Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

716K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in ParaΓ±aque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One With the Love

12.3K 392 63
By AlbertLang

CHAPTER 10

"Hindi ko rin alam ang baffled anak, pero ito nga siguro yun."

Matagal tagal ding nakayakap sa akin si Mama. Tapos mas humigpit pa ang yakap niya, tapos humalik sa noo ko bago niya ako bitawan.

Kaya kong ikwento kay Mama ang nangyari sa amin ni Gabriel. Oo, alam ko, pinoproblema ko ito. At mula pa nang iwan ako ni Gabriel sa bahay para mag-isip e wala akong nagawa kundi sundin siya. Ang totoo, kahit hindi niya sabihin, mag-iisip talaga ako. Saan ba papunta ang mga pangyayaring ito? Ginulo niya ako. Pero hindi tulad nang panggugulo ni Jessie. 

Nararamdaman ko na isa itong magandang problema. Gusto ko ang nagaganap na pag-iisip na ito, at kaya ko itong ihingi ng tulong kay Mama, dahil matapos ako, siya ang pinakamaaapektuhan ng magiging desisyon ko. Well, pagkatapos pa pala ni Gabriel. So ang effect ng desisyon ko ay una ako, tapos si gabriel, tapos si Mama na. Kailangan niyang malaman ito.

Hindi ko lang inaasahan ang reaksyon ni Mama.

"Sabi ko na nga ba, eh! Sabi ko na," paulit-ulit na sabi ni mama. "Dapat talaga, pagkabalik ng alindog ko, naghanap na dapat ako ng bago mong tatay."

Umupo na ako pagkabitaw ni Mama. Tapos nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin.

"Ma, hindi ka naman nagkulang, okay ka naman," sagot ko.

"Syempre naman! Alam ko 'yun! Pero tingnan mo ngayon ang problema mo. Hindi naman siguro ikaw matutuluyan kung may tatay kang laging gumagabay sa iyo. 'Yung sasapak sa iyo 'pag lumalambot ka. Pero nandyan na 'yan. Ano pa bang magagawa natin?"

"Talaga, Ma," tanong ko. "Papayagan mo akong saktan ng iba?"

"Alex, kung ikabubuti mo, bakit hindi," depensa ni Mama. "Ano ba naman yang masapak ka ng isang beses, kung kapalit naman e hindi kita makikita nasasaktan ng mga tambay dyan habang tinutuksong bakla, bakla, bakla?! Aba, sabi nung baklang officemate ko, mas okay na daw yung binugbog na lang siya kesa araw-araw naman, sa bahay, sa eskwelahan, at ngayon, kahit sa opisina nahuhusgahan siya dahil bakla siya. Mas masakit daw yun."

"Hindi mo naman ako sasaktan ng ganun dito sa bahay di'ba?" nalungkot kong tanong kay Mama.

"Hindi ko pa sure," sagot ni Mama.

"Ma?"

"Joke lang, ito parang tanga," lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. "Syempre, nag-iisa kitang anak. Kung baga sa mga calls ko, scripted na ako na mahalin ka at tanggapin ka kung ano ka pa man. Kung hindi ko susundin yun, baka matanggal ako sa trabaho. Baka itakwil mo ako bilang nanay mo."

"Ibig sabihin, sinusunod mo lang ang dikta ng society, na mahalin ako para masabing magaling kang ina?"

"Oo, anak! Sige, isipin mo ang gusto mong isipin," nagtaray ng kaunti si Mama.

"Ma?"

"Joke lang, syempre mahal kita, may society o wala," sabi ni mama. "Nguynguy-nguynguy ka pa diyan."

Nagyakap lang kami ni mama.

Tapos nagsalita ulit ako.

"Ma, kung hindi ba ako nag-iisang anak, ganyan ka pa rin?"

"Hindi, mas mahal ko yung kapatid mo, kasi ayoko sa bakla, galit ako sa bakla, malas sa pamilya, salot sa lipunan, peste sa pananim."

"Ma?"

"E ikaw, e okay na, love na love ka na, puro ka pa pa-confirm."

Nagtawanan muna kami, bago ako sumingit.

"Pero ma, hindi pa ako ano, ah," paalala ko.

Hindi ko lang alam kung sinasabi ko ito kay mama o sa sarili ko. Parang paalala ko na rin sa sarili ko.

Bumuntong hininga si Mama. Tapos tumitig sa akin. Tapos ngumiti.

"May chance pa? Pwede ka pang maging straight? Paanong... e gusto mo si Gabriel di'ba?"

"Yun na nga ma. Gusto ko si Gabriel, pero ayoko pang maging ganun. Pwede ba 'yun, ma?"

"Ay, inunahan ako sa tanong," Sabi ni Mama. "Pwede ba 'yun?"

"Ma, natatakot din akong maging..." Hindi ko masabi. "... gay. Paano kung hindi naman talaga ako ganun, tapos nagka-boyfriend ako. Baka maging ganun na akong habang-buhay, e ang totoo, hindi naman talaga ako sigurado ngayon. Baka mapasubo na ako nito."

"Mapapasubo ka talaga anak." At tumawa si Mama. 

Hindi ko naintindihan.

"Okay lang naman, Ma, di'ba?"

Tawang-tawa pa rin sa Mama. Hindi ko naman naintindihan, may joke ba akong nasabi? Hanggang tumigil siya sa pagtawa.

"Sorry, anak, ano ulit? Yung last part lang, pakiulit."

"Sabi ko, okay lang ba na hindi ko pa alam kung straight ako o kaya ano?"

"Bakla? Okay lang, hindi mo pa nga masabi ang word na bakla."

Nag-ring ang telepono ni Mama. Kaya naman nahinto muna kami.

"Sasagutin ko lang 'yun, ha, tawagin mo na lang ako pag sigurado ka na?"

Tumayo si Mama at lumapit sa phone.

"Next week na... Hindi ko pa nasasabi, isa-isa lang... oo, may issue pa kaming mag-nanay... di makapaghintay... oo, papayag din ito 'no... o sige, may heart to heart talk pa kami... sige, I love you too. Hindi sige na, ikaw na ang magbaba... hindi ikaw na... ikaw na... o sabay tayo... ay hindi pa niya binaba... o ulit one, two, three... baba mo na... o sige... isa pa... one, two, three... ay binaba na. Gusto ko pa e."

Papalapit si Mama sa akin. At nakataas ang kilay.

"Baba mo yang kilay mo," bilin niya sa akin. "Anlakas maka confirm niyan."

"Ibaba mo na... Hindi ikaw muna... One, two, three... Sige na... Ikaw muna..." pang-iinis ko kay Mama.

"Ay parang hindi niya ginagawa, naririnig kita pag kausap mo ang Gabriel na 'yan, ganito ka rin."

"Sixteen  lang naman kasi ako."

"So ikaw na lang ang pwedeng maging masaya, ganyan? Kayo lang ni Gabriel ang may karapatan sa love?"

Natahimik ako.

"Pero anak, hindi ko naisip na ganun si Gabriel. Si Kuya Albert mo rin kaya? Mag bestfriend sila, di'ba?"

"Hindi naman daw, Ma," sagot ko. "Seryoso si Kuya Albert sa girlfriend niya e."

"Pero alam ng Kuya mo na may lansa itong si Gabriel?"

"Alam daw ni Kuya."

"Pwede pala yun, Bakla tapos Straight, mag bestfriend. Lalaki at babae nga, kahit platonic daw, nagkaka-in-love-an, parehong lalaki pa kayang baliko ang isa? Ay anak, paano yan kapag naging karibal mo sa puso mo ang kuya mo. Ay, anlakas maka teleserye, pantapat ng ABS-CBN sa My Husband's Lover, My Kuya's Lover. Ay ang ganda, pang MMK."

Nakatulala lang ako habang nagmomonolog na naman si Mama.

"Ay sorry, na-carried away lang," sabi ni Mama. "So, binasted mo si Gabriel. Balikan natin, binasted mo siya kasi hindi ka pa sure kung bakla ka o hindi. Paano niya iyun tinanggap. Ay, ang tito Boy na question, I love it?!"

"Okay naman ma," sagot ko. "Hindi na lang namin napag-usapan ulit. Kain lang kami, tapos kwentuhan nang marami. Nang matapos, nanood kami ng Walking Dead sa laptop niya."

"Tapos."

"Hinawakan niya ang kamay ko."

"Ay para sa hindi pa bakla, nakikipagholding hands na ang anak ko."

"Ang galing niya ma, e," tuloy ko. "Hindi ko namalayan, naramdaman ko na lang, yung kamay niya, nasa kamay ko na, at yung mga daliri ko, nasa pagitan na ng mga daliri niya. Naramdaman ko na lang iyun nung ipatong niya 'yung ulo niya sa balikat ko."

Nakatingin lang si Mama.

"Ma, ang bango ng buhok niya," kwento ko.

"Anak, masamang sign yan?"

"Alam ko, ma, natatakot nga ako, hindi pa ako ganun, pero hinahayaan kong makipaghawakan ako ng kamay sa kanya."

"Hindi yun anak, inamoy mo ang buhok niya. Masamang senyales yun," nakatingin lang sa akin si Mama. "In love ka na."



-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

457K 22.5K 45
(Numero Series #1) Isang napakalaking milagro ang maging 'in a relationship' status sa isang katulad ni First Sean Cuarez. First year college na ay s...
241K 15.8K 62
Because of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The si...
9.1K 659 27
Looks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kula...
255K 14.1K 49
(Numero Series #2) "Magiging CPA rin ako" is the personal mantra of Crist Second Estevar. To be a Certified Public Accountant is his priority. He's p...