TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
NEXT STEP
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

A DAY WITH YOU

1.7K 133 24
By simply_author

Hi guys!

Sorry sa bitin na last update ko😂😂😂. Pagod lang kaya super bitin. Pinilit ko lang para may mabasa naman kayo. Pero eto babawi ako.


Enjoy!!!




















*****


REAH'S P.O.V.







"Hello Kim?"

"Reah? Nasaan ka?" Tanong ni Kim. Biglang tumayo si Kaye at lumayo sakin. May kausap din sya sa phone nya.

"Nasa bahay bakit?" Tanong ko.

"Pwede ka bang pumunta dito sa resto. Please "

"Bakit may problema ba?"

"Wala naman may gusto lang sana akong sabihin. Please."

"Okay sige. Now na ba?"

"Oo sana."

"Okay pupunta na ko. Bye."

"Bye. Ingat."

Binaba ko na yung phone at pinuntahan si Kaye. Kailangan kong magpaalam sa kanya o baka pwedeng sa kanya na lang ako magpahatid bago sya umuwi. Tinatamad pa akong magdrive. Hindi ko alam anung sasabihin ni Kim pero parang importante. Nakita ko si Kaye sa may garden. May kausap pa din sya sa phone nya. Napatingin na sya sakin nung napansin nyang nakatingin ako sa kanya.

"Okay sige pupunta ako. Bye." Sabi ni Kaye sa kausap nya.

Mukang may pupuntahan din sya. Hindi ako pwedeng magpahatid.

"Reah kanina ka pa?" Tanong nya bago sya lumapit sakin.

"Hindi naman ngayon ngayon lang din. Aalis ka na ba?" Tanong ko.

"Oo sana. Pupunta ako sa resto nila Nicky. May kailangan yata sila ni Kim." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Ha? Teka. Pupunta din ako ngayon sa kanila."

"Talaga? Si Kim kausap mo kanina di ba?"

"Oo. Si Nicky ba kausap mo? Bakit daw? May nasabi ba sya sayo?" Tanong ko.

"Wala naman. Basta sabi nya pumunta na lang daw ako. Bakit na naman kaya?" Nagtatakang tanong ni Kaye.

Mukang may balak na naman yung dalawa at hindi maganda ang kutob ko.

"May nasabi ba sayo si Kim?" Tanong ni Kaye.

"Wala din. Ang nasa isip ko lang naman kanina baka may emergency na naman kay Nicky kaya nya ko pinapapunta. Pero mukang mali yata hinala ko. May binabalak na naman yatang gawin yung dalawa. Nasabi mo bang nandito ka sa bahay?" Tanong ko.

"Hindi. Nagmamadali din kasi sya kanina. Sabay na lang tayo pumunta." Aya nya.

"Okay sige. Magpapalit lang ako ng damit."

"Sige wait na lang kita.

Pagkasabi ni Kaye nun umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Hindi ko pa din talaga alam kung anung nasa isip ng dalawa naming kaibigan ni Kaye. Pero kung anuman yun sana naman yung maayos at hindi puro kalokohan na naman. Buti na lang at game lang din si Kaye kahit papanu. Hindi na ako masyadong naiilang na kasama sya. Parang bumalik lang din kami sa dati pero syempre may distansya na ng konti. Hindi na kaming dalawa. Magkaibigan na lang kami. At yan ang dapat at lagi kong iisipin.

Pagkatapos kong magbihis kinuha ko na agad yung maliit kong bag at phone. Nagmadali na akong bumaba. Nakakahiya naman kay Kaye kung paghihintayin ko pa sya. Pagkababa ko nakita ko na namang magkausap si Mama at Kaye. Nagtatawanan silang dalawa. Hindi muna ako lumapit at nagpakita sa kanilang dalawa. Anu kayang pinag-uusapan nila?



"Alam mo ang tagal ko ng hindi na kakausap Mommy mo ha. Ikamusta mo naman ako sa kanya. Tapos tanong mo na din kung pwede labas kami minsan." Nakangiting sabi ni Mama.

"Sure Tita. Sasabihin ko po kay Mama. I'm sure matutuwa po yun. Namiss din kayo nun." Sabi ni Kaye.

"Buti naman hindi masama loob ng Mommy mo sakin. Pero alam ko. May sama sya ng loob kay Reah." Biglang naging seryoso usapan nila.

Hindi na sumagot si Kaye sa sinabi ni Mama. Ngumiti na lang sya. Mukang ayaw nya na ding pag-usapan. Bigla na naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Totoo lahat ng sinabi ni Mama. Galit sakin si Family ni Kaye dahil sa ginawa ko.

"Reah. Nandyan ka na pala." Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Mama.

Lumapit na ako sa kanilang dalawa. 

"Sorry naghintay ka pa Kaye. Tara na." Aya ko.

"Okay lang. Nandito naman si Tita." Nakangiting sabi ni Kaye.

Nginitian ko lang si Kaye at nagpaalam na ako kay Mama.

"Ma alis na po kami."

"Okay sige ingat kayo. Kaye balik ka lang dito anytime. At yung pinapasabi ko ha."  

"Yes po Tita. Bye po."

Nagpaalam na si Kaye kay Mama. Sabay na kaming lumabas ng bahay. Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya. Napatingin ako sa kanya. Nginitian nya lang ako. Ang tagal kong nakatingin sa kanya. Hinihintay nya akong pumasok pero hindi ako gumagalaw sa pwesto ko. Hindi ko alam kung bakit pero naalala ko yung unang beses na pinagbuksan nya ko ng pinto ng kotse nya. Ang tagal na nun pero natatandaan ko pa. 

"Reah? May problema ba? May nakalimutan ka ba?" Tanong ni Kaye.

BIgla akong bumalik sa realidad nung marinig ko sya. Para akong baliw na bumabalik sa nakaraan. Naalala ko lahat ng mga nangyari saming dalawa dati.

"Sorry." Sabi ko sabay pasok sa loob. Sinara na agad ni Kaye yung pinto at nagmamadali na syang pumasok at nagdrive.



Tahimik lang byahe namin ni Kaye. Hanggang ngayon hindi pa din ako nagsasalita. Alam kong tinitignan ako ni Kaye. Nagtataka na din yata sya kung bakit tahimik ako. Hindi ko lang talaga alam sasabihin ko. Hindi pa din mawala sa isip ko yung usapan nilang dalawa ni Mama kanina. Nasasaktan pa din ako. Ang daming nagbago simula ng maghiwalay kami ni Kaye. Ang daming nawala sakin ng dahil lang sa isang desisyon na ginawa ko. Hindi ko na talaga maibabalik yung dati.

"Reah? Okay ka lang ba?" Tanong ni Kaye. Hindi na din sya nakatiis sa tingin tingin lang sa akin. Nagtanong na din sya.

"Oo naman." Nakangiting sagot ko.


"Sure ka? Bigla kasing tahimik mo. May problema ba?" Tanong nya. Napatinginn ako sa kanya.


"Problema? Wala naman Kaye. Okay lang ako don't worry." Nakangiting sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Hindi na nagsalita si Kaye. Nagdrive na lang sya. Lalo tuloy naging awkward sa loob ng kotse nya dahil sa katahimikan naming dalawa. Bakit ba parang ang tagal naming makarating sa resto. Ang lapit lang naman ng bahay ko sa resto nila Nicky. 


"Bakit ang traffic sobra?" Tanong ni Kaye.

Hindi ko alam kung ako ba tinatanong nya o kausap nya lang talaga sarili nya.

"Sa iba ka na lang dumaan." Sabi ko.

"Mapapalayo pa tayo." Seryosong sabi nya. Napatingin ako sa kanya.

"Pero at least mas mabilis magiging byahe natin. Hindi na tayo mata-traffic."

"Panu ka naman nakakasiguradong hindi traffic dun?" Tanong nya. Seryoso na talaga sya. Bakit biglang nagbago mood nya.

"Hindi ako sure pero..."

"Hindi ka sure?" Tanong nya. Hindi nya na ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Oo." Sagot ko.

"Hindi ka pala sigurado eh. Dito na lang ako dadaan kahit alam kong matraffic at matatagalan ako. At least kahit papanu alam ko at sigurado akong makakarating ako sa pupuntahan ko." 

Pagkasabi ni Kaye nun bigla ng umandar yung mga sasakyan sa harap namin. Umandar na din kami. Tuloy-tuloy na at wala ng hinto-hinto. Nawala bigla yung traffic. Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung panu ko sasagutin mga sinabi nya. Bakit ganun yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko sakin gustong ipatama ni Kaye yung mga sinabi nya kanina. Bakit tinamaan ako? Wala naman sigurong gustong iparating si Kaye sa mga sinabi nya. Tungkol lang lahat to sa traffic at hindi saming dalawa. Kaya wag ka ng mag-isip ng kung anu-anu Reah.



Maya-maya lang nakarating na kami sa resto nila Nicky. Lumabas na ako agad ng kotse ni Kaye. Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya pa ako ng pinto. Pagkalabas ni Kaye nakalabas na din ako. Sabay na kaming pumasok sa loob at hinanap si Kim at Nicky.

"Reah! Kaye!" Bati ni Kim pagkalapit namin sa kanila.

"Sabay kayong dumating o sabay kayong nagpunta?" Tanong ni Nicky.

"Magkasama kami kanina nung tumawag kayong dalawa." Sagot ni Kaye. Umupo na kaming dalawa sa tapat ni Nicky at Kim. Nagulat sila sa sagot ni Kaye. Nagkatinginan lang sila.

"Anu bang sasabihin nyo?" Tanong ko.

"Aaahh. Wala naman namiss lang namin kayong makita." Nakangiting sabi ni Kim. Tinignan ko lang sya ng masama.

"Joke lang. Grabe hindi ka na mabiro Reah. Gusto lang sana namin kayong yayain magbakasyon." 

"Bakasyon?" Tanong ko.

"Oo. Kasi isa yun sa advice ng doctor kay Nicky. Dapat kasi iiwas ko muna sya sa kakawork nya para makapagpahinga sya ng maayos." Paliwanag nya.

"Bakit hindi na lang kayong dalawa yung magbakasyon? Bakit kailangang idamay nyo pa kaming dalawa ni Kaye?" Tanong ko,

"Reah naman. Ang tagal na din nating hindi umaalis. Hindi ko na nga matandaan kung kailan yung huling out of town nating apat."

Hindi na ako sumagot. Tinignan ko na lang si Nicky. Gusto kong magsalita din sya tungkol dito. Alam kong si Kim na naman may plano nito.

"Okay lang ba Reah? Kaye? Kahit three days lang naman." Aya ni Nicky.

"Sakin okay lang." Nagulat ako sa sagot ni Kaye.

"Yehey! Ikaw Reah?" Tanong ni Kim. Nakatingin silang tatlo sakin.

"Ha? Ahhh. Tignan ko muna yung schedule ko. Kailan ba?" Tanong ko.

"Bukas na sana." Sagot ni Kim.

"What?! Teka bakit ang bilis naman."

"Reah naman. Three days. Magbakasyon ka naman. Wag mo na muna isipin yang work mo. Dali na. Si Kaye nga game agad eh kahit  super busy na tao yan. Tapos ikaw pag-iisipan mo pa." Pilit ni Kim.

"Okay. Sige na. Pero saan ba?" Tanong ko.

"Don't worry malapit lang naman eh."

"Saan nga?"

"Sa Batanes." Nakangiting sabi nya.

"Saan tayo magstay?" 

"Don't worry Reah. Okay na lahat. Nakapagpabooked na ako ng flight natin at nang hotel natin." Nakangiting sabi ni Kim.

"Okay. Wala na din pala akong magagawa kahit ayaw ko eh. Naayos mo na pala lahat."

"Kaya nga inayos ko na eh para hindi ka na makatanggi." Natatawang sabi nya.

"Sige. What time tomorrow?"

"4 a.m."

Hindi na ako nagsalita. Planado na nilang dalawa lahat ni Nicky. May magagawa pa ba kaming dalawa ni Kaye. 











Pagkatapos naming mag-usap umalis na kaming dalawa ni Kaye. Buong araw ko na syang kasama ngayon. Simula ng nagkita ulet kami hindi na nawalan ng araw na hindi kami nagkikita.

"Gusto mo bang sunduin kita bukas?" Tanong ni Kaye.

"Okay lang ba?"Tanong ko.

"Hindi naman kita aalukin kung hindi okay sakin Reah."

"Tinatanong ko lang naman." Mahinang sabi ko. Hindi na nagsalita si Kaye. Nagdrive na lang sya papunta sa bahay.

Nakakainis pa din talaga sya minsan. Naalala ko yung dating Kaye na nakilala ko. Sobrang sunget. Yung akala mo palaging meron.































*****




KAYE'S P.O.V.





Pagkahatid ko kay Reah sa bahay nila umalis na din ako agad. Hindi na ako pumasok sa loob ng bahay nila. Gusto ko na din kasing makapagpahinga at makapag-impake ng gamit na dadalhin ko sa biglaang lakad naming apat. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa plano ng mga baliw kong kaibigan. Pero sana lang talaga maging maayos kalabasan nitong bakasyon na to. 

Nakauwi na ako ng bahay. Gabi na din. Halos buong araw kong kasama si Reah ngayon. Nakakatuwa lang dahil bumabalik lang ulet kami sa dati pero may iba pa din. Ramdam kong may ilang pa din syang nararamdaman pagkasama nya ako. Hindi ko din naman sya masisisi dahil kahit ako ilang nang konti pagkasama sya. Pinipilit ko lang na maging okay kaming dalawa pero kanina hindi ko napigilan sarili ko. Napahugot ako ng hindi ko sinasadya. Alam kong naramdaman nya lahat ng mga sinabi ko dahil bigla syang tumahimik.


Pagkaayos ko ng gamit ko. Humiga na ako. Tinatamad akong kumaen ulet. Busog pa din ako sa mga kinaen ko sa resto nila Nicky kanina. Buti na lang pala wala akong lakad this week at okay lang na magbakasyon ako. Tinignan ko na muna phone ko. Wala namang bago. Hindi pa din ako makatulog. Hindi ako inaantok. Inopen ko muna Twitter ko. Gusto kong magtweet para maaliw naman ako. Tignan natin kung sinu pang-gising sa mga followers ko.


Pagkasend ko ng isang tweet napangiti ako bigla. Ang dami agad ng like at nag-retweet. Nakakatuwa lang basahin mga comments nila. Habang nag-iiscroll at nagbabasa ako nakita ko na nagpost si Reah. 5 mins ago lang. Gising pa sya. Sinubukan ko syang imessage baka sakaling sumagot.



K: Still awake?

Hinintay ko na magmessage sya. Maya-maya lang...

R: Yep. May tinatapos pa.

Sagot nya. 

K: May tinatapos pero active sa Twitter?

R: May binabasa kasi akong tweet :)

Nakakatuwa yung reply nya may smile talaga.

K: Anung tweet?

R: Tweet mo. Ang corny. Ang baduy.

Nagulat na napangiti ako sa sinabi nya. Binasa ko ulet yung tweet ko. Medyo corny nga. Pero nakakapagtaka lang binabasa nya talaga.

K: Stalker ka talaga.

R: Wow! Stalker agad? 

K: Anu pa nga ba? 

R: Okay sige na ikaw na madaming stalker. Isama mo na ko dun. Good night matulog ka na din maaga pa tayo bukas.

K: Una kana mamaya pa ako.

R: Bakit?

K: I can't sleep :(

R: Y?

K: I don't know. Siguro may namimiss lang.

Napangiti ako sa minessage ko. Hindi ko alam kung bakit bigla kong natype yun.

R: Namiss mo agad ako?

Natawa ako sa reply nya.

K: Oo. Punta ka nga dito.

R: Ewan ko sayo Kaye matulog ka na. Ipikit mo na lang yan. Good night,

Napangiti na naman ako. Kanina kasama ko lang sya buong magdamag. Tapos ngayon kausap ko pa din sya.

K: Good night Reah :)

Pagkasend ko nun hinintay ko lang saglit na magreply si Reah pero hindi na sya sumagot. Natulog na yata sya. Kakaiba tong araw na to ang saya ko lang. Mukang makakatulog na din ako kahit papanu pero may gusto pa akong gawin. Hindi ko alam kung dapat ko bang gawin o hindi. Pero gusto ko talagang gawin. Gusto kong marinig boses ni Reah. Gusto ko syang tawagan. Kinuha ko ulet phone ko at dinial ko number ni Reah. Sana sumagot sya.

"Hello Kaye? Bakit gising ka pa?" Tanong nya. Halatang natutulog na sya.

Hindi ako nagsasalita. Gusto ko lang talaga marinig boses nya.

"Kaye?" Tawag nya pero hindi ko pa din sya sinasagot.

"Haaaayyy. Sige na Kaye. Matulog ka na. Hindi ko alam kung anung trip mo pero please matulog ka na. Masama na yang ginagawa mong pagpupuyat napapadalas na yan." Sabi nya.

Bakit alam nyang madalas akong puyat.

"Bakit mo alam?" Tanong ko.

"Nakikita ko madalas tweet mo inaabot ka na ng madaling araw."

"Ganun ba. Sorry. Hirap lang talagang akong makatulog."

"So kaya dinadamay mo ako ganun ba?" Tanong nya.

"Hindi naman. Gusto ko lang talagang marinig boses mo."

"Boses ko? Bakit anung meron sa boses ko? Nakakaantok ba kaya gusto mong marinig?" Natatawang tanong nya.

"Hindi naman. Gusto ko lang talagang marinig boses mo. Kantahan mo naman ako."

"Ha?! Teka sinu bang singer sa ating dalawa? Di ba ikaw?"

"Hindi ko naman pwedeng kantahan sarili ko para makatulog ako di ba?"

"Ewan ko sayo baka nakakalimutan mo na yung huling beses na kinantahan kita tinawanan mo lang ako." Natatawang sabi nya.

"Hindi kaya. Natuwa nga ako eh." Naalala ko yung araw na tinutukoy ni Reah. First anniversary naming dalawa yun.

"Kaya pala. Sumakit pa nga tyan mo kakatawa sakin."

"Hahaha. Sige na hindi na kita pipilitin." Natatawang sabi ko.

"Good. Ikaw na lang kumanta."

"Gusto mo?" Tanong ko.

Ang tagal nya bago nagsalita.

"Wag na Kaye. Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas. Goood night Kaye." Biglang sabi nya

"Good night Reah."

HIndi na sumagot si Reah. Binaba nya na yung phone nya. Tinignan ko yung oras. Nagulat ako umaga na pala. 1 a.m na hindi ko napansin. Ang tagal din pala naming nag-usap ni Reah.

Umayos na ako ng pagkakahiga ko. Sana lang tablan na ako ng antok. Pumikit na ako. Naririnig ko pa din boses ni Reah. Napapangiti na lang ako. Buti na lang nakausap ko pa sya bago matapos yung gabi ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na okay na kami ulet. Okay lang kahit ganito lang kaming dalawa. At least kahit papanu alam kong nakakasama at nakakausap ko sya. Alam kong mahal ko pa din si Reah hanggang ngayon at hindi ko itatangi yun. At kahit hindi aminin at sabihin ni Reah sakin ramdam kong mahal nya din ako. Parehas lang kaming tinatago yung nararamdaman namin pero mas maganda na din yung ganito para kahit papanu nakikilala ulet namin yung isa't isa at nabibigyan namin ng oras yung sarili namin para makapag-isip.










___________________________________________________________



Comments and vote guys!

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
8.9K 172 40
Shane Mendrazo a junior high that's struggling with her life as an adolescent, plus her late blooming sexual preference, plus some non-serious boyfr...
1.1M 18.4K 71
Ang tanong ng nakararami. . . “Totoo nga kaya ang love at first sight?” “Totoo nga kayang nakatadhana na ang lahat?” Ang sagot ko sa tanong na ‘yan a...
11K 627 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...