Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

715K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Who Came Back
The One More Time
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in Parañaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One Thing Uncertain

17.8K 525 30
By AlbertLang

CHAPTER 2

"Yung dadaanan natin, hindi ito yung usual way, ngayon lang ito kasi susunduin pa natin si Gabriel, mamaya ituturo ko yung mga sakayan," paliwanag ni Kuya habang sinususi ko ang bahay. Hindi ko talaga naintindihan dahil huminto na ang utak ko sa linyang "...susunduin pa natin si Gabriel."

Nakangiti lang ako nang kunin ni kuya ang pansin ko.

"Huy, sigurado ka na ba sa suot mo?" tanong ni Kuya sa akin. 

White shirt at maong pants na nasisira na sa kalumaan lang kasi ang suot ko.

Tumango lang ako. Hindi nagbago ng tingin si Kuya.

"Suot ko ito nung entrance exam, mukhang swerte."

Parang kailangan ko lang magpaliwanag kaya nagdahilan ako. Ang totoo, kung si Gabriel nga ang boses na iyun, at ang boses na iyun ang lalaki sa panaginip ko, na naghatid sa akin sa subdivision, dapat makilala niya akong muli, kaya't kahit nasira na ang pants, ito na ang isinuot ko.

Papalabas na kami ng bahay nang may taxi na huminto sa tapat. Si Mama, bumaba. Narinig ko pa siyang kausap ang driver.

"Manong, hintay lang, may kukunin lang ako..." Humarap sa amin si Mama bago pumaling ang tingin sa pulang kotseng nakapark sa tapat ng bahay. Nagbayad sa taxi driver. "Ay hindi manong, ito na, sige na, alis na. Babu!"

Naglakad si Mama patungo sa amin ni Kuya. Bumeso kay Kuya. "Alex, first day, ano ba yang suot mo? Magpalit ka nga! Samahan mo yang kapatid mo, Alabet!"

"Okay lang po yan sa school!"

"Sigurado ka? Baka sabihin ng tatay mo, hindi ko binibili ng damit yang kapatid mo, naku," nguynguy ni Mama.

"Ako na pong bahala kay Daddy," sabi ni Kuya. Buti na lang, naipagtanggol ako ni Kuya. Hindi talaga papayag si Mama na mukha akong napabayaan.

"Okay, sige. Tama. Basta ijaw na bahala ha. Maganda 'yan. At ang mas maganda, hintayin na rin ninyo ako, at naiwan ko lang ang birth certificate nitong si Alex. Kailangan for benefits..."

Pa-fade out na sa pandinig ko ang mga sinasabi ni Mama, at ilang sandal lang ay pu-fade in na ulit.

"...Kumusta naman ang mommy't daddy mo? Ha Alabet?"

"Okay naman po" sagot ni Kuya habang nagte-text.

At tuloy pa rin ang usap nila hanggang sa kotse. Sa harap na ako sumakay. Habang sa likod si mama. Nagsuot na ako ng headphone. Ang headphone na regalo ni Mama sa akin nung graduation. Ang headphone na music on, world off. Pero tinitingnan ko ang mga dinadaanan ni Kuya.

Nang bumaba na si Mama ay hinila ni Kuya ang headphone ko. Kanina pa pala siya nagsasalita at hindi ko naririnig. "Ang sabi ko, anong masasabi mo dun sa Raul? Okay naman ba? Simpogi ba ni Daddy?"

"Sinong Raul?"

"Ah okay, na-shut off mo talaga ang mundo sa headphone mo, ah."

"Sinong Raul?"

"Wala, tanong mo na lang sa mama mo. Sya nga pala, dederetso ako sa Rep, sa likod lang naman yun ng theatre, yung mga blockmates mo, malamang nasa harapan, lakad ka na lang, kung hindi naman nakakahiya sa'yo."

"Hindi na tayo dadaan kay Gabriel?"

"HIndi na. Pinauna ko na. Out of the way. Eh, nakakahiya naman sa mama mo, minsan lang mag-request yun. Atsaka malapit lang dito si Gabriel. Baka nga nandyan na yun, pa-spoil lang sa akin."

Nakarating kami sa campus, nag-park. Medyo mahaba ang lakad at mga sinasabi ni kuya pero ang nasa utak ko lang, "Mama, isa kang malaking abala!"

Hanggang sa makita namin ang mga orgmates niya sa Rep. Nagre-rehearse na nga sila para sa presentation sa orientation. Sino kaya dito ang Gabriel? Nandito na kaya siya? Walang pamilyar na mukha. Hay, baka naman ibang Gabriel itong bestfriend ni kuya sa bestfriend ko sa panaginip ko. Move on na.

Atsaka ko lang napansin. Ganito pala ang itsura ng mga college. Hindi naman nalalayo sa itsura ko. Matanda nga lang at may yabang na. Ganyan din ako in two, three years. Apir at tapikan ng braso sa mga kaibigan niyang lalaki, may isang bakla na bumeso sa kanya, ganun din yung mga babae. At yung isang babae, hinalikan niya sa lips. Ito siguro yung Summer na kinu-kwento niya. Siya nga, nang ipinakilala niya.

"Kapatid ko, si Alex," Pakilala niya.

Yumakap si Summer, "So the baby brother is here, ano sasali ka rin sa Rep?"

"Next year na, mag-ipon muna siya nang magagandang grades," sagot ni Kuya.

Ngumiti lang ako. Hanggang sa may magsalita. Mas late dumating kesa kay Kuya.

"Why wait for next year, when he can join now?!" Ito ang boses na iyun. Napalingon ako.

Nakangiti ang nagsalita. Ang ganda ng ngiti niya, na nagawa nitong i-blur ang buong paligid. Pagkangiti ay tinikom niya ang bibig at binasa ang mga labi bago muling bumalik sa pagkakangiti.

Lumapit si kuya sa kanya, nag-apir, nagyakap bago sila lumapit sa akin.

"Alex, si Gabriel," pakilala ni Kuya.

Akala ko nakangiti ako, pero nahuli ko ang sarili kong bahagyang nakanganga. Kilala ko siya. At sa pagkakatitig niya, alamkong kilala niya ako.

"Quit those lips," sabi niya. Inilagay niya ang kamay sa baba ko at iniangat para sumara ang bibig ko.

Napakagat siya sa labi, binasa ang mga ito bago ngumiti. Iniabot ang kamay niya sa akin. Kinamayan ko naman.

Tumingin ako kay kuya.

Hinila ako ni Gabriel at niyakap tulad ng yakap niya kay kuya kanina. 

"Sorry, about earlier. I really thought you were Albert," sabi niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa bitawan niya ang pagkakayakap niya sa akin 

Nakatingin lang sa amin si Kuya. Napansin niyang nakatulala ako.

"Wow, Alex, gulat na gulat sa college," sabi ni Kuya. "Baka malaglag ang panga mo."

"No, keep it, you're cute that way" sabi ni Gabriel. "Ikaw, Albert, niloloko mo ang brother mo."

Nakatitig lang ako kay Gabriel. Wala akong naririnig. Nagbabalik kasi ang lahat sa akin. Parang umulit ang mga nangyari nung entrance exam, at ngayon, may malinaw ng mukha ang lalaking sa akin ay nagligtas.

Nagising na lang ako nang guluhin niya ang buhok ko.

"Welcome to College," sabi niya. "We will have lot's of fun."

Sabay tumaas ang dalawa niya kilay at nag-iwan nang sobrang nakabibighaning ngiti. 

Teka, ano itong nararamdaman ko. Bakit ako nabibighani sa kanya? Oo, siya ang tagapagligtas ko... pero teka, hindi pa nga ako sigurado doon. Pero nakabibighani talaga ang ngiti niya. Siya man o hindi ang lalaki sa aking ala-ala, sa aking panaginip.

Unti-unti, lumayo siya at humalubilo sa mga kaibigan niya. Bumeso sa mga babae at nakioag apir sa mga lalaki.

Naiwan na niya ako. Hindi niya ako nakilala. O dapat ba niya akong makilala? Si Gabriel ba at ang lalaking naghatid sa akin dati ay iisa?

Lumapit ako kay Gabriel.

"Uhm," hindi ko alam ang sasabihin ko pero nakuha ko ang atensyon niya.

Magmukha nang tanga kung magmumukhang tanga. Mapahiya na ako sa bestfriend ni Kuya, sige lang.

"Uhm, Kuya Gabriel," sabi ko.

"Yes, Alex?" tanong ni Gabriel.

"Nakapasa ako," sabi ko.

"Of course you did."

Nakangiti si Gabriel na parang naghihintay sa mga susunod kong sasabihin. Pero wala na akong ibang maisip na idugtong pa.

"Ayaw mo ba?" tanong ni Gabriel.

"Gustung-gusto," sagot ko.

"So?" 

Iyun na. Nagmumukha na nga akong tanga. Hindi ko na alam kung paano ililigtas ang sarili ko sa mga pagtatanong ko kay Gabriel. Baka hindi siya ang akala kong siya.

"Wala, may naka-deal kasi ako dati," sabi ko. "Sabi niya, sasabihin niya sa akin ang pangalan niya kapag nakapasa ako. Nakapasa na ako."

"Wow, all for love?" tanong ni Gabriel. "You want me to help look for her?"

Her? Babae? Hindi babae.

"Sana," sabi ko. 

Hala, anong sana? 

"Don't worry," sabi ni Gabriel. "I won't tell your kuya you're in love."

"Salamat."

At ginulo ulit niya ang buhok ko bago tumalikod at pumunta sa mga kagrupo niyang nagsisimula nang magrehearse.

Sige. Fail. Tumalikod na rin ako at naglakad papunta sa kung saan man kailangan ang mga freshman na katulad kong mukhang tanga.

Hanggang sa tumunog ang telepono ko. May message.

Gabriel Carlos. You passed. Congrats. Save my number.

Napalingon ako sa mga kagrupo ni Kuya na nagre-rehearse. busy sila, maliban kay Gabriel na nakatingin sa akin. hawak ang telepono niya. Nakangiti.

Nabaliw ako. Anung ibig sabihin nito?


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

240K 15.8K 62
Because of the scandal he made, Ardent was sent to Rivamonte. He was forced to study and live in a province where everyone seems to annoy him. The si...
212K 8.2K 37
Jakob Raje Buenavista is not your typical bachelor. He's subtle and aloof of the limelight. His family comes from a long line of old money hailing fr...
223K 959 8
Maria Lorena Magbagay is a 28-year-old single, and a certified NBSB. In her younger years she was proud of it, she'd admit that she's a conservative...
252K 14.1K 49
(Numero Series #2) "Magiging CPA rin ako" is the personal mantra of Crist Second Estevar. To be a Certified Public Accountant is his priority. He's p...