TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

FIRST DAY

1.6K 75 27
By simply_author


Hi guys!

Sabi ko sa inyo mamimiss ko kayo eh hahaha. Mag update lang ako ng isa kasi may sasabihin ako. Hindi ko po kasi alam kung ako lang ba nakakaexperience nito. Ilang araw na po kasing nagloloko Wattpad ko 😢. Kaya nahihirapan talaga akong mag-update sa totoo lang tapos nasira pa SD Card ko 😂. I'm so sorry guys.

Pero eto. May update ako. Sana magustuhan nyo. Alam ko nasad kayo dahil ang tagal nito. Kaya bibigyan ko kayo ng isang update. Yehey!!!😊
Pero itutuloy ko pa din po yung isang bagsakan😊. Dahil super busy lang po si author. Ayiiee may ginagawa ako na sana matuloy. (Sana.sana.sana.🙏🙏🙏)

Eto na guys! Isa muna. See you on December 10. Sa mga wala pang tickets dyan. Guys! Anu pa hinihintay nyo? Ayaw nyo ba akong makita ay este si Kaye Cal pala? Haha malay nyo nandun din si Nicky at Kim (malay nyo lang) 😆😅😊.


Enjoy!!!












*****


REAH'S P.O.V.




Nagising akong yakap yakap ako ni Kaye. Napangiti ako ng makita ko kung panu sya nakayakap sakin. Gusto ko pa syang tabihan hanggang sa magising sya kaya lang kailangan ko ng bumangon para pumasok. Unang araw ko ngayon sa office kaya dapat hindi ako malate. Tinanggal ko kamay ni Kaye na nakayakap sakin ng dahan dahan. Ayaw ko syang istorbohin sa pagtulog nya.

Pagkabangon ko dahan dahan kong hinalikan si Kaye at saka kinumutan. Magluluto muna ako ng breakfast namin bago ako magready sa pagpasok ko. Habang naghahanda ako ng lulutuin ko kinuha ko phone ko at tinawagan si Mama. Kahapon din sila lumipat ng bahay kasama si Ninong.

"Good morning Ma." Bati ko agad pagkasagot nya.

"Good morning Reah. Bakit ang aga mo?" Tanong agad ni Mama. Mukang nagising ko sya sa tawag ko.

"Itatanong ko lang po kung okay lang po ba kayo dyan?"

"Okay naman kami dito. At buti na lang din tumawag ka. Nag-usap nga pala kami ni Jessy kahapon balak sana namin mag-ayos pa dito kaya lang may pasok na kayo mamaya kaya plano namin sa weekends na lang. Sama na din kayo ni Kaye para makapili kayo ng ibang gamit nyo dito sa bahay." Pagkasabi ni Mama nun napatingin ako kay Kaye. Natutulog pa din sya.

"Sa akin po okay lang. Itatanong ko po muna kay Kaye kung pwede sya." Sagot ko habang niluluto ko na pagkaen namin.

"Ganun ba. Nga pala Reah hindi ba talaga kayo lilipat dito?" Nag-umpisa na namang magtanong si Mama.

"Ma. Di ba po napag-usapan na natin yan. Hindi ko po maiiwan ngayon si Kaye. At isa pa. Gusto po namin ni Kaye ng sarili naming bahay. Kaya before or after ng wedding baka maghanap din kami ng bahay namin." Sagot ko.

"Sayang naman kasi. Ako lang nandito at si Jessy. Masyadong malaki yung bahay para saming dalawa."

"Ma wag nyo na pong ipilit yan. Nag-usap na po tayo dyan kagabi. Sige na po Ma magready na ko para mamaya. Teka gising na po ba si Jessy?" Tanong ko para maiba yung usapan.

"Hay naku. Sige na nga. Gigisingin ko na lang mamaya si Jessy maaga pa naman." Pagkasabi ni Mama nun. Nagulat ako ng may biglang humawak sa bewang ko at yumakap sakin. Gising na si Kaye. Napangiti ako sa kanya.

"Sige na po Ma. Pasabi na lang po wag syang magpapalate. Tawag na lang po ako mamaya."

"Okay sige. Dito na din pala kayo magdinner ni Kaye mamaya ha."

"Sige po. Ingat po. I love you."

"I love you anak. Bye."

Binaba ko na agad yung phone ko at humarap ako kay Kaye.

"Good morning handsome." Sabi ko sabay halik sa labi nya.

"Mas maganda ka pa sa umaga." Nakangising sabi nya.

"Ang aga nyang mga banat mo ha." Natatawang sabi ko sabay harap ulet sa niluluto ko.

Niyakap nya ulet ako sa bewang ko at hinalikan sa ulo ko.

"What time ka papasok?" Tanong nya.

"Mga 8. Ikaw?" Tanong ko pabalik.

"Anung ako?" Tanong nya.

"Anung oras ka aalis? Di ba magkikita kayo ni Ms. Ad today?" Tanong ko.

"Mamaya pa naman yun. Ihatid na muna kita sa office mo bago ako dumiretso dun." Sagot nya.

"Sure ka? Baka mamaya malate ka na naman ha."

"Sure na sure Reah. At saka gusto kong makita kung sinu-sinu mga kasama mo sa office para malaman ko kung safe ka ba o hindi." Natawa ako sa sagot nya. Tapos na ko sa niluluto ko. Humarap muna ulet ako sa kanya bago ko sya sagutin.

"Talagang gusto mo silang makitang lahat at isaisahin para malaman mo kung sinu yung mga dapat kong iwasan. Tama ba ko?" Tanong ko. Tumango lang sya para sagutin ako ng Oo.

"Hahaha. Okay. Sige. Nababaliw ka na naman. Don't worry ipapakilala naman talaga kita sa kanilang lahat. Para alam nila kung sinung iiwasan nila pagnagkataong topakin ka. Baka kasi manapak ka na lang ng kung sinu-sinu sa office." Natatawang sabi ko.

Naalala ko kung paano maging over protective at possessive si Kaye pagdating sa akin. Kahit sinu na lang kaya nyang sapakin pagmakikita nyang close sakin. Gaya ni Nicky dati.

"Subukan lang nilang lapit-lapitan ka makakatikim talaga sila." Mayabang na sabi nya.

"Hahaha. Wow ha. Takot ako. Laki ng muscles mo ha. Hahaha. Tara na ikaen mo na lang yan." Natatawa pa din ako sa kanya. Umalis na ko sa pagkakayakap nya at inayos na breakfast namin.

Pagkaayos ko ng pagkaen namin tumabi na sakin si Kaye at kumaen na. Nakatingin lang ako sa kanya kada subo nya. Nakakatuwa lang syang panuorin na naeenjoy yung luto ko. Hindi pa ko umaalis ng condo nya pero pakiramdam ko miss ko na agad si Kaye. Kung pwede lang syang magstay sa office habang nagtatrabaho lang sana ako. Kaya lang may sarili ding trabaho si Kaye na kailangang asikasuhin. Sana maaga syang matapos mamaya para sabay kaming makapagdinner at makapagkwentuhan pa bago matulog.

"Anung iniisip mo?" Biglang tanong nya.

"Ha? Wala naman. Iniisip ko lang sana makapagdinner pa tayo ng sabay mamaya."

"Bakit naman hindi?" Tanong nya.

"Eh di ba now na magstart recording mo?" Tanong ko.

"Hindi pa Reah. Hinihintay pa namin yung producer." Sagot nya muna bago sya uminom ng kape nya.

"Kelan ba dating nun? Kilala nyo na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa. Sabi next week daw eh." Sagot nya. Kumakaen ulet sya.

"Ganun ba. Pakilala mo ko sa kanya ha. Para naman makapagpasalamat din ako." Nakangiting sabi ko.

"Ipapakilala talaga kita. Nga pala Reah. Okay lang din ba ipakilala mo ko kay Sam?" Tanong nya.

"Sure. Ipapakilala kita mamaya." Nakangiting sagot ko.

"Wala kasi akong tiwala sa kanya." Seryosong sabi nya.

Napatingin ako sa kanya sabay tawa ng malakas.

"Bakit?" Tanong nya.

"Wala lang. Natatawa kasi ako sayo." Sagot ko.

"Gusto ko lang masigurado na hindi ka nya pagtatangkaang agawin sakin. Mahirap na. Mas madalas kayong magkasama sa trabaho at wala naman ako sa tabi mo. Baka kung anung gawin nya sayo." Seryoso talaga sya.

"Don't worry Kaye. Mukang wala ka ng dapat pang isipin about kay Sam." Natatawang sabi ko.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong nya.

"Hmmm. Wala lang. Napansin ko lang kasi. Feeling ko gay sya." Sabi ko habang pinupunasan ko mata ko. Naluluha ako kakatawa ko kay Kaye.

"Ha? Panu mo naman nasabi?" Tanong nya.

"Wala lang basta I feel it." Sagot ko. Tumayo na ko at nilagay sa lababo yung pinagkainan naming dalawa.

"Ako na dyan Reah. Sige na maligo ka na baka malate ka pa." Nakangiting sabi nya.

"Thank you." Sabi ko sabay halik sa kanya.

"Ay teka. Nagbago na isip ko. Wag ka na palang pumasok. Dito na lang tayo." Nakangising sabi nya.

Natawa ako sa kanya. Hinalikan ko na lang ulet sya. Sana ganito kami tuwing umaga. Para na kaming mag-asawa kahit hindi pa kami kasal.


























*****

KAYE'S P.O.V.



Hinatid ko na si Reah sa office nya. Pagkapasok pa lang ni Reah ang ganda na agad ng bati sa kanya. Boss na boss na talaga dating nya. Dumiretso na agad sya sa office nya. Nakasunod lang ako sa kanya habang tinitignan ko lahat ng mga empleyado nila Reah. Busy silang lahat. Malamang yung iba dyan pakitang tao lang dahil nandito ngayon Boss nila. Pagkapasok ni Reah sa office nya umupo na agad sya at may dinial sya sa telephone nya.

"Good morning Cherry. Punta ka na dito. Pakidala yung schedules ko pati na yung iniwan ni Ninong Rick sayo. Thank you." Sabi nya sabay baba ng telephone. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Kaye?" Tawag nya.

Nginitian ko lang sya. Hindi ko sya sinasagot.

"Why? May dumi ba ko sa muka?" Tanong nya.

Lumapit ako sa kanya. Hindi ko inaalis tingin ko sa kanya.

"Ayan ka na naman." Sabi nya.

"Natutuwa lang akong panuorin ka." Nakangiting sagot ko.

"Bakit naman?" Tanong nya.

"Boss na boss ka na kasi." Sagot ko.

"Talaga? Ganito naman talaga ako ha. Bakit paano ba ko kumilos?" Tanong nya.

"Hindi Reah. Iba ka na. The way na maglakad ka ibang iba. The way na tignan at kausapin mo mga empleyado nyo ibang iba na din. Pero hindi yung mayabang na dating ha. Basta iba lang talaga. Alam mo yung feeling na hindi nila tatangkaing magkamali sa mga ginagawa nila. Kasi kung ako yung empleyado mo malamang matakot ako sayo." Nakangiting sagot ko.

"Nakakatakot ba ko?" Tanong nya. Bago pa ko makasagot pumasok na sa loob ng office nya yung secretary nya.

"Good morning Ma'am Reah and Sir Kaye." Nakangiting bati nya sabay abot ng mga papel kay Reah. Napangiti ako sa kanya.

"Bakit hindi mo sya tanungin?" Sabi ko kay Reah. Napatingin silang dalawa sakin.

"Anung itatanong ko?" Tanong ni Reah.

"Natatakot ka ba sa kanya?" Ako na nagtanong kay Cherry ng tanong ni Reah kanina.

"Ha? Ah. Eh. Hindi naman po masyado." Nauutal na sagot nya.

Napatingin ako kay Reah. Hinihintay ko syang magsalita.

"Don't be afraid. Hindi ako multo o aswang na dapat katakutan." Nakangiting sabi ni Reah sabay tingin pabalik sa akin. Napangiti na lang ako sa sinabi nya.

"Dumating na ba si Jessy?" Biglang tanong nya. Iniba nya na agad yung usapan.

"Hindi pa po." Simpleng sagot ni Cherry.

"Si Sam?" Tanong ulet ni Reah habang binabasa nya yung mga papel na binigay sa kanya.

"Yes Ma'am. Mas nauna syang dumating sa inyo." Sagot nya.

Hindi na sumagot si Reah. Nagdial ulet sya sa telephone nya.

"Good morning Sam." Tinawagan nya si Sam. Umayos ako ng upo ko. Lumapit ako ng konti sa kanya baka sakaling marinig ko pinag-uusapan nila. Tahimik lang si Reah nakatingin sya sakin. Mukang nagsasalita sa kabilang linya yung kausap nya.

"Okay. Sige. Bye." Sabi nya sabay baba ng telephone.

"Cherry, pakitawagan na lang ako once na dumating si Jessy ha. Pakisabi na lang din sa kanya na dumiretso sa conference room. May meeting kami. Thank you."

"Copy Ma'am." Pagkasabi ni Cherry nun lumabas na sya ng office ni Reah.

"Aalis na ba ako?" Tanong ko.

"May gagawin ka ba?" Tanong nya.

"Wala pa naman." Sagot ko.

Tumayo sya at lumapit sakin.

"Lika ipapakilala kita kay Sam." Nakangiting sabi nya.

Tumayo na lang din ako at hinawakan ko sya sa kamay nya.

"May meeting kami mamaya pagkadating ni Jessy. Kung kaya mong maghintay dito sa office ko okay lang pero kung gusto mo na ding umalis okay lang din naman." Nakangiting sabi nya bago kami lumabas ng office nya. Pagkalabas namin binitawan nya ko.

"Okay lang puntahan ko na lang sila Ms. Ad at Princess. Magkasama silang dalawa ngayon." Sagot ko.

"Sige po. Pero remind ko lang sasabay tayo magdinner mamaya kina Mama ha." Sabi nya sabay katok at bukas sa pinto ng office ni Sam. Hindi nya na ko pinagsalita.

"Good morning Sam." Nakangiting bati nya. Tumayo si Sam.

"Good morning Reah and?" Bati nya habang nakatingin sakin.

"Kaye." Sabi ko sabay abot sa kamay nya. Nakipagshake hands ako sa kanya.

"Oh I see. Ikaw pala si Kaye." Nakangising sabi nya sabay tingin kay Reah.

"Yes! Sya si Kaye. Gusto ko lang mameet mo sya." Sabi ni Reah.

"Nice to meet you Kaye. Nabangit ka na din sakin ni Jessy at Tito Rick. Singer ka di ba?" Tanong nya.

"Oo. Nice to meet you too." Seryosong sabi ko.

"Pinakilala ko lang sya sayo baka kasi magtaka ka pagnakasalubong mo sya dito." Nakangiting sabi ni Reah.

"Haha. Oo nga eh. Baka mapagkamalan ko syang employee na pagala gala lang. Di bale welcome naman sya dito anytime he wants to go here. And I think mukang mapapadalas sya dito." Natatawang sabi ni Sam.

May pagkamayabang syang magsalita. Hindi ako natutuwa sa mga sinabi nya. At mukang napansin ni Reah yun.

"Sige una na kami. Paalis na din naman si Kaye. Pinakilala ko lang kayo sa isa't isa. See you in a bit." Pagkasabi ni Reah nun lumabas na kami ng office ni Sam. Sinusundan ko lang sya papunta sa elevator.

"Hindi ko gusto tingin mo kay Sam." Biglang sabi nya pagkapasok namin sa elevator.

"Ang yabang." Mahinang sabi ko.

"Kaye he's trying to be nice to you. Pero ikaw kung makatingin ka sa kanya parang gusto mo ng sapakin."

"May pagkamayabang sya Reah at isa pa ayoko kung paano ka nya tignan." Naiinis na sabi ko.

"Kaye please don't start." Galit na sabi nya. Hindi na ko nagsalita. Ayaw ko na syang galitin lalo.

Nakababa na kami sa reception. Huminto na ko sa paglalakad at humarap ako kay Reah. Hinatid nya pa talaga ako pababa.

"Sorry." Nakangiting sabi ko.

"Okay lang. Ayaw ko lang na ganyan ka kaya please lang Kaye kung wala kang tiwala sa kanila kahit sakin na lang. Please trust me. Ayaw kong gumawa ng gulo Kaye. Wala namang ginagawang masama si Sam."

"I know. I trust you Reah. Sige na balik ka na sa office mo. Good luck sa first day. See you later." Gusto ko sana syang halikan kaya lang hindi pwede.

"See you later. I love you." Nakangiting sabi nya.

"I love you."

Binitawan ko na sya at naglakad na ko palabas papunta sa kotse ko.


















































Lumipas lang buong araw ko sa pakikipag-usap kay Ms. Ad at Princess. Nagpaplano para sa album ko. Matagal tagal pa naman to pero inaayos na lang din namin dahil baka maging busy na din ako next month para sa wedding namin ni Reah.

"Kelan na wedding nyo?" Tanong ni Princess.

"Gusto ni Reah after ng anniversary namin. Ayaw nyang isabay." Sagot ko.

"Ayaw nya? Bakit naman?" Tanong nila.

"Basta ayaw nya." Sagot ko.

"Eh san naman ang wedding?" Tanong na naman nila. Ang dami nilang tanong sakin kanina pa. Naiinis na kong sumagot. Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa kong kanta para kay Reah.

"Di ko pa alam. Pwede na ba akong umuwi?" Segway na tanong ko.

"Uuwi ka na agad? Nag-uusap pa tayo about sa album mo." Sabi ni Ms. Ad.

"Sa album o sa wedding? Susunduin ko pa si Reah." Sabi ko sabay tayo na.

"Galit na naman sya. Nagtatanong lang kami sa wedding nyo eh. Naeexcite lang kami." Paliwanag ni Princess.

"Wala pa kasi kaming exact details ni Reah. Pero inform ko naman kayo agad pag meron na. Sige alis na ko. Bye." Pagkasabi ko nun umalis na agad ako.

Okay pa naman ako kanina nung kausap nila ako about sa album ko. Pero nung napunta na sa wedding namin ni Reah yung usapan nainis na ko. Hindi kasi ako makasagot ng maayos sa kanila kasi wala pa talaga akong alam kung anu ng lagay ng wedding namin ni Reah.

Pagkapasok ko sa kote ko tinext ko na lang si Reah na susunduin ko na sya. Dadaan muna ako sa resto nila Kim at Nicky bago ako dumiretso sa office ni Reah. Habang nagdadrive ako naalala ko bigla sila Mommy at Daddy. Nawala sa isip ko na pupunta nga pala sila ngayon dito. Dinial ko agad number ni Mommy.

"Hello Kaye." Sagot nya.

"Hello Mommy. Kamusta po?" Tanong ko.

"Okay naman. Ikaw?" Tanong niya.

"Okay lang po. Kailan nga po pala luwas nyo dito?" Tanong ko.

"Buti natanong mo yan. Hindi pa kasi kami sigurado ng Daddy mo. Busy pa kasi may trabaho pa kami."

"Ganun po ba. Okay lang po. Wag nyo munang pilitin pag di pa kaya. Ipaliwanag ko na lang po kay Reah at Tita."

"Sige. Teka nasaan ka ba? Nagkita na ba kayo ni Kamille?"

"Ni Kamuy? Hindi pa po. Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang natanong ko lang. Baka lang kasi makatulong sya sainyo ni Reah."

"Sige po tawagan ko na lang sya mamaya. Susunduin ko pa po kasi si Reah."

"Okay sige. Ingat ka ha. Sige na mukang nagdadrive ka. Bye. Love you."

"Bye po. Love you too." Pagkasabi ko nun binaba ko na yung phone ko.

Nakarating na ko sa resto nila Nicky at Kim. Pagkapark ko pumasok na agad ako sa loob para kamustahin yung dalawa.

"Kaye?" Gulat na tanong ni Kim.

"Parang nakakita ka ng multo?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanya.

"Hindi naman nagulat lang ako. Di ka yata busy. Nasaan si Reah?" Tanong nya.

"Hindi nga. Nasa office pa si Reah sunduin ko mamaya dumaan lang ako. Nasaan si Nicky?" Tanong ko pagkaupo ko sa tabi nya.

"Nasa bar sya pero papunta na din dito. Teka bakit mo hinahanap?"

"Wala naman. Ineexpect ko kasi makikita ko kayong dalawa dito."

"Bakit? Wala ka talagang magawa no? Teka kamusta na nga pala wedding preparations nyo? Kailan nyo na ba balak magpakasal?" Tanong nya.

"Gusto ni Reah after ng anniversary namin pero hanggang ngayon wala pa din kaming lugar kung saan. At saka hinihintay pa namin sila Mommy at Daddy." Sagot ko.

"Ok lang yan. Wag kayong mastress mahaba pa oras nyo. Kaya lang sa sobrang haba, sobrang tagal din. Baka kasi mamaya may magbago pa isip sa inyong dalawa." Nakangising sabi nya.

"Alam mo ikaw. Hindi ko talaga alam kung masaya ka ba talaga para samin o hindi. Kung makapagsalita ka parang gusto mo na kaming maghiwalay." Naiinis na sabi ko.

"Hashtag just saying. Grabe ka naman syempre sinasabi ko lang yung pwedeng mangyari di ba? Kaya kung ako sayo madaliin mo na at baka maagaw pa ng iba."

"Ewan ko sayo! Makaalis na nga." Pagkasabi ko nun tumayo na ko.

"Just saying Kaye. Just saying." Pang-iinis ni Kim. Natatawa pa sya habang palabas ako ng resto.

Nakakainis si Kim. Gusto nya na talagang magmadali kaming dalawa ni Reah. Pero imbes na makatulong sya sa mga sinasabi nya mas lalo lang syang nanggugulo. Pero kung tutuusin tama din naman sya. Baka mamaya dahil sa tagal ng pagpaplano namin ni Reah bigla pang magbago isip nya. Mahirap na. Ayaw kong mangyari yun.






















*****

REAH'S P.O.V.


"Sa tingin ko okay nang bumalik ako sa Hong Kong. Muka namang okay na kayong dalawa ni Sam." Sabi ni Ninong. Kakatapos lang ng meeting namin.

"Kami na pong bahala Ninong. Okay na po kami dito."

"Sana nga. Ikaw ng bahala kay Jessy ha. Sige na uuwi ka na ba?" Tanong nya habang inaayos mga gamit nya.

"Hintayin ko pa po si Kaye. Sasabay na po ba kayo kay Jess?" Tanong ko.

"Oo. Sige una na kami. Kita na lang tayo sa bahay mo." Nakangiting sabi ni Ninong bago lumabas ng office ko.

Saktong pagkalabas ni Ninong pumasok naman sa loob ng office ko si Kaye. Napangiti agad ako nung makita ko sya.

"Ready ka na?" Tanong nya.

"I miss you." Ang layo ng sagot ko sa tanong nya. Napangiti ko sya habang lumalapit sya sakin. Kinuha ko na yung gamit ko para makaalis na kami.

"Namiss din kita. Di na yata ako sanay na di ka kasama. Ang boring kanina kasi wala ka." Sabi nya. Hinalikan nya ako sabay kuha ng mga gamit ko.

"Talaga? Anung mga ginawa mo at saka saan ka galing?" Tanong ko.

"Dumaan ako sa resto nila Kim at Nicky pagkatapos ng meeting namin." Sagot nya.

Lumabas na kami ng office ni Kaye at nasalubong namin sa elevator si Sam.

"Oh Hi! May sundo ka pala Reah." Bati ni Sam habang nakatingin kay Kaye pero tumingin din sya agad sakin.

Nginitian ko na lang si Sam. Ayoko ng magsimula ng gulo. Alam kong kaninang umaga pa napikon ni Sam si Kaye. Tahimik lang din si Kaye habang nakahawak sa kamay ko. Pagkapasok namin sa elevator biglang nagsalita ulet si Sam.

"By the way. Dad ask me kung pwede ka daw ba nyang makausap next week pagkadating nya dito?" Tanong ni Sam.

"Yeah sure. Sabihan mo lang ako." Nakangiting sabi ko.

"Dinner? Okay lang?" Tanong nya.

Nagulat ako sa tanong nya. Napatingin ako kay Kaye. Wala syang imik. Humigpit lang hawak ko sa kamay nya.

"Okay." Sagot ko kay Sam. Nginitian nya na lang ako. Nakakainis ang tagal magbukas ng elevator.

"See you tomorrow guys. Ingat kayo." Sabi ni Sam pagkalabas namin ng elevator. Umalis na din sya agad at pumunta sa kotse nya.

Napatingin ako kay Kaye habang naglalakad kami papunta sa kotse nya. Tahimik lang sya. Kahit hindi sya magsalita alam kong naiinis sya kaya hindi ko na lang muna sya kinakausap. Pagkadating namin sa kotse nya pinagbuksan nya agad ako ng pinto. Hindi nya ko tinitignan.

"Kaye?" Tawag ko hindi pa din ako pumapasok sa loob.

"Pumasok ka na Reah." Utos nya. Hindi na ko nagsalita sinunod ko na lang sya.

Pagkapasok nya sa loob ng kotse kakausapin ko pa sana sya kaya lang hindi ko na lang tinuloy. Mamaya ko na lang sya kakausapin baka mas lalo lang syang mainis pagkinulet ko pa sya lalo.

Habang nagdadrive si Kaye napapatingin tingin ako sa kanya. Kumukuha ako ng timing para kausapin sya. Pero hanggang sa makarating na kami ng bahay hindi ko pa din sya nakakausap. Lumabas na ng kotse si Kaye at pinagbuksan nya ko ng pinto. Papasok na sana sya sa bahay pero pinigilan ko sya.

"Kaye?"

"Bakit?" Tanong nya.

"Galit ka ba?" Tanong ko.

"Hindi." Sagot nya.

"Inis?"

Hindi na sya sumagot. Tumingin lang sya sakin.

"I'm sorry. I know mahihirapan kang pakisamahan si Sam pero Kaye."

"Hayaan mo na masasanay din ako. Tara na baka kanina pa nila tayo hinihintay." Sabi nya.

Hindi na din ako nagsalita pumasok na kami sa loob. Pagkapasok namin sinalubong na din kami ni Mama at sabay sabay na kaming pumunta sa dinning table at kumaen na.

Habang kumakaen kami halatang wala sa mood si Kaye at napansin ni Mama yun. Kanina pa patingin tingin saming dalawa si Mama. Hindi ko na lang din sya pinapansin. Ayaw ko ng lumaki pa tampuhan namin ni Kaye. Gusto ko syang kausapin mamaya pagkauwi namin sa condo nya. Sana lang kausapin nya ko ng maayos.



















































Nakabalik na kami sa condo ni Kaye. Pagkapasok pa lang namin sa loob dumiretso na agad sya sa CR para magpalit. Halatang iniiwasan nya ko. Pagkalabas nya ng CR hindi nya pa din ako iniimik. Pumasok na lang din ako sa loob para magshower saglit at makapagpalit.

Pagkatapos ko lumabas na agad ako. Nakita kong nakahiga na si Kaye. Natutulog na sya. Hindi ko alam kung tulog na ba sya o nagtutulog tulugan lang dahil ayaw nya kong kausapin. Tumabi na ko sa tabi nya. Tumalikod na lang din ako sa kanya gaya ng pagkakahiga nya. Naiinis ako dahil magtatapos tong gabi na to na hindi kami okay. Akala ko pa naman din makakausap ko pa sya. Pero mukang pagod na din sya kaya nakatulog na.

Pinipilit kong matulog. Kanina pa ko nakapikit at nakahiga pero hindi pa ko nakakaramdam ng antok. Mukang tulog na nga si Kaye. Napatingin ako sa oras. Malapit ng mag-umaga pero gising pa din ako. Umupo na muna ako at tumingin kay Kaye. Ganun pa din pwesto nya. Lumapit ako sa kanya para halikan sya sa pisngi nya. Humiga na lang ako at niyakap sya.

"I love you Kaye. Good night." Bulong ko.

Pumikit na lang ako habang yakap ko sya. Pero maya maya lang naramdaman kong gumalaw si Kaye. Humarap sya sakin. Napatingin ako sa kanya. Umayos sya ng higa nya. Nakapikit pa din sya habang inaayos nya pagkakayakap ko sa kanya. Niyakap nya lang din ako. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Wala man lang bang good night?." Mahinang tanong ko sa kanya. Dumilat sya bigla at tumingin sakin.

"Mahal na mahal na mahal kita." Seryosong sabi nya sabay halik sakin.

Napangiti ako sa halik nya. Hinigpitan ko lalo pagkakayakap ko sa kanya. Akala ko matatapos lang tong gabi na to na hindi kami nagiging okay ni Kaye. At least kahit papanu naging maayos lahat.











________________________________________________________________

Isang update lang para sa inyo 😊😄. Miss ko kayo eh

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 18.4K 71
Ang tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan a...
5.3K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
108K 536 18
sabi nila bawal daw magmahal sa magkaparehong kasarian.. nakakahiya daw.. pero paano kung nainlove ka sa isang tibo??
5.4K 456 17
"This story will make you feel sane because you'll either feel less alone in your crazyness or you'll realize how crazy I actually am and you'll sudd...