?!" Gulat na tanong ko.

"Sige na Kaye mamaya ka na umalis. Dito ka kakain di ba? At saka sasamahan pa kita sa mall show mo." Sabi ni Nicky. Halatang pinipigilan nyang umalis si Kaye.

"Kaye!!!!!" Sigaw ni Kim. Nakahawak pa din sya sakin at hila-hila ako. Napatingin saming dalawa si Kaye at Nicky.

"You're here! Ang saya. Nandito din si Reah. Kumpleto na naman tayo! Tara na sa loob para makakain na tayo nagluto si Reah." Excited na sabi ni Kim. Binitawan nya na din ako sa wakas. Napatingin na lang ako kay Kaye. Mukang hindi sya natutuwang makita ako dito.

"Kayo na lang. Aalis na ko." Sabi nya sabay lakad papunta sa kotse nya.

"No! Wait! Walang aalis. Dito ka lang." Hinarang ni Kim si Kaye sabay hawak at hila din sa kamay nya.

"Kim anu ba?! Bitawan mo nga ako." Naiinis na sabi ni Kaye. Walang nagawa si Kim kundi bitawan sya.

"Kaye tara na. Minsan na lang tayo magsamang apat. Ngayon na lang ulit oh pagbigyan mo na kami. Dito ka na magbreakfast." Aya ulit ni Nicky.

"Hindi na kayo na lang. Next time na lang." Sabi ni Kaye sabay tingin sakin.

"Sige na dito ka na magbreakfast. Don't worry aalis na din naman ako." Singit ko. Napatingin silang tatlo sakin.

"Anung aalis? Walang aalis. Period!" Sabi ni Kim sabay hila saming dalawa ni Kaye papunta sa table. Wala na akong nagawa kasi sobrang higpit ng hawak sakin ni Kim.

"Dyan kayo maupong dalawa. Upo na dali!" Utos ni Kim.

"Hindi na Kim aalis na ko." Sabi ko. Gusto ko nang umalis hindi dahil ayaw kong kasama si Kaye ayaw ko lang na mainis at masira ko tong araw nya dahil obvious naman na ayaw nya kong makita.

"Walang aalis Reah. Umupo ka dyan." Sabi ni Nicky sabay hawak sa balikat ko at pinilit akong umupo sa tabi ni Kaye.

Hindi na nagsasalita si Kaye. Nakaupo na lang din sya katulad ko. Napatingin ako sa kanya at ang sama ng tingin nya sa dalawa.

"Ayan uupo din naman pala kayo pinahirapan nyo pa kami. Tara na kumain na tayo. Si Reah nagluto nyan." Tuwang tuwang sabi ni Kim.

"Akala ko ba ikaw magluluto? Bakit si Reah pinagluto mo?" Tanong ni Nicky. Nakatingin lang kami ni Kaye sa kanilang dalawa.

"Eh hayaan mo na. Alam mo namang wala akong talent pagdating sa ganyan kaya tara na kumain na tayo." Sagot ni Kim sabay sandok na ng pagkain.

"Kumain na din kayo." Aya ni Nicky.

"Sige kayo na lang nag breakfast na ako." Tangi ko.

"Kaye. Ikaw? Kumain ka na sabi mo hindi ka pa nagbre-breakfast di ba?" Tanong ni Nicky kay Kaye. Napatingin ako sa kanya. Hindi sya kumain ng dala kong breakfast nila. Nalungkot naman ako bigla. Nag-effort pa kong pasarapin yung luto ko na yun tapos hindi din pala sya kakain.

"Ayaw ko. Kayo na lang." Sagot ni Kaye. Ang sungit nya na naman. Ayaw nyang kumain kasi ako yung nagluto. Matigas talaga sya nakakainis.

"Una na ko." Sabi ko sabay tayo.

"Ha? Wait Reah saan ka pupunta?" Tanong ni Kim.

"Uuwi na." Sagot ko.

"Mamaya ka na umuwi. Umupo ka na dyan." Utos nya.

"Hindi na baka kasi tuluyan ko lang masira yung araw nitong katabi ko. Uuwi na ko. May pupuntahan pa kasi ako.” Sabi ko sabay tayo.

“No! Walang aalis umupo ka dyan.” Sabi ni Kim sabay hawak at hila sakin para mapaupo nya ulit ako.

“Alam nyo kayong dalawa na-iistress na ako sa inyo. Anu? Hindi pa din ba kayo magbabati? Hanggang kailan nyo paaabutin to? Reah?” Naiinis na tanong ni Kim sabay tingin sakin. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung anung sasabihin ko.

“Ikaw Kaye? Mag-sorry ka na din kasi.” Tumingin sya kay Kaye.

“Bakit ako mag-sosorry? Ako ba gumawa ng kasalanan?” Seryosong tanong ni Kaye. Napatingin ako sa kanya. Busy syang pinaglalaruan yung kutsura sa harap nya.

“Nag-sorry na ko sayo pero hindi mo pa din ako kinakausap ng maayos.” Mahinang sabi ko.

“Hindi kasi lahat ng bagay nadadaan lang sa sorry.” Sagot nya pero hindi pa din sya nakatingin sakin.

“Alam ko, kaya nga gumagawa ako ng way para mapatawad mo ko.”

“Anung way? Yung hahatiran ako ng breakfast araw-araw ayun ba?” Tanong nya.

“Oo. Isa na yun pero binabaliwala mo lang. Hindi mo pa din naman kinakain sayang lang effort ko.” Sagot ko.

“Sayang effort mo? Bakit sinabi ko bang gawin mo yun? Hindi naman di ba?” Tumingin na sya sakin.

“Hindi mo nga sinabi pero… pero gusto kong gawin para sayo!” Napapalakas na boses naming dalawa. Nagsisimula na naman kaming mag-away.

“Talaga? Para sakin o para lang makabawi ka sa mga kasalanang nagawa mo? Sa tingin mo ba madadaan mo ko sa ganun lang Reah?” Naiinis na tanong nya.

“Oo na! Alam ko naman kasalanan ko. Naging masama ako sayo. Aminado naman ako na mali ako kaya nga ako gumagawa ng way para magkaayos tayong dalawa pero ikaw lang talaga tong masyadong mataas yung pride at ayaw akong kausapin ng maayos.” Naiinis na sabi ko. Pakiramdam ko anytime tutulo na yung luha ko dahil sa inis ko.

Hindi na nagsalita si Kaye. Nakangisi lang sya pero hindi na sya nakatingin sakin. Hindi nya sineryoso yung mga sinabi ko. Tahimik lang si Nicky at Kim habang pinapanuod kaming dalawa ni Kaye.

“Anu ba kasing gusto mong gawin ko?” Dugtong na tanong ko pero hindi na talaga sya nagsasalita.

“Kaye anu ba?” Pilit ko.

“Umalis ka na.” Mahinang sabi nya pero narinig naming tatlo.

“Kaye anu ba?! Kinakausap ka ng maayos ni Reah.” Naiinis na sabi ni Kim. Tumingin si Kaye sa kanya.

“Sumagot naman ako ng maayos di ba? Tinatanong nya ko kung anung gusto kong gawin nya. Sinagot ko lang sya.” Sagot ni Kaye.

“Pero wag ka namang ganyan.” Sabi ni Kim.

“Aalis na ko kung yan gusto mo.” Biglang sabi ko sabay tayo. Kung eto gusto nyang gawin ko, okay fine! Ibibigay ko sa kanya.

“Umalis ka na at wag ka ng magpapakita sakin.” Nagulat ako sa sinabi nya.

“Hoy Kaye! Anu ka ba? Anu bang sinasabi mo?” Gulat na tanong ni Nicky.

“Ayan ba gusto mo?” Tanong ko. Tumingin sila sakin.

“Oo.” Simpleng sagot nya.

Hindi na ako nagsalita. Umalis na ko sa harapan nilang tatlo at nagmadaling kinuha yung gamit ko.

“Reah!” Tawag ni Kim pero hindi ko sya pinansin naglakad na ako palabas ng bahay nila.

“Reah wait.” Pinigilan ako ni Nicky.

“Aalis na ko Nicky.” Sabi ko sabay lakad ulit palabas.

“Anu ka ba? Hindi ka na nasanay kay Kaye. Tara na sa loob.” Aya nya.

“Hindi na. Hayaan mo na lang akong umalis para sumaya na sya.” Sabi ko habang hinahanap ko yung susi ko sa bag ko.

“Reah galit lang si Kaye kaya nya nasabi yun intindihin mo na lang.” Paliwanag nya.

“Alam ko at naiintindihan ko naman sya. Wag kang mag-alala Nicky aalis lang ako ngayon pero hindi ibig sabihin susukuan ko na sya. Hahayaan ko lang muna na ganyan sya.” Pilit ngiting sabi ko.

“Sure ba yan?” Tanong nya.

“Oo. Sure na sure sige na aalis na ako may pupuntahan din kasi ako. Babalik na lang ulit ako kapag wala na sya dito.” Sagot ko. Nakita ko na yung susi ko at binuksan ko na agad yung pinto ng kotse ko.

“Sige. Ingat ka ha. Basta Reah intindihin mo na lang si Kaye medyo nasasaktan pa din yun hanggang ngayon kaya ganyan sya sayo.”

“I know. Sige na. Bye.” Pagkasabi ko nun sumakay na ako sa kotse ko at sinara yung pinto ko. Binaba ko na lang yung bintana ko para makapagpaalam ulit ng maayos kay Nicky.

“Ingat ka. Tawag ka lang kapag may kailangan ka.” Bilin nya.

“Thanks Nicky. Pasabi na lang kay Kim thank you ha. Bye.” Pagkasabi ko nun sinara ko na yung bintana ko at nagdrive na palabas ng gate nila.

Medyo naluluha ako dahil nasaktan ako sa mga sinabi ni Kaye pero hindi dapat ako magpaapekto sa lahat ng yun dahil unang una sa lahat tama naman sya ako yung may kasalanan sa lahat at isa pa hindi makakatulong sakin kung magpapaapekto ako at susuko na lang. Kailangan ko ding magmatigas at ipakita sa kanya na kahit ginaganyan nya ko hindi ko pa din sya susukuan kasi mahal ko sya at hindi na magbabago yun. Gusto kong bumalik kaming dalawa sa dati at para matuloy na talaga yung kasal namin  na sobrang tagal ng naudlot ng dahil sakin at ayaw ko ng maulit ulit yung dati. Ayaw ko na.
















*****

K

AYE'S P.O.V.

"Sira ulo ka ba?! Bakit mo sinabi sa kanya yun?!" Galit na galit na sigaw ni Kim. Hindi ko sya sinagot. Umiwas lang ako ng tingin sa kanya.

"Hay naku Kaye! Nakakainis ka na! Hindi mo dapat ginawa yun. Kinakausap ka naman ng maayos ni Reah. Nagmamakaawa na nga yung tao para lang magkaayos kayong dalawa tapos ikaw ginaganyan mo lang sya. Sige ka kapag yun nainis at nagsawa na kakasuyo sayo bahala ka. Maghahanap yun ng ibang ipangpapalit sayo." Nainis ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya.

"Wala akong pakialam. Maghanap sya ng iba kung ayun yung gusto nya." Naiinis na sabi ko. Dapat talaga hindi na ako tumuloy na pumasok dito nung nakita ko na agad yung kotse ni Reah na naka-park dito.

"Hay ewan ko sayo! Kapag si Reah at Michael lang talaga ang magkatuluyan bahala ka dyan ang arte mo." Naiinis talaga ako. Bakit ba kailangang sabihin nya yun? Hindi ko na sya pinansin dahil masyado pang maaga para sirain tong araw ko.

Bumalik na ulit si Nicky sa pwesto nya pero hindi nya na kasamang bumalik si Reah.

"Nasaan na sya?" Tanong ni Kim.

"Umuwi na." Sagot ni Nicky.

"Anu?! Bakit mo pinauwi?" Gulat na tanong ni Kim sabay hampas sa braso ni Nicky.

"Hayaan mo na sya at saka isa pa kahit naman bumalik sya dito wala din namang mangyayari." Sagot ni Nicky sabay tingin sakin.

"Oo wala talagang mangyayari dahil etong kaibigan mo masyadong mataas ang pride! Kausapin mo yan ha." Galit nasabi ni Kim sabay tayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Nicky.

"Sa kwarto nawalan na ako ng ganang kumain." Sagot nya. Iniwan nya kaming dalawa ni Nicky.

"Pasaway talaga. Ikaw kasi eh! Anu ba kasing pumasok sa isip mo at ginanun mo si Reah?" Tanong ni Nicky sakin.

"Wala at hindi ako nag-iisip. Gusto ko lang talagang paalisin sya." Sagot ko.

"Hay naku Kaye. Kumain ka na nga." Utos nya.

"Ayaw ko nyan." Ayaw kong kumain ng luto ni Reah kahit na gutom na gutom na ako.

"Ayaw mo kasi luto nya? Pati ba naman sa pagkain Kaye?" Naiinis na tanong nya.

"Basta ayaw kong kumain ng luto nya." Pagmamatigas ko.

"Hay naku Kaye para kang bata. Sige bahala kang malipasan ng gutom." Kumain na sya ulit.

"Kakain na lang ako sa labas." Pagkasabi ko nun napatingin sya ulit sakin.

"Wag na! Dito ka na kumain magluluto na lang ako bago tayo umalis." Napangiti ako sa sinabi nya.

"Ang sweet naman ng bestfriend ko." Mapang-asar na sabi ko.

"Sira! Magluluto ako hindi para sayo, para kay Kim. Wala tayo mamaya kaya kailangan iwanan ko sya ng makakain nya para mamaya." Paliwanag nya.

"Nagpapaliwanag ka pa alam ko namang hindi mo ko kayang tiisin at hindi mo kayang makitang nagugutom ako." Natatawang sabi ko.

"Tumigil ka nga! Kaya kitang tiisin! Si Reah lang ang hindi." Pagkasabi nya nun tumayo na sya. Nawala bigla yung ngiti sa muka ko.

"Sya na lang palagi." Reklamo ko.

"Oo kasi mas mahal ko si Reah kaysa sayo." Nagulat ako sa sinabi nya. Umalis na sya at pumasok sa loob ng kitchen.

"Teka lang." Sumunod ako sa kanya.

"Anung mas mahal? Don't tell me may gusto ka pa din sa kanya?" Dugtong na tanong ko pagkasunod ko sa kanya. Natawa sya sa sinabi ko.

"Kaye! Alam mo nakakatawa ka." Natatawang sabi nya.

"Bakit? Di ba sabi mo mahal mo sya?" Tanong ko.

"Oo pero hindi ganun pagkakasabi ko at saka sige sabihin na nating ganun na nga. Mahal ko si Reah. Bakit nagseselos ka na naman? Sasapakin mo na naman ako?" Natatawang tanong nya.

"Hindi. Bakit ko gagawin yun? May Kim ka na at malabong iwan mo sya para lang kay Reah at saka hindi ko---" Napahinto ako bigla.

"Hindi mo anu?" Nakangising tanong nya.

"Wala. Magluto ka na nga lang." Sagot ko.

"Sus! Kunwari ka pa. Mahal mo si Reah kaya hindi mo hahayaang maagaw ko sya sayo. Tama ba ako? Ayun yung gusto mong sabihin?" Tanong nya.

"Hindi." Pagtanggi ko.

"Hay naku Kaye. Kahit galit ka sa kanya hindi mo pa din maiwasang hindi magselos kaya palagi kayong nag-aaway dahil dyan sa ganyang ugali mo. Napaka-seloso mo." Nakangising sabi nya habang nag-uumpisa na syang magluto.

"Hindi ako nagseselos." Sabi ko kahit alam kong kabaliktaran yun ng nararamdaman ko.

"Talaga? Eh bakit nga ba galit ka ngayon sa kanya? Kasi di ba nagselos ka kasi nakita mong kasama nya si Michael yung Ex nya na pinapalayuan mo sa kanya?" Tanong nya.

"Oo na! Kailangan bang ulit-ulitin?" Naiinis na tanong ko. Naaalala ko na naman yung mga nakita ko.

"Ayaw mo pa lang makitang kasama nya yun pero bakit pinapalayo mo sayo si Reah? Paanu kung sa kanya pumunta si Reah ngayon? Paanu kung magkasama silang dalawa ngayon?" Tanong nya na naman. Nakakainis na sya.

"Bakit ba kailangan pa nating pag-usapan yan? Hindi ba pwedeng magluto ka na lang dahil nagugutom na ako." Naiinis na sagot ko.

"Wow ha! May tagaluto ka. Sabi ko sayo para kay Kim tong lulutuin ko at pang-isang tao lang to." Natatawang sabi nya.

"Anu? Ang sabi mo kanina magluluto ka para may makain ako?" Nakakainis tong Nicky na to.

"Hahaha. Oo na heto na. Anung oras ba tayo aalis?" Tanong nya.

"Pagkakain ko aalis na tayo." Naiinis na sagot ko. Nagugutom na kasi ako.

"Okay. Ang bossy mo ha. Nga pala maiba tayo. Ang sabi mo kanina hinahatiran ka ng pagkain ni Reah? Kanina ba wala syang hinatid sayo?" Tanong nya na naman.

"Meron."

"Meron? So ibig sabihin pala nagkita na kayo kanina pa?" Nakangising tanong nya.

"Hindi pa. Ngayon lang kami nagkita. Si Kamuy kumuha ng pagkain kanina." Sagot ko.

"Ahh okay. So si Kamuy din pala kumain ng luto ni Reah. Kawawa naman si Reah nag-effort magluto at maghatid ng breakfast mo tapos di mo man lang kakainin."

"Hindi ko naman sinabing gawin nya yun!" Sigaw ko.

"Bakit ka sumisigaw? Galit ka ba? Nagsasabi lang naman ako. Oh eto kumain ka na para lumamig yang ulo mo." Nilapag nya na yung niluto nya sa harap ko.

"Bakit ba kasi pinag-uusapan pa natin sya? Pwede namang ibang bagay na lang pag-usapan natin." Naiinis na sabi ko.

"Oo na. Sige na kumain ka na dyan. Maliligo lang ako para makaalis na tayo." Pagkasabi nya nun umalis na sya at iniwan ako.

Nagsimula na kong kumain. Buti na lang nagluto sya at hindi na ako mapipilitang kainin yung luto ni Reah. Alam kong ang arte ko na pero ayaw ko lang kasi subukan baka kasi lalo ko lang maramdaman na miss ko na sya. Pinipilit ko pa din iwasan sya dahil gusto kong pahirapan muna sya. Wala naman akong balak patagalin pa to pero kasi sa tuwing maaalala ko yung mga kasalanang nagawa nya bumabalik lang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Naiinis ako kaya imbes na masaktan ko sya ako na lang yung umiiwas sa kanya pero maliit talaga yung mundo naming dalawa ni Reah kaya palagi pa din kaming nagkikita.
























*****

REAH'S P.O.V.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Kamille pagkadating ko sa Condo ni Kaye. Itinuloy ko pa din yung plano ko na linisin tong Condo nya kahit na pinagtabuyan nya ko kanina.

"Medyo masama pakiramdam ko Ate Reah kagabi pa." Sagot nya.

"Kagabi pa? Bakit parang okay ka lang naman kanina?" Tanong ko habang naghahanap ng gamot para sa kanya.

"Medyo okay na kanina pero eto masama na naman ulit pakiramdam ko." Sagot nya.

"Ganun ba. Sige eto inumin mo na muna to at para magpahinga ka na. Mamaya lalabas ako para bilhan ka ng gamot mo wala na kasing stock dito isa na lang yan." Inabot ko yung gamot at tubig sa kanya. Kinuha nya na yun at ininom.

"Thanks Ate Reah."

"Sige na humiga ka na at maglilinis na ako." Nakangiting sabi ko.

"Sige Ate. Sorry ha hindi kita matutulungan."

"Okay lang yun. Kahit naman hindi masama yang pakiramdam mo hindi pa din naman ako magpapatulong sayo eh. Kaya ko na to sige na magpahinga ka na." Nagsimula na akong maglinis.

"Sige Ate." Pagkasabi nya nun humiga na sya .

Lumabas na ako ng kwarto ni Kaye at inuna ko ng linisan yung labas. Hindi naman masyadong madumi pero matagal na kasi akong hindi nakapaglinis dito kaya medyo maalikabok na din.

Wala akong balak magtagal dito dahil baka maabutan nya ako kaya mamadaliin ko na lang para makapamili pa ako ng stock ng gamot at pagkain nya.


















*****

Hapon na ng makabalik ako sa Condo ni Kaye galing ng mall para mamili ng pagkain at gamot ni Kamille. Natagalan akong makabalik dahil sobrang traffic. Pagkapasok ko sa Condo nya nagmadali na akong iayos yung mga pinamili ko dahil alam kong maya-maya lang padating na si Kaye. Magluluto pa ako para may makain na din si Kamille bago ko ulit sya painumin ng gamot. Sumilip ako sa kwarto para tignan kung gising na si Kamille. Tulog pa din sya kaya hinayaan ko na lang muna syang magpahinga.

Nagsimula na akong magluto para makaalis na agad ako. Nagluto lang ako ng sakto para sa dinner nilang dalawa. May konti pang natira sa lunch na niluto ko kanina nung kumain kami ni Kamille kaya okay lang kahit konti lang lutuin ko dahil mukang hindi na naman kakain yung pasaway kong alaga.

Pagkatapos kong magluto bumalik na ulit ako sa kwarto. Napatingin ako sa oras 7pm na pero tulog pa din sya. Hindi ko na muna sya ginising. Inayos ko na lang muna yung closet ni Kaye. Nandito pa din yung mga gamit ko. Wala akong balak kunin to dito dahil alam kong babalik din naman ulit ako dito. Habang nag-aayos ako hindi ko napansin yung oras. Alam kong ang tagal ko na masyado dito sa ginagawa ko pero parang baliwala lang sakin. Hanggang sa...

"Anung ginagawa mo dito?!"

"Ay butiki!" Nagulat ako. Napatingin ako sa likuran ko. Nandito na sya. Inayos ko na muna yung hawak kong damit bago ko sya sagutin. Pagkaayos ko humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Housekeeping!" Nakangiting sabi ko kahit na alam kong naiinis na sya. Hindi sya sumagot nakatingin lang sya ng masama sakin. Napabugtong hininga na lang ako at kinuha yung bag ko.

"Oo na aalis na ko. Naglinis lang ako at nagluto ng dinner nyo. Masama pakiramdam ni Kamille gisingin mo na lang sya para makakain na kayo at para makainom na sya ng gamot. Bumili na din ako ng gamot nya kanina kunin mo na lang sa lalagyanan natin. Aalis na ako. Bye." Pagkasabi ko nun hinalikan ko na naman ulit sya at wala na naman syang nagawa.

Hindi na nagsalita si Kaye hanggang sa nakalabas na ako ng Condo nya. Napabugtong hininga na lang ulit ako pagkalabas ko. Napagod ako sa ginawa ko pero okay lang hindi na ako mag-eexpect ng thank you mula sa kanya dahil malabong mangyari yun. Galit pa din sya sakin hanggang ngayon kaya dapat gumawa pa din ako ng ibang paraan para lang maging okay na kami.



























____________________________________________________

Ayan na!!!

Guys! Send na kayo ng designs nyo ha. Wait ko pa din😁

Thanks!😉

Continue Reading

You'll Also Like

395K 1.4K 7
(GIRLXGIRL) SHANE BLAIRE HART..A half filipino half canadian. she's a sweet girl, pretty and smart at may pagkainosente sa mga bagay bagay.. meron di...
10.9K 623 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
MPC2 (gxg) By s h a n e

General Fiction

113K 2.3K 34
What if I get the second chance? Pano kung sa pagkakataong to makukuha ko na yung happy ending? What if my princess is back? - Princess Charming
24.2K 1.6K 33
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴