TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

FIX YOU

1.6K 132 32
By simply_author


REAH'S P.O.V.



"Reah!"


"Reah!!"


"Reah!!!"


Paulet ulet kong naririnig yung pangalan ko. May tumatawag sakin. Nararamdaman kong may nakahawak sakin. Nilalamig ako. Dumilat ako at nakita ko si Kaye. Nakaupo sya habang buhat buhat nya ako. Nakatingin sya sakin habang nakahawak sya sa pisngi ko.


"Reah? Okay ka lang?" Hinihingal na tanong nya.


HIndi ako makasagot sa tanong nya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Basang basa kaming dalawa ni Kaye. Naiyak ako bigla. Naalala ko na kung anung nangyari. Nahulog ako at niligtas ako ni Kaye. Napayakap ako bigla kay Kaye.


"Anu ba kasing pumasok sa isip mo Reah? Anu ba kasing ginagawa mo ha?" Galit na tanong  nya.


Hindi pa din ako makapagsalita. Inalis ko na pagkayakap ko sa kanya. Umiiyak pa din ako.


"Reah! Okay ka lang?" Tanong ni Kim pagkalapit nila samin ni Kaye. Mas lalo akong naiyak dahil sa tanong nya. Hindi ko alam kung okay lang ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako kanina.


"Halika na. Basang basa na kayong dalawa magpalit na muna kayo." Sabi ni Kim. Inalalayan nya na akong tumayo.


"I'm sorry." Sa wakas nakapagsalita na ako.


"Sorry?! Yan lang sasabihin mo? Anu ba kasing pumasok sa isip mo ha Reah. Hindi mo ba alam kung gaanu kami nag-alala sayo ha! Tapos sorry lang sasabihin mo! Anu ba kasing gusto mong gawin? Gusto mong magpakamatay?! Ganun ba?!" Galit na galit si Kaye. Sobrang lakas ng boses nya.


"Kaye tama na anu ba? Aksidente lang yung nangyari." Sabi ni Kim.


"Yan kasi problema sayo Reah eh. Hindi ka nag-iisip bago ka gumawa ng mga bagay na pwede mong ikapahamak. Paano kung napanu ka ha? Paano kung hindi lang yan yung inabot mo?" Galit talaga si Kaye. 


Hindi ko alam kung anung sasabihin ko. Hindi ko na mapigilan yung pag-iyak ko. Ayaw ko ng ganito si Kaye sakin. Ayaw ko ng sinisigawan nya ako. Tama naman talaga sya. Paano kung mas malala pa yung inabot ko at hindi lang eto? 


"Tama na yan Kaye. Kim sige na iakyat mo na sya sa kwarto nila. Nilalamig na si Reah." Utos ni Nicky.


Hindi na nagsalita si Kaye. Umalis na kaming dalawa ni Kim. Pumasok na kami sa loob ng hotel.


Hindi kami sa kwarto namin ni Kaye dumiretso. Pumasok kami ni Kim sa kwarto nilang dalawa ni Nicky. Hinanapan nya agad ako ng pampalit ko sa mga gamit nya.


"Eto Reah. Magshower ka na muna saglit  tapos magpalit ka na. Try nating pumunta sa clinic nitong hotel. Baka kasi may sugat ka or  what. Need nating ipacheck. Basta dalian mo ha. Wait kita dito." 


Hindi ko kinukuha yung inaabot nyang damit sakin. Umiiyak pa din ako. Nakaupo lang ako sa upuan habang nakayuko ako at nakatingin sa kamay ko. Naalala ko yung singsing. Wala na yun sakin. Ang tagal kong iningatan yun pero nawala na lang bigla sakin. Wala na.


"Reah tahan na. Wag mo ng isipin yun. Magiging okay din kayo ni Kaye. Ganun lang sya kanina kasi nag-alala sya sayo. Pero tignan mo mamaya okay na yun." Tinabihan ako ni Kim.


"I'm sorry talaga Kim. Hindi ko naman alam na ganito yung mangyayari eh." 


"Okay lang. Tahan na. Anu ba kasing ginagawa mo dun?" Tanong nya. Napatingin ako sa kanya.


"Hinahanap ko kasi yung singsing ko."


"Singsing mo?"


"Oo. Yung engagement ring na bigay sakin ni Kaye."


"Anung nangyari bakit napunta dun?"


"Nahulog kasi kanina nung nasa balcony ako eh. Hindi ko talaga ineexpect na mahuhulog sya. Kaya nagmamadali ako kanina kasi gusto kong makuha yun. Hindi pwedeng mawala yun Kim. Alam mo kung ganu kahalaga sakin yun. Kailangan kong mahanap yun." Lumakas lalo yung pag-iyak ko.


"Haaayy. Sige na Reah. Bukas na lang hahanapin natin. Magpapatulong tayo ha." Pagkasabi ni Kim nung pumasok na sa loob si Nicky. 


"Bakit hindi ka pa nagpapalit Reah?" Tanong ni Nicky.


"Nasan si Kaye?" Tanong ko imbes na sagutin tanong nya.


"Nandun na sya sa kwarto nyo. Pupuntahan ko sya ngayon tinignan ko lang kung okay ka. Pinapacheck ka kasi nya sakin. Nag-aalala sya sayo."


"Okay lang ako. Magpapalit na ako." Pagkasabi ko nun tumayo na ako at kinuha yung damit na pinapahiram sakin ni Kim.


Gusto kong kausapin si Kaye. Gusto kong magsorry sa kanya dahil sa ginawa ko. Muntik na din syang malagay sa alanganin ng dahil sakin. Sana lang hindi na sya galit sakin.















*****




KAYE'S P.O.V.




"Kamusta na sya? Okay lang ba sya?" Tanong ko kay Nicky pagkabalik nya sa kwarto namin ni Reah. Sakto lang pagbalik nya kakatapos ko lang magpalit ng damit.


"Okay lang sya Kaye. Nagpapalit pa lang. Sasamahan sya ni Kim mamaya sa clinic. Papacheck nya si Reah."


Napabugtong hininga na lang ako sa sinabi ni Nicky. Sobra talagang pag-aalala ko kay Reah kanina. Akala ko kung napanu na sya. Buti na lang at walang nangyaring masama sa kanya. Hindi ko din napigilan sarili ko kanina. Nasigawan ko sya. Hindi ko lang talaga alam gagawin ko pagnawala sya. 


"Alam mo ba kung bakit nandun si Reah?" Tanong ni Nicky.


"Hindi. Hindi ko nga alam anung ginagawa nya dun." 


"Nag-usap na sila ni Kim kanina. Sinabi na din sakin ni Kim lahat at kung bakit nandun si Reah."


"Anung sabi nya?" Tanong ko. Umupo muna sa tabi ko si Nicky bago nya ko sagutin.


"Hinahanap nya yung engagement ring na binigay mo sa kanya."


"Anu? Bakit mapupunta yun dun?" Gulat na tanong ko.


"Nahulog daw ni Reah mula dyan sa balcony nyo. Kaya nagmamadali syang bumaba kanina para hanapin yun. Halos mabunggo nya na kami ni Kim kanina nung masalubong namin sya kakamadali nya. Nagtataka kaming dalawa  ni Kim kung bakit kaya sinundan namin sya."


"Na sa kanya pa din pala yung singsing. Dapat hinayaan nya na lang. Wala naman ng kwenta yun." Mahinang sabi ko sabay higa.


"Kung sayo balewala lang yun Kaye. Para kay Reah importante yun. Iniiyakan nya pa din yun hanggang ngayon."


"Umiiyak pa din sya."


"Oo kanina pagkapasok ko sa kwarto namin umiiyak pa din sya. Gusto nya talagang mahanap yung singsing. Importante talaga para sa kanya yun."


"Buti pa yung singsing importante sa kanya."


"Kaye naman. Alam mo naman kung bakit importante yun di ba? Kasi bigay mo yun. At kaya gustong mabalik ni Reah yun kasi importante yung taong nagbigay nun sa kanya. At isa pa tinago nya ng napakatagal. Iningatan nya yun kahit isang taon na kayong wala kaya gusto nyang mahanap yun."


Hindi na ako nakapagsalita sa mga sinabi ni Nicky. Importante pa din pala kay Reah yun. Tama si Nicky. Hindi naman itatago ni Reah yun ng ganun katagal kung wala lang sa kanya. Pakiramdam ko importante pa din talaga ako sa kanya. Gusto ko ng makita si Reah. Gusto ko syang yakapin. Gusto kong magsorry sa mga sinabi ko kanina. Alam kong mas napaiyak ko sya dahil dun.


"Babalik na ako. Baka nakabalik na si Kim at Reah."


"Sige." Pagkasabi ko nun tumayo na si Nicky at palabas na ng kwarto pero tinawag ko sya bago pa sya makalabas.


"Nicky."


"Bakit?"


"Pabalikin mo na sya dito. Gusto ko na syang makita." Pakisuyo ko kay Nicky.


"Pagbalik nya dito sana maging okay na kayo. Tama na yang pagpipigil mo Kaye. Kung talagang gusto mo pa sya. Sabihin mo na sa kanya. Kasi sigurado ako mahal ka pa din ni Reah hanggang ngayon." 


Hindi na ko nagsalita. Lumabas na ng kwarto si Nicky. Tama sya. Pero kahit hindi nya naman sabihin sakin yun. Ayun na talaga gagawin ko pag nakita ko sya ngayon. 





















*****


REAH'S P.O.V.





Kakabalik lang namin ni Kim galing sa Clinic. Okay naman na ako. Wala namang masakit sa katawan ko. Buti na lang at hindi ako nabalian o tumama sa bato nung nahulog ako. Maswerte pa din talaga ako. Nakaupo lang ako sa kama nila Kim. Busy sya sa phone nya. May kausap sya nang biglang pumasok sa loob si Nicky.


"Reah okay ka na?" Tanong ni Nicky.


"Okay na ko Nicky. Si Kaye kamusta na sya? Galit pa din ba sya sakin?" 


"Okay na si Kaye. Nagpapahinga na lang din pero pinapabalik ka na nya."


"Pinapabalik nya ako?" 


"Oo. Sige na Reah. Sa tingin ko kailangan nyo na ding mag-usap."


"Sige. Babalik na ko sa kwarto namin. Thank you Nicky. Kim Thank you." Lumapit ako kay Kim. Kahit may kausap sya sa phone nya niyakap ko sya. Natawa na lang sya sa ginawa ko.


Lumabas na ko ng kwarto nila. Dahan dahan na kong naglakad papunta sa kwarto namin ni Kaye. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anung sasabihin ko pagkapasok ko sa loob. Hindi ko alam kung galit pa ba sya sakin. Baka sigawan nya na naman ako gaya ng ginawa nya kanina.


Nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan ng kwarto namin. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Parang ayaw ko nang pumasok sa loob. Sana tulog na si Kaye pagpasok ko. Hindi ko talaga alam sasabihin ko. Anu ka ba naman Reah. Gumawa ka na ng paraan hindi pwedeng tatayo ka lang dito.


Lumipas na ilang minuto nakatayo pa din ako sa tapat ng pintuan. Nagdadalawang isip pa din ako kung kakatok ako o papasok na lang. Para akong baliw na pabalik balik sa pinto ng kwarto nila Nicky at Kim at sa pinto ng kwarto namin ni Kaye. Huminga muna ako ng malalim. Eto na to. Papasok na lang ako. Hawak hawak ko na yung door knob ng biglang bumukas yung pinto. Nagulat ako. Nakita ko si Kaye. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Hindi ko alam kung anung sasabihin ko. At kahit si Kaye hindi sya nagsasalita. Sobrang lakas na talaga ng kabog ng puso ko. 


Maya maya lang pinapasok na ko ni Kaye sa loob. Pumasok ako ng hindi tumitingin sa kanya. Hindi pa din kami nagsasalitang dalawa. Pumasok na lang muna ako sa CR. Hindi ko talaga alam sasabihin at gagawin ko. Kinakabahan at natatakot ako sa sasabihin ni Kaye sakin. Baka galit pa din sya dahil sa nangyari. Pero hindi naman na sya mukang galit kanina nung nagkatinginan kami. Nagulat lang din sya nung makita nya ako. Siguro kanina nya pa din ako hinihintay na bumalik sa kwarto namin.


Nang mapansin ko na masyado na akong matagal sa loob ng CR lumabas na ako. Nakita ko si Kaye na nakaupo sa kama. Napatingin sya sakin pagkalabas ko. Tumayo sya at lumapit sakin.


"Reah okay ka lang?" Tanong nya.


"Ha? Oo okay lang ako." Nauutal na sagot ko.


Umupo na ko sa kama. Sobrang lakas talaga ng tibok ng puso ko pero mas lalo pang lumakas ng tabihan ako ni Kaye.


"May masakit ba sayo?" Tanong nya.


"Wala naman. Okay lang ako Kaye." Sagot ko. Hindi ako tumitingin sa kanya.


Hindi na nagsalita ulet si Kaye. Tahimik na sya.


"Kaye." Tawag ko. Tumingin ako sa kanya.


Tumingin lang din sya sakin.


"Thank you kanina." Mahinang sabi ko. Pero narinig naman ni Kaye.


Hindi nagsasalita si Kaye. Nakatingin lang sya sakin. 


"Sorry din kasi ang kulet ko. Hindi kita pinakinggan." 


Hindi pa din nagsasalita si Kaye. Bakit ganito sya.


"Hindi ko naman kasi alam na mangyayari yun. Gusto ko lang naman kasi talagang makita ulet yung...." Napahinto ako sa sasabihin ko. Hindi nga pala nya alam kung bakit nandun ako at naghahanap.


"Yung singsing?" Tanong nya. Nagulat ako sa sinabi nya. Alam nya na pala.


"Oo. Nabitawan ko kasi kanina. Hindi ko sinasadya sorry." Nakayuko na ako habang nagsasalita. Hindi ko na sya matitigan.


"Mas importante ba yung singsing na yun kaysa sa buhay mo Reah?" Tanong nya.


Napatingin ako sa kanya. Seryoso sya.


"Hindi ko naman alam na mahuhulog ako Kaye. At saka isa pa importante sakin yung singsing na yun." Paliwanag ko.


"Kung importante sayo bakit hinayaan mong malaglag?" Nagugulat ako sa mga tanong ni Kaye.


"Hindi ko naman sinasadyang mabitawan. Hawak hawak ko lang naman yun kanina tapos biglang dumulas sa kamay ko."


"Kung hinawakan mo lang sana ng mabuti hindi yun malalaglag at mawawala sa kamay mo."


Mag sasalita pa sana ako pero hindi ko na alam kung bakit parang kinakaen ko na lang lahat ng gusto kong sabihin. Hindi na ako makapagsalita. Umiwas na lang ako ng tingin kay Kaye. Pakiramdam ko iiyak na naman ako. Pinapagalitan nya na naman ako.


"Sorry din kanina nasigawan kita. Nag-alala lang talaga ako sayo." Sabi nya sabay tayo. HIndi ko pa din sya tinitignan.


"Okay lang kasalanan ko naman talaga." Pagkasabi ko nun nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harapan ko. 


"Wag mo ng ulet uulitin yun Reah. Hindi ko kasi alam gagawin ko pag may mangyaring masama sayo. Hindi ko kaya pagnawala ka sakin."


Hindi ako makapagsalita. Hindi ko na alam kung anung tawag sa nararamdaman ko ngayon. Para akong nananaginip ngayon. Baka nga panaginip lang lahat to. Baka nga natutulog lang ako. Kailangan ko ng gumising. Hindi nangyayari lahat to. Kunwari lang to. Gumising ka Reah, Gumising ka!


Ang tagal kong nakatingin kay Kaye. Gusto ko syang yakapin pero hindi ako makagalaw. Hindi ako makawala sa tingin nya. Hinawakan nya ko sa muka ko. Lalo lang lumakas yung tibok ng puso ko nang dahan dahan nyang ilapit yung muka nya sakin. Hahalikan nya ako. 


"Reah?" Tawag ni Kaye bago nya pa idikit yung labi nya sakin.


"Bakit?" Tanong ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Sobrang lapit na ng labi nya sakin. Nararamdaman ko yung init ng hininga nya. Hinawakan nya ko sa kamay ko at nilagay nya yun sa dibdib nya banda sa puso nya. Naramdaman ko yung sobrang lakas na tibok ng puso nya. Parehas kaming dalawa ng nararamdaman ngayon.




"I love you Reah."


Nagulat ako sa sinabi nya. Ngayon ko na lang ulet narinig na sinabi ni Kaye to sakin. Napangiti ako bigla. Ang sarap pakinggan ng mga sinabi nya. Nakita kong napangiti din si Kaye. 



"I love you Kaye." 


Pagkasabi ko nun hinalikan na ako ni Kaye. Hinalikan ko na lang din sya pabalik. Niyakap ko sya. Kanina ko pa gustong gawin to. Gusto kong iparamdam sa kanya lahat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na din kaya pang itago. Mahal ko si Kaye. Sapat na sakin na marinig na mahal nya pa din ako hanggang ngayon. Eto lang din hinihintay ko. Yung marinig na sabihin nyang mahal nya pa ako. Eto na to. Wala ng bitawan to.

















__________________________________________________________



Isa pang update kasi sabi nyo nabitin kayo eh. Grabe talaga kayo sakin hahaha.


Sana nagustuhan nyo.



Continue Reading

You'll Also Like

108K 536 18
sabi nila bawal daw magmahal sa magkaparehong kasarian.. nakakahiya daw.. pero paano kung nainlove ka sa isang tibo??
15.9K 369 18
Despite of Everything happened. How can you tell that YOU ARE THE ONE? Hello, Fellas & Readers! This is Author Isabel, giving you another touch of co...
9.4K 563 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
67.1K 1.4K 58
WARNING: GirlxGirl po ito!!! Isang REBELDE at isang MARIA CLARA na SAWI sa pag-ibig ang magkakasama sa isang dorm.... will they feel the MAGIC. UNEXP...