TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

WHY NOT?

835 52 9
By simply_author

Hi guys!

Alam kong miss nyo na si Kaye at dahil dyan bibigyan ko kayo ng P.O.V. ni Michael hahaha.


Enjoy!!!






*****



MICHAEL'S P.O.V.



Mag-iisang oras na akong naghihintay kay Reah dito sa sala pero hanggang ngayon hindi pa din sya bumababa kaya tumayo na ako at umakyat sa kwarto ni KC. Pagkapasok ko sa kwarto nakita kong nakahiga silang dalawa na magkayakap sa kama lumapit ako para tignan sila at pagkalapit ko napangiti na lang ako sa nakita ko. Nakatulog na silang dalawa.

Hindi ko alam kung dapat ko bang gisingin si Reah o hindi. Kapag ginising ko sya baka magising ko din si KC at baka hindi nya na naman paalisin si Reah wala naman sigurong masama kung dito na lang sya matutulog.

"Nakatulog na?" Nagulat ako ng biglang nagtanong si Lola Flor. Hindi ko sya namalayang pumasok.

"Kanina pa kayo nandyan?" Tanong ko imbes na sagutin tanong nya.

"Hindi naman. Wag mo ng gisingin si Reah itext mo na lang si Via na dito na muna sya matutulog." Utos nya na para bang nabasa nya nasa isip ko.

"Sige po La." Sagot ko sabay labas ng cellphone ko para itext agad si Lola Via.

"Alam mo nakakatuwa silang tignang dalawa para silang mag-ina." Natatawang sabi ni Lola Flor. Napatingin ulet ako kay KC at Reah. Napangiti na lang ako at hindi na nagsalita.

"Nakakalungkot lang kasi paalis na si Reah." Dugtong na sabi ni Lola.

"Ganun po talaga wala naman tayong magagawa. May sarili ding buhay si Reah sa Manila at hindi natin sya pwedeng pigilan." Seryosong sabi ko habang tinatago cellphone ko.

"Oo nga pero aminin mo sobrang laki ng pinagbago ni KC simula ng dumating si Reah. Sobrang laking tulong nya kay KC."

"Sobra po at sobrang laki din ng utang na loob ko kay Reah dahil dito sa ginagawa nya." Nakangiting sabi ko habang nakatingin ako kay Reah.

"Bakit hindi mo ligawan?" Nagulat ako sa tanong nya hindi tuloy ako makasagot.

"Single ka naman at malapit na ding magdalawang taong simula ng  mawala si Krisha at higit sa lahat gustong gusto sya ng anak mo." Dugtong pa nya.

"Lola hindi na po pwede." Natatawang sagot ko. Nakatingin pa din ako sa dalawa.

"Bakit naman hindi pwede?" Tanong nya. Napatingin ako sa kanya.

"Kasi po ikakasal na si Reah." Pagkasabi ko nun hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng konting kurot sa puso ko. Napatingin ulet ako kay Reah.

"Ikakasal na sya? Eh bakit nandito sya? At saka nasaan yung papakasalan nya bakit hinayaan lang syang mag-isa dito?" Ang dami na namang tanong ni Lola.

"Lola mahabang kwento at please po pwede po bang matulog na din kayo kasi super late na masama po sa inyo yan." Natatawang utos ko.

"Oo nga no hindi ko din napansin yung oras sige na good night na matulog ka na din at wag mo ng masyadong titigan baka matunaw." Nanlaki bigla mata ko sa sinabi ni Lola. Natatawa lang syang lumabas ng kwarto ni KC.

"Lola talaga." Natatawang sabi ko. Lumapit ako sa dalawa para kumutan at ayusin sila.

Pagkalapit ko sa kanila nakita ko yung cellphone ni Reah sa gilid nya. Kinuha ko muna yun at pinatong sa ibabaw ng drawer malapit sa kama baka kasi madaganan nya. Kinumutan ko na agad silang dalawa. Gusto ko na sanang pumunta sa kwarto ko pero umupo muna ako sa gilid ng kama at tinignan ulet silang dalawa. Napangiti na lang ako ng maalala ko sinabi ni Lola kanina. Kung sa bagay tama si Lola at madami na ding nagsabi na ang cute nilang tignang dalawa. Kapag hindi mo kilala si Reah at first time mo silang makikitang magkasama ni KC aakalain mo talagang mag-ina sila.

Hindi ko din alam kung bakit sobrang close na agad nila. Nakuha agad ni Reah yung loob ng anak ko kahit saglit lang silang nagkakilala hindi katulad ng ibang babae na sinubukan kong idate. Kung tutuusin madami naman na akong pwedeng ipalit kay Krisha pero kapag nakikilala na nila si KC umaayaw sila hindi dahil ayaw nila kasi may anak na ako kundi dahil hindi nila makayanan yung ugali ni KC. Pero si Reah iba sya. Natiis nya si KC at naging close pa sila.

Sayang.

Sayang talaga.

Bakit kasi ngayon lang? Bakit kasi ngayon ka lang ulet bumalik Reah? Bakit ngayon kung kailan huli na ang lahat para sating dalawa?

Napabugtong hininga na lang ako at tumayo na. Ayaw ko na ng mga naiisip ko. Hindi tama tong ginagawa ko. Hindi tamang isipin ko na pwede pang maging kaming dalawa ni Reah kung gugustuhin ko. Ikakasal na sya at hindi tamang mang-gulo pa ako. Lumapit na muna ako kay KC para humalik sa kanya. Pagkahalik ko sa kanya bigla akong napatingin kay Reah. Sobrang himbing ng tulog nya halatang pagod na pagod sya dahil kanina.

"Good night Reah." Mahinang sabi ko. Umayos na ako ng pagkakatayo ko at naglakad na papunta sa kwarto ko pero napahinto ako ng marinig kong nagring cellphone ni Reah. Lumapit agad ako sa cellphone nya para tignan kung sinung tumatawag.

"Kaye." Curious talaga ako sa taong to. Alam ko na sya yung papakasalan ni Reah kahit hindi nya sabihin sakin dahil minsan nahuli ko syang nagbabasa ng napakaraming text galing sa kanya at kahit isa wala man lang sagot si Reah dahil siguro galit pa din sya hanggang ngayon sa kanya. Grabe naman kasi yung ginawa nya kay Reah. Kung ako sya hinding hindi ko gagawin yun. Kahit kailan hindi ko maiisip na saktan si Reah.

Hindi ko sinagot yung tawag hanggang sa huminto na sa pagring yung cellphone ni Reah. Paalis na sana ulet ako pero napahinto ako bigla sa naisip ko. Bakit nga ba hindi? Bakit hindi ko subukan?

"Hindi pwede Michael. Itigil mo na yan." Sabi ko sa sarili ko sabay labas ng kwarto ni KC.

Pagkapasok ko sa kwarto ko humiga na agad ako sa kama ko. Napatingin ako sa oras. Malapit ng mag-umaga pero eto pa din ako hindi man lang ako makaramdam ng antok. Ang daming bumabagabag sakin at ang dami kong iniisip.

"Anu ba naman Khel! Umayos ka nga! Bakit ba nagkakaganyan ka na naman!" Napaupo ako bigla.

Naiinis na talaga ako. Bakit ba kasi naitanong bigla ni Lola Flor sakin yun kanina? Hindi na tuloy mawala sa isip ko yun. Paanu nga kaya kung gawin ko yun? Paanu pag niligawan ko si Reah may pag-asa pa kaya ako?

"Syempre wala! Gago ka ba Khel?! Ikakasal na sya nakalimutan mo na ba!" Eto na naman ako kausap ko na naman sarili ko. Humiga ulet ako para makatulog na at itigil na tong kahibangan ko.

Pumikit na ako para unti-unti maramdaman ko yung antok pero bigla na naman akong napadilat sa naisip ko. Napaupo ako bigla.

Bakit nga ba?

Bakit ko hahayaang mapunta si Reah sa isang taong hindi sya kayang pasayahin? Bakit hahayaan ko lang mapunta sya sa taong dahilan ng pag-iyak nya sakin nung nakaraang araw? Hindi tamang hayaan ko lang syang masaktan ulet dahil alam ko sa sarili ko na deserved ni Reah na maging masaya sya at alam kong kaya kong ibigay yun.

Kahit kailan hindi ko naisip at hindi ko kayang saktan si Reah. Ingat na ingat ako sa kanya dati nung kaming dalawa pa. Lahat ginawa ko para sa kanya pero hindi lang talaga kami nagtagal dahil yun yung dapat mangyari pero hindi ibig sabihin nun hindi na namin mahal yung isa't isa. Umalis si Reah nun na mahal nya pa din ako kahit labag sa loob nyang iwan ako ginawa nya pa din para lang saming dalawa kaya bakit hahayaan kong masayang lahat yun?

"Bakit hindi ko subukan?"

Bakit nga ba hindi. Wala namang mawawala baka mamaya hindi ko lang alam parehas lang din pala kami ng nararamdaman. Nabuhayan na naman ako ng lakas ng loob kahit alam kong mali gusto ko pa ding subukan baka kasi mag-work pa kaming dalawa hindi lang bilang magkaibigan. Gusto kong bumalik kaming dalawa sa dati at hindi lang hanggang dito gusto ko higit pa. Gusto kong mahigitan kung anung meron kaming dalawa noon. Gusto ko si Reah at yun ang nararamdaman ko kaya hindi ako papayag na mawala lang sya at mapunta sa iba na walang ginawa kundi saktan lang sya.






































*****

REAH'S P.O.V.



Nagising akong katabi ko si KC. Napaupo ako bigla ng makita kong maliwanag na sa labas. Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan kagabi. Dahan dahan akong tumayo dahil baka magising ko si KC. Pagkatayo ko hinanap ko agad cellphone ko. Hindi ko na matandaan kung saan ko sya nilagay kagabi.

"Reah?" Napatingin ako kay Michael. "Good morning." Nakangiting bati nya.

"Good morning din." Bati ko habang pinagpatuloy ko lang paghahanap sa cellphone ko.


"May hinahanap ka ba?" Tanong nya pagkalapit nya sakin.


"Oo yung cellpho---." Hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil inabot nya na din sakin agad. Nakapatong lang pala sa drawer hindi ko napansin.


"Nilagay ko dyan kagabi baka kasi madaganan mo at saka nga pala may tumawag sayo kagabi."

"Ha? Sinu?" Tanong ko habang binubuksan ko cellphone ko.

"Si Kaye." Nagulat ako sa sagot nya. Napatingin ulet ako sa kanya.

"Sinagot mo?"

"Oo."

"Ha!? Bakit?! Bakit mo sinagot!?" Napasigaw ako bigla. Hindi pwede to nagkausap silang dalawa ni Kaye. Anu na kayang iniisip ni Kaye ngayon? Hindi pwede to.

"Bakit masama bang sagutin? Tulog ka na eh kaya hindi na kita ginising sinagot ko na lang."

"Sira ka talaga! Anung sinabi mo ha?! Anung sinabi nya? Nagpakilala ka ba? Sinabi mo ba kung nasaan ako? Anung pinag-usapan nyo?"

"Reah..."

"Bakit mo ba kasi sinagot?"

"Reah..."

"Nakakainis ka!"

"Reah!" Sigaw nya. Napahinto ako bigla.

"Pwede ba kalma lang. Hindi ko sinagot. Joke lang yun naniwala ka naman agad." Nakangising sabi nya.

"Nakakainis ka!" Hinampas ko sya sa braso nya.

"Mommy... Daddy..." Nagulat kaming dalawa ni Michael dahil biglang nagising si KC. Mommy na talaga tawag nya sakin. Hindi pwede to.

"Good morning Baby." Bati ni Michael sabay lapit kay KC. Bumangon na agad si KC at yumakap agad sa Daddy nya.

"Good morning Baby." Bati ko pagkalapit ko sa kanilang dalawa.

"Uuwi ka na?" Tanong agad ni KC.

"Hindi pa po. Di ba nagpromise si Tita sayo kahapon, remember?" Nakangiting sagot ko.

"Kailan ka uuwi?" Tanong nya. Napangiti na lang ako bigla sa kanya.

"Bukas pa po." Sagot ko.

"Sasama kami ni Daddy?" Natawa ako sa tanong nya.

"Baby uuwi na sa bahay nila si Tita Mommy mo kaya hindi tayo pwedeng sumama kasi malayo yun eh." Si Michael nang sumagot para sakin.

"Babalik din sya agad?" Tanong ni KC sa Daddy nya. Ang cute nilang dalawa.

"Opo babalik din sya kasi sigurado ako hindi ka kayang tiisin ng Tita Mommy mo. Babalik at babalik din sya kasi mamimiss nya ako ay este ikaw pala." Natawa na lang ako sa sinabi ni Michael.

"Tatawa tawa ka pa dyan totoo naman." Sabi nya sabay tayo. Binuhat nya na si KC. "Tara na sa baba nakaready na kanina pa yung breakfast." Aya ni Michael habang palabas ng kwarto kasama si KC.

Hindi na din ako nagsalita at sumunod na lang sa kanilang dalawa. Pagkababa namin nakita kong busy sa paghahain ng pagkaen si Lola flor.

"Oh nandyan na pala kayo. Tara na upo na kayo para makakaen na tayo." Utos ni Lola Flor. Umupo na kaming tatlo at nagsimula ng kumaen.

Habang kumakaen kami naalala ko na naman si Kaye. Bakit kaya bigla syang napatawag kagabi? Ilang araw na din kasi syang walang paramdam sakin tapos ngayon tumatawag na ulet sya. Miss nya na kaya ako? Hindi Reah! Hindi! Hindi!Tumigil ka! Wag kang mag-isip ng ganyan. Nagiging malambot ka na naman sa kanya. Baka nakakalimutan mo na kaya ka nga nandito kasi galit ka sa kanya kaya dapat lang na pahirapan mo sya para malaman nya kung gaanu kasakit yung ginawa nya. Pero... 


Pero paanu kung may nangyari pa lang hindi maganda sa kanya o baka meron syang sakit o di kaya naman baka kung napaanu na sya. Baka mamaya nasa hospital pala sya kaya bigla syang napatawag kasi kailangan nya ako. Okay lang kaya sya? Kamusta na kaya sya?


"Reah okay ka lang?"


"Ha?" Nagulat ako sa tanong ni MIchael.


"Okay ka lang? Para kasing wala ka sa sarili mo."


"Okay lang ako." Napansin nilang wala ako sa sarili ko. Bakit ba kasi hindi mawala sa isip ko yung pagtawag ni Kaye. Hay naku naman Reah.


"Sure ka?" Tanong ulet ni Michael.


"Oo naman." Nakangiting sagot ko. "Pwede bang mauna na akong umuwi? Baka kasi nag-aalala na si Lola Via sakin." Pagpapaalam ko.


"Kumaen ka na muna Reah." Utos ni Lola Flor.


"Sorry Lola Flor okay lang po bang tumangi muna ngayon? Kasi po gusto ko sanang sabayan mag-almusal si Lola Via eh okay lang po ba?" Nakangiting tanong ko.


"Ganun ba? Oh sya sige ikaw bahala. Ingat ka pag-uwi ha." Pagkasabi nya nun tumayo na agad ako at nagpaalam na ako sa kanila ni KC.


"Hatid na kita Reah." Biglang sabi ni Michael.


"Huwag na Khel. Okay lang ako at saka pagsumama ka mawawalan ng kasama dito si Baby KC. Di ba Baby?" Nakangiting sabi ko kay KC. 


"Okay lang saglit lang naman eh." Pilit ni Michael. Tumayo na din sya.


"Hindi na okay lang ako malapit lang naman eh at saka maaga na oh kaya safe na dyan sa labas."


"Reah please wag ng makulet ihahatid na kita pauwi." Ang tigas talaga ng ulo nya.


"Sama ako." Biglang sabi ni KC sabay lapit at yakap sa Daddy nya. Napatingin na lang sakin si Michael habang hinihintay sagot ko. Napabugtong hininga na lang tuloy ako. Wala na naman akong magawa. Hindi na ako makatanggi.


"Tara na." Aya ko sabay labas ng bahay.


Naglakad na lang ako pauwi habang nakasunod lang sakin yung mag-ama. Napapatingin ako sa kanilang dalawa lalo na kapag nag-uusap sila ng kung anu-anu lang. Nakakatuwa silang tignan.


"Reah! Michael!" Napatingin kami ni Michael sa tumawag samin. Mukang madami sila.


"Uy! Kamusta?" Tanong agad ni Michael ng makita namin sina Vhanch, Chloe at Sandy.


"Eto okay lang nagreready sa party ni Reah later. Hi Baby KC." Nakangiting sabi ni Sandy.


"Anu ba kayo? Wag na nga kayong mag-aksaya ng oras dyan. Teka. Bakit kayong tatlo lang? Nasaan si Hailey at Klara?" Tanong ko.


"Wala pa nga eh baka tulog pa." Natatawang sabi ni Vhanch. "Eh kayo saan punta nyo mga lovebirds?" Natawa silang lahat sa tanong ni Vhanch maliban sakin at kay Michael.


"Pauwi pa lang ako." Simpleng sagot ko.


"Pauwi? Bakit saan ka ba galing?" Tanong ni Chloe. Napatingin ako bigla kay Michael. 


"Kina Michael dun kasi ako natulog." Sagot ko at halatang nagulat sila sa narinig nila.


"OMG! Magkatabi kayong natulog?!" Pasigaw na tanong ni Vhanch. Narinig kong natawa si Michael.


"Sira hindi! Si Baby KC katabi ko. Nakatulog kasi ako habang pinapatulog ko sya." Paliwanag ko.


"Ah okay akala ko kayo ang magkatabi eh." Natatawang sabi ni Vhanch. Sira ulo talaga tong mga kaibigan ko.


"Sige na uwi na muna ako. See you later guys."


"Oh sya sige na. See you later Reah and Michael. Bye Baby KC." Paalam ni Chloe.


Nagpaalam na din si Sandy at Vhanch kay Michael at KC bago kami lumakad ulet pauwi. Pagkadating namin ng bahay nakita ko si Kuya Jojo na mag-isang kumakaen. Bakit kaya?


"Kuya Jo bakit mag-isa ka? Nasaan si Lola?" Tanong ko pagkalapit namin sa kanya.


"Reah nandyan ka na pala. Kaen tayo. Khel tara kaen! Hi Baby KC." Aya nya samin hindi nya ko sinagot.


"Kuya Jo yung tanong ko pakisagot."


"Ay sorry si Lola Via nga pala nandun sa kwarto nya nagpapahinga."


"Nagpapahinga? Bakit masama ba pakiramdam nya?" Gulat na tanong ko.


"Oo kagabi pa nga eh. Pinakaen ko na sya at pinainom ng gamot kaya pinagpahinga ko na lang muna." Sagot nya.


"Ganun ba. Sige puntahan ko na muna sya." Sabi ko sabay tayo.


"Natutulog pa sya Reah mamaya mo na lang puntahan kumaen ka na lang muna dito."


"Oo nga Reah hindi ka pa kumaen sa bahay kanina." Singet ni Michael.


"Sure ka tulog sya?" Tanong ko ulet kay Kuya Jojo bago ako umupo ulet at kumaen.


"Oo kakaakyat ko lang kanina eh." Sagot nya.


"Ganun ba. Sige kakaen na muna ako mamaya ako ng magbabantay sa kanya."


"Hindi na Reah ako ng bahala kay Lola uuwi ka na mamaya di ba?" Tanong ni Kuya Jojo hindi nga pala nila alam na cancel muna yung pag-uwi ko.


"Hindi pa ako uuwi mamaya Kuya baka bukas pa pero kapag hindi pa din okay si Lola baka icancel ko na lang ulet muna. Gusto ko bago ako umuwi okay na okay sya." Nag-aalala talaga ako kay Lola Via. Ang sama kong apo kung iiwan ko lang sya sa ganitong kalagayan.


"Ganun ba. Sige ikaw bahala kung sa bagay ayaw ko din namang mag-isang magbantay kay Lola dito. Si Papa kasi baka sa isang araw pa makauwi eh. Sinamahan nya pa kasi si Nica na maghanap ng matutuluyang boarding house sa Manila." Umupo na ko sa upuan at tumabi naman sakin si Michael habang busy lang si KC sa paglalaro sa sala. 


"Wala pa ba syang nahahanap na boarding house? Dapat dun na lang sya sa bahay nagstay tutal naman kaming tatlo lang naman ni Mama at Jessy yung nandun." Sabi ko habang kumukuha ng pagkaen ko.


"Jessy?" Tanong ni Michael.


"Oo si Jessy yung anak ng kaibigan ni Papa kasama namin yun sa bahay." Sagot ko bago ako sumubo ng pagkaen ko.


"Lalaki?" Bigla akong nasamid sa tanong ni Michael. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa tanong nya o hindi. Hindi tuloy ako makapagsalita. Inabutan nya na lang ako ng tubig para makainom ako.


"Parang ganun na nga." Sagot ko ng maging okay na ako.


"Anung parang ganun na nga?" Tanong nya. Natawa na lang ako bigla. 


"Reah. Michael. Nandito na pala kayo." Biglang tawag ni Lola. Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko at lumapit agad sa kanya.


"Lola bakit nandito kayo? Dapat nagpapahinga kayo." Sabi ko habang inaalalayan ko sya sa paglalakad.


"Hay naku Reah! Okay lang ako wag nga kayong ganyan parehas kayong dalawa ni Jojo. Malakas pa ako oh ayaw ko ng tinatrato ako na parang matandang matanda na. Bagets pa kaya ako." Natatawang sabi nya.


"Lola Vi talaga oh nagbibiro pa. Kamusta na po ba pakiramdam nyo?" Tanong ko pagkaupo naming dalawa.


"Eto medyo okay na nahilo lang naman ako kagabi eh eto namang si Jojo akala kung napaanu na ako."


"Hala si Lola Vi anung nahilo ka dyan. Muntik ka na kayang mag-collapse kagabi buti na lang at nakita agad kita dapat nga dinala na kita sa hospital eh." Reklamo ni Kuya Jojo.


"Eto talagang batang to oh okay nga lang ako." Natatawang sabi ni Lola.


"Lola naman hindi po okay yun ha. Dalhin na lang po namin kayo sa hospital para matignan kayo baka kasi mamaya kung anu na yan." Aya ko.


"Hay naku Reah wag na at saka di ba paalis ka na? Bakit hindi ka pa nag-aayos?" 


"La hindi na po muna ako uuwi hangga't hindi kayo okay ha."


"Reah okay nga lang ako at saka nandito naman ang Kuya Jojo mo eh."


"Hindi kayang mag-isa ni Kuya Jojo dito kaya sasamahan ko kayo."


"Hay naku manang-mana talaga kayo sa mga magulang nyo. Oh sya sige na ituloy nyo na yang pagkaen nyo at ako'y babalik na sa kwarto ko para naman mapanatag na yang mga loob nyo." Sabi ni Lola sabay tayo pero nagulat kami ng bigla syang mapaupo ulet.


"La okay ka lang?" Tanong ko. Tumayo kaming tatlo at lumapit sa kanya.


"Oo okay lang ako."


"Lola naman eh tara na po kasi sa hospital." Pagpupumilit ko. Nag-aalala na talaga ako sa kanya.


"Reah apo okay lang ako alalayan nyo na lang ako paakyat."


"La sige na po kasi pumayag na kayo dadalhin na namin kayo sa hospital nandyan naman si Michael eh may kotse sya." 


"Oo nga po Lola Vi uuwi na lang po muna kami ni KC kukunin ko yung kotse ko." Singet ni Michael.


"Hay naku hindi! Wag kayong ganyan sakin. Pakiramdam ko tuloy mamamatay na ako sa ginagawa nyo."


"La!" Sabay sabay na sabi naming tatlo.


"Ah basta hindi ako pupunta ng hospital dahil malakas pa ako itutulog ko na lang to dito sa bahay kaysa dun sa hospital magbabayad pa tayo ng bills."


"La wag nyo na pong intindihin yung bills kaya naman pong bayaran yun eh ang importante po ngayon ay yung mapanatag yung loob namin. Gusto naming masigurong okay lang po talaga kayo." Sabi ko.


"Sige na Reah wag mo na akong pilitin dahil hindi pa din talaga ang sagot ko."Sabi nya sabay tayo. Inalalayan na lang namin sya ni Kuya Jojo.


"Sige po hindi ko na kayo pipilitin pero kapag may naramdaman na kayong iba sabihin nyo po agad samin ha."


"Oo na po." Natatawang sabi nya.


"La hindi po ako nagbibiro ha."


"Ikaw talagang bata ka. Sige na ienjoy mo na bakasyon mo para makauwi ka na dahil nag-aalala na Mama mo sayo." Sabi nya habang umaakyat kami sa taas.


"Tatawagan ko na lang po sya mamaya. Sige na po magpahinga na kayo." Sabi ko pagkapasok namin sa kwarto nya.


"Oh sige basta wag mong kakalimutang tawagan ang Mama mo ha."


"Opo. Sige na La tulog na ulet kayo ha."


Hindi na nagsalita si Lola sumunod na lang sya sakin. Lumabas na kaming dalawa ni Kuya Jojo sa kwarto at bumaba na.


"Sige na Reah baka may lakad pa kayo ni Khel ngayon ako na lang munang bahala kay Lola."


"Hindi wala kaming lakad ngayon baka dito na lang muna ako sa bahay babantayan ko si Lola."


"Anung wala. Alam ko may pa-party sila mamaya para sayo. Puntahan mo yun dahil pinagkaabalahan ng mga kaibigan mo yun lalo na yung baliw na si Vhanch."


"Uy si Kuya Jojo concern kay Vhanch." Natatawang sabi ko.


"Hoy hindi ha! Baliw lang kasi yung kaibigan mo na yun baka mamaya kung anu-anu na namang gawin sa Bar."


"Ha? Anung gawin sa Bar? Bakit anung nangyari?" Tanong ko pagkabalik namin sa lamesa.


"Mahabang kwento Reah. Basta ingatan mong huwag malasing yan mahirap na di ba Khel?" Tanong ni Kuya Jojo kay Michael. Hindi naman sumagot si Michael tumawa lang sya. Anu kayang ibig sabihin nila?


"Reah uwi na muna kami ni KC pero babalik din agad ako dalhin ko na lang yung kotse ko."


"Hindi na Khel okay lang text na lang kita kapag kailangan ka namin. Magpahinga ka na din at saka bigyan mo naman ng time si KC na kayong dalawa lang." Nakangiting sabi ko.


"Sige. Basta itext mo ko agad ha susunduin na lang kita mamaya." Pagkasabi nya nun tumayo na sya agad at tinawag si KC. Pagkalapit ni KC nagpaalam na din agad ako sa kanya. Buti na lang at nasa mood sya ngayon at hindi umiiyak dahil uuwi na sila ng Daddy nya. Pagkaalis ni Michael at KC tinapos ko na lang muna pagkaen ko.


"Reah okay lang ba sasaglit lang ako sa kaibigan ko may kukunin lang ako. Gagamitin ko kasi yun mamaya eh." Paalam ni Kuya Jojo.


"Sure Kuya ako na lang muna dito kay Lola."


"Sige. Alis na ako para makabalik agad ako. Bye." Nagmamadali na syang lumabas.


Naiwan na akong mag-isa. Pagkatapos kong kumaen hinugasan ko na lahat ng hugasin at naglinis lang ng konti sa bahay bago ako umakyat sa kwarto ko para makaligo na. Habang naghahanap ako ng damit ko tinawagan ko na lang muna si Mama para ipaalam sa kanya na hindi tuloy yung pag-uwi ko ngayon.


"Hello Ma."


"Hello anak. Nasaan ka na? Nakaalis ka na ba?" Tanong agad ni Mama.


"Hindi pa po."


"Hindi pa?! Akala ko maaga ang flight mo? Anung oras ba? Para masundo ka namin sa ariport."


"Ma hindi po muna ako uuwi."


"Ha? Bakit?"


"Ma si Lola Via kasi eh masama pakiramdam nya hindi ko naman po maiwanan si Kuya Jojo dito ng mag-isa."


"Anu? Teka anung nangyari sa Lola mo? Okay lang ba sya? Dinala nyo ba sya sa hospital?"


"Hindi pa nga po eh ayaw kasi nya alam nyo naman po si Lola may pagkamatigas din ang ulo."


"Ganun ba oh sige ikaw bahala pero tawagan o itext mo ako kapag pauwi ka na ha. Miss na kita anak. Ingat ka dyan ha."


"Miss you too Ma. Ingat din po kayo dyan ha. Uuwi din po ako agad kapag okay na si Lola."


"Sige."


"Nga po pala Ma. Sila Tito Paul at Nica naghahanap daw po sila ni boarding house na matutuluyan ni Nica baka pwede pong dyan na lang natin patuluyin si Nica sayang naman kasi kung magbabayad pa sila ng boarding house eh."


"Sure! Bahay mo to Reah kaya ikaw ang bahala sa mga ganyang desisyon. Sabihan ko na lang si Tito Paul mo na dito na lang muna sila."


"Sige po Ma thanks po. Tawag na lang ulet ako mamaya bantayan ko lang po si Lola."


"Nga pala Reah."


"Anu po yun?"


"Nagkausap na ba kayo ni Kaye?" Naalala ko bigla si Kaye. Nawala na naman sya sa isip ko samantalang kanina sya lang naiisip ko.


"Hindi pa po."


"Ganun ba. Ilang araw na din kasi syang hindi nagpupunta at nagpaparamdam sakin baka lang kasi nagkausap na kayo kaya hindi na sya nangungulet dito sakin."


"Tumawag po sya sakin kagabi pero hindi ko po nasagot."


"Hindi nasagot o hindi mo talaga sinagot. Alam mo Reah alam ko hindi pa din kayo okay pero sana naman kausapin mo na sya. Nahihirapan na din yun kahit hindi nya sabihin nararamdaman kong miss ka na nun kaya yun napatawag sayo. Ikaw ba hindi mo ba sya namimiss?" Hindi ako makasagot sa tanong ni Mama.


"Sige na Ma. Bye na po. I love you." Pagkasabi ko nun narinig kong napabugtong hininga na lang sya.


"I love you too. Bye." Binaba ko na agad pagkarinig ko ng sagot ni Mama sakin.


Pumasok na agad ako sa CR at naligo na. Gusto kong puntahan at bantayan ngayon si Lola magdamag. Ayaw ko syang iwan mag-isa. Pagkatapos kong maligo nagmadali na agad akong nagbihis at nag-ayos muna saglit ng kwarto ko. Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko naalala ko bigla yung mga sinabi ni Mama. Hindi na daw nagpupunta ng bahay si Kaye. Gaya ng hindi nya pagpaparamdam sakin ganun din pala ginawa nya kay Mama. Nagpahinga din sya gaya ng ginagawa ko ngayon. Binigyan nya talaga ako ng space. Pero space nga ba talaga yung binigay nya sakin o baka naman kasi nakahanap na sya ng iba?


"Reah! Anu ba! Tumigil ka nga." Pagkasabi ko nun tinambak ko na lang ulet yung mga damit ko na tinitiklop ko sa kama ko at pumunta na ako kay Lola para mapunta naman sa iba yung isip ko. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-anu at ayaw ko munang isipin si Kaye sa ngayon.


Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni Lola para hindi sya magising pero mukang gising naman sya.


"Lola bakit gising kayo?" Tanong ko.


"Hindi na ako makatulog eh." Sagot nya habang pinapaupo nya ako sa tabi nya. Umupo naman agad ako sa tabi nya at niyakap ko sya.


"Magpahinga kayo La ha hindi ako sanay na nakikitang ganyan kayo eh." Nag-alalang sabi ko.


"Okay lang ako. Umuwi na ba sila Michael at KC?" Tanong nya.


"Opo kanina pa po." Nakangiting sagot ko.


"Alam mo Reah natutuwa ako dahil okay ka na." Biglang sabi ni Lola napangiti na lang ako.


"Nakakangiti ka na ng hindi sapilitan. Halatang masaya ka na hindi katulad nung unang araw mo dito na halos hindi ka ngumingiti. Mukang naging maganda yung pagsama sama sayo ni Michael at ni KC. Mukang sila yung dahilan kung bakit ganyan ka."


"Hindi lang naman sila La. Syempre kayo din po kaya super thank you po talaga kasi pinatuloy nyo po ako dito."


"Anu ka ba wala yun. Apo kita kaya dapat lang na patuluyin kita dito."


"Thank you po talaga La." Sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya.


"Hindi ka ba aalis ngayon?"


"Hindi po muna pero mamaya baka po umalis ako kasi may party daw sila para sakin."


"Ganun ba sige puntahan mo yun at sayang naman mukang pinaghandaan ng mga kaibigan mo yun."


"Opo La pero ngayon po kayo po muna sasamahan ko ha."


"Ang sweet naman ng apo ko. Oo nga pala buti na lang at naalala ko. Natatandaan mo ba yung bahay nyo dati?" Tanong ni Lola.


"Opo bakit nyo po natanong?"


"Kasi umalis na yung tagapagbantay nung bahay nyo nung isang araw pa kaya wala ng nagbabantay ngayon."


"Nagbabantay? Di ba po binenta na ni Papa yung bahay?" Gulat na tanong ko.


"Dapat ibebenta nya pero nung maisip nya na mahalaga sayo yung bahay hindi nya yun binenta kinausap nya na lang yung isa sa mga kaibigan nya nung college sya na dun na muna tumira eh kaya lang lumipat na din sila sa Manila nung isang araw kaya ayun wala ng nagbabantay." Nagulat ako sa mga narinig ko. Wala akong kaalam-alam tungkol sa bahay. Ang buong akala ko talaga binenta na ni Papa yun.


"May susi po ba kayo nung bahay La?"


"Oo nandun sa Kuya Jojo mo sya kasi pinapunta ko dun kahapon eh."


"Pwede po ba akong pumunta dun La?"


"Oo naman sa inyong bahay yun eh. Minsan ayain mo Mama mo dun para makita nyo ulet yung bahay. Wala namang nagbago sa bahay na yun kasi ayun yung pinasuyo ng Papa mo sa kaibigan nya na wag gagalawin yung bahay kasi ang alam ko plano ng Papa mo ibibigay nya ulet sayo yun pagnagpakasal ka na daw." Nakangiting kwento ni Lola.


"Alam po ba ni Mama to?"


"Oo alam nya. Nung hinahanap kayo ng Mama mo noong naghiwalay sila ng Papa mo sinabi ko yun sa kanya."


"Ganun po ba. Wala po kasi syang nabanggit sakin."


"Hala patay ako!" 


"Bakit po?" Gulat na tanong ko.


"Dapat yata hindi ko muna sinabi sayo. Surprise yata dapat sayo yun." Natawa ako bigla sa sinabi nya.


"Lola talaga. Okay lang po yan. Pupuntahan ko na lang po bukas titignan ko po kung may dapat bang ayusin para mapaganda ko naman po yung bahay." Naeexcite na sabi ko. Gusto ko na ulet makita yung bahay.


"Kung gusto mo ngayon mo na puntahan."


"Hindi na La bukas na lang po. Di ba nga po sabi ko dito lang ako sa tabi nyo ngayon." Nakangiting sabi ko.


"Oh sya sige. Natawagan mo na ba Mama mo?"


"Opo La sinabi ko na hindi na po muna ako uuwi at saka sinabi ko po na baka dun na lang tumira si Nica sa bahay habang wala pa syang nahahanap na boarding house."


"Nakahanap na ng boarding house si Nica kanina lang nagtext na sakin Tito Paul mo pauwi na din sya."


"Ganun po ba sayang naman yung ibabayad nya sa boarding house dapat dun na lang sya sa bahay tutal naman po malapit lang school nya sa bahay at saka may kotse naman po pwede syang ihatid papasok."


"Hayaan mo na muna para masanay din mag-isa si Nica."


Kung sa bagay."


Pagkasabi ko nun hindi na nagsalita si Lola niyakap nya na lang ako gaya ng pagkakayakap ko sa kanya. Hindi ko na nakakasama ng ganito si Lola simula nung sinamahan ko na palagi si Michael at KC. Namiss ko agad sya kahit magkasama naman kaming dalawa. Sana lang talaga maging okay sya agad dahil hindi talaga ako uuwi hangga't hindi sya nagiging maayos. Ayaw kong umuwi at iwan na lang sya. Matanda na si Lola at dapat alagaan ko sya gaya ng pag-aalaga nya sakin noong iniwan kami ni Mama.





























______________________________________________________________________


Update muna bago umalis mamaya!!!!!! See you later mga bes! hehe



Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 172 40
Shane Mendrazo a junior high that's struggling with her life as an adolescent, plus her late blooming sexual preference, plus some non-serious boyfr...
108K 536 18
sabi nila bawal daw magmahal sa magkaparehong kasarian.. nakakahiya daw.. pero paano kung nainlove ka sa isang tibo??
6.5K 398 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
37.8K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"