TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
UNCONDITIONAL LOVE
BACK AT ONE
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

NEXT STEP

1.6K 107 25
By simply_author


KAYE'S P.O.V.






"Kamusta ka na?" Tanong ni Tita sakin pagkaakyat ni Reah sa kwarto nya.

"Tita kanina nyo pa po ako tinatanong nyan."

"Alam ko kanina ko pa tinatanong. Pero hindi mo kasi nasasagot yung pinakatanong ko. Kamusta ka na simula ng maghiwalay kayo ng anak ko?" Tanong nya. Sabi ko na nga ba ayun yung gusto nyang itanong.

"Eto po. Okay lang naman. Medyo naninibago lang nung una pero unti-unti nasanay na lang din ako. Naging busy na lang din sa career ko para makalimot. Nandyan naman sila Nicky at Kim para samahan ako sa twing kailangan ko ng kasama." Sabi ko.

"Ganun ba. Alam mo sa totoo lang Kaye. Nalungkot ako nung sinabi sakin ni Reah na hindi na matutuloy yung kasal nyo. Kasi unang una sa lahat alam kong excited kayong dalawa para dun. Kaya nabigla talaga ako. Nakita ko din kung paano nasaktan si Reah sa mga nangyari. Ilang araw din syang hindi nagsasalita. Ilang araw na wala sa sarili. Hindi na sya lumalabas ng kwarto nya nun. Siguro mga isang linggo syang nagkulong lang sa kwarto nya. Pero buti na lang naisip nya na mali yung ginagawa nya. Gaya mo. Naging super busy na lang din si Reah sa trabaho nya. Kahit hanggang ngayon busy pa din." Kwento ni Tita.

Hindi ako makapagsalita sa mga narinig ko. Gaya ko nagmukmok din pala si Reah.

"Kayo na ba ulet?"

"Po?" Nagulat ako sa tanong nya.

"Kayo na ba ulet ni Reah? Okay na ba ulet kayo?" Inulet nya tanong nya.

"Okay naman po kami ni Reah. Pero magkaibigan na lang po kami." Nakangiting sabi ko. Pero masakit para sakin na sabihin yun.

"Ganun ba. Akala ko okay na kayo ulet kaya ka nandito ngayon. Di bale. Alam ko naman na babalik din kayo sa dati." Nakangiting sabi ni Tita.

Nakakatuwa sya. Kahit ang tagal na naming wala ni Reah naniniwala pa din syang magiging okay kami.

"Sana nga po ganun lang kadali lahat. Pero. Ang tagal na kasi Tita eh. Di na sya katulad ng mga pagtatalo namin dati na nagiging okay lang din pagkatapos ng isang araw. Pero ngayon Tita. Mukang malabo." Natatawang sabi ko. Isang taon na kaming wala. Malabo na talaga.

"Walang imposible sa taong nagmamahal. Sige nga sabihin mo nga sakin. Hindi mo na ba mahal si Reah? May nagbago ba sa nararamdaman mo?" Tanong ni Tita.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba sya o hindi.

"Anu Kaye? Anung sagot mo?"

"Tita alam nyo....." Biglang nagring phone ni Tita.

"Hello." Sagot agad ni Tita sa tumawag sa kanya. Tumayo na sya at lumayo sakin. Parang ayaw nyang iparinig sakin kung anung pinag-uusapan nila.





"Hi."

Napatingin ako sa babae sa harap ko. Kinakausap nya ko. Kung hindi ako nagkakamali sya si Nica. Isang fan ko.

"Hi din." Nakangiting sabi ko.

"OMG!! Kinakausap mo ko! Maygad! Alam mo bang super idol kita? Grabe ang gwapo mo sa personal. Pwede pahawak?" Tanong nya sakin.

Tumango na lang ako. Natatawa ako sa ginagawa nya sakin. Tinutusok nya ko sa pisngi ko.

"Oh my God! Oh my God! Oh my God! Whaaaaahhhhh!! Ang gwapo mo! Pahug!" Sabi nya sabay yakap sakin. Nakakatuwa talaga sya.

"Teka lang idol. Totoo bang si Tita binisita mo dito?" Biglang tanong nya sakin. Naging seryoso bigla muka nya. Umupo sya sa tabi ko.

"Hahaha. Isa sya sa mga ipinunta ko dito." Natatawang sagot ko. Naniwala talaga sya kay Tita kanina.

"Aahh so si Ate Reah nga talaga ipinunta mo dito?" Tanong nya ulet.

Tumango at nginitian ko na lang sya.

"Totoo ba?" Tanong nya.

"Ang alin?"

"Naikakasal na dapat kayo kaya lang hindi natuloy? Bakit?" Ang dami nya ng tanong. Hind ko alam kung dapat ko ba syang sagutin.

"Sorry ha. Di kita masasagot sa tangong mo. Kasi sa tingin ko Ate Reah mo na lang dapat tanungin mo about dyan." Sagot ko.

"Hmp. Di naman magkukwento yun. Sobrang sunget kaya nun." Reklamo nya.

"Hahaha. Hindi naman. Baka naman kasi makulet ka lang kaya ka nasusungitan." Natatawang sabi ko. Naiimagine ko muka ni Reah pagnagsusunget sya.

"Hindi kaya ako makulet. Masunget lang talaga sya. Parang laging meron. Pero kung sa bagay mabaet naman si Ate Reah. Sya nga nagpapaaral sakin ngayon eh. Pag may kailangan ako binibigay nya naman agad. Kaya lang talaga pag dating sa love questions masunget sya." Natatawang kwento nya.

"Bakit anu ba mga tinatanong mo?" Tanong ko. Na-curious ako kung bakit nagsusunget si Reah dahil lang sa mga tanong nya.

"Wala naman. Simple lang. Kung may boyfriend ba sya. Tapos pagpinapakwento ko sya about sa lovelife nya ayaw nyang magshare kahit konti. Tapos maya maya lang magsusunget na. Tapos pagmagtatanong ako about sa love problems kahit hindi naman sya yung tinatanong ko nagrereak sya. Nagagalit sya sakin. Ewan ko ba dun. Minsan sinasabi ko na lang kay Kuya Michael na lambingin naman si Ate Reah para mabawasan pagiging bitter." Natatawang sabi nya.

Nawala bigla yung ngiti ko sa muka ko dahil sa sinabi nya. Narinig ko na naman pangalan ni Michael.

"Bakit hindi ba ginagawa ni Michael sa kanya yun?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung panu kumilos si Reah pagkasama nya si Michael.

"Hmmm. Minsan nakikita kong sweet sila. Happy naman si Ate Reah pagkasama nya si Kuya. Kaya lang alam mo yun. Parang may something sa mga ngiti ni Ate Reah. Yung hindi sya totally happy. Kasi makikita mo yun sa mga mata nya." Sabi nya.

"Panu mo naman nasabi?" Tanong ko.

"Haler. Para saan pa ang pag-aaral ko ng Psychology kung di ko iaapply sa totoong buhay di ba. At saka. Halata naman na sad sya kasi hanggang ngayon wala pa ding boyfriend eh."

"Wala syang boyfriend? Akala ko silang dalawa?" Curious na tanong ko kahit alam ko naman yung sagot.

"Nino ni Kuya Michael? Hindi no! Never naging sila. Pero ang alam ko nanliligaw si Kuya kay Ate Reah. Ang tagal na din nanliligaw nun. Di pa din sinasagot ni Ate hindi ko alam kung bakit." Buti na lang medyo may pagkamadaldal tong si Nica. Madami akong nalalaman kay Reah ngayon.

"Hindi mo ba sya natanong kung bakit?" Tanong ko.

"Hindi ko pa nasubukang itanong. Pero. Mukang alam ko na kung bakit." Nakangiting sagot nya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Asus. Kunwari ka pang hindi mo alam. Bakit pa nga ba? Syempre kasi in love pa sya sa iba. Ayun lang yun." Sagot nya.

"Kanino naman?" Tanong ko.

"Kanino pa nga ba? Eh di......"


"Nica."

Biglang tinawag ni Reah si Nica. Gising na sya. Ang bilis naman nyang nagising.

"Ate Reah." Biglang tayo si Nica. Halatang takot talaga sya kay Reah.

"Anung ginagawa mo dito?" Tanong ni Reah kay Nica.

"Aaahhh. Eeehh. Kinakamusta ko lang po si idol. Mag-isa kasi sya eh. Kaya kinausap ko na lang po muna." Natatarantang sagot nya.

"Wala ka bang gagawin?" Tanong nya. Mahinahon lang syang nagtatanong pero halatang nagsusunget nga sya.

"Meron po. Sige po una na ko. Idol. Bye." Sabi nya sabay alis. Pero nagulat ako ng bigla syang lumapit ulet sakin. Niyakap nya ko sabay alis ulet. Tumakbo sya palayo ng makita nya reaksyon ni Reah.

"Nakakatuwa syang kausap." Sabi ko pagkaalis ni Nica.

"Akala ko nakauwi ka na." Sabi nya. Umupo sya sa tabi ko. Pinatong nya paa nya sa isang upuan. Mukang inaantok pa sya.

"Hindi pa. Kausap ko pa si Tita kaya lang bigla syang umalis kaya si Nica na lang kinausap ko. Bakit ang bilis mong nagising?" Tanong ko.

"Hindi ako makatulog." Sagot nya.

"Ganun ba."

"Oo ganun na nga. Teka. Nasaan nga pala si Mama? Tapos na ba kayong mag-usap?" Tanong nya.

"Hindi kami natapos sa pinag-uusapan namin eh. Biglang may tumawag sa kanya."

"Sinu na naman kaya yun. Di ka pa ba uuwi?" Tanong nya.

"Hindi pa."

"Sure ka?" Tanong nya sabay tingin sakin.

"Gusto mo na ba akong paalisin?"

"Hindi naman. Baka lang kasi busy ka. Baka kasi may gagawin ka pa."

"Wala naman akong gagawin ngayon. Kaya kung okay lang dito muna ako. Tinatamad pa kasi akong magdrive pauwi." Palusot ko.

"Okay. Ikaw bahala." Pagkasabi ni Reah nun bigla syang humiga sa sofa na kinauupuan namin. Natawa ako sa kanya. Pinapaalis nya na talaga ako.

"Okay lang ba talaga? O baka naman......"

"Okay lang Kaye. Okay lang talaga." Nakangiting sabi nya. Halos ipatong nya na yung paa nya sa hita ko.

Hindi na ko nagsalita. Ako na nagpatong ng paa nya sa hita ko para makahiga sya ng maayos.

"Bakit ang sunget mo kay Nica?" Tanong ko.

Napatingin sya sakin bago nya ko sagutin.

"Hindi naman." Sagot nya.

"Ang sunget mo kaya." Pagpupumilit ko.

"Hindi. Tinatanong ko lang naman sya ha."

"Tinatanong mo pero nagsusunget ka."

"Hindi nga ako nagsusunget!" Naiinis na sya.

"Talaga? Eh bakit sumisigaw ka?"

"Hindi ako sumisigaw."

"Weh?"

"Bakit ba ang kulet mo? Sabi na ngang hindi eh."

"Hahahaha. Nakakatawa yang muka mo Reah."

"Anung sinabi mo?"

"Ang sabi ko....."

Hindi ko natapos yung sasabihin ko. Bigla akong binato ni Reah ng unan. Natawa sya sa ginawa nya. Tawa sya ng tawa. Napatingin lang ako sa kanya. Nagulat ako sa ginawa nya.

"Nakakatawa yang muka mo Kaye." Tuwang tuwang sabi nya. Nagantihan nya ko bigla.

"Anung sabi mo?" Inulet ko yung tanong nya sakin kanina.

Hindi na nagsalita si Reah. Umupo na sya. Mukang tatayo na sya para makalayo sakin. Alam nyang gagantihan ko sya. Pero hinawakan ko agad yung mga paa nya na nakapatong sakin.

"Kaye!!!" Napasigaw na lang sya ng hawakan ko yung talampakan nya. Sobrang lakas talaga ng kiliti nya.

"Bakit? Anu bang ginagawa ko?" Nakangising tanong ko.

"Kaye please. Wag mong gawin yan. Parang awa mo na. Tatayo na ko."

"Tatayo ka na? Wag na muna. Okay lang wag ka ng mahiya sakin. Okay lang kahit ipatong mo magdamag paa mo sakin." Sabi ko sabay kinilita ko sya sa paa nya.


"Kaye!!!" Sigaw nya. Tawa sya ng tawa habang hinahampas nya ko ng unan para tigilan ko na sya.

"Kaye please!! Tama na!!" Natatawa na lang ako sa ginagawa namin. Malapit ng malaglag si Reah sa sofa kaya hininto ko na ginagawa ko. Tumayo agad sya at lumayo sakin.

"I hate you!!!!" Sigaw nya.

"Hahaha. Really? You hate me? Eh bakit tuwang tuwa ka?" Pang-iinis ko.

"Panu kinikiliti mo ko! Baliw ka! Adik! Umuwi ka na nga."

"Ouch! Sakit mo namang magsalita. Baliw at adik? Yan na ba tingin mo sakin? Sa gwapo kong to Reah?"

"Wow ha. Grabe. Oo na sige na. Hindi ka na baliw at adik. Mayabang nga lang."

"Gwapo naman." Sabi ko sabay sandal sa kinauupuan ko.

"Oo na gwapo ka." Mahinang sabi nya sabay alis.

Napangiti ako sa sinabi nya. Tinignan ko sya. Nakita ko syang papunta sa kitchen. Sinundan ko sya. Kumuha sya ng tubig at uminom sya. Pinapanuod ko lang sya hanggang sa naubos nya na yung iniinom nya.

"Bakit?" Tanong nya. Napansin nyang nakatingin ako sa kanya.

"Wala lang." Sagot ko.

Hindi na nagsalita si Reah. Bumalik na sya sa kinauupuan nya na kanina. Tinabihan ko lang sya. Tahimik na ulet kami. Maya maya lang biglang nagring phone ni Reah pati yung sakin. Tinignan ko phone ko para makita kung sinu.

Si Nicky. Tumatawag sya.




"Hello Kim?"

Napatingin ako kay Reah. Kausap nya si Kim. Tapos ako naman tinatawagan ni Nicky. Bakit kaya.





















_________________________________________________________________



Sorry now lang update guys 😢.

Continue Reading

You'll Also Like

81.4K 511 51
Si Ezekiel ang Una kung naging karelasyon na Lesbian , sa kanya ko unang naranasan ang lahat-lahat . May FOREVER kaya kaming dalawa ? o katulad lang...
15.9K 369 18
Despite of Everything happened. How can you tell that YOU ARE THE ONE? Hello, Fellas & Readers! This is Author Isabel, giving you another touch of co...
239K 4.2K 63
gxg po to, nd ko po to 1st story, pero ung 1st story ko po n sinulat ay binura ko, wala n po kc ko maisip idugtong , kaya po sa nagbabasa nun sorry p...
4.2K 207 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...