TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

APOLOGIES

1K 53 26
By simply_author

Hi guys!

Mag-intro muna ako ha. Alam nyo ba binasa ko din yung mga naunang chapter ng Two Hearts at balak ko pa sana ulit basahin yung book 1 at 2 pero naisip ko mag-uupdate pa nga pala ako hahaha. Ang galing ganun pala ang feeling 😂😂😂 di ako mapalagay kakaisip sa mangyayari (kahit ako naman yung gumawa) 😂😂😂. Nakakatawa talaga na nakakaiyak 😂😭. Gusto kong pahabain pa pero parang di na tama 😂😂😂. Ang sakit sakit sakit sa pusong tapusin ang TWO HEARTS. Naging part na to ng buong systema ko pero ganun talaga sabi nga nila pag may yugtong matatapos asahan mong may magsisimulang panibagong kabanata (tama ba?? 😂😂😂) Nababaliw na ako.

By the way, since napag-usapan na din naman ang panibagong kabanata. Nabasa ko na lahat ng sagot nyo sa GUESSING GAME natin at nakakatuwa lahat guys grabe ang galing-galing ng mga imagination nyo. Oh di ba!? Lahat tayo pwedeng maging Author kung gugustuhin lang talaga natin. Kayang kaya nyo ding makagawa ng sarili nyong story guys! Gawa na din kayo malay nyo mabasa din ni IDOL KAYE CAL😊😉. Walang masama kung susubukan 👍👍👍. Nag-message ako sa mga nanalo hehehe.

Okay back na sa story! Nakakaexcite at nakakasaaaaaaaaaadddd.. kasi malapit ng matapos ang story natin pero mukang mahaba haba pa naman kasi late akong mag-uupdate hahaha. Sana matuwa kayo sa update ko😊😊😊.




ENJOY!!!!




*****

(PRESENT TIME)

REAH'S P.O.V.

"Paanu mo to nahanap?" Tanong ko kay Kaye habang papasok na kaming dalawa sa kwarto namin.

"Nagpatulong ako sa mga staff nitong hotel para hanapin yan." Nakangiting sagot nya.

"Buti nakita pa sya akala ko kasi hindi ko na sya masusuot ulit." Sabi ko sabay hawak sa sing-sing na suot ko.

"Next time wag mo ng ihuhulog kung saan-saan para di na nawawala." Nakangising sabi nya.

"Hindi ko naman sinasadya eh aksidenteng nahulog sa kamay ko." Paliwanag ko pero tinawanan nya lang ako. Umupo na lang ako sa kama namin habang nakatingin sa sing-sing ko.

"Kinabahan ka ba?" Tanong nya sabay upo sa tabi ko.

"Sobra. Nawalan na nga ako ng pag-asang mababalik pa sya sakin." Natatawang sagot ko.

"Sumuko ka naman agad." Sabi nya sabay higa. Napatingin lang ako sa kanya.

"Kinabahan din ako na baka di ko na mahanap pero hindi ko sinukuan kasi alam ko mapapasaya kita kapag nahanap ko yan at saka sabi ko sa sarili ko kapag hindi ko nakita yan ngayong araw na to baka nga talagang hindi tayo para sa isa't isa." Seryosong sabi nya. Hindi sya nakatingin sakin busy lang syang pinaglalaruan yung unan. Gaya ko nanghingi din pala sya ng sign.

"Kaya pinilit mo syang hanapin?" Tanong ko. Napatingin sya agad sakin at umupo.

"Oo kasi kahit dun man lang maramdaman kong sa akin ka talaga." Seryosong sagot nya.

"Sayo naman na ko." Nakangiting sabi ko sabay yakap at sandal ng ulo ko sa balikat nya.

"Reah?" Tawag nya. Napatingin ako sa kanya.

"Yes?" Tanong ko.

"Paanu kung di ko sya nahanap at nasuot ulit sayo anung gagawin mo?" Tanong nya.

Napatingin lang ako sa kanya dahil sa hirap ng tanong nya hindi ko alam sasabihin ko. Paanu nga kaya kung hindi nahanap ni Kaye tong sing-sing ko at hindi ko sya suot ngayon anu na kayang ginagawa ko ngayon?

"Hindi ko alam siguro iniiyakan ko na naman sya. Bakit?" Sagot ko.

"Hindi mo hahanapin?" Tanong nya.

"Hahanapin ko syempre sabi ko nga kina Kim at Nicky hindi ako aalis dito hangga't hindi ko to nakikita." Natawa sya sa sagot ko.

"Bakit ba napakaimportante nyan para sayo eh pwede ko namang palitan yan?" Natatawang tanong nya.

"Kaye syempre importante to kasi ikaw yung nagbigay nito eh." Sagot ko.

"Mas importante kaysa sakin." Mahinang sabi nya pero narinig ko.

"No. Syempre mas importante ka mas mahalaga ka sakin kaysa dito." Sagot ko.

"Eh bakit nung nawala ako sayo hindi mo ko hinanap?" Tanong nya. Eto na naman kaming dalawa babalik na naman kami sa kanina pa naming pinag-uusapan.

"Kaye, iba kasi yun at saka hindi ka naman nawala eh." Nakangiting sagot ko. Napatingin lang sya sakin na parang hindi nya maintindihan yung mga sinasabi ko.

"Hindi ka nawala dito." Dugtong na sabi ko sabay kuha at lagay ng kamay nya sa dibdib ko para maramdaman nya yung tibok ng puso ko.

"Hindi ba ko napalitan dyan?" Seryosong tanong nya.

"Hindi at kahit kailan hinding hindi ka napalitan. Ikaw lang talaga. Ikaw lang mag-isa dito." Nakangiting sagot ko. Napangiti na lang din sya sabay yakap sakin ng mahigpit.

"Akala ko naging kayo." Biglang sabi nya.

"Nino? Ni Khel?" Tanong ko sabay harap sa kanya.

"Oo. Hindi ka ba nya niligawan?" Nagulat ako sa tanong nya.

"Actually nanliligaw sya." Mahinang sagot ko.

"Halata naman. Patigilin mo na sya Reah sabihin mo na sa kanya agad na tayo na kasi ayaw kong aaligid aligid sya sayo at mas lalong ayaw kong malapit ka pa din sa kanya." Nagulat na naman ako sa sinabi nya.

"Magagawa kong sabihin sa kanya na tayo na pero yung iwasan sya hin---."

"Gagawin mo o papipiliin kita?" Biglang tanong nya. Hindi nya na ako pinatapos sa sasabihin ko kasi alam nya na agad kung anu yun.

"Kaye please malayo naman sya sakin eh." Paliwanag ko.

"Kahit na ayaw ko pa din ng ganun Reah. Paanu na lang kung tawag-tawagan ka nya at makaistorbo sya sating dalawa? Ayaw ko ng ganun at alam kong kilala mo ko. Alam mong isa yan sa pinaka ayaw ko kaya please gawin mo na lang para maiwasan na natin yung pag-aaway natin." Napabugtong hininga ako bigla sa sinabi nya.

"Okay. Sige." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya.

"Ayaw kong pilitin ka sa mga bagay na ayaw mo pero mas lalong ayaw kong makitang unti-unti na naman tayong masira ng dahil lang sa ibang tao. Importante ka sakin Reah kaya please sana gawin mo na lang para sakin." Pakiusap nya.

"Alam ko at naiintidihan kita. Don't worry gagawin ko para sayo at para sating dalawa." Nakangiting sabi ko. Napangiti ko sya at niyakap nya ulit ako.

"Gusto kong umuwi ng Davao kasama ka." Biglang aya nya.

"Pwede ba?" Tanong ko sabay tingin sa kanya. Inalis nya na pagkakayakap nya sakin.

"Oo naman bakit hindi?" Tanong nya.

"Kasi di ba... Alam mo na." Hindi ko masabi yung sagot ko.

"Kaya nga gusto kitang dalhin para makita ka ulit nila at para malaman nila na tayo na ulit." Nakangiting sabi nya.

"Pero galit sila sakin di ba?" Tanong ko.

"Hhmmm... Medyo pero okay lang yan kaya nga kita dadalhin dun para ikaw mismo yung kumausap sa kanila." Sagot nya.

"Hindi ko alam sasabihin ko lalong lalo na kay Tita." Kinakabahan akong isipin na baka di na ulit ako tanggapin ni Tita para kay Kaye dahil sa pag-iiwan ko sa kanya. Simula ng maghiwalay kami ni Kaye parang tinalikuran ko na din yung family nya.

"Kausapin mo sya sigurado naman akong hindi ka matitiis nun alam mo namang gustong gusto ka nun." Nakangiting sabi nya.

"Dati oo gusto nya ko pero iba na ngayon Kaye baka nga pagnakita nya ko sampalin o di kaya sabunutan nya ko sa sobrang inis at galit nya sakin." Seryosong sabi ko pero tinawanan nya ko.

"Hindi magagawa ni Mama yun Reah." Natatawang sabi nya.

"I know pero malay mo naman magawa nya kasi nga galit sya sakin at kahit sinu namang Ina magagawa lahat para sa anak nila." Natawa ulit sya sa sinabi ko.

"Basta kausapin mo na lang si Mommy ha, lahat sila kausapin mo para mabalik ulit natin lahat sa dati. Reah gusto kong magsimula ulit tayo and this time sisiguraduhin kong maayos na lahat bago tayo ikasal." Nakangising sabi nya. Nagulat ako sa sinabi nya napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko maalala na nagtanong sya sakin kanina kung gusto ko syang pakasalan ulit.

"Reah will you marry me?" Tinanong nya na. Kakaisip ko pa lang sinabi nya na agad. Bumilis bigla yung tibok ng puso ko.

"Yes." Simple pero napakaimportanteng sagot ko. Niyakap na lang ako ni Kaye at hinalikan sa noo ko.

"Kasal na sana tayo ngayon kung di lang dahil sakin. I'm sorry Kaye." Napahigpit yung yakap ko sa kanya.

"Wag mo ng isipin Reah ang importante yung ngayon. Masaya ako kasi tayo na ulit at sana ganun ka din."

"Kung alam mo lang kung gaanu ako kasaya ngayon Kaye. Sobrang sobrang sobra." Natawa sya sa sinabi ko. Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang naalala ko na naman nung nasa Bar tayong dalawa at kung anu yung reaksyon nating dalawa nung nagkita ulit tayo." Sagot nya.

"Naalala ko din lalong lalo na nung sinabi mo na ayaw mo ng magpropose sakin kahit kailan." Nakangiting sabi ko. Napatingin sya sakin sabay ngiti.

"Pero ginawa ko na naman? Nagpropose ako at pumayag ka ulit. Sana last na to Reah ayaw ko na talagang ulitin pa to. Huling tanong ko na yun sayo." Seryosong sabi nya.

"Last na to promise. I love you." Sabi ko sabay hawak sa muka nya.

"I love you too Reah." Pagkasabi nya nun hinila nya ako palapit sa kanya at hinalikan nya ako. Hinalikan ko lang din pabalik si Kaye.

Last day na ng bakasyon naming apat ngayon at mamaya lang babalik na ulit kami ng Manila. Kinakabahan ako kasi babalik na ulit kami sa dati sana talaga maging okay na ang lahat saming dalawa ni Kaye at sana lang magawa ko yung pinapagawa nya sakin. Hindi ko alam kung paanu ko kakausapin si Michael na hindi ko sya nasasaktan. Alam kong mahirap dahil sobrang close na nila sakin lalo na si Baby KC. Hindi ko kayang iwasan si Michael lalo na kapag involve na si Baby KC napamahal na sya sakin at hindi maiiwasan na hanap-hanapin nya ako kasi nasanay na sya na palagi ko syang kinakausap kahit malayo sila sakin.

Mahirap man pero tama si Kaye kailangan ko syang gawin para maging maayos lahat saming dalawa. Hindi nga naman kasi tama na habang kasama ko si Kaye sila pa din iniisip ko kaya dapat lang na umiwas na ako hangga't kaya ko pa. Ang tanong. Kaya ko ba talaga? Kaya ko bang iwan at iwasan sila?


































*****

KAYE'S P.O.V.

"Good morning sweet couple." Bati ni Kim pagkakita nya samin ni Reah. Ngayong araw na alis namin.

"Good morning Kim." Nakangiting bati ni Reah.

"Ganda ng smile ha so anu kamusta? Kayo na ulit?" Tanong agad ni Kim. Napangiti lang si Reah sabay tingin sakin.

"Hindi pa ba halata eh may sing-sing ng suot si Reah." Sagot ni Nicky para saming dalawa ni Reah.

"Oh my God! Oo nga! Oh my God! Oh my God! I'm so happy! Kayo na ulit!" Nagtatatalong sigaw ni Kim sabay yakap ng mahigpit sakin at kay Reah.

"Kim wag kang sumigaw nakakahiya." Sabi ni Reah habang pinapakalma nya si Kim. Natatawa na lang kaming dalawa ni Nicky sa kanila.

"Tama na yan. Tara na umuwi na tayo para makapag-celebrate tayo ng maayos pagdating natin sa Manila." Aya ni Nicky.

"What a brilliant idea! Ang galing mo talaga." Sabi ni Kim sabay halik sa pisngi ni Nicky. "Magpapaparty ako dahil nagkabalikan na kayo! Let's go!" Aya ni Kim habang tuwang tuwang naglalakad papasok ng sasakyang maghahatid samin pauwi.

"Bakit ba laging hyper si Kim anu bang pinapakaen mo dyan?" Natatawang tanong ko kay Nicky. Tumingin lang sya sakin at nginitian ako. Isang ngiting nakakaloko.

Hindi na ko nagsalita naglakad na lang kaming dalawa ni Nicky kasunod  ni Kim at Reah. Habang naglalakad ako nakatingin lang ako kay Reah halata sa muka nya na masaya sya ngayon napapatingin tingin lang din sya sakin at napapangiti gaya ko.

Habang nasa byahe kami parehas lang kaming tahimik ni Reah pero kahit ganun okay lang dahil kahit sa hawak at haplos lang namin sa isa't isa para na din kaming nag-uusap. Halos hindi na kasi kami mahiwalay sa isa't isa daig pa namin si Nicky at Kim sa kasweetan naming dalawa. Nakahawak lang ako sa kamay nya pero mas madalas nakayakap ako sa bewang nya habang hinahalikan ko sya sa ulo nya. Napapangiti lang sya sa ginagawa ko.

Ilang oras lang hindi ko namalayan na nasa Manila na kami dahil busy lang akong ineenjoy yung moment kasama si Reah. Nag-aya si Kim na dumiretso na lang muna kami sa kanila pero tumanggi muna si Reah kasi gusto nya munang umuwi at makita yung Mama nya. Pumayag naman agad si Kim kaya sumama na lang ako kay Reah. Habang nagdadrive ako tahimik pa din kaming dalawa pero paminsan minsan nagsasalita sya at nagkukwento ng kung anu-anu at taga-tawa nya lang ako. Hindi ako nagsasalita natutuwa lang akong makinig at makitang masayang nagsasalita si Reah para akong baliw na nakangiti lang sa kanya.

Saglit lang naging byahe namin ni Reah pauwi sa bahay nya. Pagkapark ko pa lang ng kotse ko nagmadali na agad syang bumaba hindi nya na ako hinintay na pagbuksan sya dahil tumakbo na sya papasok sa loob.

"Sinung namiss nyo?!" Masayang tanong ni Reah pagkapasok nya sa bahay nila. Sumunod lang ako sa kanya.

"Reah!" Sigaw ni Tita sabay lapit kay Reah pero bago pa sya makalapit at makayakap kay Reah bigla syang napahinto at tumingin sakin kaya imbes na kay Reah sya dumiretso.....sakin sya lumapit.

"Kaye!!!!!" Sigaw ni Tita sabay yakap sakin.

"Tita." Natatawang sabi ko sabay yakap din sa kanya pabalik. Napatingin ako bigla kay Reah halatang gulat yung reaksyon nya dahil sa nangyari. Inexpect nya na sya yung yayakapin ni Tita.

"Sakto lang dating nyo. Kumaen na ba kayo? Tara sumabay na kayo samin dahil nagluto ako." Tanong at aya ni Tita samin ni Reah.

"Ma? Wala ba kong hug?" Tanong ni Reah. Nagkatinginan kaming dalawa ni Tita sabay tawa ng malakas. Lumapit agad si Tita sa kanya at niyakap sya.

"Ate Reah!!!" Sigaw ni Nica pero gaya ni Tita kanina sakin din sya dumiretso at yumakap.

"Hoy Nica! Tumigil ka." Galit na sabi ni Reah sabay hila palayo kay Nica. Nagalit na agad sya niyakap lang ako ng pinsan nya. Natatawa na lang ako sa ugali ni Reah.

"Grabe naman Ate isang hug lang naman." Dahilan ni Nica.

"Mas inuna mo talaga syang ihug kaysa sakin? Okay sige wala ka ng pasalubong." Sabi ni Reah sabay kuha ng mga gamit nya. Natawa na naman ako sa kanya para syang bata.

"Eto naman tampo agad oh eto na hug na kita." Sabi ni Nica sabay lapit at yakap kay Reah.

"Pasensya ka na Nica selosa kasi Ate mo eh." Natatawang sabi ko. Napatingin lang silang lahat sakin.

"Selosa? Bakit may reason ba para magselos?" Tanong ni Nica. Mukang wala pa syang alam kahit isa tungkol saming dalawa ni Reah.

"Tama na kakatanong tara na kumaen na tayo." Biglang sabi ni Reah sabay hila sa kamay ni Nica papunta sa dining table. Napatingin lang ng masama sakin si Reah. Natawa na lang ulit ako.

"Kamusta ang bakasyon?" Tanong ni Tita habang kumakaen na kami.

"Okay naman Ma grabe sobrang ganda sa Batanes di ba Kaye?" Tanong ni Reah sakin.

"Oo sobra." Simpleng sagot ko habang nakatingin kay Reah.

"Nakakainggit naman gusto ko din pumunta dun." Singet ni Nica.

"Next time balik tayo sama kayo ni Mama at ni.... Teka. Ma nasaan si Jessy?" Tanong ni Reah ng mapansin nyang wala si Jessy.

"Tulog pa ikaw naman parang di mo naman kilala yun." Sagot ni Tita.

"Tulog?! Anung oras na ha." Tanong ni Reah.

"Inumaga na ng uwi kanina." Sagot ni Tita.

"Inumaga? Saan galing?" Tanong ulit ni Reah.

"Birthday kasi ng friend nya kahapon kaya ayun naaya sya. Hayaan mo na Reah minsan lang naman eh sige na kumaen ka na dyan." Sagot ni Tita. Napansin din nya si Reah. Wala pa din syang pinagbago ang higpit nya pa din kay Jessy para pa din syang nakakatandang kapatid kung umasta kay Jessy.

"Kamusta na kaya boutique nya?" Tanong ni Reah ayaw nya talagang paawat.

"Mukang okay naman wala naman syang nababanggit sakin na problema." Sagot ni Tita.

"Good morning." Biglang dumating si Jessy at umupo sa tabi ni Nica, katapat ko sya.

"Good morning." Sabay-sabay na bati namin sa kanya.

"Kamusta bakasyon?" Tanong ni Jessy.

"Okay naman masaya eh ikaw kamusta ang party at bakit tinanghali ka ng gising? Sinung tao sa boutique mo?" Nagsimula na ulit magtanong si Reah.

"Reah ang aga-aga naman ng pasalubong mo sakin. Okay lang ang boutique don't worry at please wag mo na akong sermonan sa late na uwi at gising ko. Haler! Baler! Ang tanda ko na di na ko kasing edad ni Nica! My God! Kaye yang jowa mo pakiturukan ng mahimasmasan. Juskolord!" Sagot ni Jessy.

Nagulat si Reah sa sinabi nya kaya nabilaukan sya sa kinakaen nya. Natawa na lang ako kay Jessy. Alam nya na agad na kami na ni Reah kahit wala pa kaming sinasabi sa kanila.

"Jowa? OMG! Kayong dalawa?" Gulat na tanong ni Nica. Napangiti lang ako sa kanya.

"Nica kumaen ka na wag tanong ng tanong." Sagot ni Reah.

"Asus ayaw pang-umamin eh suot mo na nga ulit yung engagement ring nyo oh! Ayan oh! Shine bright like a diamond! Hmmm tusukin kita ng Tinidor sa bumbunan eh ang arte mo!" Naiinis na sabi ni Jessy kay Reah. Natawa na lang ako sa sinabi nya pero mukang nainis si Reah kaya napahinto ako sa pagtawa ko.

"Oh my God! So totoo nga ikakasal nga kayo dati pero di na tuloy at ngayon ikakasal na talaga kayo! OMG! Kailan malaman ng mga friends ko to na ang Ate ko ang pinakamaswerteng nilalang sa buong mundo dahil ikakasal sya kay Kaye Cal! Whaaaahhh!!!" Nagulat kaming dalawa ni Reah kay Nica. Kukunin nya na sana cellphone nya pero pinigilan namin syang apat.

"HUWAG!!!" Sabay sabay na sabi namin. Nagulat si Nica.

"Nica please wag kang maingay muna okay? Sa atin lang to alam mo na iwas sa mga anu." Paliwanag ni Reah kahit magulo mukang gets naman agad ni Nica.

"Awts. Okay. Sorry naexcite lang ako." Natatawang sabi ni Nica.

"Sige na tama na yan tapusin nyo na pagkaen nyo. Nica wag ka na munang magkwento sa mga kaibigan mo ha family matters lang to at di dapat nilalabas naiintindihan mo ba?" Tanong ni Tita.

"Opo Tita sorry po ulit." Sagot ni Nica.

"So kailan ang wedding?" Biglang singet na tanong ni Jessy.

"Wala pang plans Jess." Sagot ni Reah.

"Alam na ba ng family mo Kaye?" Tanong ni Tita.

"Si Daddy pa lang po nasabihan ko kagabi pero si Mommy hindi pa." Sagot ko. Madali lang kasing sabihin kay Daddy pero kay Mommy alam ko masyado pang maraming dapat ipaliwanag.

"Ganun ba." Simpleng sabi ni Tita sabay tingin kay Reah na seryoso na sa pagkaen nya.

"Balak po naming umuwi ni Reah sa Davao." Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Reah.

"Kailan? Sama ako!" Tanong ni Jessy.

"Di ko sure kay Reah kung kailan sya available." Sagot ko.

"Magpapaalam pa ko kay Ninong mamaya pero kung pwede na agad akong umalis bukas. Bukas na lang tayo." Nakangiting sabi ni Reah.

"Ha? Hindi ako pwede bukas pwedeng next week na lang." Singet ni Jessy.

"Jessy wag ka ng sumama hayaan mo na lang si Reah at Kaye ang pumunta dun wag ka ng manggulo." Sabi ni Tita.

"Oo nga naman Ate Jess moment nila yun eh." Singet ni Nica. Natawa ako bigla sa pagkaka-Ate nya kay Jess.

"Oh sya oo na sige na kayo na lang!" Naiinis na sabi ni Jessy.  Nagtawanan na lang kaming lahat sa reaksyon nya.

Pagkatapos naming kumaen umakyat na agad kami ni Reah sa kwarto nya. Tinulungan kong syang mag-ayos ng mga gamit na laman ng bag nya. Nagpalipas lang kami buong araw dito sa kwarto nya. Nakahiga lang kami habang nagkukwentuhan at nagkukulitan. Nagsabi na din sya kay Ninong Rick kanina at pinayagan naman syang umalis kaya ngayon tinutulungan ko na syang mag-impake ng mga dadalhin nya sa pag-uwi namin bukas sa Davao. Tahimik lang si Reah habang pinipili yung mga damit na dadalhin nya.

"Reah wag masyadong madami ha saglit lang tayo dun at saka may iba ka pang mga damit dun." Sabi ko ng mapansin kong ang dami nya na namang dadalhin.

"Eh mga luma na mga damit ko dun eh at saka baka kailanganin ko to mahirap na baka magkaroon na naman kayo ng biglaang family gathering syempre gusto kong maging maayos alam mo naman di ba susuyuin ko ulit silang lahat." Natawa ako bigla sa paliwanag nya.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ko sabay lapit sa kanya para yakapin sya.

"Ha? Hindi naman konti lang." Nakangiting sagot nya.

"Wag kang kabahan di ka naman nila aawayin Reah." Sabi ko sabay halik sa noo nya.

"Eh paanu kapag ayaw na nila sakin lalong lalo na si Tita nahihiya ako sa kanya Kaye." Nag-aalalang sabi nya.

"Wag kang mag-alala tatawagan ko mamaya si Mommy sasabihin ko na sa kanya para di sya mabigla. Ay wait kung gusto mo ngayon na eh para magkausap kayo." Sabi ko sabay labas ng cellphone ko.

"Ha? Wag na ikaw na lang kumausap sa kanya makikinig na lang ako." Sabi nya sabay alis sa yakap ko. Umupo sya sa kama. Lumapit at tumabi ako sa kanya.

"Reah halika nga dito. Huwag ka ngang kabahan hindi ka aawayin ni Mommy di nya ugali yun. Oo naggalit yun sayo pero sa tingin ko kapag nalaman nya namang okay na tayo ulit matutuwa yun." Sabi ko para lang mapanatag sya.

"Eh paanu kung hindi? Paanu kung kumontra na sya this time sating dalawa?" Ang dami nya na agad tanong. Hindi ko na sya sinagot tinawagan ko na lang agad si Mommy kasi hindi ko talaga sya mapapahinto sa kakaisip ng mga what ifs nya.

"Hello Ma." Bati ko agad pagkasagot ni Mommy.

"Hello Kaye kamusta anak?" Tanong agad niya. Niloudspeaker ko para marinig ni Reah.

"Okay lang po kakauwi lang galing ng Batanes. Ma may nasabi ba sayo si Daddy?" Tanong ko.

"Si Daddy? Oo ang sabi nya uuwi ka daw dito kailan nga pala para makapaghanda ako?" Tanong nya. Napatingin ako kay Reah halatang kinakabahan sya.

"Bukas po Ma uuwi kami." Sagot ko.

"Kami? May kasama kang uuwi?" Tanong agad ni Mommy.

"Opo." Simpleng sagot ko.

"Sinu? Si Kristine ba?" Walang idea si Mommy na si Reah yung isasama ko.

"Si Reah po." Sagot ko sabay hawak sa kamay ni Reah. Kahit ako kinakabahan sa magiging reaksyon ni Mommy. Natahimik bigla si Mommy kaya nagsalita ulit ako.

"Hello Mommy?"

"Hello. Sorry. Sinu ulit? Baka nagkamali lang ako ng dinig." Tanong ni Mommy mukang nagulat sya sa narinig nya.

"Si Reah po Ma. Nandito sya ngayon gusto nyo bang kausapin?" Tanong ko. Nagulat si Reah sa sinabi ko. Tatayo sana sya para lumayo sakin pero hinawakan ko sya.

"Nandyan sya? Sige pakausap ako." Sagot ni Mommy.

"Reah kakausapin ka ni Mommy." Sabi ko kay Reah sabay lapit ng cellphone ko sa kanya para mas marinig nya pa ng maayos si Mommy.

"Anung sasabihin ko?" Mahinang tanong ni Reah. Natawa lang ako sa kanya.

"Ikaw bahala." Natatawang sagot ko.

"Hello po Tita." Halatang kinakabahan si Reah.

"Hello Reah kamusta?" Tanong ni Mommy.

"Okay naman po kayo po kamusta?" Tanong pabalik ni Reah hinawakan ko lang sya sa kamay nya at nilapit sya sakin at para di sya masyadong kabahan hinahalikan ko sya sa noo nya.

"Okay naman pero sa totoo lang nagulat ako na magkasama kayong dalawa ulit ni Kaye. Kayo na ba ulit?" Tanong ni Mommy. Napatingin sakin si Reah.

"Opo." Simpleng sagot ni Reah.

"Ganun ba. Oh sya sige na magpahinga na kayo para may energy kayo bukas pagkauwi nyo dito." Utos ni Mommy. Halata talagang gulat na gulat sya sa balitang nalaman nya.

"Sige po Tita kayo din po." Simpleng sagot ni Reah.

"Good night Ma." Pagkasabi ko nun binaba na agad ni Mommy yung cellphone nya.

"Sa tingin mo galit sya?" Tanong agad ni Reah.

"Hindi noh. Nagulat lang yun. Pahinga ka na." Utos ko sabay tayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong nya.

"Uuwi na mag-iimpake di ako para bukas." Nakangiting sagot ko.

"Hindi ba pwedeng sumama na lang ako sayo para hindi ka na pumunta ulit dito bukas?" Tanong nya. Napangiti ako bigla gusto nya ng matulog ulit sa condo ko.

"Oo naman akala ko kasi ayaw mo kaya di na din kita inaya." Sagot ko.

"Syempre gusto ko at saka namiss ko na din matulog sa kwarto mo. Paalam na muna tayo kay Mama ha. Wait kang kunin ko lang ibang gamit ko." Sabi nya. Papunta na sana sya sa CR pero pinigilan ko sya.

Nagulat sya sa ginawa kong paghila sa kanya. Napangiti na lang ako habang unti-unti kong nilalapit muka ko sa kanya. Hinalikan ko sya. Naramdaman kong napangiti si Reah sa halik ko.

"I love you." Nakangiting sabi ko.

"I love you more." Pagkasabi nya nun hinalikan ko sya ulit and this time mas matagal na.





























_____________________________________________________________

Dahil madaming nagrerequest sige po pahahabain ko pa ng konti ang story 😊.

Sorry late po ang update dapat last week pa to eh now lang natapos.

Thanks guys!

Continue Reading

You'll Also Like

186K 8K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
6.1K 373 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
MPC2 (gxg) By s h a n e

General Fiction

113K 2.3K 34
What if I get the second chance? Pano kung sa pagkakataong to makukuha ko na yung happy ending? What if my princess is back? - Princess Charming
37.2K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"