TWO HEARTS (Book 3)

Oleh simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... Lebih Banyak

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

MAKING LOVE

2.2K 107 80
Oleh simply_author

Hi guys!

May inattached ulet ako na audio. Baka di nyo na naman mapansin ha. Dahan dahan lang kasi sa pagbabasa. Namnamin nyo bawat salita para kiligin kayo 😂😂😂. Kunwari kayo yung kinakantahan ni Kikal 🙊🙊🙊. Oops. Spoiler! Hahaha.

Nga pala.

Pagbibigyan ko ulet kayo ha pero ngayon na lang ulet hahaha. Jusmiyo marimar! 😂😂😂 Nahirapan na naman ako sa chapter na to. Maygad! Sagad na sagad na utak ko haha. Sulitin nyo dahil pagkatapos nyan babawian ko kayo! Hahaha. Titigan nyo muna si Kikal haha. Ingat lang nangangagat yan hahaha.

Enjoy!























*****



REAH'S P.O.V.


Ang dilim sa loob ng bahay. Nakapatay lahat ng ilaw. Pagkabukas ko ng pinto napangiti ako bigla sa nakita ko. Sabi ko na nga ba. May surprise na naman si Kaye. Pinagplanuhan siguro nila ni Mama lahat to.

"Kaye?" Tawag ko.

Pumasok ako sa loob. May nakita akong nakaset-up na table sa gitna ng living room. Mga kandila lang nagsisilbing ilaw ng bahay. Nakakatuwa pagkakaset-up ni Kaye para lang akong pumasok sa isang class na resto.

Hindi ko makita si Kaye. Nilapag ko muna lahat ng dala ko. Gusto ko nang buksan yung ilaw para hanapin sya. Baka kasi hindi nya napansin na dumating na ako. Pero bago ko pa mabuksan yung ilaw nagulat ako nang marinig ko boses ni Kaye.

Napatingin ako sa kanya. Napangiti ako. Ang gwapo nya sa suot nya. Kumakanta sya habang palapit sakin may hawak syang isang pirasong pink rose at inabot nya sakin.

Nakatingin lang ako kay Kaye habang pinapakinggan ko yung nakakakilig nyang boses. Namiss ko to. Ngayon nya na lang ulet ako kinantahan ng ganito. Hinawakan nya ko sa kamay ko habang nakatingin sya sakin. Ang ganda lang talaga ng mata nya. Kapag tinititigan nya ko hindi ko talaga maiwasang hindi kiligin. Nararamdaman kong nag-iinit yung pisngi ko. Mukang namumula na naman ako dahil napangiti sya bigla at hinawakan nya ako sa pisngi ko.

Nilagay nya isang kamay nya sa bewang ko habang nakahawak pa din sa pisngi ko yung isa nyang kamay. Nilapit nya ko sa kanya. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Napahawak na lang ako sa leeg nya habang hinihimas ko sya sa ulo nya. Para kaming sumasayaw na dalawa.

Wala pa din akong sinasabi. Hindi na natanggal yung ngiti sa labi ko. Nakikinig lang talaga ako sa kanya. Eto yung unang kantang kinanta nya sakin nung nagkakilala kami. Naggigitara pa sya nun pero kahit naman ngayon na wala syang hawak na gitara kinikilig pa din ako. Boses lang nya naririnig ko sobrang sarap na sa tenga.

Hinihintayin ko lang matapos syang kumanta bago ako magsalita. Ang swerte ko lang talaga kay Kaye dahil kung tutuusin total package na sya para sakin. Saan ka pa makakakita ng sobrang sweet at maalagang katulad nya. Gwapo pa at ang ganda ng boses na kahit sinu yata kikiligin sa kanya.

Halos lahat na yata ng bagay na kinakikiligan ko kayang kaya nyang gawin sakin. Ang dami daming babaeng gustong ginagawa sa kanila to ng boyfriend nila kaya sobrang swerte ko dahil sobrang sweet ni Kaye. Hindi sya nawawalan ng surprises pagdating sakin. Sana lang hindi sya magsawang gawin to sakin. Sana lang magstay lang sya sa pagiging ganito.






















Pagkatapos kumanta ni Kaye. Napayakap na lang ako sa kanya. Natawa sya ng konti sa ginawa ko. Ang saya saya ko lang talaga kaya hindi ko mapigilan na yakapin sya ng sobrang higpit.

Tinanggal ko pagkakayakap ko sa kanya. Humarap ako sa kanya at hinalikan ko sya. Napangiti sya sa halik ko. Hindi ko alam kung bakit ginawa nya to ngayon pero kung anuman yung dahilan nya. Isa lang masasabi ko at siguro ako na ginawa nya lahat to.

Dahil mahal nya ko.






"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya.

"Sobra. Thank you. Kinilig na naman ako. Anung meron bakit may surprise ka na naman?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang." Nakangiting sagot nya.

Napangiti na lang din ako. Niyakap ko lang ulet si Kaye. Hindi ko talaga alam kung bakit sobrang saya ko ngayon. Ang tagal namin sa posisyon namin. Hindi pa din nawawala yung ngiti sa muka ko.

"Gusto mo na bang kumaen? Nagluto ako." Nagulat ako sa sinabi nya. Umalis ako sa pagkakayakap ko at napatingin ako sa kanya.

"Talaga? Nagluto ka?"

"Oo. Gusto mong tikman?" Proud na proud na tanong nya.

"Oo naman. Wow ha. Hindi ko ineexpect to. Akala ko kasi oorder lang tayo." Natatawang sabi ko.

"Wala ka bang tiwala sa luto ko Reah?" Natatawang tanong nya.

"Meron naman. Nagulat lang talaga ako." Umayos na ko sa pagkakatayo ko.

"Nagpatulong lang din ako kay Mama. Pero syempre ako talaga yung nagluto." Sabi nya.

Pinaupo nya ko sa upuan sa harap ng table na inayos nya. Pagkaupo ko nilagay ko sa table yung hawak kong pink rose. Maya maya lang nagulat ako na may bumungad sa harapan ko na napakalaking bouquet ng pink roses. Ang ganda. Ngayon nya lang ako binigyan ng pink. Kadalasan kasi puro red. Pero kahit anu namang ibigay ni Kaye sakin maganda yun sa paningin ko.

"Thank you." Abot tenga yung ngiti ko. Sobrang saya ko talaga.

"I-serve ko dinner natin. Wait lang." Pagkasabi nya nun dumaretso na sya sa kitchen.

Pagkabalik ni Kaye natawa ako sa kanya. Para syang waiter na nagseserve ng food namin.

"Here's your food for tonight Ms. Beautiful. Enjoy." Nakangising sabi nya.

"Wow. Thank you."

Nakakatuwa. Mukang masarap pagkakaluto nya sa Steak. Pagkaupo ni Kaye tinikman ko na agad yung luto nya. Habang ngumunguya ako napatingin ako kay Kaye. Hinihintay nya reaksyon ko sa luto nya. Natatawa na lang ako sa kanya. Para syang kinakabahan.

"Di ko alam may talent ka din pala sa pagluluto." Nakangiting sabi ko.

Biglang huminga ng malalim si Kaye at sumandal sa upuan nya. Sabi ko na nga ba kinakabahan sya sa magiging reaksyon ko.

"Hahaha. Natatawa ako sa muka mo Kaye. Kinabahan ka ba?" Tanong ko.

"Oo Reah. Kung alam mo lang. Sobrang kinakabahan ako. Pinaghirapan ko kaya yan. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan mo. Para kasing hindi masarap. Hindi ko alam kung na over cooked ko ba sya o sakto lang." Paliwanag nya.

"Masarap." Sabi ko sabay isang subo pa ng pagkaen ko.

"Talaga?" Tanong nya.

Tumango na lang ako sa kanya. Hindi na ko makapagsalita dahil puno na ng pagkaen yung bibig ko. Napangiti na lang sya sakin. First time akong pinaglutuan ni Kaye. Nakakasurprise tong gabi na to. Mas lalo tuloy akong naexcite na makasama na sya ulet sa isang bahay. Sana palagi lang kaming ganito.







Habang kumakaen kami kinuwento ko kay Kaye lahat ng mga nangyari sakin kanina sa office. Pati na yung pagpapaalam ko sa lahat ng mga kasama ko sa office kanina. Nagkwento lang din siya sakin ng mga ginawa nila ni Mama kanina nung magkasama sila.

"Bakit Pink?" Tanong ko.

"Ha?"

"Bakit Pink?" Inulet ko yung tanong ko habang nakatingin ako sa mga bulaklak sa gilid ko.

"Ahh. Yan ba. Wala lang. Naisipan ko lang. Para maiba naman di ba. Madalas kasi red binibigay ko sayo. At saka mas bagay kasi sayo yan." Nakangiting sabi nya.

"Bagay sakin?" Tanong ko.

"Oo. Nung una kasing nakita ko yan sa flower shop ikaw agad naalala ko. Ang ganda. Ang simple. Babaeng babae." Nakangising sabi nya.

"Babaeng babae talaga? Hahaha. Sira ka talaga." Natawa na lang ako sa sinabi nya.

"Oo. Bakit may masama ba sa sinabi ko? Kasi nitong mga nakaraang araw may mga napapansin ako sayo. Lalo na kung panu ka na manamit ngayon. Ibang iba na. Dati hindi ka mahilig magsuot ng mga ganyan pero ngayon..." Hindi nya tinapos sasabihin nya. Seryoso syang nakatingin sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto lang kitang tignan." Sagot nya. Hindi nya inaalis tingin nya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero yung mga tingin nya parang may ibang sinasabi.

"Kaye?" Tawag ko.

Hindi sya sumagot. Nakatingin lang talaga sya sakin. Lumakas bigla yung tibok ng puso ko dahil sa tingin nya. Bigla syang tumayo. Binuksan nya yung wine at nilagyan nya yung baso ko. Bumalik din sya agad sa pagkakaupo nya.

"Cheers." Tinaas nya yung baso nya. Ginawa ko lang din ginawa nya. Tahimik na kaming dalawa ni Kaye. Nakatingin pa din sya sa akin habang umiinom sya.

"Kaye wag mo naman akong tignan ng ganyan." Mahinang sabi ko pagkainom ko.

"Bakit masama ba?" Tanong nya sabay punas sa labi nya. Hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa labi nya.

"Hindi naman. Hindi ko kasi alam kung anung iniisip mo." Sagot ko.

"Ikaw lang naman iniisip ko." Seryosong sabi nya.

"Kaye. Bakit ba ganyan ka makatingin?" Tanong ko.

"Wala lang. Ang ganda mo kasi." Nakangising sagot nya.

"Para mo na kong hinahalikan sa tingin mo alam mo ba yun?" Tanong ko. Hindi ko talaga matagalan tingin nya.

"Alam mo ba na kanina ka pa walang suot sa paningin ko." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Kaye! Baliw ka talaga!"

Natawa sya sa reaksyon ko. Napainom na lang tuloy ulet ako.

"Reah?" Tawag nya.

"Bakit?"

"Sigurado ka na ba?" Biglang tanong nya.

"Ha? Anung sinasabi mo?" Tanong ko. Hindi ko sya maintindihan.

"Sigurado ka na bang gusto mo nang magpakasal sakin?" Tanong ni Kaye.

"Kaye naman. Tinatanong pa ba yan. Syempre Oo. Masaya ako sayo at yun naman yung importante dun di ba? Mahal kita Kaye." Nakangiting sagot ko.

"Kahit hindi ko kayang ibigay lahat sayo?" Nagulat ako sa tanong nya. Nawala yung ngiti sa muka ko.

"Kaye." Yun lang nasabi ko.

"Reah alam mo naman kung anung ibig kong sabihin di ba?"

Hindi ako makasagot sa tanong nya. Hindi ko ineexpect na matatanong nya sakin to at mapupunta kami sa ganitong usapan.

"Reah?"

"Kaye hindi ko alam kung bakit natanong mo yan. Pero kung anuman yang iniisip mo ngayon wag mo nang isipin please. Madami man tayong hindi maibigay sa isa't isa. May mga pagkukulang man tayo na hindi natin kayang punan. Hindi naman na mahalaga yun di ba?" Tanong ko.

Hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya sa akin.

"Wala naman akong ibang gusto ngayon kundi makasama ka lang. Kasi ang alam ko masaya ako. Masaya tayo. Hindi naman na importante kung anu yung mga wala tayo ngayon. Kaya please kung anuman yang bumabagabag sayo. Wag mo ng isipin." Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang bumigat yung nararamdaman ko. Yung sayang nararamdaman ko kanina biglang nawala lahat ng dahil lang sa isang tanong na inopen nya.

Biglang tumayo si Kaye. At lumapit sakin. Lumuhod sya sa harap ko. Hinawakan nya ko sa kamay ko.

"I'm sorry Reah. Dapat di ko na tinanong yun. Dapat di ko na inopen. I'm sorry."

"Anu ba kasing iniisip mo Kaye?" Mahinahong tanong ko.

Hindi nya ko sinagot. Tumingin lang sya sa kamay ko. Inayos nya pagkakalagay ng singsing ko sa daliri ko. Inalis ko pagkakahawak nya sa kamay ko at hinawakan ko sya sa pisngi nya. Pinatingin ko sya sakin.

"Mahal na mahal kita." Nakangiting sabi ko sabay halik sa labi nya. Isang mabilis at madiin na halik lang.

"Thank you Reah. Thank you kasi tanggap mo lahat. Tanggap mo ako. Tanggap mo kung anu lang yung meron tayo. Mahal na mahal na mahal din kita. And I promise. Hindi ko sisirain kung anung meron tayo ngayon. Hindi ko hahayaang mawala ka." Napangiti ako sa sinabi nya.

"I love you Kaye."

"I love you too Reah."


Niyakap ko sya. Hindi ko pa din talaga alam kung bakit pumasok sa isip nya yung mga tanong na yun. Pero kung tutuusin tama sya. May mga bagay talaga na kailanman hindi mapupunta samin. Hindi normal tong relasyon naming dalawa ni Kaye. May mga tao na pwedeng humusga at ipagbawal tong relasyon namin. Pero kahit sinu pa man sila at anu pa man yung mga dahilan nila wala na kong pakialam. Mahal namin yung isa't isa at hindi nila masisira kung anung meron kaming dalawa.

Inalis ni Kaye pagkakayakap ko sa kanya. Tumayo sya. Pinatayo nya din ako. Nakangiti na ulet si Kaye kaya napangiti na lang din ako. Ayaw ko ng mag-isip ng kung anu-anu pa. Si Kaye na lang gusto kong isipin ngayon.

Hinawakan ulet ako ni Kaye sa pisngi ko at sa bewang ko. Ganun ulet kami gaya ng posisyon naming dalawa kanina. Hinalikan nya ko sa ibabaw ng ulo ko. Pati sa noo ko. Sa pisngi ko. Sa ilong ko. Halos lahat ng parte ng muka ko hinahalikan nya. Napapangiti na lang ako sa ginagawa nya.

"Ang sweet mo." Natatawang sabi ko.

"Dapat lang maging sweet ako kasi mahal kita."

Pagkasabi nya nun bigla nya kong hinalikan sa labi ko. Napangiti ako bigla. Napayakap na lang ako kay Kaye. Naramdaman ko pagdiin ng hawak nya sa bewang ko. Lalo nya pa akong nilapit sa kanya.

Sobrang tagal naming dalawa sa posisyon namin. Huminto na si Kaye sa paghalik sakin. Nararamdaman ko bilis ng paghinga nya. Magkalapit pa din mga muka naming dalawa. Nagtatama pa din mga ilong namin. Nahihinga ko na yung mainit na hangin na lumalabas galing sa kanya. Napatingin ako sa mga mata nya at ganun din sya.

Ang init. Nakakaramdam ako ng init sa katawan ko. Gusto ko syang halikan ulet. Gusto kong maramdaman ulet na magdikit kami ng sobra gaya ng ginawa namin kaninang umaga. Gusto kong iparamdam nya ulet sakin yung pinaramdam nya sakin kanina. Gusto kong angkinin nya ulet ako.

"Pwede ba nating ulitin?" Tanong ko kay Kaye. Napangiti sya sa tanong ko.

Nakatingin lang sya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero iba talaga nagagawa ng tingin nya sakin. Hindi ko na mapigilan sarili ko. Hinalikan ko ulet si Kaye. Yung madiin na halik. Napayakap ako sa leeg nya. Naramdam ko paghawak nya bewang at likod ko. Mas lalo akong nag-init dahil sa mga haplos nya.

Napaatras ako. Umabante si Kaye. Inaalalayan nya ko habang dahan dahan akong umaatras. Hindi pa din kami humihinto sa ginagawa namin. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Kaye. Hindi ako natatakot na baka matumba ako dahil alam kong nandyan si Kaye para saluhin ako. Napasandal ako sa isang pinto. Mukang alam ko na kung saan nya ko dadalhin. May isa pa nga pala kaming kwarto dito sa baba para sa mga bisita.

Binuksan ni Kaye yung pinto at nagpaatras ulet ako. Nakapikit lang ako habang pinapakiramdaman ko nilalakaran ko. Maya maya lang napahinto na sa pag-abante si Kaye. Naramdaman kong may tumama sa paa ko. Muntik na kong matumba pero nahawakan nya ako at inalalayan nya ulet ako para makatayo ng maayos. Hinawakan nya ko sa likod ko. Naramdaman kong hinahanap nya yung zipper ng dress ko. Napangiti ako bigla. Kanina lang sinasara nya yun pero ngayon naman binubuksan nya na. Dahan dahan nyang binababa yung zipper hanggang sa mababa nya na. Huminto na sa paghalik sakin si Kaye. Tinanggal nya yung buhok ko na nakaharang sa balikat ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Inalis nya pagkakasabit ng dress ko sa balikat ko. Hinalikan nya ko sa leeg ko. Napapikit lang ako sa ginagawa nya.

Natanggal na ni Kaye yung suot ko. Ramdam na ramdam ko na naman mga haplos at paghawak nya sa likod ko. Napaatras ulet ako. Naramdaman kong tumama na yung kama sa binti ko. Napaupo ako. Agad agad namang lumapit sakin si Kaye at hinalikan ulet ako. Hinanap ko butones ng damit nya. Nagmamadali akong tanggalin yung damit nya habang lalong napapadiin yung halik nya sa akin. Napaatras ako. Gusto kong umayos ng pwesto para makaayos din si Kaye pero natagalan akong gawin yun dahil sa suot kong sandals. Si Kaye na nagtanggal nun para sakin. Pagkatanggal nya umayos na ko nang higa ko. Kahit madilim nakita kong napapangiti si Kaye. Humiga na din si Kaye. Nakapatong sya sakin pero inaalalayan nya pa din yung bigat nya.

"I love you." Bulong nya sakin sabay halik ulet sa ilalim ng tenga ko pababa papunta sa leeg at balikat ko.

"I love you too." Sagot ko sa kanya pero hindi ko alam kung narinig nya hindi na kasi ako makapagsalita ng maayos.










































(AUTHOR'S NOTE: JUICECOLORED! PATAWARIN NYO PO SILA 😂😂😂.
GUYS! WARNING RATED SPG!⚠⚠⚠
WAG NYO NG BASAHIN😂😂😂. NEED KONG MAGLAGAY NITO KASI SOBRANG KINAKABAHAN TALAGA AKO😂😂😂. PAG AKO NAPATALSIK SA TKC KAYO SISISIHIN KO 😂😂😂. ANG TAGAL KONG GINAWA TO SANA MAG-ENJOY KAYO😂😂😂.
WHAAAHH!!

ANG PROGRAMANG ETO AY..
FANFICTION ONLY)


































Nakapikit na lang ako habang ineenjoy ko tong gabing to kasama si Kaye. Ramdam ko yung init ng halik nya sa katawan ko. Pati na yung mga haplos at hawak nya na hindi nya madalas nagagawa sakin. Kinikilabutan ako. Naramdaman kong unti unting bumababa paghalik ni Kaye galing sa balikat ko. Hinawakan nya kamay ko at itinaas nya yun. Napahinto si Kaye sa ginagawa nya. Napadilat at napatingin ako sa kanya. Nakita kong nakatingin sya sakin. Hindi ko alam kung bakit huminto sya pero maya maya lang binitawan nya ko. Pumantay ulet sya sakin. Napangiti ako nang bigla nya kong halikan sa labi ko. Naramdaman kong inangat ako ni Kaye. Nagulat ako ng maramdaman ko yung kamay nya sa likuran ko. Pero mas nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Tinanggal nya pagkakalock ng bra ko. Napangiti na naman ako sa halik nya. Naramdaman ko ulet paghaplos ng kamay nya sa balikat ko habang dahan dahan nyang inalis yung suot kong bra. Sobrang bilis na nang paghinga ko. Bumaba na ulet yung paghalik nya. Galing sa labi ko. Papunta sa leeg ko hanggang sa unti unti ko ng naramdaman pagdampi ng labi nya malapit sa dibdib ko. Hindi ko na alam gagawin ko napahawak na lang ako sa ulo nya. Hindi na ko mapakali. Nakapikit lang ako habang patuloy lang sa ginagawa nya si Kaye. Napapakagat na lang ako sa labi ko. Sobrang bigat na nang paghinga ko. Nararamdaman ko mga paghawak nya sakin. Mas lalong bumigat yung paghinga ko ng maramdaman ko yung labi nya na dumampi sa tyan ko. Nakahawak sya sa hita ko. Nagpipigil na lang ako. Ang init. Sobrang init. Nararamdaman ko yung pawis ko na namumuo dahil sa ginagawa nya. Hindi ko na mapigilan. Kanina ko pa pinipigil sarili ko na hindi gumawa ng ingay. Pero buti na lang wala dito si Mama. Napapaungol ako. Ilang ulet ko ng sinambit pangalan ni Kaye. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko syang tinawag.

Hindi na ko makahinga ng maayos. Pumantay na ulet si Kaye sakin at hinalikan ako sa labi ko. Ang sarap lang ng halik nya. Napayakap ako sa kanya. Huminto na sa paghalik si Kaye. Umayos na sya sa paghiga nya sa tabi ko. Nakayakap sya sakin. Napatingin ako sa kanya. Nakapikit na sya. Napangiti ako bigla mukang napagod sya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"I love you." Mahinang sabi ko. Napadilat at ngumiti sya sakin.


"I love you more Reah."








































_____________________________________________________________




Hindi ko talaga kaya! Kaya pinutol ko na lang hahaha. Sorry guys ✌✌✌. Kinakabahan ako. Di na ko magpapakita kay Kikal after nito hahaha. 😂😂😂😂

Whooooohhh!!!! Nag-enjoy sana kayo.

Babalik na sila sa Manila. Mukang back to normal na ulet ang KAYEAH! At mukang may bagong character kayong NAMISS...😊😞

Kilala nyo ba sya? I'm sure kilala nyo sya. Sayang lang hindi nyo sya nasama sa GUESSING GAME natin dahil sya ang pinakahinihingi ko sa sagot nyo. Kung sinuman sya. I'm sure maiinis kayo ng bongga sa kanya 😊. Minsan na kayong nainis sa character nya at mas lalo kayong maiinis sa kanya. Anu kayang gagawin nya sa team KAYEAH natin?

Abangan........

Comments and vote po 😊.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.1M 18.4K 71
Ang tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan a...
67.1K 1.4K 58
WARNING: GirlxGirl po ito!!! Isang REBELDE at isang MARIA CLARA na SAWI sa pag-ibig ang magkakasama sa isang dorm.... will they feel the MAGIC. UNEXP...
81.4K 511 51
Si Ezekiel ang Una kung naging karelasyon na Lesbian , sa kanya ko unang naranasan ang lahat-lahat . May FOREVER kaya kaming dalawa ? o katulad lang...
239K 4.2K 63
gxg po to, nd ko po to 1st story, pero ung 1st story ko po n sinulat ay binura ko, wala n po kc ko maisip idugtong , kaya po sa nagbabasa nun sorry p...