TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

GOOD NEWS!

1.9K 91 26
By simply_author

Hi guys!

Kamusta? Hahaha. Sorry late ang update. Pero bago ang lahat haha. Grabe kayo ha. Nawindang naman ako sa mga reactions nyo sa last chapter haha. Nga pala. Dahil masyadong intense at rated SPG yung last chapter naka PRIVATE na po sya. Mga Followers ko lang po ang makakabasa 😊😂. Baka mabasa ni kikal nakakahiya😄😄😄.

Nahulaan nyo ba kung sinu sinasabi kong magbabalik? Mukang gulong gulo kayo kung sinu sya haha. Bibigyan ko kayo ng clue.

Sa pagbalik nya hindi lang si KAYE ang involve pati na din si NICKY. Oh! Kilala nyo na! 😄😄😄. May mga magbabalik at magpaparamdam mula sa multo ng nakaraan. Minsan nya ng sinubukang manggulo sa KAYEAH pero di sya nagtagumpay pero ngayong babalik sya anu naman kayang gagawin nya 😊😁. Excited na ko!! Haha.

Thanks pala sa mga nakabasa na ng BAMPAYER 😄😄😄. Ok lang ba? Maganda ba o panget? 😂😂😂. Comments naman haha. Baka kasi pwedeng ituloy 😂😂😂.

Oh sya! Back na sa story.



Enjoy!!!!!
























*****


REAH'S P.O.V.

"Okay ka lang?" Tanong ni Kaye pagkababa namin sa eroplano. Kakarating lang naman dito sa Manila.

Napangiti na lang ako sa kanya. Kanina nya pa kasi ako tinatanong kung okay lang ba ako. Actually kagabi pa nya ako paulet ulet na tinatanong kung okay lang ba ako. Naging sweet lalo si Kaye pagkatapos ng mga nangyari samin kagabi.

"Kaye okay lang ako." Nakangiting sabi ko sabay yakap sa kanya. Nanliliit na naman ako sa kanya. Hindi kasi ako nakasuot ng heels. Normal na Reah lang ako ngayon.

"Sure ka? Sabi mo kasi kanina masakit ulo mo." Tanong nya. Niyakap nya din ako. Hinahalikan nya ulo ko habang nakapatong ulo nya sa ulo ko.

"Sure na sure. Basta nandyan ka okay ako." Nakangiting sabi ko.

"Hoy! Kayong dalawa ha! Tama na nga yan. Kanina pa kayo. Nilalanggam ako." Reklamo ni Jessy. Pero imbes na pakinggan ko sya mas lalo ko syang inasar. Niyakap ko lang ng mas mahigpit pa si Kaye habang nakatingin ako kay Jessy. Natawa ako sa paglaki ng mata nya sabay alis. Nag walk-out na lang sya.

"Tara na para makapagpahinga na tayo." Aya ni Ninong. Nakuha na namin lahat ng gamit namin.

"Saan po kayo mag-stay?" Tanong ni Kaye. Inalis ko na pagkakayakap ko sa kanya.

Oo nga. Nawala sa isip ko yun. Hindi ko din alam kung saan kami matutulog.

"Nagpabooked na si Riza ng hotel namin kahapon. Doon kami magstay ngayon. Ikaw Kaye uuwi ka na ba? Kung gusto mo magstay doon okay lang naman." Nakangiting sagot ni Ninong.

Napatingin ako kay Kaye. Gusto ko syang makatabi sa pagtulog kaya sana pumayag sya.

"Hindi na po. Sa condo ko na lang po ako uuwi." Sagot nya. Nawala bigla yung ngiti ko sa muka ko.

"Pero kung okay lang din po sana isasama ko si Reah?" Biglang tanong ni Kaye sabay tingin sakin. Napangiti ulet ako.

"Ganun ba. Oh sya sige kung yan gusto nyo. Malaki na kayong dalawa para pagbawalan pa. Kumaen na muna tayo bago tayo pumunta sa hotel." Aya ni Ninong.

"Hala unfair ako din sasama!" Biglang singet ni Jessy.

Napatingin lang ako ng masama sa kanya. Natawa na lang si Kaye.

"Anu ka ba naman Jessy? Bakit ka sasama sa dalawa? Mang-iistorbo ka lang." Galit na sabi ni Mama.

"Tita talaga kahit kailan patola! Syempre joke lang po." Biro ni Jessy sabay yakap kay Mama.

Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Jessy.

Umalis na kami ng airport. Buti na lang at gabi na kami nakarating dito sa Manila. Hindi na kailangan pang magtago ng sobra ni Kaye. Gamit namin kotse nya dahil dito din naman sya nakapark nung pumunta sya ng Hong kong. Sya na din nagdrive. Kakaen na muna kami at ihahatid muna namin silang tatlo sa hotel na pagiistayan nila bago kami umuwi ni Kaye sa condo nya. Nakakaramdam ako ng excitement. Namiss ko na din matulog sa condo ni Kaye.


















Pagkalipas lang ng ilang oras tapos na kaming kumaen. Nagmadali na din kaming umalis sa resto na pinagkainan namin. Gusto na din kasi nilang matulog at magpahinga. Habang nagdadrive si Kaye nakatingin lang ako sa kanya. Halatang pagod na sya sa byahe namin. Kanina pa sya hindi nagsasalita pagkaalis namin ng resto. Hinawakan ko isa nyang kamay. Napatingin sya sakin.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Okay lang. Bakit?" Nakangiting tanong nya.

"Wala naman tahimik ka kasi hindi lang ako sanay." Pagkasabi ko nun ngumiti lang si Kaye at hinalikan nya yung kamay ko. Napangiti na lang din ako.

"Kayong dalawa. Hindi na ba kayo magsasawa sa isa't isa? Kanina pa kayo eh. Madidisgrasya tayo sa ginagawa nyo. Bitawan mo nga sya Reah. At ikaw naman Kaye hawakan mo ng maayos yang manibela. Etong dalawang to pag-uuntugin ko kayo eh." Galit na galit na sabi ni Jessy. Napatingin ako sa kanya. Nasa gitna sya nila Mama at Ninong.

"Ma umorder ka ba ng ampalaya kanina?." Tanong ko kay Mama.

"Ha? Wala naman akong inorder na ampalaya." Sagot ni Mama.

"Eh bakit ganyan si Jessy. Kanina pa napakabitter. Kumaen yata ng ampalaya yan eh." Natatawang sabi ko. Tumawa lang din si Kaye.

"Ampalaya your face!" Sigaw ni Jessy.

"Tama na yan. Hayaan mo na kasi silang dalawa Jess. Ganyan lang talaga pagmalapit ng ikasal. Naeexcite lang yang dalawa na yan." Sabi ni Mama.

Tumingin at dumila ako kay Jessy. Tinarayan nya lang ako. Natawa na lang ako sa reaksyon nya.

"Dito na tayo." Biglang sabi ni Kaye.

Napatingin ako sa labas. Tinggal na ni Kaye yung seat belt nya at lumabas na. Pinagbukasan nya ko ng pinto. Hinalikan ko sya pagkalabas ko. Lumabas na din silang tatlo. Tinulungan ko na din silang ibaba mga gamit nila sa kotse.

"Reah pumunta ka na lang dito bukas para sabay sabay na tayong pumunta ni Jessy dun sa branch. Para makita nyo muna bago natin gawin yung grand opening sa isang araw. At isa pa ipapakilala ko na din sa inyo yung mga makakasama nyo." Bilin ni Ninong.

"Yes po." Sagot ko.

"Kaye mag-iingat kayo ha dahan dahan sa pagdrive. Sige na umalis na kayo para makapagpahinga na din kayo. Magtext na lang agad Reah pagnakauwi na ha." Sabi ni Mama sabay yakap sakin.

Niyakap ko na lang din si Mama para makapagpaalam na. Ganun din kay Ninong at kay Jessy. Hindi na namin sila hinatid sa kwarto nila.

Pagkatapos naming magpaalam ni Kaye. Pumasok na kami sa kotse at nagdrive na din si Kaye. Nakakaramdam na din ako ng pagod at antok. Hindi na ko nagsalita simula ng umalis kami sa hotel. Nakasandal na lang ako sa upuan ko habang nakatingin sa labas.

"Reah?" Tawag ni Kaye. Napatingin ako sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong nya.

"Okay lang. Medyo inaantok na din. Pagod pa." Sagot ko. Ang dami ko pa kasing hinabol na trabaho kaninang umaga sa office kaya hapon na kami nakasakay ng eroplano.

"Sabi ko naman kasi sayo kanina wag ka ng magtrabaho napagod ka pa tuloy." Seryosong sabi nya.

"Kaye naman. Eto na naman po ba tayo? Di ba nga po kailangang kailangan lang kasi. Wag ka ng magalit."

"Hindi naman ako galit Reah. Ang sakin lang wag ka masyadong busy sa work. Ayokong mawalan ka ng time sakin. Lalo na ngayon na nag-aayos na tayo ng wedding natin." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

"I know. Promise ko sayo hindi ako mawawalan ng time pagdating sayo. And since nabangit mo na din yang wedding preparation natin. Balak ko sanang makipagkita kay Kim bukas after namin magpunta sa branch. Sama ka ha." Aya ko.

"Sure! Pero icheck ko muna sched ko." Nakangiting sagot nya.

"Ay! Oo nga pala. Nasabihan mo na ba sila na nakabalik ka na?"

"Oo kanina lang. Buti natanong mo pala yan. Naalala ko may meeting nga pala kami bukas. What time mo ba balak makipagkita kay Kim?" Tanong nya.

"Hmm. After sana ng pag-uusapan namin nila Ninong. Makakasama ka ba?" Tanong ko.

"Hindi ko pa sure Reah. Tignan ko na lang bukas. Itext na lang kita ha." Nakangiting sagot nya.

"Ganun ba." Nawala bigla ngiti sa muka ko. Parang hindi pa ko ready na maging busy ulet si Kaye.

"Oh wag ka ng sumimangot papanget ka nyan. Smile na." Nakangiting sabi nya.

"Baka naman ikaw mawalan ng time sakin ha." Biglang sabi ko.

"Hahaha. Reah kailan ba ko nawalan ng time sayo?" Natatawang tanong nya.

"Baka lang naman." Nakangusong sabi ko.

"Basta ikaw. Kahit saan at kahit anong oras pa yan. Pupuntahan kita. Importante ka sakin Reah kaya ikaw palaging uunahin ko."

Napangiti ako sa sinabi nya.

Nakapagpark na si Kaye. Tinanggal nya na agad yung seat belt nya at nagmadaling lumabas ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko hinalikan ko sya agad sa pisngi. Isang mabilis na halik lang. Inunahan ko na syang pumunta sa likuran ng kotse para kunin mga gamit ko. Nakita kong nagulat sya sa ginawa ko at napangiti na lang.

Tinulungan na ako ni Kaye na kunin mga gamit ko at umakyat na kami sa condo nya. Pagkapasok pa lang namin sa loob humiga agad ako sa kama nya. Grabe namiss ko tong condo nya. Ang tagal ko ng hindi nakapunta dito.

"Namiss mo?" Tanong nya.

"So...........bra!" Sagot ko sabay yakap sa unan nya. Kaamoy nya yung unan nya. Ang sarap yakapin.

"Reah bumangon ka muna dyan. Magpalit ka muna." Utos nya habang inaayos nya mga gamit namin.

Tinaas ko kamay ko para magpatulong akong tumayo sa kanya. Hinawakan nya kamay ko at hinila ako para makatayo ako. Pagkatayo ko hindi nya ko binitawan. Nilagay nya kamay nya sa likuran ko at nilapit nya ko sa kanya. Napahawak ako sa balikat nya. Ngumiti sya sakin sabay halik sa noo ko. Napangiti na lang din ako sa ginawa nya. Kahit ganito lang kasimple yung paraan ni Kaye para ipakita nyang mahal nya ko sobra sobra pa din yung kilig na nararamdaman ko. Ang swerte ko lang talaga sa kanya.

"I love you Reah." Bulong nya.

Napatingin ako sa kanya bago ko sya sagutin.

"I lov....." Naputol yung sasabihin ko dahil sa ginawa ni Kaye.

Hinalikan nya ko.






























































Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Pinatay ko agad yun para hindi magising si Kaye. Pagkapatay ko ng alarm ko umayos ulet ako nang higa ko at inayos ko kamay ni Kaye na nakayakap sakin kanina. Gusto ko pa ulet matulog. Ayoko pang umalis sa tabi ni Kaye. Gusto ko na ganito lang kaming dalawa. Walang iniintinding trabaho sa araw-araw. Pero mukang malabo yun dahil parehas kaming may career na dapat alagaan.

Ayaw ko din namang masira career na iniingat-ingatan ni Kaye. Pero minsan hindi ko talaga maiwasang hindi magselos. Lalo na pag nakikita kong nilalapitan sya ng mga babae. Natatakot ako na mapunta sa iba yung atensyon nya. Kung pwede ko lang syang patigilin na lang sa ginagawa nya pero hindi talaga pwede. Pangarap nya to at wala akong dapat pakialaman dun kahit ikasal na kami. Dapat nandito lang ako para suportahan sya.

Hindi na ako nakatulog ulet. Nakatingin lang ako kay Kaye at hinihimas buhok nya. Nakangiti lang ako habang kinakabisado ko bawat detalye ng muka nya. Kung kaya ko lang magdrawing malamang kanina ko pa sya nadrawing with colors pang kasama. Ang gwapo gwapo lang talaga nya kahit natutulog sya. Grabe Reah. Hindi halatang in love ka talaga sa kanya.

"Baka matunaw ako ha." Biglang sabi nya habang nakapikit pa din sya.

Napangiti lang ako sa sinabi nya. Nilapit ko muka ko sa kanya para halikan sya. Napadilat sya sa ginawa ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang magkalapit pa din muka namin. Hindi sya nagsasalita o kahit ngumiti man lang. Seryoso syang nakatingin sakin.

"Good morning." Bati ko.

Hindi pa din nagsasalita si Kaye. Napangiti na lang ako sa katahimikan nya. Halatang inaantok pa sya.

"Antok pa?" Tanong ko.

Tumango lang sya sakin sabay pikit ulet. Natawa na lang ako sa kanya. Ang cute nya pagganito sya. Para syang batang nagpapalambing. Niyakap ko lang si Kaye. Lumapit sya sakin at niyakap nya din ako. Maya maya lang biglang nagring phone ko at kasabay din ng pagring ng phone nya. Napadilat si Kaye at napatingin sakin. Nakatingin lang din ako sa kanya. Mukang parehas kaming dalawa ng naiisip. Wala kaming balak sagutin yung phone namin. Maya maya lang bigla ngumiti si Kaye. Natawa ako sa ginawa nya. Tinaklob nya yung kumot saming dalawa.

"Bawal ang istorbo." Biglang sabi nya.

Natatawa pa din ako sa kanya habang inaayos ko yung kumot na nakataklob saming dalawa. Huminto na sa pagring yung phone namin. Umayos na ulet si Kaye sa pagkakahiga nya at yumakap lang ulet sakin. Wala talaga syang balak tumayo ngayon.

"Akala ko ba may meeting kayo ngayon?" Tanong ko.

"Tinatamad pa kong bumangon. Mamaya na lang. Kaming tatlo lang naman ni Ms. Ad at Princess yun. Mahihintay naman nila ako." Sagot nya.

"Sure ka? Baka mapagalitan ka na naman ha."

"Sssshh. Matutulog pa ko eh. Good night." Natawa na naman ako sa kanya. Para talaga syang bata.

Hinayaan ko na lang si Kaye na matulog ulet. Maaga pa naman. May oras pa kami para matulog. Umaga na kasi kami natulog ni Kaye kanina. Pinag-uusapan kasi namin kung saan namin balak magpakasal at kung kailan. Wala pa din kaming final desicion. Nahihirapan kaming magdecide dahil parehas naming gustong maging special yung araw na yun para saming dalawa kaya ang dami naming gustong mangyari at gawin sa wedding. At dahil sa sobrang dami naming gusto wala na kaming mapili. Mas maganda talaga na kausapin ko namin si Kim at Nicky mamaya para matulungan kami.
































*****


KAYE'S P.O.V.


"Kaye! Anung oras usapan natin? Bakit ngayon ka lang ha. Dalawang oras mo kaming pinaghintay!" Galit na sabi ni Ms. Ad.

"Sorry. Hinatid ko pa si Reah at saka traffic papunta dito." Dahilan ko.

"Sus traffic daw." Singet ni Princess. Tinignan ko lang sya ng masama.

"Hay naku. Okay sige wala na din naman akong magagawa sa pagiging late mo pero next time. Please lang Kaye wag mo ng uulitin. Madami sana tayong pag-uusapan pero since late ka mamadaliin na lang natin may gagawin pa kasi ako." Napatingin ako sa kanya. May kinuha syang folder at inabot sakin.

"Anu to?" Tanong ko.

"Read it." Utos nya.

Binuksan ko yung folder at binasa ko agad kung anu yung nasa loob. Napangiti ako sa nabasa ko. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Parehas lang din silang nakangiti sakin.

"Totoo ba to?" Tanong ko.

"Anu pa nga ba? Congrats Kaye. I think eto na yung hinihintay natin at pinakahinihintay mo talaga."

"Wow! Wala akong masabi. Thank you." Tumayo ako at niyakap ko sya. Silang dalawa.

Hindi ako makapaniwala na after so many years. Magkakaconcert na din ako. At hindi lang concert magrerelease pa ako ng isang solo album. Nakakatuwa. Walang mapaglagyan yung saya ko.

"Hindi pa lang din sure kung kailan yan pero at least alam na natin na tuloy na tuloy na talaga."

Bumalik na ko sa upuan ko bago ako magsalita ulet.

"Oo at least eto na talaga to. Nga pala sinung nagsabi nito?" Tanong ko.

"Ay buti natanong mo. Yung producer nga pala nyan pupunta pa lang sya dito sa Manila para maorganize nila yung album at concert mo. Actually nagulat din ako. Kasi sa dinami dami ng artist na mapipili nya ikaw pa napili nya. So I think talagang gusto ka nya. Swerte mo lang at ang lakas ng kapit nya sa ibang producer kaya naprocess din agad yung sa concert." Nakangiting sabi nya.

"Talaga? Kilala mo na ba kung sinu sya?" Tanong ko.

"Actually hindi ko pa din sya personal na nameet pero ang sabi nila baka next month or in two weeks nandito na sya. Nasa Canada kasi ngayon so pupunta lang sya dito para iorganize lahat at para mameet ka nya." Sagot nya.

Napaisip ako bigla sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit yung sayang naramdaman ko kanina biglang napalitan ng kaba. Wala naman dapat akong isipin. Siguro naeexcite lang ako.

"Ang saya di ba? So pwede na tayong magcelebrate?" Tanong ni Princess.

Napatingin ako sa kanya. Papayag na sana ako sa gusto nya kaya lang bigla kong naalala na susunduin ko nga pala si Reah ngayon at makikipagkita kami kay Kim at Nicky.

"Gusto ko sana kaya lang may usapan kasi kami ni Reah ngayon. Pwede bang next time na lang?" Nakangiting tanong ko.

"Aalis na naman kayo? Magkasama lang kayo kanina ha." Tanong ni Princess.

"Makikipagkita kasi kami kina Kim at Nicky para mapag-usapan yung sa wedding namin." Sagot ko. Kinuha ko agad yung phone ko para itext si Reah.

"Oo nga pala. Kailan ang wedding? Need kong malaman para sa schedules mo." Tanong ni Ms. Ad.

"Hindi pa namin alam kung kailan. Baka mamaya makapagdecide na kami. Madami kasi kaming planong gawin ni Reah kaya masyadong matagal pagpaplano namin." Nakangiting sagot ko.

"Ganun ba. Sige basta inform mo na lang ako agad ha. Baka kasi pagdumating na sila from Canada maging busy na tayo at ayaw ko naman makaapekto yun sa wedding preparations nyo ni Reah."

"Don't worry ikaw unang makakaalam." Pagkasabi ko nung biglang nagring phone ko. Tumatawag si Reah.

"Hello Reah. Nasan ka?" Tanong ko pagkasagot ko ng phone.

"Kakatapos lang namin magmeeting. Ikaw nasan ka? Makakasama ka ba sakin?" Tanong nya. Napangiti ako bigla. Sa tono ng boses nya parang nagmamakaawa syang samahan ko sya.

"Kakatapos lang din namin. Sunduin na lang kita ha." Sagot ko.

"Yes!! Thanks babe! I love you. Ingat ka ha." Pasigaw na sabi nya. Halatang tuwang tuwa sya.

"I love you too. Sige na tapusin mo na muna gagawin mo dyan paalis na din ako. See you later."

"See you later."

Pagkasabi ni Reah nun hinihintay ko lang naibaba nya yung phone bago ko ibaba yung sakin. Pero hindi nya pa din binababa.

"Reah ibaba mo na." Utos ko.

"Ayoko. Hayaan mo lang nakahang. Gusto ko magkausap tayo habang papunta ka dito." Natawa ako sa sinabi nya.

"Lalaki charge ng cellphone bill mo."

"I don't care."

"Hahaha. Ang kulet mo talaga. Sige na nga. Hintayin mo ko ha. Ako na lang tatawag sayo." Pagkasabi ko nun binaba ko na yung phone ko. Ako na lang tatawag sa kanya.

"Alis na ko okay lang ba?" Tanong ko sa dalawang kasama ko.

"Sige ingat ka ha. Ikamusta mo ko kay Reah." Nakangiting sabi ni Ms. Ad.

"Okay. Bye. Ingat kayo. Thank you ulet sa good news." Pagkasabi ko nun tumayo na ko at nagmamadali ng lumabas ng coffee shop.

Pagkapasok ko sa loob ng kotse ko tinawagan ko ulet si Reah. Niloudspeaker ko na lang para makausap ko sya habang nagdadrive ako gaya ng gusto nya.

"Hello. Bakit ang tagal mong tumawag?" Galit na tanong nya. Natawa na naman ako sa kanya. Para na naman syang bata.

"Reah wala pang five minutes yung last call mo." Natatawang sabi ko.

"Grabe ang tagal kaya ng five minutes." Ang kulet na naman nya. Natutuwa ako sa ganitong ugali ni Reah.

"Okay. Sorry na po."

"Okay. Apology accepted. Ingat ka ha. I love you."

"I love you more." Nakangiting sagot ko.

Saglit pa lang kaming naghihiwalay ni Reah pero parang pakiramdam ko miss ko na agad sya. At mas lalo akong naexcite makita ulet sya dahil sa ugali nya ngayon.

Hindi na ko kinausap ni Reah. Naririnig ko na nag-uusap silang dalawa ni Jessy. Mukang nag-aaway na naman silang dalawa. Natatawa na lang ako habang nakikinig sa kanilang dalawa. Naiinis na naman si Jessy dahil magkausap na naman kaming dalawa. Naiinggit talaga sya saming dalawa ni Reah. Hindi ko alam kung naiingit sya dahil wala syang love life o dahil nagseselos lang sya sakin dahil wala na silang time ni Reah para makapagbonding. Nakakatuwa lang talaga si Jessy lalo na pagnaiinis sya sa pang-aasar ni Reah. Pero kahit ganun sya alam kong super loyal nyang kaibigan kay Reah. Kung sinung umaway kay Reah malamang aawayin nya din.

Mamaya ko na lang sasabihin kay Reah yung good news ko para makapagcelebrate na din kaming apat nila Kim at Nicky. Matagal tagal na din yung huling labas naming apat. Nakakamiss din pala sila kahit papanu.





















_______________________________________________________________

Sorry natagalan ang update😊😊😊.

Sana nagustuhan nyo hehe nagpamiss lang talaga ako. 😂😄

Comments and vote po.

Continue Reading

You'll Also Like

24K 1.6K 33
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
81.4K 511 51
Si Ezekiel ang Una kung naging karelasyon na Lesbian , sa kanya ko unang naranasan ang lahat-lahat . May FOREVER kaya kaming dalawa ? o katulad lang...
10.9K 614 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
67.1K 1.4K 58
WARNING: GirlxGirl po ito!!! Isang REBELDE at isang MARIA CLARA na SAWI sa pag-ibig ang magkakasama sa isang dorm.... will they feel the MAGIC. UNEXP...