TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

HAPPY ANNIVERSARY?

1K 66 32
By simply_author

Hi guys!

Nakakatuwa naman pagnababasa ko comments nyo haha. Affectedmuch! 😂😂😂 lalo na dun sa 'pero but' hahaha nakakaloka! 😂😂😂

Isang update pa para sa mga lalabs kong readers!

Enjoy!!!








*****

REAH'S P.O.V.

Umaga na. Sobrang sakit ng ulo ko dahil halos wala akong tulog kakahintay ng tawag at text ni Kaye. Hanggang ngayon wala pa din sya. Hindi ko alam kung anu na bang dapat kong maramdaman. Kinakabahan na naiinis na nalulungkot na nababaliw na ko. Ngayon na anniversary namin pero wala pa din sya. Inexpect ko pa naman na mababati nya agad ako at makakauwi sya agad pero mali ako.

Sinusubukan ko syang tawagan pero di ko sya macontact. Nakausap ko pa sya kagabi pero hindi ko sya marinig siguro dahil wala syang signal. First time kong gumising ng wala sa tabi ko si Kaye ngayong anniversary namin. Nakakaiyak dahil mag-isa lang ako pero imbes na magmukmok kailangan ko na ding mag-ayos at maghanda baka mamaya lang nandito na sya.

Pagkabangon ko nag-ayos lang ako saglit ng condo at inayos lahat ng dapat kong ayusin. Gusto ko munang puntahan si Kim at Nicky para magpalipas lang ng konting oras habang hinihintay ko si Kaye.

"Hello Kim nasaan ka?" Tinawagan ko si Kim.

"Nandito sa resto. Why?"

"Busy ba kayo?" Tanong ko habang nagpapahinga ako.

"Hindi naman. Teka bakit? Anung problema? Don't tell me wala pa din si Kaye." Tanong nya. Pakiramdam ko maiiyak ako sa sinabi nya.

"Oo eh." Sagot ko sabay yakap ng mahigpit sa teddy bear ko.

"Ayan! Ayan na nga ba sinasabi ko sayo! Tignan mo wala pa din sya panu ka nyan? Mag-isa ka lang." Ayan na nagsisimula na si Kim.

"May 12 hours pa naman ako bago matapos tong araw na to kaya okay pa ko. Kaya ko pang maghintay." Pinipilit kong hindi umiyak.

"Anung oras daw ba sya uuwi?" Tanong nya.

"Hindi ko alam." Mahinang sagot ko.

"Anung hindi mo alam? Bakit di pa ba kayo nag-uusap?" Gulat na tanong nya.

"Naputol kasi yung tawag nya sakin kagabi tapos cannot be reach naman sya pagtinatawagan ko. Di ko nga alam kung bakit. Ganun din si Tyng."

"Oh my God! Oo nga pala. Naalala ko." Pasigaw na sabi nya.

"Anu yun?"

"May bagyo baka nacancel flight nya at baka wala syang signal kaya di mo sya matawagan." Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko alam yun ha.

"May bagyo? Bakit ngayon pa? Panu sya makakauwi ngayon? Anung gagawin ko Kim?" Naiiyak na ko.

"Oh wag kang umiyak! Sasabunutan kita eh. Pinagsabihan na kasi kita na huwag mong payagan ayan ka tuloy ngayon."

"Malay ko ba." Naiiyak na sabi ko.

"Hay naku! Sige na kapag di pa din sya dumating mamaya pupuntahan na lang kita dyan tayo na lang magdate. Okay ba yun?" Pagkatanong nya nun hindi ko na napigilan sarili ko at umiyak na ako.

"Hoy Reah tumigil ka nga dyan! Para kang baliw! Sige na tatawag na lang ako mamaya ha madami kasing customer tulungan ko lang si Nicky. See you later."

"See you.. Ay wait! No! Darating si Kaye mamaya kaya no need na magkita pa tayo. Sige na bye." Natawa sya sa sinabi ko.

"Whatever Reah sige na magsimula ka ng magdasal. Bye." Pagkasabi nya nun binaba nya na cellphone nya. Hindi man lang nya hinintay sagot ko.

"Haaay! Reah! Bakit ba nangyayari to? Anung gagawin ko?" Kausap ko yung teddy bear ko. Nababaliw na talaga ako.

Sinubukan ko na lang ulet idial si Kaye pero hanggang ngayon wala pa din hindi ko pa din sya macontact. Para na kong baliw dito habang kinakausap yung teddy bear ko. Sana lang talaga okay lang si Kaye. Nag-alala tuloy ako lalo dahil sa sinabi ni Kim kanina. Sana makauwi sya mamaya.

Habang gumagawa lang ako ng kung anu-anu at habang hinihintay ko tawag ni Kaye may biglang pumasok sa isip ko. Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Baka naman part lang to ng surprise ni Kaye sakin ngayon. Baka naman nandito na sya sa Manila at gusto lang nya akong isurprise at pag-alalahanin kaya hindi pa sya nagpapakita sakin. Baka nga. Sana ganun nga. Sana tama yung mga iniisip ko.

"Anu na kayang nangyari sa Daddy mo?" Tanong ko sa teddy bear ko.

"Sa tingin mo ba makakauwi sya ngayon? Aabot kaya sya sa anniversary namin? Nasan na kaya sya ngayon? Anu kayang ginagawa nya? Miss ko na sya. Pauwiin mo na sya please God please." Hay nababaliw na ko. Kinausap ko na naman sarili ko.

Maya maya lang bigla akong nataranta ng magring cellphone ko. Nagmadali akong kunin dahilan para mabagsak ko sya.

"Shit Reah! Hello Kaye!" Nakangiting sagot ko pero biglang nawala yung ngiti ko ng magsalita kausap ko.

"Anung Kaye ka dyan?"

"Anu ba naman yan!? Bakit napatawag ka?" Naiiritang tanong ko kay Jessy. Akala ko si Kaye na.

"Ay sorry ha gusto ko lang balitaan ka sa mga nangyayari ngayon dito sa site." Naiinis na sabi nya. Bigla akong natauhan dahil sa narinig ko. Nawala sa isip ko yung site.

"Sorry Jessy. Kamusta? Tapos na ba kayo? Anu nang nangyayari?"

"Oh tapos ngayon ang dami mong tanong!"

"Sorry Jess. Anu ng balita?" Seryosong tanong ko.

"Eto okay lang. Grabe Reah ha after nito aalis na talaga ako gagamitin ko na agad-agad yung leave na pinangako mo sakin. Nakakaloshang tong pinapagawa mo sakin. Nahuhulas ang beauty ko girl." Natawa ako sa sinabi nya.

"Okay lang yan wala ka naman nun eh." Natatawang sabi ko.

"Hoy grabe ka ha! Oh teka maiba tayo bakit mo nga pala akong napagkamalang si Kaye kanina? Bakit hindi mo ba sya kasama?" Biglang nawala yung ngiti sa muka ko ng dahil sa tanong nya.

"Hindi pa sya nakakabalik." Sagot ko.

"Hindi pa nakaabalik? Bakit nasaan ba sya?" Gulat na tanong nya.

"Nasa Aklan."

"What?! Bakit? Teka lang ha. Don't tell me nagtrabaho sya sa araw na to tapos ikaw nagleave para lang magkatime ka sa kanya tapos sya. Hay naku Reah iba na yan ha." Eto na nga bang sinasabi ko. Magsisimula na naman sya.

"Jessy hindi naman sa ganun. Actually dapat nandito na sya eh. Nagkaroon lang ng emergency kaya di sya nakauwi agad."

"Emergency ka dyan baka naman sabihin mo kasi may iba---."

"Jess please. Eto na naman ba tayo? Okay na eh. Nakalimutan ko na yung pinag-awayan natin nung nakaraan tapos eto ka na naman. Walang ginagawang masama si Kaye. At saka sya na mismo nagsabi sakin hindi totoo yung mga nakita mo baka malamang namalikmata ka lang." Naiinis na sabi ko.

"Hay naku Reah bahala ka paniwalaan mo na kung sinung gusto mong paniwalaan basta isa lang talaga masasabi ko sayo. Magmasidmasid ka. Huwag kang kampante dyan sa lugar mo baka mamaya hindi mo namamalayan may iba ng nakapwesto dyan. Sige ka ikaw din malapit ka ng ikasal. Kadalasan dyan pa nagkakaroon ng lokohan." Nakakainis na si Jessy. Hindi sya nakakatulong sakin ngayon.

"Please Jess wag mo ng dagdagan pa mga iniisip ko. May tiwala ako kay Kaye at alam kong loyal sya sakin. Sige na wag na nating pag-usapan to. Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka dyan sa site."

"Oo na po. Boss!" Pagkasabi nya nun binabaan nya na ako. Nakakainis talaga sya. Hanggang ngayon talaga hindi pa din nya aminin na mali sya at hindi talaga si Kaye yung nakita nya nung isang araw.

Napatingin ako sa oras. Ilang oras na lang at malapit ng magdilim pero wala pa din si Kaye. Kahit isang text wala pa din. Anu na bang nangyari sa kanya? Kinakabahan na ako baka kung napaanu na sya. Huwag naman sana. Tinignan ko na lang ulet yung nabili kong regalo para kay Kaye. Sana magustuhan nya. Alam kong ang dami ko ng nabigay sa kanyang damit pero gustong gusto ko talaga syang binibilhan. Pagkatapos kong ibalot ulet yung regalo ko tumayo na ako at nagsimula ng iayos yung iluluto kong dinner para saming dalawa. Siguro naman nandito na sya mamaya. Alam kong aabot sya kahit sa dinner man lang sana makasama ko sya.








































































"Anung oras na wala pa din sya?" Sabi ko habang nakahiga ako.

Wala na talaga. Nawawalan na ko ng pag-asang makakahabol pa si Kaye. 11pm na pero wala pa sya. Malapit ng matapos tong araw na to. Hindi ko na talaga sya nakasama o nakausap man lang kahit saglit.

Kinuha ko cellphone ko at tinawagan ko si Kim pero di sya sumasagot. Hinayaan ko na lang sya at di ko na sya sinubukang tawagan pa ulet. Wala na din akong ganang kumaen. Nag-effort pa naman akong mag-aral ng bagong recipe para sa special na araw na to pero wala din pala.

Humiga na lang ako at niyakap yung teddy bear ko na kanina ko pa kinakausap. Siguro kung nakakapagsalita lang to kanina pa to nagsalita. Nakakabored na. Wala na kong maisip gawin kundi manuod na lang ng TV. Hanggang ngayon balita pa din yung bagyo. Sana lang talaga okay si Kaye at Tyng ngayon. Bakit ba sa dinami dami ng araw na tatapatan ng anniversary nung parents ng kaibigan ni Kaye natapat pa sa araw na may bagyo. Nakakainis dapat niresched na lang nila yun at pinaubaya na tong araw na to para saming dalawa. Nababaliw na talaga ako. Tama si Kim dapat hindi ko na lang pinayagan si Kaye pero malay ko ba. Malay ko bang mangyayari tong pinakamasakit na araw na to sa buhay ko.

"Bakeeett!!!!??" Sigaw ko. "Bakit ngayon pa ha? Bakit kasi wala pa sya? Uy sagutin mo naman ako! Kanina pa kaya ako nagsasalita dito di ka man lang nagsasalita dyan. Para na kong baliw kakahintay sa kanya pero wala pa din sya." Kausap ko na naman yung teddy bear ko. "Makakarating pa kaya sya?" Tanong ko sa sarili ko.

"Anu ba sa tingin mo?"

"Hindi ko al---" Napahinto ako. Nagulat ako at hindi ko na natuloy yung sagot ko sa nagtanong sakin. Bigla akong napaupo at napatingin sa paligid ko. May nagsalita. Sinu yun? Nababaliw na talaga ako. Kung anu-anu ng naririnig ko. Imposible namang magsalita tong...

Napatingin ako sa Teddy bear na katabi ko. Kinabahan ako bigla at tumakbo palayo sa kama.

"Whaaahh!!!!" Sigaw ko. "Reah anu ba para kang timang! Hindi magsasalita yan baliw ka na!" Sabi ko sa sarili ko. Maya maya lang may narinig akong tumatawa.

"Hindi talaga magsasalita yan Reah." Napatingin ako sa gilid ko.

Napangiti ako bigla. Nakita ko syang nagtatago sa sulok habang nakasandal. Parang gusto kong umiyak. Lumapit sya sakin at niyakap ko sya ng sobrang higpit. Hindi ko na talaga napigilan at naiyak na lang ako.

"Akala ko di ka na darating." Naiiyak na sabi ko.

"Sorry late na naman ako." Sabi nya sabay yakap sakin ng mahigpit.

"Okay lang at least nandito ka na. Nag-alala ako sayo." Umiiyak pa din ako at hindi ko alam kung bakit.

"Tahan na. Wag ka ng umiyak nandito na ko oh di ka ba masaya?"

"Masaya. Sobra. Kasi ikaw eh akala ko talaga di ka na darating kaya naiiyak na ako kanina pa ayan tuloy di ko na mapigilan." Natawa sya sa sinabi ko.

"I love you Reah. Happy Anniversary." Napangiti ako sa sinabi nya. Humarap ako sa kanya.

"I love you Kaye. Happy Anniversary." Sabi ko sabay halik sa kanya. Isang mabilis na halik lang sana pero hinawakan nya ko sa bewang ko kaya hindi na ako makaalis sa halik nya.

Niyakap ko na lang ulet si Kaye. Grabe namiss ko talaga sya ng sobra. Akala ko matatapos na tong araw na to na hindi ko sya makakasama ng ganito.

"Namiss kita." Mahinang sabi nya habang magkadikit mga noo namin.

"Namiss din kita."

"Sorry talaga sobrang late na late ako. Hindi ko kasi alam na magkakaroon pala ng bagyo dun kaya nacancel yung flight ko. Hindi din kita matawagan kasi wala akong signal. Sorry talaga Reah."

"Okay lang Kaye ang importante nandito ka na. Teka kumaen ka na ba?"

"Hindi pa. Nagmamadali na kasi ako kanina baka kasi hindi ako makahabol eh."

"Ganun ba hindi bale pinaglutuan kita." Abot tengang ngiting sabi ko.

"Talaga?" Tanong nya sabay tingin sa table. "Nasan?"

"Tara. Upo ka na muna at ihahanda ko lang."

"Tulungan na kita."

"No! Dyan ka lang. Leave it to me." Pagkasabi ko nun hinalikan ko sya ulet at saka pumunta sa kitchen para ihanda yung dinner naming dalawa.

"Sorry wala man lang akong gift sayo." Sabi nya.

"Wala kang gift sakin?!" Gulat na tanong ko.

"Hindi kasi ako nakabili." Mahinang sabi nya.

"Okay lang." Sabi ko pero parang labag sa loob ko. Ang haba haba naman ng araw nun para makabili sya hindi man lang nya ko nabilhan. Nakakatampo na ha.

"Okay lang ba talaga?" Tanong nya sabay lapit sakin.

"Oo naman." Nakangiting sabi ko. "Teka bakit lumapit ka dito? Di ba sabi ko dun ka lang." Pagkasabi ko nun nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Kaye.

"Sorry sa mga pagkukulang ko." Biglang sabi nya.

"Ha?" Naguguluhan ako. Saan naman kaya nahugot ni Kaye yun?

"I love you Reah. Mahal na mahal kita tandaan mo yan." Lalong humigpit yung yakap nya sakin.

"Mahal na mahal din kita at hinding hindi magbabago yun." Nakangiting sagot ko. Niyakap ko lang din ng mahigpit si Kaye. Hinintay kong magsalita ulet sya pero hindi na sya kumibo dahilan para magtaka na ako.

"Kaye may problema ba?" Tanong ko pero hindi sya sumagot. Nakayakap pa din sya sakin.

"Kaye?"

"I love you." Mahinang sabi nya.

"I love you too. May problema ba?" Tanong ko ulet.

"Wala." Sagot nya.

"Alam mo gutom lang yan tara na kumaen na tayo. Bagong recipe ko to at ikaw ang unang makakatikim. Tara!" Aya ko.

"Talaga?" Tanong nya sabay tingin sakin. Tumango lang ako at kinuha na yung hinanda kong dinner namin at nilagay sa table.

Pagkalapit ni Kaye inayos ko na muna yung table. Nakatingin lang sya sakin habang busing busy ako sa paglalagay ng pagkaen sa pinggan nya. Ang weird ni Kaye ngayon pero in fairness kinikilig ako sa ginagawa nya.

"Tikman mo na." Nakangiting sabi ko habang hinihintay kong sumubo sya pero ayaw nya pang kumaen. "Kaye tikman mo na please." Pakiusap ko. Nakatingin lang sya sakin. "Kaye!!"

"Pwede bang ikaw na lang dinner ko." Nagulat ako sa sinabi nya feeling ko nagblush ako dahil dun.

"Anu bang sinasabi mo? Sige na kasi tikman mo na." Kinuha ko yung kutsara nya at sinubuan ko sya. "Oh say ahhhh." Nakangiting sabi ko. Sumunod naman sya sa gusto ko at tinikman nya na yung luto ko.

"Anung lasa?" Tanong ko.

"Masarap." Sabi nya sabay inom ng tubig.

"Hindi nga?" Nalungkot ako bigla sa reaksyon nya. Napatingin sya ulet sakin pagkatapos nyang uminom ng tubig.

"Reah. Masarap nga." Natatawang sabi nya.

"Eh bakit napainom ka ng tubig. Hindi masarap no?" Natawa sya ng malakas sa tanong ko.

"Reah talaga oh. Masarap nga! Napaso lang ako kaya napainom ako ang init kaya ng sinubo mo sakin."

"Hala sorry. Ikaw kasi kung anu-anung sinasabi mo kaya ayan napaso ka tuloy."

"Bakit anu bang sinabi ko?" Tanong nya sabay subo ng pagkaen nya at habang nakatingin sakin. Napatingin tuloy ako sa labi nya.

"Wala." Sabi ko sabay subo ng pagkaen ko.

Hindi na nagsalita si Kaye. Napangiti na lang sya sa sagot ko. Kumaen na lang muna kaming dalawa at pagkatapos namin nagsalita na ako.

"May gift ako sayo." Nakangiting sabi ko sabay tayo para kunin yung binalot kong regalo kanina. "Buksan mo na. Utos ko pagkaabot ko sa kanya ng regalo ko. Sinunod nya naman agad ako at binuksan nya na.

"Sana magustuhan mo." Sabi ko habang hinihintay kong mabuksan nya.

"Wow! Thank you Reah." Nakangiting sabi nya sabay tayo at lapit sakin. Lumuhod sya sa harap ko at niyakap ako.

"Your always welcome. Nagustuhan mo ba?"

"Lahat naman ng galing sayo gusto ko." Napangiti ako sa sagot nya.

"Akala ko di mo magugustuhan kasi damit na naman eh." Natatawang sabi ko.

"At least meron. Maganda ka kayang pumili ng damit lahat bagay sakin."

"Lahat naman talaga bagay sayo eh."

"Hindi kaya lahat." Sabi nya sabay harap sakin.

"Lahat." Kontra ko.

"Hindi lahat Reah kasi ikaw lang bagay sakin. Tandaan mo yan." Sabi nya sabay tayo at punta sa kama. Napangiti na naman ako sa sinabi nya.

"Kanina mo pa ba kausap to?" Tanong nya sabay kuha sa teddy bear na nakahiga sa kama.

"Oo kanina pa. Hoy grabe ka kanina ha! Akala ko talaga sya na yung nagsalita natakot talaga ako." Natawa na naman sya sakin.

"Panu nga kaya kung nagsalita to? Malamang takot ba takot ka." Natatawang sabi nya. Bumalik na sya sa pagkakaupo nya pero this time hawak hawak nya yung teddy bear.

"Bakit hawak mo yan?" Tanong ko.

"Kanina mo pa kausap at yakap to hindi mo lang ba napansin kung anung nasa loob nya?" Nagulat ako sa tanong nya. Inabot nya sakin yung teddy bear at tinignan ko kung anung nasa loob nun. Laking gulat ko ng may makapa akong isang maliit at pahabang box.

"Anu to?"

"Buksan mo." Utos nya. Binuksan ko agad yung box. Napangiti ako sa laman nun. Ang ganda.

"Happy Anniversary Reah. Nagustuhan mo ba?" Napatango na lang ako sa kanya. Wala akong masabi. Ang ganda ng bracelet na to at mukang mahal na naman bili nya dito.

Lumapit sya sakin at hinala kamay ko para maisuot nya sakin yung regalo nya. Pagkasuot nya hinalikan nya ko sa kamay ko. Napangiti lang ako sa ginawa nya.

"Bagay sayo." Nakangiting sabi nya.

"Parang ikaw." Sabi ko.

"Oo. Parang ako lang. Bagay sayo." Napangiti ako sa sinabi nya.

"Thank you sa gift." Sabi ko sabay halik sa kanya.

Hinalikan lang din ako pabalik ni Kaye. Dahan dahan akong tumayo pero hindi pa din kami nahiwalay sa isa't isa hanggang sa nakatayo na kaming dalawa. Niyakap ko lang sa leeg si Kaye habang sya naman nakayakap ng mahigpit sa bewang ko.

Dahan dahan kaming lumapit sa kama hanggang sa na kahiga na kaming dalawa hindi pa din kami naghihiwalay. Sobrang diin na ng mga halik nya. Ramdam na ramdam kong namiss nya talaga ako. Ang tagal na naming naghahalikan ni Kaye pero parang ayaw naming tumigil at maghiwalay kahit na nagriring na cellphone ko wala pa din kaming pakialam na dalawa. Habang tumatagal mas lalo lang dumidiin mga halik namin sa isa't isa. Huminto na sa pagring yung cellphone ko pero gaya naming dalawa ni Kaye na ayaw huminto, nagring na naman sya dahilan para maitulak ko na palayo si Kaye. Hinihingal pa kaming dalawa ng maghiwalay kami. Napaupo ako at sinagot yung tumatawag sakin.

"Hello Cherry napatawag ka."

"Hello Reah." Nanginginig boses nya.

"Cherry bakit?" Kinabahan ako bigla. Napatingin ako oras. Madaling araw na pero napatawag pa sya.

"Reah." Hindi sya makapagsalita ng maayos.

"Cherry anu ba magsalita ka anung nangyari? Nasan ka?" Natatarantang tanong ko. Napatingin ako kay Kaye nakatingin lang din sya sakin.

"Nasa hospital kami."

"What?! Gulat na tanong ko. "Anung hospital? Bakit ka nandyan? Anung meron? Teka anu bang nangyari?"

"Reah kasi may nangyari sa site." Hindi sya makapagsalita talaga ng maayos.

"Anung nangyari? Saang hospital yan pupunta ako?" Pagkatanong ko nun biglang nagring cellphone ni Kaye. Napatingin ako sa kanya pagkasagot nya.

"Ma? Kasama ko po sya bakit po?" Tanong ni Kaye kay Mama. Bakit pati si Mama napatawag?

"Cherry itext mo na lang sakin kung nasaan ka pupuntahan kita." Pagkasabi ko nun binaba ko na agad yung cellphone ko at kinuha susi ng kotse ko. Habang natataranta akong magbihis nakita kong binuksan ni Kaye yung TV.

"Reah." Tawag nya.

"Kaye aalis muna ako ha pupunta---." Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil napatingin agad ako sa TV.

"Oh my God! Anung nangyari? Bakit?" Hindi ako makapagsalita ng maayos.

"Reah." Lumapit sya sakin at niyakap ako. "Kumalma ka lang muna. Nagtext na ba si Cherry?" Tanong nya pero hindi ako makasagot. Pinatay nya na yung TV at kinuha yung cellphone ko.

"Tara na ako ng magdadrive."

"Kaye." Nanginginig na boses ko konti na lang paiyak na ko.

"Shhhh. Reah. Tumingin ka sakin. Okay lang lahat. Wag kang mag-isip ng kung anu ha. Okay lang lahat. Tara na." Pagkasabi nya nun hinawakan nya na ako sa kamay at hinila nya ako palabas ng Condo.

Habang nasa byahe kami hindi mawala sa isip ko yung nakita ko sa TV. Hindi pwedeng mangyari to. Bakit? Anung nagawa kong mali para magkaganun sa site? Kasalanan ko to. Naging pabaya ako. Dapat hindi ko na lang hinayaan sa iba tong trabaho ko. Isang malaking pagkakamali lahat ng to. Maling mali ako. Kasalanan mo tong lahat Reah. Kasalanan mo.

"Reah." Tawag ni Kaye pero hindi ako sumasagot. Hinawakan nya ko sa kamay ko habang hinihimas himas nya yun.

Hinayaan na lang muna ako ni Kaye na tumahamik hanggang sa makarating na kami sa hospital kung nasaan sila Cherry. Nagmadali agad akong pumasok sa loob para hanapin sya. Nagulat ako ng makita ko pati si Mama.

"Ma?"

"Reah." Lumapit agad sya sakin at niyakap ako.

"Anung nangyari? Nasaan si Jessy?" Tanong ko sa kanila.

"Okay naman na sya. Ginagamot lang yung sugat nya." Sagot ni Mama.

"Cherry anu bang nangyari?" Naiiyak na tanong ko.

"Hindi ko din alam Reah. Bumaba lang ako saglit para tignan pa yung ibang gagawin pero nagulat na lang ako ng may biglang sumabog kung nasaan sila Jessy kaya nataranta kaming lahat." Naiiyak na kwento nya.

"Kamusta yung iba? Nasaan sila? Marami bang nasaktan?" Kinabahan ako lalo dahil sa kwento ni Cherry. Sa mga nakita ko sa TV kanina mukang malaking aksidente tong nangyari.

"Apat sila kasama si Jessy." Sagot ni Mama.

"Okay naman ba sila?" Pagkatanong ko nun nagkatinginan lang si Mama at Cherry.

"Cherry? Sagutin mo ko please. Okay lang ba sila?" Inulet ko tanong ko. Sa tinginan nila Mama at Cherry mukang hindi ko magugustuhan isasagot nila.

"Reah okay naman sila pero lang kay Mang Ben."

"Bakit? Anung nangyari sa kanya? Nasan sya?" Natatarantang tanong ko.

"Hindi pa namin alam Reah pero kasi mukang." Hindi matuloy ni Cherry sasabihin nya.

"Mukang anu?" Pagkatanong ko nun may nakita akong babaeng umiiyak na pumasok sa loob ng hospital. Lumapit sa kanya si Cherry at kinausap nya yun. Mukang sya yung anak ni Mang Ben.

"Reah wag mo na munang isipin magiging okay din lahat." Sabi ni Mama sabay himas sa likuran ko.

"Ma. Bakit? Bakit kailangang mangyari to? Bakit kailangang maulet lahat?" Hindi ko na napigilan yung sarili ko at humagulgol na ako. Lumapit sakin si Kaye at niyakap ako. Hindi ko talaga mapigilan pag-iyak ko. Naalala ko na naman lahat. Naalala ko dahil sa kanya. Nakikita ko sarili ko sa kanya. Ganyang ganyan din ako nung naaksidente si Papa.

"Kasalanan ko to. Kasalanan ko lahat to."

"Reah tama na. Wala kang kasalanan. Aksidente to kaya wag mong isiping kasalanan mo." Sabi ni Kaye.

"Tama si Kaye Reah wag mong isiping kasalanan mo to." Dugtong ni Mama.

"Pero nagpabaya ako kaya nangyari to."

"Reah tama na please." Umalis sa pagkakayakap sakin si Kaye at hinawakan ako sa muka ko para mapatingin ako sa kanya.

"Mas maganda siguro kung iuwi mo na lang muna sya Kaye. Magpahinga ka na lang muna Reah. Bukas magiging okay din lahat." Utos ni Mama.

"Hindi na magiging okay lahat Ma. Hindi na." Sobrang lakas na ng iyak ko.

Hindi na sila nagsalita. Hinayaan na lang nila akong umiyak ng umiyak hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Hindi ko pa din maisip kung bakit nangyayari lahat to sakin.

"Reah." Tawag ni Cherry. Napatingin ako sa kanya. Inaabot nya sakin yung cellphone nya. May tumatawag. Tinignan ko kung sinu bago ko sagutin. Si Ninong. Kinabahan ako lalo. Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya.

"Hello." Sagot ko.

"Reah what happened?" Mahinahong tanong nya.

"Ninong I'm sorry. I'm really sorry." Yun lang nasabi ko. Wala akong maisip na pwedeng isagot sakanya. Alam kong galit sya ngayon.

"Papunta kami dyan ngayon Reah. Mag-usap tayo bukas." Pagkasabi nya nun binaba nya na agad yung cellphone nya. Hindi nya na ako pinagsalita. Binalik ko na yung cellphone ni Cherry.

"Cherry please tell them na wag magpapasok ng media at wag na wag magbibigay ng details tungkol sa mga nangyari. At lahat ng kailangan dito sa hospital pakiayos na lang. Company na sasagot sa hospitalization ng lahat." Pakisuyo ko kay Cherry habang pinipilit kong maging okay.

"Noted. Sige na Reah umuwi ka na ako ng bahala sa lahat."

"Thank you Cherry." Pagkasabi ko nun niyakap ko na lang sya.

Pagkatapos kong magpaalam kay Mama at Cherry umalis na din ako kasama si Kaye gusto ko pa sanang puntahan yung anak ni Mang Ben pero hindi ko na ginawa dahil hindi ko alam kung anung sasabihin ko sa kanya.

Naaawa ako sa kanya dahil alam ko kung anung naradamdaman nya. Ganyang ganyan ako nun. Para akong nakakaawang batang umiiyak lang sa tabi at hindi alam kung anung dapat gawin. Ayaw kong maranasan nya lahat ng paghihirap na naranasan ko noon kaya sana maging okay ang lahat. Sana hindi matulad sa dati. Ayaw kong maulet lahat ng yun.











______________________________________________________________

Akala mo okay na pero hindi pa pala 😂😂😂.

Pero aminin nyo hindi nyo inaasahang makakarating si Kaye no? 😂😂😂

Sana nagustuhan nyo!!!!!

Comments. Panu kaya sila maghihiwalay ni Kaye? 😂 abangers!

Continue Reading

You'll Also Like

37.8K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
11K 629 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
395K 1.4K 7
(GIRLXGIRL) SHANE BLAIRE HART..A half filipino half canadian. she's a sweet girl, pretty and smart at may pagkainosente sa mga bagay bagay.. meron di...
67.1K 1.4K 58
WARNING: GirlxGirl po ito!!! Isang REBELDE at isang MARIA CLARA na SAWI sa pag-ibig ang magkakasama sa isang dorm.... will they feel the MAGIC. UNEXP...