Oh Boy! I Love You!

By AlbertLang

715K 20.1K 3.4K

Buong highschool life ni Alex, si Jessie na ang kanyang nightmare. Sandali itong natapos ng maka-graduate si... More

The One Year Ago
The One Who Must Have A Name
The One Thing Uncertain
The One Who Came Back
The One with the Orientation
The One With Angel Gabriel
The One Thing New In My Life
The One with Those Smiles
The One A Spaghetti Can't Deny
The One With the Love
The One With The First Kiss
The One Where His Hope Starts
The One With the Jugs and Teddy
The One With the Sleep Over
The One With The Brief And The Boxers
The One With The Big Change
The One In Jessie's House
The One With His Sweet Smile
The One With The Knight in Shining Armor
The One Where He Forgets
The One With the Confussion
The One With the Fast Ride
The One With the Gorilla
The One With Bataan
The One With Bataan (part 2)
The One With No Reply
The One With The Glance
The One With The Dreams
The One in Parañaque
The One with The Breakfast
The One With the Camping
The One Where They Dipped
The One Witnessed by the Moon
The One With All The Distractions
The One Way of Being Sorry
The One On Top
The One with the Ball
The One Where
The One Answered Prayer
The One More Time Again
The One with the Plan
The One With the Punch
The One Where it Breaks
The One More Chance
The One With Two Reasons
The One With Lalaki One
The One Final Test
The One That Set Them Free
The One Back
The One on the Rooftop
The One in the Dark
The One Game to Play
The One Where Summer Starts
The One With The Safeguard
The One With the Looks
The One With the Mask
The One Without Gabriel
The One With Four Days
The One with The Blanks
The One To Cross When I Get There
The One Without an End
The One With the Epilogue
The One With The Thanks From Albert Lang
The One With Alex
The One Big Sale

The One More Time

14.3K 440 21
By AlbertLang

CHAPTER 4

Matapos ang orientation ng lahat ng freshmen, tumuloy na kami sa aming college. Hindi ko alam kung bakit nasa College of Home Economics ang course na ito, samantalang madami kaming Architecture units. Pero ayos na rin ito, kahit papaano, kahit sa kolehiyo man lang, malalayo ako kay Jessie.

Pumunta rin sa orientation namin ang grupo nina Kuya. Matapos nila magperform at magyaya ng mga students para sumali sa org nila, nagpaalam na si Kuya sa akin.

"Mag-lunch ka na kasama ng mga blockmates mo, we'll be going around pa." Paalam niya. "Atsaka malaki ka na, kaya mo na 'yan!" sabay yakap at kusot sa buhok ko.

"Sige kuya, ingat!"

"Sige, text-text na lang!"

Si Arvin ang nakasama kong mag-lunch. Sabay na rin naming nilakad ang una naming klase, nagkataon na sa arki ito.

Sumusunod na lang talaga ang mg paa ko kung saan dapat pumunta. Pero sa bilis ng tibok ng puso ko, kung may paa lang din ito, malamang nakauwi na itong mag-isa sa bahay at nagtago sa kumot. Ayoko sa arki. Matapos kong makita ang placard ni Jessie, na sinusundan ng mga architecture freshmen, sigurado na akong architecture din ang course niya.


"Sabi sa akin nung kaibigan ko, dapat daw, ngayon pa lang, sumali na tayo ng mga org sa arki para may tumulong sa atin sa pagsi-shift," sabi ni Arvin na parang nakaplano na ang buhay at gusto akong idamay. "Yung ibang prof kasi dun, alumni din ng mga orgs dun, kaya makakakuha agad tayo ng koneksyon."

"First day pa lang ninyo, gusto na ninyong umalis?" hirit ng isang babae. "Jobielyn, blockmates tayo. I-1?"

"Arvin," pakilala ni Arvin. "Hello, miss beautiful, at ito si... anunga ulit?"

"Alex."

"ArkiSoc ang sasalihan natin!" pagmamalaki ni Jobielyn. "Alumni dun ang kuya ko. At maraming prof ang naging members nun, pati yung dean."

"Tama, ArkiSoc nga," sagot ni Arvin.

Patuloy ang dalawa sa pagku-kwentuhan habang umaakyat kami sa fifth floor ng Engineering Building kung saan naroon ang College of Architecture.

Pagdating sa palapag, hinanap namin kung saan ang klase, hindi pala kami sa classroom, kundi sa lobby magka-klase. Dalawang sets ng mga drafting tables ang nandoon na nakaharap sa mga blackboards, isa sa kanan, isa sa kaliwa.

Sa kaliwa kami. Isang upuan sa bawat drafting table, at kumuha na ako ng sa akin. Katabi nina Arvin at Jobielyn. Habang hinihintay ang prof, nagdatingan na rin ang mga magka-klase sa kabilang side. Mga upper-classmen.

Tanggalin mo ang takot mo sa katawan, Alex. You attract what you fear. You attract what you fear.

Huli na ang lahat ng pagma-mantra ko. Pinilit kong hindi lingunin, pero nararamdaman ko ang presensya niya. Nakikita ko siya, kahit hindi ko tinitingnan. Ayaw tumigil sa pagkabog ang dibdib ko. Nanlalamig ang pakiramdam ko, habang nararamdaman ang pamumuo ng pawis sa noo. Lilingunin ko na siya para magkaalaman na. Kung nakita man niya ako, nakilala, para tapos na. Tapusin na ang takot na ito.

Marahan akong lumingon. Siya nga iyun, suot pa rin niya damit niya sa orientation sa theater, ang dark blue shirt at ang dark pants. Napahinga ako nang malalim. Nakatalikod siya at kausap ang mga kaibigan niya. Sila ang magka-class sa likod namin, pero parang may pagtatalo sila ng kausap niya. Naririnig ko ang pagtataasan nila ng boses, at sa huli, nagtawanan ang mga kasama niya samantalang napakamot ng ulo si Jessie.

"Cruz, Alexander Miguel?!"

Nakatigil na ako, pero pati puso ko ay parang tumigil sa pagtibok sa malakas na pagkakabanggit ng pangalan ko. Napatigil din si Jessie at tumalikod, humarap sa klase namin. Humarap sa akin. Nagkatama ang mga mata namin.

"Cruz, Alexander Miguel? Absent? First day ng class ever sa college life niya? Absent?" andaming nasabi ng prof na kanina pa pala nasa harapan.

"Alex, kunin mo na yung classcard mo," paalala ni Arvin.

Marahan kong binawi ang sarili ko sa pagkakatitig ni Jessie. Tumayo ako at lumapit sa prof.

"Present," sabi ko.

May mga sinabi pa ang prof, pero hindi ko naririnig, iniisip ko ang ibig sabihin ng mga tingin ni Jessie. Hindi siya galit, parang gulat, na parang may saya, na parang... basta hind ko maunawaan. At alam ko, ang tingin niyang iyun ay hindi pa niya inaalis kahit nasa harapan na ako ng klase namin.

Hindi ko alam kung paano ako babalik sa silya ko na hindi humaharap kay Jessie. Bakit pa ba ako pumasok? Sana umabsent na lang ako sa first day ng class ever sa college life ko, ika nga nung prof. Pero huminga na lang ako ng malalim. Haharapin ko na lang ulit siya. Titigan lang naman ito.

"Reyes Jessie B!"

"Here!" sagot ni Jessie na papunta na rin sa prof niya. 

Nagbibigayan na rin ng classcard sa kabilang klase. Kaya naman sa pagharap ko ay nakatalikod na si Jessie, papunta na sa prof nila.

Lumuwag ang pakiramdam ko. Nakabalik ako sa upuan. Natapos ang class sa arki. Tawid naman kami sa kabilang building.

Unang araw pa lang ng college, e parang aatakihin na ako sa puso. Parang hindi ko mapaninindigan yung "kakayanin" kong statement kanina. Pero papatapos na naman ang araw, wala namang masamang nangyari.

Nagtext si Kuya na mauna na raw ako umuwi. Kaya pagkatapos ng last class ko, sumabay na ako kina Arvin at Jobielyn. Pababa kami ng hagdan nang makita kong nakaabang dun si Jessie. Tumango siya sa akin, para bang pinauna ako.

"Mauna na kayo, naiwan ko yata yung phone ko," paalam ko kina Arvin.

Bumalik ako, sa classroom. Una, ayokong mapahiya sa mga blockmates ko. Ikalawa, natatakot ako. Ikatlo, natatakot talaga ako.

May ilan pang classmates ko ang lumabas hanggang sa mapag-isa ako, kunwaring, hinahanap ang phone. Nang wala nang tao. Naupo ako. Maiyak-iyak ako sa takot.

Hanggang sa dumating si Jessie. Sinara niya ang pinto. Kinalma ko ang sarili ko.

Nakatingin lang ako sa kanyaa. Pumunta siya lamesa ng prof at doon umupo. Tumungo ulit siya.

Hindi ako nagpatinag.

"Lalapit ka ba o kakaladkarin pa kita papunta dito?"

"Jess..."

"Uy, babanggitin mo ang pangalan ko?" umalis siya sa pagkakaupo sa mesa at lumapit sa akin.

"Hindi... hindi," sabi ko na napayuko.

Hindi na lumapit si Jessie. Pumunta siya sa may pinto, bago humarap sa akin, tumungo ulit siya at pinalapit ako sa kanya.

"Lika na!" utos niya.

Tumayo ako at lumapit. Matapos lang ang araw na ito. Para makauwi na rin ako. Mangyari na ang dapat mangyari.

Papalapit pa lang ako ng hablutin niya ang tshirt ko at isandal ako sa blackboard. Diniin niya ang kaliwang bisig niya sa leeg ko. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hindi naman siguro ako papatayin nito, hanggang pananakit lang ang kaya niyang gawin. Pero ganun pa rin ang kaba ko.

"Paisa naman," sabi niya na hindi ko nauunawaan. "Welcome ko sa iyo sa university."

Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Napapangiti siya sa nakikita niyang takot sa mga mata ko. Gusto kong sabihin na gawin mo na ang gusto mo. Tapusin mo na ang araw na ito. Sige na! 

Nabasa naman niya yata, at mula sa kanan niyang kamay, isang malakas na suntok ang tumama sa tiyan ko.

"Masakit ba? Iiyak mo na, bakla ka naman, pwedeng pwede kang umiyak!" sabi niya habang ilang pulgada lang ang lapit n gaming mga mukha. 

Titig na titig siya sa mga mata kong pinipilit dumilat sa sakit. Pero hindi ako iiyak.

Hindi ko nga lang nakayanan ang sakit, napapikit ako at dilim na lang ang naging sa buong paligid. Nawalan ako ng malay.

Hanggang sa makita kong muli ang mukha ni Jessie. Mukhang nagiging halimaw. Nanlilisik ang mata niya, nagkakapangil ang mga ngipin at ang mabuhok niyang braso kasama ng parang bato niyang kamao na sasapak na naman sa mukha ko.

Humingi ako ng tulong, pero walang boses na lumalabas sa bibig. Pinilit kong igalaw ang mga braso ko, ngunit naninigas ang katawan ko. Hindi ako makasigaw, hindi ako makagalaw.


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

25.8K 1.8K 32
[Formerly 'With All My Hate and Maybes'] Puno ng poot ang puso ni Bruce Caswell. Hindi siya naging batch valedictorian. Dismayado ang mga magulang ni...
101K 4.8K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
728 78 3
Ethan Corpuz is a typical college student who's still not over his first love yet. He is silent and never speaks unless called. He is living his coll...
1.7K 76 21
Arcoíris Series 4: A Blissful Climax • BxB He has been in love with a straight man all of his life, including today. Even though he knew that his new...