TWO HEARTS (Book 3)

By simply_author

142K 8.4K 2.3K

Kung ang dalawang puso ay tunay na nagmamahalan hamakin man ng iba gagawin nila ang lahat masunod lamang kung... More

Simply_Author's Note
CHANGES
REAH-lity Check
NEW LIFE
SURPRISE KAYE!
SET-UP
SILA
LET'S DO IT AGAIN
TEMPTATION
FLASHBACK (Who's Michael?)
FLASHBACK (Memories)
FLASHBACK (Signs Of Falling In Love)
FLASHBACK (Complicated)
FLASHBACK (Ligawan Stage)
FLASHBACK (Best Friend To Lovers)
FLASHBACK (Goodbyes)
OLD FRIENDS
KAYEAH'S MOMENTS
BACK AT ONE
NEXT STEP
A DAY WITH YOU
VACATION
BITTER TO BETTER
ON HOLD MEMORIES
LOVERS
ENGAGEMENT RING
FIX YOU
IKAW AT AKO
GUESSING GAME
SWEET LOVE
RESIGNATION
WEDDING PLAN
RANDOMANTIC
LAST DAY
MAKING LOVE
GOOD NEWS!
GOOD OR BAD?
NEW HOUSE
FIRST DAY
I WANT ONE
STICK WITH YOU
SHE'S BACK AGAIN
SECRETS
WHITE LIES
UNVEILED
REALIZE
WRONG MOVE
EXCUSES
LIES
INTENTIONS
JANE
HAPPY ANNIVERSARY?
YOU'RE FIRED!
UNFAITHFUL
SPACE
HOME TOWN
FRIEND OF MINE
MY EX & PAST
SURPRISE REAH
I MISS YOU
BABY KC
BESTFRIEND
UNPLANNED
WHY NOT?
FRIENDZONE
HEARTBEAT
FACE OFF
GIVE ME A CHANCE
WILLING TO WAIT
CONFUSED
RELATIVES
PRETEND
HANGGANG KAILAN?
LOVE LIES
YES or NO?
WHY CAN'T IT BE?
MOVING FORWARD
APOLOGIES
SWITCHED
KAYE'S RULES
SECOND TIME
REAH'S TURN
ISANG TANONG ISANG SAGOT
DOUBT
MISTRUST
GUILTY
ENOUGH
NOT A CHAPTER
USED TO
COLD SUMMER NIGHTS
GIRLFRIEND DUTIES
PA-GIVEAWAYS ni AUTHOR!😊
GIRLFRIEND DUTIES part 2
HARD TO GET
SICK OF YOU
LET'S PRETEND
KAYE IS KAYE
REMINISCE
BONDING
COUSINS
FOREVER
KAYE & KHEL
ON THIS DAY!

UNCONDITIONAL LOVE

1.8K 133 24
By simply_author

Hi guys!

Kamusta ang mga puso? Nakikita nyo ba mata ni Kaye? 😍😍😍 Panu kaya kung kayo si Reah? At ganyang tingin palaging nakikita nyo sa umaga, sa gabi, sa oras-oras na kasama mo sya? Papakawalan mo pa ba sya? At makakatangi ka ba pag tinanong ka nya kung pwede ka ba nyang halikan?😲😍

Alam ko sagot nyo 😂😂😂.

Hahaha tara guys! Kape tayo. Hahaha.

Isang update para Good Vibes tayong lahat!😊😊😊





Enjoy!!!

















*****





REAH'S P.O.V.





Alas kwatro na ng umaga. Gising pa din ako. Nakatingin lang ako kay Nicky. Hinihintay ko lang na magising sya. Habang si Kaye nakatulog na. Nakahiga sya sa sofa na kinauupuan ko din ngayon. Nakaunan sya sa mga hita ko. Nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Nicky habang hinihimas ko sa ulo si Kaye. Pinatulog ko na sya kanina pagkatapos naming magkulitan. Alam kong sobrang pagod na pagod na din sya. 


Napangiti na naman ako. Naaalala ko na naman ginawa ni Kaye kanina. May patanong tanong pa sya kung pwede nya kong halikan. Hindi nya naman na hinintay yung sagot ko. Hinalikan nya na lang ako bigla. Nakakamiss yung ganitong Kaye. Yung may pagkapilyo pero sweet.


Hindi ko alam kung anung oras babalik si Kim. Pero sana maaga-aga ng konti dahil ngayon ang alis nila Khel at Baby KC. Gusto ko pang magkaroon ng konting oras sa kanila bago sila umalis. Hindi ko alam kung kailan ako makakapunta ng Ilocos para bisitahin sila.


Maya maya lang habang nakatingin ako kay Nicky biglang nagring phone ko. May tumatawag sakin. Kinuha ko agad phone ko sa bag ko at tinignan kung sinu. Si Khel. Tumatawag sya. Sinagot ko agad.


"Hello." Mahinang sabi ko. Ayaw kong magising si Kaye.


"Reah? Sorry nagising ba kita?" Tanong ni Khel.


"Hindi Khel. Hindi pa ko natutulog."


"Ha? Wala ka pang tulog? Hindi ka man lang umidlip kahit saglit?" Galit na tanong nya.


"Khel wag kang sumigaw baka anung isipin nila Mama dyan. Okay lang ako. At saka isa pa binabantayan ko si Nicky baka magising sya bigla." Paliwanag ko.


Napabugtong hininga na lang si Khel.


"Anung oras kayo aalis?" Tanong ko.


"Mga 10 a.m. Reah. Makakaabot ka ba?" 


"Oo naman. Pipilitin kong makauwi dyan bago kayo makaalis." Nakangiting sabi ko kahit hindi nya naman ako nakikita.


"Okay sige hihintayin ka namin. Umidlip ka kahit saglit lang Reah please. Masama sayo yan." Nag-aalala na naman sya sakin.


"Okay lang ako. Mamaya na lang ako magpapahinga dyan sa bahay." Pabulong na sabi ko. Bigla kasing gumalaw si Kaye baka magising ko sya ng tuluyan pagnilakasan ko boses ko.


"Teka bakit bumubulong ka?" Tanong nya.


"Ha? Wala." 


"Sure ka? Gusto mo ba sunduin na kita?" Alok nya.


"Hindi na Khel okay lang ako. Hinihintay na lang namin dumating si Kim." Sagot ko.


"Anung namin? May kasama ka dyan?" Tanong nya.


Nadulas ako bigla. Malamang magagalit to pagsinabi kong kasama ko si Kaye.


"Hello Reah?" Tawag nya ng hindi na ko sumagot.


"Sorry."


"Tinatanong ko sinung kasama mo?" Inulit nya tanong nya.


"Si.. Kaye." Mahinang sabi ko.


"Nandyan sya? Hindi sya umuwi? Akala ko ba uuwi na yan eh bakit nandyan sya?" Eto na nga ba sinasabi ko. Nagsimula na naman sya.


"Hinatiran nya ko ng kape kagabi pero hindi na din sya umalis kasi ayaw nya kong iwan mag-isa." Dahilan ko.


"Talaga lang ha? Ayaw ka nyang maiwan mag-isa o sinadya nya kasi gusto ka nyang masolo." Seryosong sabi nya. Halata sa boses nya na galit sya.


"Khel naman. Parehas lang naman naming gustong bantayan si Nicky kasi parehas kaming kaibigan. At saka isa pa sa aming dalawa ni Kaye sya yung mas may karapatan na magstay dito kasama ni Nicky." Napapalakas na boses ko.


"Nag-uumpisa ka na namang maging manhid at bulag Reah. Hayaan mo na syang magbantay dyan. Susunduin na kita dyan."


"Michael anu ba?! Wag mo na kong sunduin kaya ko na sarili ko. Uuwi din ako mamaya. Please wag ka ng makipagtalo pa sakin dahil hindi ako papayag na sunduin mo ko dito nang dahil lang dyan sa mga pinag-iisip mo." Sabi ko. Napalakas yung boses ko at nagising ko si Kaye. Umupo na sya. Nakatingin lang sya sakin habang kausap ko pa si Michael.


"Haaayy. Sige. Hihintayin na lang kita. Ingat ka."


"Okay. Bye."


Binaba ko na yung phone ko at tinext ko si Kim para tanungin kung anung oras na sya babalik. Para makauwi na ko at makausap ko ng maayos si Michael. Gising na si Kaye pero hindi ko sya iniimik. Naiinis pa din ako kay Michael. 


"Si Michael kausap mo?" Tanong nya.


"Oo." Sagot ko.


"Bakit daw?"


"Tinatanong lang nya kung anung oras ako uuwi." Simpleng sagot ko.


"Bakit parang nagsisigawan kayong dalawa?" Tanong nya.


Hindi ko sya sinagot. Umayos lang ako ng pagkakaupo ko. Nangalay yung paa ko dahil sa pagkakaunan ni Kaye sa hita ko.


"Reah tinatanong kita. Nag-aaway ba kayo?" Tanong nya.


Tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang din sya sakin.


"Hindi. May pinapaliwanag lang ako sa kanya na hindi nya maintidihan." Sagot ko.


"Anu naman yun?" Isa pang tanong ulet ni Kaye.


"Wala." Sagot ko.


"Imposibleng wala." 


"Kaye please! Wag na nating pag-usapan." Pasigaw na sabi ko. Naiinis na talaga ako. Kanina si Khel ngayon naman si Kaye. 


"Bakit ayaw mong pag-usapan?" Tanong nya. Ayaw nya talagang tumigil.


"Anu ba naman Kaye? Hindi mo ba naintindihan. Ang sabi ko wag na nating pag-usapan. Mahirap bang intindihin yun ha?" 


"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin? Dahil ako yung pinag-uusapan nyo? Tama ba ko? Anung sinabi nya sayo? Pinapauwi ka na ba nya kasi ayaw nyang kasama mo ko dito!" Pasigaw na din magsalita si Kaye.


"Isipin mo na gusto mong isipin! Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko pabalik.


Eto na naman kaming dalawa. Isang simpleng bagay lang pinagtatalunan na naman namin. Ayaw naming magpatalo sa isa't isa.


"Oo bahala na ko. Tutal naman dyan ka magaling eh." Sabi nya.


"Anung ibig mong sabihin?" Galit na tanong ko.


"Wala. Wala akong ibig sabihin."





"KAYE! REAH! Anu ba?! Ang aga-aga nyo namang magsigawan. Natutulog pa ko." 


Nagulat ako sa narinig ko. Napatingin ako kay Nicky. Gising na sya. Lumapit agad ako sa kanya.


"Nicky? Teka. Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? May kailangan ka ba? Anu? May masakit ba?" Natataranta ako. Gising na si Nicky. Nagising namin sya ni Kaye.


Tinawagan agad ni Kaye si Kim. Pati sya natataranta na din ng dahil sakin.


"Reah. Okay lang ako. Walang masakit. Nakakainis lang talaga kayong dalawa." Nakangising sabi nya.


"Sorry. Ang ingay ba namin? Sorry talaga. Wait lang tatawagin ko si Doc para ma-check ka ha." 


"Reah wag na. Okay lang ako." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko para pigilan akong makalabas.


"Sure ka? Eh baka kasi mamaya may nararamdaman ka ng masama ayaw mo lang sabihin." Sabi ko sabay tingin kay Kaye. Kausap nya na si Kim.


"Okay lang ako. Actually kagabi pa ko gising. Ay hindi. Kaninang madaling araw pala." 


Nagulat ako sa sinabi nya. Napatingin ako kay Kaye at lumapit sya saming dalawa ni Nicky. Tapos nya ng kausapin si Kim.


"Anung ibig mong sabihin? Kanina ka pa gising? Bakit hindi ko nakitang dumilat ka?" Tanong ko.


"Eh panu nyo ko makikita eh busing-busy kayo sa isa't isa. Nakakahiya namang istorbohin kayo sa paghahalikan nyo di ba?" Nakangising sabi nya.


Nanlaki mata ko sa sinabi nya. Pakiramdam ko namula ako sa sobrang hiya. Nakita nya kaming dalawa ni Kaye na naghahalikan kanina. Napatingin ako kay Kaye. Natawa lang sya sa sinabi ni Nicky. Hinampas ko silang dalawa.


"Araaayyy! Reah! Bakit mo ko hinampas? Masakit!" Sigaw ni Nicky.


"Shit! Sorry Nicky. Ikaw naman kasi eh. Sorry." Sabi ko habang hinihimas ko braso nya. Nakalimutan ko na nabugbog nga pala yung braso ni Nicky kaya masakit.


"Anung ako? Tama naman ako di ba? Nagkiss kayong dalawa? Wag mo ng itanggi kitang kita ko naman Reah and I'm sure si Kaye hindi nya itatanggi yun." Abot tengang ngiting sabi nya. Napatingin ako kay Kaye. Nakangiti lang sya sa mga sinasabi ni Nicky.


"Ewan ko sa inyong dalawa. Bagay talaga kayong magsama!" Nakakainis sila. Nahiya ako bigla.


"Muka ngang okay na okay ka na. Maloko ka na naman." Nagsalita na si Kaye.


"Oo okay na ko. Pero mas okay sana kung nandito si Kim naiinggit ako sa inyong dalawa. Sana may magkiss din sakin." 


"Tumigil ka na nga Nicky!" Sigaw ko. Nagtawanan lang silang dalawa ni Kaye.


Maya maya lang bigla ng bumukas yung pinto. Tumatakbo at hingal na hingal na pumasok si Kim sa loob. Niyakap nya agad si Nicky.


"Babe? Okay ka lang? May masakit ba sayo ha?" Gaya ko sunod-sunod na tanong din si Kim kay Nicky. 


Hindi nagsalita si Nicky. Sinagot lang nya ng halik si Kim. Umiwas na ako ng tingin at ganun na din si Kaye. Parang gusto ko ng lumabas para bigyan sila ng oras sa isa't isa. Magsasalita na sana ako para magpaalam sa dalawa ng bigla akong hawakan ni Kaye sa kamay hinia nya ko palabas.



Pagkalabas naming dalawa hindi pa din ako binibitawan ni Kaye. Akala ko lalabas lang kami ng kwarto ni Nicky pero nagulat ako ng tuloy-tuloy lang akong hinila ni Kaye. Naglalakad kami. Hindi ko alam kung saan nya ko dadalhin.


"Kaye anu ba bitawan mo nga ako!? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. Umaakyat kami sa hagdan. Hindi ko alam kung bakit ayaw nyang mag-elevator na lang kung saan man nya ko gustong dalhin.


"Kaye anu ba?!" Sigaw ko.


Ayaw nya talaga akong sagutin. Nakakainis na sya.


"Ayaw mo kong sagutin ha." Huminto ako sa pag-akyat. Napahinto din sya pero hinihila nya ko.


"Kaye anu ba? Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.


"Kung saan masosolo kita." Sagot nya. 


Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. Hinila nya ako ulet pero hindi ako nagpapahila. Pinipigilan ko sya sa ginagawa nya.


"Reah isa. Pag ikaw nalaglag lang dito dahil dyan sa ginagawa mo gugulong ka talaga pababa. Bahala ka masasaktan ka talaga." Pananakot nya.


"Bitawan mo kasi ako. Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko ulet.


Binitawan nya na ako. Lumapit sya sakin at bumulong.


"Sumama ka na lang kung ayaw mong isandal kita dyan sa pader na yan at hahalikan kita hanggang sa hindi ka na makahinga." Nakangising sabi nya.


Nanlaki mata ko sa sinabi nya. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Nakakainis si sya. Nakakainis si Kaye. Bakit ba ang galing nya sa mga ganitong bagay? Bakit ba sobrang landi nya? Naiinis na ko sa kanya.


"Anu Reah? Gusto mo ba?" Sabi nya sabay lapit ng muka nya sakin. Napaatras ako bigla.


"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Mahinang tanong ko. Kung kanina sigaw ako ng sigaw ngayon hindi ko na alam kung saan ko hahanapin yung boses ko.


"Sa taas may ipapakita lang ako sayo." Sabi nya sabay hawak ulet sa kamay ko.


Naglakad na ulet kaming dalawa ni Kaye hanggang sa makarating kami sa pinakataas. Sa rooftop ng building ng hospital. Medyo maliwanag na sa labas pasikat pa lang yung araw. Binitawan na ako ni Kaye. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang sya habang nakatingin sa kawalan. 


Napatingin ako kung saan nakatingin si Kaye. Nagulat ako sa nakita ko. Ang ganda. Ngayon ko na lang ulet nakita at napanuod kung paanu unti-unting nagpapakita si haring araw. Ang ganda lang pagmasdan habang unti-unti nyang binibigyan ng liwanag yung paligid. Ang sarap sa pakiramdam. Nakangiti lang ako buong magdamag habang pataas ng pataas yung araw. Ngayon ko lang nagawa to nakasama si Kaye. Madalas kaming nanunuod ng sunset pero etong sunrise ngayon lang namin nagawa tong dalawa. Ngayon ko lang napagtanto na madami pa din pala kaming hindi nagagawa kahit sobrang tagal na naming magkasama.


"Good morning Reah." Sabi nya.


Napangiti ako sa sinabi nya.


"Good morning Kaye." Sabi ko at humarap ako sa kanya.


Nakatingin pala sya sakin ng hindi ko alam. Mukang kanina nya pa ako tinititigan.


"Mas maganda yung view dito ng sunrise kaysa sa rooftop sa condo." Nakangiting sabi nya.


"Bakit naman?" Tanong ko.


"Hindi ko alam. Siguro kasi. Nandito ka." Nakangiting sabi nya.


Napangiti lang ako sa sinabi ni Kaye.


"Reah?"


"Yes?"


"Masaya ka ba?" Tanong nya.


"Masaya? Ngayon? Oo sa tingin ko." Sagot ko.


"Naging masaya ka ba after ng break-up natin?" Seryosong tanong nya.


"Ha?" Hindi ko alam anung sasabihin ko.


"Narinig mo ko Reah. Wag mo ng ipaulet." Sabi nya.


"Hindi ko alam. Kung anu-anu na naman sinasabi mo. Tara na baba na tayo." Paalis na sana ako ng bigla nya kong pigilan. Hinawakan nya ko sa kamay ko. Napaharap ako sa kanya.


"Sagutin mo ko Reah. Please. Gusto kong malaman kung anung nararamdaman mo." Pagmamakaawa nya. Seryoso syang nakatingin sakin.


"Anu bang gusto mong sabihin ko Kaye?" Tanong ko.


"Gusto kong marinig na sabihin mo na hindi ka okay. Na hindi mo alam gagawin mo simula ng maghiwalay tayo. Gusto kong sabihin mo na hanggang ngayon malungkot ka pa din. Na hanggang ngayon pakiramdam mo kulang ka. Na pakiramdam mo malaking bahagi ng buhay mo yung nawala simula ng iwan mo ko. Gusto kong sabihin mo na hindi ka din makatulog ng maayos sa gabi. Gusto kong sabihin mo na ilang gabi yung sinayang mo dahil lang sa kakaiyak mo. Ilang gabi na para kang tanga kakaisip kung kamusta at kung anu na kaya ginagawa ko. Gusto kong sabihin mong hindi mo kaya kasi wala ako." Hinihingal na sabi nya.


"Kaye." Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi nya. Hindi ko alam sasabihin ko.


"Anu Reah? Ganun ka din ba? Kasi ako Reah. Ganun ako. Ganun na ganun ako. Ganun yung mga naramdaman ko simula ng iwan mo ko. Simula ng talikuran mo ko. Sobrang sakit Reah. Sobrang sakit. Kung alam mo lang. Kung kaya ko lang iparamdam sayo ngayon kung ganu kasakit lahat ng ginawa mo Reah ginawa ko na sana. Para marealized mo lahat lahat ng mga pinagdaanan ko simula ng iwanan mo ko at pinagpalit sa iba. Sobrang sakit Reah. Ang sakit. Hanggang ngayon ramdam ko pa. Pero kinakaya ko na lang. Pinipilit ko yung sarili ko na paniwalaan yung mga bagay na alam kong hindi naman totoo. Pinipilit kong maging masaya na lang Reah kahit alam ko sa sarili ko na hinding hindi na ko magiging masaya kasi wala ka na." 


Hindi ako makapagsalita. Naramdaman kong dumadaloy yung luha ko sa pisngi ko. Umiiyak ako. Naramdaman ko yung sakit na sinasabi ni Kaye. Alam kong nasaktan ko sya ng sobra. Iniwanan ko sya ng biglaan. Binitawan ko sya kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko pa sya. Inuna ko mga gusto ko kaysa sa kanya. Pinairal ko yung pride at galit ko dahil sa mga pagkukulang nya. Mga pagkukulang nya na nakita ko sa iba kaya iniwan ko sya.





"MAHAL PA DIN KITA." Sabi nya.


"Bakit? Kaye nasaktan na kita? Paulit-ulit na. Alam kong sobrang sakit ng mga nagawa ko sayo. Pero bakit hanggang ngayon. Mahal mo pa din ako?" Sobrang lakas na ng pagtulo ng mga luha ko. HIndi ko na sila mapigilan.


"Hindi naman mawawala yun Reah. Ikaw lang yung babaeng minahal ko. Ikaw lang yung babaeng inimagine kong makakasama ko habang buhay. Kaya sobrang sakit nung nawala ka. Halos gusto ko ng mamatay nun. Hindi ko alam gagawin ko. Kasi akala ko sakin ka na. Ilang araw na lang Reah hindi mo pa nahintay. Sobrang excited na ako kasi nung mga panahon na yun handa na halos lahat Reah. Handang handa na ko. Pero nagulat ako nung sabihin mo saking hindi ka pa handa. Pero kahit ganun yung nangyari. Sinabi ko na sa sarili ko na. Hindi na ko magmamahal ng iba. IKAW lang. Hihintayin ko na lang yung araw na maging handa ka."


Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Kaye. Ang sakit. Napakaselfish kong tao. Hindi ko sya pinakinggan. Pinairal ko lang kung anu yung sa tingin kong tama para saming dalawa.


Hindi na nagsalita si Kaye. Umiwas na sya ng tingin sakin. Nakita kong may pumapatak na luha sa mga mata nya. Umiiyak sya. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kailangan humantong kami sa ganitong sitwasyon.


Niyakap ko si Kaye. Kung pwede ko lang maibsan yung mga sakit na naramdaman nya noon gagawin ko. Makabawi man lang ako sa mga kasalanang nagawa ko.












_____________________________________________________________


Mukang malapit ng magsimula ang flashback nila KAYE AT REAH ha hehe.

Pero bago ang lahat. Bibigyan ko pa kayo ng isang KAYEAH'S Moment. BUKAS. Hahaha. Sana makapag-update bukas.


HOPE YOU LIKE IT GUYS! PLEASE DON'T forget to vote.


THANK YOU!!

Continue Reading

You'll Also Like

MPC2 (gxg) By s h a n e

General Fiction

113K 2.3K 34
What if I get the second chance? Pano kung sa pagkakataong to makukuha ko na yung happy ending? What if my princess is back? - Princess Charming
60.3K 953 7
Dahil niloko siya ng kapatid niya at ex niya.. naisipan niyang magrebelde at yun ay ang paggigirlfriend niya kahit babae din siya.. Maging totoo kay...
40.3K 639 30
Hi guys another new story Please read and support this story Now to all Tiuron Camveza And Fatunay fans Please read this Sigurado akong magugustu...
194K 8.1K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...