Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

716K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in Parañaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One A Spaghetti Can't Deny

14.1K 426 64
By AlbertLang

CHAPTER 9

Only dead fish go with the flow. 

Yan ang sabi ng isang post na nakita ko sa IG. Pero hindi ako naniwala. Nagpaanod na lang kasi ako sa mga ginagawa ni Gabriel. Hindi ko na kinuwestyon. Hindi na ako nagtanong. Sumabay na lang ako. At masaya naman ako. Buhay na buhay ang pakiramdam. Quote lang naman yun, bakit ko ba pinapatulan. Hindi naman ako isda. Hindi ako malansa. Enjoy lang.

Nasasanay na kasi ako sa paghahatid-hatid sa akin ni Gabriel. Nasasanay na rin si Mama sa kanya.

"Anak, yung totoo," sabi ni Mama. "Anong meron diyan sa Gabriel na 'yan?"

"Hindi ko alam Ma," sagot ko. "Pero okay naman, may service ako papasok at pauwi. Hindi mo kailangang mag-alala."

"Sabagay," sabi ni Mama. "Pero ask mo rin sa kanya kung anung pakay niya, ha. Baka serial killer yan."

"Wala naman sa itsura niya ang papatay," sabi ko. "May kilala akong mas malala ang itsura."

"Ay, you can never can tell," sabi ni Mama. "Mayroon ngang bata, mukhang 10 years old, pero matanda na pala, pinapatay yung mga umaampon sa kanya."

"Ma, si Esther yun, pelikula lang yun," sabi ko.

"I know," sabi ni Mama. "Pero syempre, may scientific basis yun. Pero proud naman ako sa iyo anak at nakakahanap ka na ng friend."

Niyakap ako ni Mama. Natuwa din ako. Mayroon akong friend na hindi natatapos sa oras ng klase. First time ko. Kaya na rin siguro hindi ko na tinatanong kung normal ba ang ginagawa ni Gabriel. Wala akong pagkukuparahan. Aprubado na rin naman kay Mama. Okay na. 

Minsan nga, umuwi ako, may note si Mama sa Ref. Alam na niya na may kasama ako.

At ang kasama ko pa ang unang nakakita. Kinuha ni Gabriel ang note sa ref at binasa.

Papasukin mo muna si Gab, pakainin mo, may food pa sa ref, I oven toaster mo na lang, masama daw kasi pag microwave lagi ang ginagamit...

"Ay akin na 'yan!" agad kong binawi ang note na kinuha ni Gabriel. 

"Tita is so sweet," sabi ni Gabriel, habang kinukuha ang spaghetti sa loob ng ref. "No wonder, your dad fell for her."

"Ang mga sweet na tao, hindi niloloko," sabi ko.

Matter of fact-ly lang. Nakasanayan ko nang hirit. Pero parang hindi usual ito sa pandinig ni Gabriel.

"Sorry."

Napansin kong napahiya talaga si Gabriel. Nanatili siyang nakaharap sa oven kahit napihit na niya ito at pwede nang iwanan. Nakita ko rin ang reflection niya na nakakagat ng labi at lukot ang mukha. Sising-sisi sa kanyang nasabi.

"Okay lang," sabi ko. "Hindi ko na yun issue."

Hindi pa rin lumilingon si Gabriel. Parang gusto na niyang matunaw.

"Sixteen years na yang fact," pagsisiguro ko sa kanya. "Nung mag-twelve ako, tanggap ko na. Tanggap na nga ni mama, ako pa ba?"

Nakumbinsi ko naman siya. Humarap siya sa akin.

"Sorry, that was insensitive," sabi ni Gabriel. "Now everything is awkward. I should have studied my compliment list."

"Mukhang marami ka nang nasabihan niya."

Natawa siya. 

No, i usually get that," sabi ni gabriel. "Sinubukan ko lang. And then, see, i found out that it isn't applicable to everyone. Sorry."

Mahina kong tinapik ang braso niya. 

"Okay nga lang," sabi ko. "Applicable naman. Na-touch naman ako."

Napangiti siya.

"Isa pa nga," pakiusap niya.

"Na alin?"

"That tap on the arm thing," habang tinuro niya ang braso niya na napansin kong nag-flex.

"Bakit tumitigas yan?" tanong ko.

Ni-relax niya.

Natawa ako.

"Bakit ba kasi, tinapik lang, pinapaulit pa."

"Because that's a first," sabi niya. "Your hand, your touch, on my skin."

Anong pinagsasabi nito? At ngumingiti pa na parang namimilit. Kaya iyun. Tinapik ko na lang ulit.

Nagtawanan kami.

Inulit ko pa ang pagtapik sa kanya. Paulit-ulit at pabilis nang pabilis. Lalong gumanda ang ngiti ni Gabriel. Hanggang sa nakatitig na lang siya sa akin at nakangiti. At sa huling tapik ko sa kanya, sinalo niya ang kamay ko. At hinalikan.

Nakangiti pa rin siya at ako ay nakatitig lang. 

Nawala ang ngiti ko, pero alam kong kitang-kita sa mga mata ko na gusto ko ang ginawa niya.

Tumunog ang oven. Thank you oven. Mas awkward pa ito sa pagkapahiya ni Gabriel kanina.

Binawi ko ang kamay ko. Napansin kong iba na ito. Hindi na ito bahagi ng usual na ilog na alam ko. Magpapaanod pa ba ako?

"Walang lasa 'yan," sabi ko. "Nandun yung spaghetti, kung gutom ka na."

"It's maalat kaya."

Natawa na naman siya.

Napangiti na lang ako. Yung ngiting dapat akong ngumiti kasi ayoko siyang mapahiya. Ang totoo, napapaisip na naman ako. Bakit niya hinalikan ang kamay ko?

Sa salas na ako dumretso dala ang bowl ng pasta at ang sauce na nakahiwalay. Binuksan ko ang TV. Teleserye na ang mga palabas. Tapos na ang balita. Nakasunod sa akin si Gabriel na may dalang dalawang pinggan, mga kubyertos at dalawang baso. Isinunod niya ang isang bote ng tubig. 

Bago siya umupo ay pinatay niya ang TV.

"Bakit?" tanong ko.

Tinuro niya ang TV na nasa harapan namin. 

"Let's just watch us," sabi niya.

Inilabas niya ang kanyang laptop at pinatugtog ang playlist niya. Parang lumang album ni Nina ang mga kanta, yung mga ni-revive na love songs. Yung live na kinanta sa rooftop ng isang building. 

Anung kalokohan ito?

"O diba," ngumiti si Gabriel. "Look at you and me. That is us, in our own teleserye."

"Ano?" nagulat ako. 

Hindi ko talaga naiintindihan. Saan ito papunta? Anung pinagsasabi niya?

Nilagyan niya ng pasta ang mga pinggan namin. Sinunod niya ang sauce. Hinalo muna niya ang spaghetti ko, tapos yung sa kanya. Pinapanood ko lang siya habang hinihintay ang sagot sa tanong kong "ano?"

"Narinig mo naman, right?" sabi ni Gabriel.

Nagpapaka-cool siya. Parang normal na usapan lang ang ginagawa niya. Pero ako, nababaliw na ako sa paandar niya. Siya nga ang unang kong kaibigan. Pero sa mga napapanood ko sa TV, sa mga nababasa ko sa libro, hindi ganito ang konsepto ng friendship. 

Pero dapat sabayan ko lang ang cool vibes niya. 

Pinanood ko siya. Alam ko kasing habang ginagawa niya ang mga ginagawa niya ay nakikiramdam siya sa mga ginagawa ko. 

Sumubo siya. Ngumuya. 

Tuluy-tuloy ang pagkain na may mga paminsang tingin sa akin. Mga tinging kinukumpirma ang aking nararamdaman sa pagkakataong iyun.

Game na. Sige. Paka-cool tayo sa eksenang ito ng teleseryeng gusto mong pagbidahan natin.

"Sige narinig ko," sabi ko. "Yun, sa TV, tayong dalawa, teleserye natin."

"Good, you got it," sabi ni Gabriel "Because if you didn't, you might not catch my next lines."

"At ang next lines na yan ay..." sabi ko na nag-aabang.

Nagpaabang naman talaga siya. 

Tinapos niya ang laman ng bibig niya. Lumunok. Uminom ng tubig. Tapos tumitig siya sa mga mata ko.

Nakipagtinginan ako sa kanya. At ako naman ang napalunok. Napakaamo ng mukha niya. Wala kaming sinasabi, pero nag-uusap kami. 

Hindi iyun sapat. Gusto kong marinig ang mga sinasabi namin. Nagkakaroon na kasi ako ng clue. Pero hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa mga sinasabi o sasabihin niya.

Hanggang sa ang mga nasa isip ay naging salita.

"I like you," sabi ni Gabriel.

Yun lang pala.

"Sinabi mo na iyan," sabi ko. "Sabi mo pa nga, you really like me. May really pa nga. Sige, pag-usapan natin 'yan."

Ako naman ang nag-angat ng aking pinggan at nagsimulang sumubo ng spaghetti.

"Yes, I really like you," sabi ni Gabriel. 

Sumubo ulit siya at nagtuloy sa pagkain. 

Parang sinabi lang niya na roses are red violets are blue refrigerator. papasa ito sa akin na romantic pero parang normal lang sa kanya ang mga salitang sinasabi niya. 

Walang pambobola, ang totoo, pero parang joke. 

Pero gusto ko. Okay lang ako. Casual lang. Madaling sakyan.

Sinabayan ko na lang siya. Ito ang game mo, kaya ko rin ito.

"Sige," sagot ko.

Naglagay siya ng tubig sa baso ko at iniabot sa akin.

"Thanks," sabi ko ulit.

Nagpatuloy ulit kami sa pagkain. Patuloy pa rin si Nina sa pagkanta.

"Tell your mom, her pasta is delicious," sabi ni Gabriel.

Wow, saan nanggaling ang komento niyang iyun?

"You should try her recipe," tuloy niya. "Paturo ka. Nakakagwapo lalo sa guy if he knows how to cook."

"Sa tingin mo gwapo ako?" tanong ko.

"Have you been in the sea, lately?" tanong niyang hindi ko na naman alam kung saan niya hinugot.

"Ha?" saan na naman nanggagaling ang tanong na ito?

"Ang fishing mo kasi," natawa siya. "Just kidding. Kaya ko ring maging funny."

"Well, minsan, nagluluto rin ako, pag wala si mama, nag-iiwan siya ng recipe, tapos gagawin ko. Masarap naman. Nauubos ko rin," kwento ko. 

Tapos tumahimik. Kaya itinuloy ko na lang ang gusto kong itanong bago mag-usap tungkol sa pagkain.

"Gabriel," sabi ko.

"Yes?" tugon niya.

"Normal ba itong ginagawa mo?" sabi ko. "Masaya kasi ako na magkaibigan tayo. Pero nalilito ako kung ganito ba talaga ang magkaibigan."

"Not all friends are like this," sabi ni Gabriel. "This isn't a normal me with a friend. Hindi ako ganito sa kuya mo. Sinabi ko naman sa iyo. I really like you."

O sige na. wag nang tanga-tanga. Deretsahan na.

"Bakla ka ba?" tanong ko.

"Yes," sagot niya.

Tapos sumubo siya. Ako naman, napainom ng tubig. Tahimik ulit.

"Are we still okay?" tanong ni Gabriel.

"Sa tingin ko naman," sagot ko. "Walang problema."

Tahimik ulit.

"Other than spaghetti, ano pang recipe ng pasta ang alam mo?" iniba na niya ang usapan. "Like do you know puttanesca or carbonara?"

"Nasubukan ko na rin dati," sagot ko. "Iba-iba na ring kulay ng pasta ang naluto ko."

Pero kahit nag-iba na ng topic, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pag-amin niya. Bakla siya. Hindi naman kasi halata sa itsura niya. Pero iyun, hindi naman sa naliwanagan ako sa mga kinikilos niya. More of na-confirm lang yung hindi ko iniisip na ginagawa niya sa akin. 

Pero hindi pa iyun ang napag-usapan namin. Iba. Marami pa kaming napagkwentuhan. Tulad ng colors.

"Oo nga ano, katabi sa in between nga ng colors ng rainbow ang untraviolet at infrared," sabi ko nang buksan niya ang usapin ng colors.

Tapos naramdaman kong kailangan ko nang sabihin. Mula rin sa kawalan. 

"Gabriel, sabi mo, you really like me," sabi ko.

"Babalik tayo dyan," sabi ni Gabriel. "Okay lang sige. Alex, I really like you."

"Kailangan ko rin bang masabi ang nararamdaman ko sa iyo?" tanong ko.

Tumuloy lang siya sa pagkain at sumagot. 

"I told you and i am telling you that, because that's what i feel for you," paliwanag ni Gabriel. "So you won't be baffled with what's happening between us."

"Sige," sabi ko. "Hindi na ako maba-baffled."

Kung anoman ang baffled na iyun. Context clues na lang. 

"But to answer you, it's a no," tuloy ni Gabriel. "Bahala ka. I don't wanna tell you what to do, because if I do that, dederetsuhin ko na lang ang pag-uutos na sabihin mong gusto mo rin ako."

Baffled na naman ako. 

At habang sumusubo ulit siya ng spaghetti, nagtanong ako.

"Nasubukan mo na bang sumali sa marathon?"

"Yes, why?" sumagot siya ng tanong din.

"Ambilis mo, eh!" sagot ko.

Nagtawanan kami. 

Sunod niyang ikinuwento 'yung panahong sumali siya sa Marathon. Silang dalawa ni Kuya Albert daw. Sumampa pa sila sa Skyway. 

Naiba na naman ang topic. Kwento, tawa, kwento tawa. Atsaka pagkain. Alam naming may gusto kaming ibang pag-usapan pero nagpapadala kami sa kwentuhan. 

Dito ko napansin, kinakabahan siguro itong si Gabriel. Hindi niya rin pala kayang dere-deretsuhin ang usapan namin. Marunong naman pala siyang manimpla. Ayaw niyang mahalata na nagiging vulnerable siya sa pagsasabi ng nararamdaman niya. 

Napapansin ko iyun sa ilang kakaiba niyang tingin. Nakikita kong gusto niya ako, pero bigla niyang binabawi tuwing mapapansing magtatanong ako ng iba. At nang mahuli ko ang tingin niya, binalik n iya ang kwento sa marathon.

"I got a very bad blister then," sabi niya. "I was wearing a new pair of shoes, and it didn't fit me that well pala kapag itinakbo na. My whole sole was in pain the day after. Paltos lahat."

Tapos out of the blue. Sisingit ako. Kailangan ko lang sabihin ang nararamdaman ko. Hindi ako patay na isda na magpapaanod lang sa usapan. Naging matapang na si Gabriel sa pagsasabi ng nararamdaman niya. Kailangan ko na rin.

"Okay lang bang hindi ko muna sabihin sa iyo ang nararamdaman ko," sabi ko. "Hindi pa kasi ako sigurado."

"Not sigurado is good for now" nakikita kong sinusubukan ni Gabriel na maging okay sa sagot ko. "At least you're not saying na hindi mo ako gusto. It's more of, nipag-iisipan mo pa. Right? Tama ba ako?"

Ayoko mang ipakita, pero natatawa ako. Nakikita kong nagtatapang-tapangan si gabriel. Nakikita ko kung paano niya pinipilit itaas ang confidence level niya. 

Kaya naman napasagot ako. Hindi ko pinag-isipan ang sagot ko. Ito ang mga unang pumasok sa isip ko.

"Gusto rin kita," sagot ko. "Sigurado ako dun."

"Well, that is so much better," nakahinga nang maluwag si Gabriel.

Nagtawanan kami. Kwento, tawa, kwento tawa. Atsaka pagkain.

Sa gitna ng kwentuhan tungkol sa panga ni Nina, siya naman ang parang nagbalik nang usapan mula kung saan.

"When you said na gusto mo rin ako. It is the gusto as in gusto, right? Because gusto kita as in gusto na gusto kita, eh. And I assume na when you said na sigurado ka na, na gusto mo rin ako, e 'yun 'yung gusto na gusto mo rin ako. Tama ba?" tanong niya.

"Oo, na kung lalaki't babae tayo, kung hindi tayo parehong lalaki, e babaguhin na natin ang status natin sa facebook na in a relationship."

"We can do that. Don't you want to be in a relationship with me?"

"Gusto," shet, ang honest ko. "Sigurado akong gusto kita, pero hindi ko sigurado na kaya kong maging in a relationship sa isa ring lalaki."

"Oh, you haven't figured your self out yet," sagot niya. "I thought alam mo na."

"Alam ko na ang alin?" tanong ko.

"That you're one of us?" sagot ni Gabriel.

"Us? sinong us?" gulat ko na may nakakatakot na reyalisasyon, "Si Kuya? Bading si Kuya?"

Natawa si Gabriel. Sobrang tawa na hindi ko naintindihan.


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

360K 5.1K 46
THE WIFE'S GRIEF SERIES #1 Rosegail is a wife of a well known ruthless billionaire their love story started well but because of a tragedy everything...
1.6K 226 45
UNDER REVISION Dietzel's youngest son, Kian, was sent back to the Philippines to help his sister in taking care of their mother. Apart from taking ca...
9.9K 690 37
"Don't forget me, please. I will always love you and support you. Remember me. I love you." *** Gabbie, a 3rd year Tourism student from UP Diliman ha...
457K 22.5K 45
(Numero Series #1) Isang napakalaking milagro ang maging 'in a relationship' status sa isang katulad ni First Sean Cuarez. First year college na ay s...