Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.

By prettylittlemiss

1.2M 19.1K 1.6K

( Suplado Trilogy - Book III) We started with nothing. You're the snob guy who changed my life. In a snap, I... More

Ang Suplado Kong Asawa
ASKA - I
ASKA - 2
ASKA - 3
ASKA - 4
ASKA - 5
ASKA - 6
ASKA - 7
ASKA - 8
ASKA - 9
ASKA - 10
ASKA - 11
ASKA - 12
ASKA - 13
ASKA - 14
ASKA - 15
ASKA - 16
ASKA - 17
ASKA - 18
ASKA - 19
ASKA - 20
ASKA - 21
ASKA - 22
ASKA - 23
ASKA - 24 (PART I)
ASKA - 24 (PART II)
ASKA - 25
ASKA - 26
ASKA - 27 (PART I)
ASKA - 27 (PART II)
ASKA - 28
ASKA - 29
ASKA - 30
ASKA - 31
ASKA - 32
ASKA - 33
EPILOGUE
HIDDEN CHAPTER I
HIDDEN CHAPTER II
Story of Raphael

ASKA - FINALE

32K 594 116
By prettylittlemiss

NOT EDITED! SORRY FOR ERRORS!

 "ANG SUPLADO KONG ASAWA – FINALE"

 

" Yes I can."

Ayokong tumingin. Ayokong lumingon ni kaunti. Ayokong muling magpalinlang sa imahinasyon ko. Ang dami ko nang luhang sinayang dahil sa pangungulila ko sa kanya. Hindi ako maaring maniwala sa kahibangan ko. Dahil hindi naman pwedeng nandito sya at nauna pa sa akin.

Inihakbang ko nang dalawa ang mga paa ko, kahit nahihirapan akong gawin ito pinilit ko.

 

" Lagi mo nalang ba akong tatakbuhan." Sa pangalawang pagkakataon narinig ko ulit ang malamig na boses na iyon na naging dahilan ng pagtigil ko. Hindi ko na napigilan, kusang umikot ang katawan ko upang makumpirma kung nandito ba talaga sya.

Sa pagkakaharap ko, tumambad sa akin ang lalaking kanina'y iniiyakan ko, dahil buong akala ko hindi sya totoo. Pero mali ako dahil nandito sya, talagang nandito sya. Mas lumapit sa akin at tinanggal ang salamin sa mata.

" Totoo ako at nandito sa harap mo." sabay punas nya sa luhang kumawala sa mga mata ko. Sa paghawak nyang iyon sa pisngi ko nakaramdam ako ng kuryente at dahil doon mas lalo akong naniwalang totoo nga sya. Nahawakan nya ako, naramdaman ko ang mainit at makinis nyang palad. Ang palad na matagal ko ring hinanap-hanap.

" Se... Seth." bigkas ko sa pangalang nya.

" Ba...kit ka nandito?"

 

" Hindi ko kaya Eli." putol nya sa hikbi ko.

" Ba.. bakit ka nandito?" nahihirapan na akong magsalita dahil sa bumabara sa lalamunan  ko pati narin ang paglabo ng mga mata ko dahil sa luha.

" Makinig ka muna sakin." Nakita ko pang kumunot ang noo nya at nagkuyom ang panga.  Huminga ng malalim tyaka yumuko,

" Akala ko kaya ko, pero hindi pala. Naduwag ako and I'm sorry for that." Tyaka sya tumunghay at muling tumingin sa akin, mata sa mata. Tagos sa kaluluwa.

" No, this can't be. This is not true!" Muli akong tumalikod para umalis. Naririnig ko parin ang pagtawag nya sa pangalan ko hanggang sa makalabas ako sa huling otomatikong nagbubukas na pintuang salamin nang muling may pumigil sakin. Pinilit kong makawala sa hawak nya at muling tinangkang talikuran sya.

 " Sandali nga! Wala ka na bang ibang gagawin kundi iiwas nalang? Hindi mo na ba talaga ako mahal?" nakaramdam ako ng lungkot sa mga sinabi nya. Dahil doon napatingin ako ngayon sa kanya at kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nya.

Aaminin kong ginusto ko syang makita ngayon pero habang nakikita ko ang mga nyang nangungusap, nasasaktan rin ako. Hindi ko gustong nagtatalo kami lalo na sa sukatan ng pagmamahal, dahil sa totoo lang hindi ko yun ginusto.

" Hindi ba da..pat ako ang mag...tanong ng mga yan ha, Seth?" yan lang ang nasabi ko sa pagitan ng bawat pagiyak ko.

" Kung sana hindi ka nagtago, edi sana naayos na natin 'to." Hawak-hawak nya parin ang braso ko. Ayan nanaman sya, lumalabas na ako pa ang mali dahil hindi ako nagpakita, dahil hindi ko sya kinausap. Ako pa ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganito. Di ba dapat nandito sya para amuin ako, bakit sa nangyayari parang ako pa ang dapat sisihin?

" I can't believe this! Ikaw pa tala..ga ang may ganang manumbat? Ang gago mo Seth, alam mo y'un? Napakagago mo! Ni minsan hindi mo inisip ang mararamdaman ko. Dati sinabi ko na sayo na sana ako nalang pero ano? Ba...kit lagi ka paring bumabalik sa kanya! Hindi mo ba talaga kayang magmahal ng ako lang. Yung ako lang mag isa? Seth ayaw ko ng may ka...kaagaw ako sa atensyon mo! Napa...pagod na ako! Gusto ko, ako lang! Gusto ko tayong da...lawa lang! Kaya ako lumayo para hayaan kang gawin ang gusto mo pero pi...lit mo parin akong ginugulo! Seth, hindi ko na kaya. Parang awa mo na, hayaan mo na ako. Sawang-sawa na akong umintindi." Hinahampas ko ang dibdib nya. Hindi ako tumigil hanggat hindi ko nailalabas lahat. " Hirap na hirap na ako, ayo..ko na."

Unti-unti na akong nanghihina, hindi ko na kaya. Kung kanina nangungulila ako sa kanya, ngayon pakiramdam ko mas gugustuhin ko pang lumayo ulit para hindi sya makita.

Umiling ako at muling hinila pataas ang maleta ko habang pinipigil ang mas dumadaming pagpatak ng luha.. Habang nakikita kong lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa amin na. Buti nalang talaga wala kami sa Pinas kundi sigurado bukas nasa youtube na kami at pinagpyepyestahan ang video o mga pictures namin.

" Pakinggan mo naman ako, kahit minsan Eli. Alam kong nahihirapan ka na pero ganun din ako.  Hindi ko kaya, hindi ko kayang wala ka. Dahil mahal kita!" sa pangalawang pagkakataon muli nya akong hinigit pero mas malapit na sa kanya ngayon hanggang sa unti-unti nya akong kinulong sa mga bisig nya.

" Seth, ang tagal. Ang ta..gal kong hinintay na muli mong sa...bihin sakin ang mga yan pero bakit paki....pakiramdam ko hindi naman talaga. Kung ma..hal mo ko bakit si Pin parin? Ano bang kailangan kong ga...win para maging ako lang? Sabihin mo Seth. Kasi handa na...man ako." sambit ko habang pilit nya akong niyayakap samantalang ako ay nananatili lamang sa pagtayo. Hindi ako tumugon sa yakap nya.

Pinipilit kong kumawala sa kanya, nagmamatigas ako pero hindi ako makalis. Matagal bago pa sya magsalita pero naramdaman ko ang pagtaas ng balikat nya. Umiiyak ba sya? Si Seth umiiyak? Ganoon ba sya nasaktan para ipakita nyang umiiyak sya ngayon? Doon ako nagsimulang lumabot at makaramdam ng awa. Ngayon ko nalang ulit syang nakitang umiyak ng ganito.

 

" Se.. Seth.." ani ko habang unti-unti na rin syang niyayakap sa likuran nya.

" Sorry, naduwag ako, Pero maniwala ka ikaw lang. Mali ang nakita mo, hinalikan ko sya para malaman ko kung mahal ko pa ba sya pero dahil din sa halik na y'un, d'un ko narealize na ikaw talaga. Wala na akong pakialam sa nakaraan ko basta ang alam ko lang hindi ko kayang mabuhay pag nawala ka. Mahal kita Eli, sobrang mahal kita. Isang pagkakataon lang ang hinihingi ko, para mapakita ko sayo lahat at sa magiging baby natin. Please let me do it once more." Kumalas sya sa yakap nya sakin at doon ko nakita ang bakas ng mga luha nya. Kitang kita ko rin ang pagiging totoo nya. Hindi ko inakalang magagawa nya ang mga ito, para sa isang Seth na kilala ko. Isang Seth na mahirap gawin para sa tulad nya ang ganitong bagay, ginawa nya parin. Isang lalaking ubod ng taas ang pride, na ayaw aamin ng pagkakamali nya.

Sa narinig ko muling bumugso ang aking mga luha. Alam nya na? hindi nabanggit sakin ni Bessy na alam na ni Seth ang pagdadalawang tao ko.

" Alam mo?" tumango sya at hinawakan ang kamay ko.

" Sa huling pagkakataon Eli, magtiwala ka sakin. Sabihin mong ako parin." Alam kong nag uutos nanaman sya pero this time sa masuyong paraan.

Kanina puro galit at selos ang nararamdaman ko, ngayon puro sya nalang ulit ang laman ng puso at isip ko.

" Kami na lang ba talaga ni Baby?" may luha paring lumalabas sa mata ko pero ngayon hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya, saya dahil sa mga narinig kong sinabi nya.

Tumango lang sya at tyaka sinabing " Ni minsan hindi naging iba, ikaw lang. Kayo lang ng magiging baby natin."

 

 

" Mahal mo parin ba ko?"

Hinalikan nya muna ako ng mabilis sa labi, tyaka sumagot. " Kahit mugto na yang mata mo, mahal parin kita."

 

Napangiti ako sa sinabi nya, at sa pagkakataong ito nakita ko sa kanya ang dating Seth, yung tipong pinupunasan nya ang mga luha ko dahil ayaw nyang nakikitang umiiyak ako.

Hahalikan nya na sana ulit ako pero umilag ako sa labi nya. Nakita ko pang kumunot ang noo nya at parang nagtatanong ang mga mata nya kung bakit. Pero bago pa sya makapagsalita inunahan ko na sya.

" Kung totoong mahal mo ko, kaya mo bang ipagsigawan sa buong mundong mahal mo ko?" yung totoo, ang landi ko lang pero bakit ba, susulitin ko na! Minsan lang ito mangyayari at alam kong gagawin nya iyon para sakin.

Tumingin pa sya sa buong paligid na ngayon ay puno na ng mga taong nanunuod sa yakapan namin.

" Dito? Ngayon?" mukang nag aalangan pa sya sa tanong nya. Tumango ako sa naiisip kong gagawin nya. Ako na siguro ang magiging pinakamasayang babae kapag ginawa nya ang bagay na iyon.

Napapalunok pa sya kapag nakikita nya ang kapal ng tao.

Muli humugot sya ng malalim na hinga, nagpakawala ng natatanging ngisi nya at hinila ako palapit sa kanya. Sa huling pagkakataon muli nyang tiningnan ang mga tao, inilapit nya ang labi nya sa tenga ko at dahan-dahang sinabi...

" Mahal na mahal kita Eli."

Buong akala ko ipagsisigawan nya, pero sa halip na sigaw ang gawin nya bumulong lang sya sa akin. Tiningnan ko sya ng buong pagtataka, " Nahihiya ka?" tanong ko.

Umiling lang sya at muling ngumiti, sabay sabing

" Diba ikaw ang mundo ko?"

Tang inumin! Kinilig ako sa sinabi nya!

Huli na ng tangkain kong sumagot dahil hinagkan na nya ang mga labi ko. Sa sobrang sarap at saya hindi ko na naalala na nasa pampublikong lugar pala kami. Nadala ako sa sarap ng halik nya. Matagal ko itong ninais at hinanap. Matagal ko nang gusto ulit maramdaman ang pagmamahal nya at ngayon tanging hiyawan nalang ng mga tao ang naririnig ko.

" Go marry her now!"

" Get a room dude!"

Sabay palakpalakan ng iba.

Kumalas sya sa halik namin habang nakahawak sa magkabila kong pisngi. " I love you." Sambit nya.

" I love you too." Ako sabay ngiti.

Hahalik pa sana kamin kaso bigalang kaming nakarinig isang pito. Narinig ko pang nagmura si Seth. " Fuck!"

Hinawakan nya ang kamay ko at sya narin ang kumaladkad sa maleta ko. Tumakbo kami dahil sa amerikanong pulis airport na humahabol saming dalawa. Agad kaming sumakay sa isang pulang kotse. Pinakabit nya sakin biglaan ang seatbelt dahil baka raw kung mapaano kami ni Baby. Pinatakbo nya agad ang kotse. Wala syang pinagbago, sya parin ang pinakagwapong kaskaserong nakilala ko.

Sobrang saya ko ngayon, hindi ko maipaliwanag ang feeling ko. Para akong nabunutan ng sandamakmak na pako sa puso. Iba talaga pag narinig mo mismo sa kanya na mahal ka nya at ikaw lang talaga, walang iba.

Dahil nakastop ang traffic light doon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magkatinginan kahit kanina ko pa sya hinahalay sa isip ko dahil sa daan lang sya nakatingin di ko parin maiwasang hindi sya tingnan.

Hindi ito panaginip, talagang nandito sya! Sinundan nya ako kahit tinangka ko syang iwan. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking ito dahil kahit saan man ako mapunta nasa kanya lang ang puso ko.

Pagtama na pagtama ng mga mata namin agad syang nagbent at muli nanaman akong hinalikan. Buti nalamang at stop parin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko, sinabayan ko ang bawat halik nya. Hindi pa sya nasiyahan, hinawakan pa ng palad nya ang isa kong pisngi at ang kabila naman ay sa bewang ko. Sya ang lumalapit dahil naka seatbelt ako. Kumapit narin ako sa batok nya.

Sobrang namiss ko ang lalaking ito. Hindi ako magdadalawang isip na muli syang tanggapin dahil wala rin akong laban sa sarili ko. Pilit ko syang hinahanap at patuloy na minamahal.

" Pppppttttt!" rinig naming parehas. Halos sabay sabay ng bumubusina ang mga saskayan sa likod namin.  Green na pala, yan tuloy nakapagmura ulit sya. Halata pang naiinis dahil kita sa litid ng kamao nya at sa pagkuyom ng panga.

" Shit!" Agad naman nyang pinaandar ang sasakyan.

Binagalan nya lang ng makaalis kami sa pinakang highway. Nakaramdam siguro sya ng humawak ako sa upuan ko. Nakita ko kasing napatingin sya sa ginawa ko, nakaramdamn siguro na medyo napapabilis na ang patakbo nya. Sinabi nya pang " Sorry."  Nginitian ko lang sya para malaman nyang okay lang ako.

Sa pagtitig ko sa kanya, napansin ko ang pasa nya sa bandang labi. Bakit ba ngayon ko lang iyon napansin? Sobrang atensyon ko ba sa ibang bagay kaya hindi ko man lang nakita yun kanina?

" Napano yan?" hahawakan ko sana kaso bigla nyang iniba ang direksyon ng muka nya sabay sabing " Wala to,"

 

 

Hindi parin ako nagpapigil at pilit na inabot ito para mahawakan.

" Tsk, wala nga. Dumi lang siguro." Iwas nya parin pero huli na dahil nakumpirma kong pasa nga ito.

" Nakipag away ka ba Seth?" Nag aalala ako, baka kasi dahil iyon sa paglalasing nya tulad ng naikwento sakin ni Bessy nung mga panahon na nagtatago ako at ayaw magpakita sa kanya.

" Hindi!" matipid nyang sagot. Naman oh, wala pang isang oras bumalik na sya sa pagiging suplado nya. Naging okay lang kami naging ganyan na ulit sya.

" Isa! pag hindi mo sinabi iiwanan kita—"

" ETO NA NGA! SI  EN—KUYA ENZO!" busangot nyang sagot. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan kataranta, Bakit ba kasi ayaw nya pang sabihin, pero teka si Kuya Enzo raw? Paano, tyaka bakit?

" Si Kuya ang gumawa nyan sayo? Paano, wait. Ibig sabihin nauna ka pa talaga sakin dito?" kung si Kuya ang may gawa nun ibig sabihin nangkita na sila, kelan pa?

" I'm 10 hours ahead from your flight. Wala parin akong tulog hanggang ngayon." parang wala lang sa kanya yung sagot nya pero sinulyapan nya muna ako tyaka sya muling tumingin sa daan.

Nabigla ako sa sinabi nya. Talagang ginawa nya yun para sa akin? Halos mamuti ang mata ko sa kakahintay sa kanya na sundan ako sa Naia yun pala nauna na. Ibang klase, wala talagang pasabi tong lalaking to e, may sariling desisyon.

" Bakit, nagsuntukan ba kayo ni Kuya?" kahit naman ganito tong lalaking to, mahal ko sya at syempre nag aalala ako para sa kanya.

" Ang dami mo namang tanong! Mamaya ko na sasabihin!"

Dahil sa sinabi nya tumahimik nalang ako. For now tama na yung nalaman kong talaga palang di nya ako kayang mawala sa kanya kaya mas inunahan nya pa ako sa pupuntahan ko. Parang ang, ang sweet lang kasi diba. Basta, gusto kong kurutin sya at hawakan ang kamay nya kaso nagmamaneho e, mahirap na.

Nakarating kami sa isang hotel na sabi nya eh pagmamayari ng pamilya namin. Kaya pagpasok palang namin bumati na ng "goodmorning" yung mga matatangkad na amerikanang staff ng hotel namin. Nakakainsecure nga kasi kapag tinapat ako sa kanila baka hanggang ilong lang nila ako. Eh mga nakahills pa, kaya muka akong pulubi kung itatabi sa kanila. Laking saya ko ng hindi sila pansinin ni Seth, kung nagkataon kasi baka batukan ko sya, kakasabi nya lang na walang iba e.

Minsan may magandang benefit din yung pagiging suplado nya, mas mafi-feel mo na sayo lang sya at walang makakaagaw sa kanya.

Mula kanina nung bumaba kami sa kotse hanggang ngayon sa loob ng elevator hindi nya binibitawan ang kamay ko. Ayan tuloy pakiramdam ko talagang takot syang umalis ako. Kung ganyan ba naman ng ganyan panong hindi ako magkakandaihi sa kilig.

" Ahmm, Seth hindi naman kita tatakasan." Maktol ko, kaso mukang wrong timing ang biro ko. As usual para syang walang narinig at hindi man lang ako pinansin, binitawan nya nga pero inakbay naman ako, na naging dahilan nang pagiging mas malapit ko sa kanya. Bakit pakiramdam ko biglang uminit? Yung elevator lang ba yun o yung katawan ni Seth? Diyos ko Eli! magtigil tigil ka nga! Kakaayos nyo lang hinahalay mo na sya sa isip mo!

Nang magbukas ang elevator muli nyang hinawakan ang kamay ko at tyaka nagsimulang lumakad. Kahit itanong ko sa kanya kung saan kami pupunta wala rin naman akong maririnig na sagot kaya hindi na ako umimik.  Sumunod nalang ako sa bawat pasukan nyang pinto.

Nakarating kami sa isang silid kung saan may nakita akong nakatalikod na lalaki sa habang nakaupo sa upuan nyang may lamesa. Nang humarap ito laking ngiti ko dahil si Kuya Enzo yun. Pero ng makita ko ang isang matalas at mariin na titig nya kay Seth, agad kong naalala ang sinabi ni Seth na sya ang may gawa ng pasa nya sa may labi.

" Tulad ng pangako ko, hindi ako papayag na mawala sya sakin." para silang magkaaway kung magtitigan.

" Ano bang nagyayari Kuya? Are you two fighting?" di na ako nakapagpigil magtanong. Para silang baliw eh, si Kuya naman parang kung ano ang iniisip.

" Dapat lang dahil huling beses na to, hindi ako magdadalawang isip na bawiin ang kapatid ko sayo, kung sina Lex walang nagawa ako meron. Kung wala kang gagawin para ipaglaban sya, pwes pasensyahan tayo. Akala ko kulang pa ang ginawa ko sayo kanina." Sa narinig ko biglang nagpantig ang tenga ko. Ngayon mukang alam ko na kung anong ginawa nitong si Kuya.

" Why did you do that Kuya? For what?" tumaas pa ng bahagya ang boses ko.

Naramdaman ko nalang na pinipigilan ako ni Seth sa pamamagitan ng paghawak sakin ng may konting pagipigil.

" Wag kang mag alala, hindi ako babali sa pinangako ko. Mahal ko ang kapatid nyo." tyaka sya tumalikod para umalis pero muling tumigil. " Oo nga pala, salamat." Sabi nya ng hindi humaharap kay Kuya.

 

 

Napatingin tuloy ako kay Kuya Enzo na ngayon ay nakangisi na.

Naguguluhan man ako sa nangyari hindi na ako nagtanong. Alam ko namang sasabihin nya sakin lahat kapag handa na sya. Hindi pa ba ako masasanay eh ilang taon ko na ba syang kasama, syempre alam ko na ang ugali ng lalaking ito.

Sumakay ulit kami ng elevator at tumigil sa pang pitong palapag. Doon kami pumasok sa isa sa mga kwarto. Umupo ako sa sofa dahil kanina parin naman kami nakatayo. Nabigla ako sa pabagsak nyang paghiga sa sofa kasabay ng isang malalim na hinga. Yung hingang parang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. " whoooh..."

Agad rin syang umabante at umunan sa mga hita ko. Nakapikit sya ngayon, ang haba ng pilik at sobrang tangos talaga ng ilong nya. For me his perfect and I don't want anybody if it's not him. He's everything to me.

Nagmulat sya at tumingin sakin habang hinahaplos ang pisngi ko. " Akala ko babawiin ka na nila sakin. Aaminin ko natakot ako, dahil hindi ko makakaya." Seryoso lang sya. Pakiramdam ko tuloy dinudurog ang puso ko sa mga binibitawan nyang salita. Sa mga mata nyang halos pasukin na ang kaloob looban ko maramdaman ko lang ang mga sinasabi nya. Kahit naman hindi na nya sabihin yun alam kong mamahalin ko parin sya.

" Papaiyakin mo nanaman ako nyan eh." nararamdaman ko kasi ang nagbabadyang mga luha. Sobarang touch kasi ako sa ginawa nya. Kaya tinakpan ko nalang ang muka nya pababa sa labi para mabago ang atmosphere. Tyaka nya hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito.

" Simula ngayon, kayo nalang ni Baby ang magiging buhay ko. Mahal na mahal ko kayo, tandaan mo yan."

 

 

" Mahal na mahal ka rin namin." Ako naman ngayon ang humalik sa noo nya. Gusto ko lang syang halikan doon.

Hinaplos ko ang buhok nya at kahit nakapikit sya napangiti sya nang bahagya. Hawak nya parin ang kamay ko na kapatong sa dibdib nya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nya. Ako ba ang dahilan kung bakit nagkakaganoon sya? Diyos ko, bakit parang ang sarap sa pakiramdam. Natigil nalang ang pangangarap ko ng muli syang nagsalita.

" Nakakamiss yung mga ganito. Yung ikaw at ako lang, tayong dalawa. Pero mas masaya pala kasi magiging tatlo na." muli syang nagmulat at inalalayan ako tumungo pababa sa may mukha nya at doon naglapat muli ang mga labi namin.

Ngayon, ramdam ko narin ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya. Masaya sya na magkakababy na kami. Mabubuo na ang pamilyang matagal ko nang ninanais.

Dahan-dahan syang bumangon para magpantay kami pero hindi parin nababali ang halikan namin. Hindi ko na namalayan na nabuhat nya na ako at nakapatong na ngayon sa ibabaw nya. Nakakahiya man ang pwesto namin ngayon, hindi na ako naginarte dahil nagugustuhan ko rin naman. Namiss ko ang mga haplos nya, ang presensya nya.

( OH MEDYO SPG! )

Naramdaman kong nililibot na ng kamay nya ang buo kong katawan. Hanggang sa tumayo sya habang karga karga ako.

 

" I think it's a better idea if we'll make it four." Sambit nya sa pagitan ng mga halik namin at tyaka ngumisi. Isang pag ngisi na alam kong may kasamang kapilyuhan na gagawin. At alam ko na ang ibig nyang sabihin. Muli nya akong siniil ng halik.

Narinig ko nalamang ang pagbukas ng pinto, at naramdaman ang paglapat ng likuran ko sa isang malambot na kutson.

He was on top of me. I can feel his erection and it gives me a weird feeling, as if I want him more. I want to feel him. All I want is to make him happy again, to make him see how I love him. I want us to be one and feel the pleasure of one another. We both want to make love and stay inlove forever.

We're both naked now. I can totally smell his fresh scent and feel his warmness. When he entered, I'm still hurt but I can enjure the pain. He pauses for a moment and tells me " Look at me Eli. I love you."

 I did what he said. I look straightly into his eyes and saw his willingness to make love with me.

 " Pwede na ba 'kong gumalaw?" marahan nyang tanong. Bilang sagot, tumango lang ako at kumapit sa kanya. Alam kong bumabaon ang mga kuko ko sa likuran nya pero hindi sya dumaing. Dahan-dahan lang syang gumalaw hanggang sa makasabay ako.

I don't even know how many times we did it. All I know for now is he's still my man and my greatest love. Whenever I'm with him, I know I can live. I don't care how many challenges may arise but as long as I'm with him I can get through with it.

Sabihin nyo mang tanga ako dahil napatawad ko sya agad, wala na akong magagawa pa doon.

" Dahil pagdating naman talaga sa pag-ibig, lahat ng tao nagpapakatanga. Ang mahalaga sya lang ang gusto kong makasama. Mahal na mahal ko sya at kailanman, wala ng iba pa."

 

***

Isang linggo narin ang nakakalipas nang makabalik kami dito sa Pilipinas. Halos dalawang linggo lang ang itinagal namin kina Papa. Parang naging bakasyon at honeymoon lang ng nangyari samin doon. Wala kaming ginawa kundi mamasyal at magpunta sa mga gusto naming lugar ng kaming dalawa lang. Doon ko napagtanto na minsan maganda rin palang nagkakatampuhan kami kasi may dahilan para maranasan namin ito. Di biro lang, kayo naman hindi na mabiro. Syempre mas masaya parin kung puro lambingan lang at walang tampuhan. Tyaka stress lang yun, bawal kay Baby.

Kung itatanong nyo kung nasan ako ngayon, kasama ko si Charlie. Sinusukatan kami ngayon dahil mag fi-first birthday na si Bebe Ayann at syempre bongga ang magiging celebration. Royal princess ang magiging theme kaya nagpapasukat kami ng magiging costume na gown namin. Grabe excited na ako, symepre pati si Charlie. Yun pa eh lahat gagawin nun para sa anak nya.

Nung ako na ang susukatan, sabi ko pa medyo luwagan dahil ayaw kong maipit si Baby sa loob. Medyo nilagyan naman ng palugit nung mananahi yung pagsusukat nya kaya okay na. Ako ang huli dahil nauna na sina Bebe Ayann at Charlie.

Bali next two weeks pa ang magiging celebration, pero ngayon palang nagpapatahi na kami. Mas mabuti daw na mahaba ang preparation. Umoo nalang ako, mahirap kontrahin ang best friend ko. Sabi pa ni Charlie kulay pink daw ang magiging kulay nung costume ko. Ewan ko ba dyan sa babaeng yan, kung bakit pink e alam naman nyang ayaw na ayaw ko ang kulay na iyon.

" Bru, baka namang pwedeng ibang kulay nalang. Hmmm, kahit Puti! Mas okay pa kung puti nalang sakin o kaya dirty white. Kunwari bagong princess ako sa mga Disney princess. O diba unique ako."

Akala ko hindi sya papayag pero yun nga, sinabi nya sa modesta na puti nalang ang kulay nung akin. Basta sila rainbow daw. Anyare? May princess bang rainbow ang kulay ng costume? Shungabells din minsan to e!

Nga pala nagtratrabaho na ulit si Seth kaya hindi nya kami nasamahan sa pagpapasukat. Sila ni Jigs ang magkasosyo sa negosyo. Di talaga sila mapaghiwalay, parang kami rin nitong si Bru.

Nagkaroon rin kami ng mini reunion ng buong banda syempre with the girls anf other friends nung bumalik kami galing States, may kasama pang baby shower. Masayang masaya kami noon kasi nga sinelebrate pa nila ang pagkakabati namin.

Mantakin nyong may participation nanaman pala ang mga kapatid ko sa nangyari. Nalaman ko na, at oo doon ko napatunayan na sobra sobra ang pagmamahal nila sakin. Inamin kasi ni Seth na si Kuya Lex at kasama narin ang iba kong kapatid na nagpayo sa kanyang unahan ako. Sabi naman sa inyo e, hindi ko kailangan magtanong kay Seth dahil sasabihin nya rin anamn yun kapag handa na sya.

Kahit nasuntok nanaman sya ng isa sa mga kapatid ko which is Kuya Enzo, nagpapasalamat parin daw si Seth dahil kung hindi sa kanila hindi kami magkakabati.

Napaiyak pa ako nung kausapin ako ni Kuya third, Lex at Enzo habang nasa skype sya dahil wala naman sya dito sa Pilipinas. Lalo na yung sinabi ni Kuya Lex. Buong akala ko kasi sa kanilang tatlo sya ang may pinakamay ayaw kay Seth para sakin, yun pala sya pa rin ang pinakamay tiwala sa kanya. Tandang tanda ko pa ang mga sinabi nya.

FLASHBACK

 

 

" Badong.." panimula nya.

" Kuya pwede bang Eli nalang!" iritado kong sabat sa kanya. Tapos na kasing magsalita yung dalawa kaya sya naman ang magsesermon.

" Hay nako, Sige na nga. Bunso na lang! Kahit ilang beses ko pa ipalamon sa mga manananggal yang asawa mo hindi ko parin matiis na hindi kayo tulungan. Ewan ko ba naman kasi sayo, bakit sa dinami dami ng lalaki sya pa, halos wala nang gawin yun kundi saktan ka!"

" Kuya, talaga bang wala kang galit kay Seth nyan?"

 

 

" Kung pwede lang nga e!" yung kaninang mapangloko nyang muka ngayon naging seryoso na. " Pero Eli, kahit naman nagkakaroon kayo ng problema at nakikita kitang nasasaktan  hindi ko parin matanggal sa isip ko na sya lang ang sumalo sayo. Sya lang ang tunay na nagmahal sayo, kasi kung hindi. Baka noon palang nung sinubukan namin ang katapan nya sayo matagal ka na nyang sinuko samin. Hindi ko sinasabing sobrang boto ko sa Seth na yan, pero kung sa kanya ka talaga liligaya hindi ako tututol basta para sayo." Tyaka nya ko niyakap. Sumunod din si Kuya Third at yumakap rin sakin.

Napaluha tuloy ako, hindi sa sakit pero sa tuwa dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sakin ng mga kapatid kong barako.

Nung kumalas sila nagtawanan kami kasi muka kaming mga timang.

" Hindi bagay sa inyo Kuya!" panggagalit ko pa sa kanila.

" Ikaw nga tulo uhog!" sabi ni Kuya Third. Nung hinipo ko naman wala! Niloloko lang nila ako. Makatrip atalaga tong mga Kuya ko oh!

Ang sarap lang na makasama mo ulit ang mga kapatid mo. Yung maramdaman na nadyan sila para turuan kang harapin ang buhay. Na nanatili parin silang nakasuporta sayo kahit ilang beses mo na silang nabigo sa mga bagay na hindi mo naman sinasadya. Maswerte ako dahil sila ang mga kapatid ko at kailanman di ko sila ipagpapalit.

"Tara na nga! Lumabas na tayo sa sala, baka akalain nung mga kaibigan nyo sa labas kung anon g nangyari satin! O paano Kuya Enzo labas na kami, i-iinom ka nalang namin ha!" pangiingit nya kay Kuya Enzo na nasa monitor.

At doon nga nilabas na namin ang mag bisita sa mini Reunion namin. Sinalubong agad ako ni Seth na kala mo naman e ang tagal kong nawala. Parang baliw to e, adik na adik na ata sakin. Pero parang baligtad kasi minsan kinakagat ko sya, para kasing ang sarap nya hihi. Sabi ni Bessy baka daw pinaglilihian ko si Seth kaya ganun. Pag nagkataon magiging magkamuka pa sila ng Baby ko at sobrang saya siguro nun.

END OF FLASHBACK

" Hoy Badong! Tara na sabi diba?" tawag sakin ni Charlie. Napakunot pa ang nook o s asinabi nya, akalain nyong tawagin ako sa palayaw ko dati. Kaimbyerna ha!

" Badong bagang!" sita ko sa kanya.

" FYI Bru! Kanina pa po ako Eli ng Eli, ni hindi ka man lang tumitingin kaya ayan, Badong lang pala makakapagpalingon sayo!"

Di ko na sinagot, kasalanan ko rin naman. Nagde-daydream kasi ako e, syempre sarap alalahanin e! Sumunod nalang ako sa kanila. Ako ang nagdrive dahil hawak nya si Bebe Ayann. Nakarating kami doon at nagpaayos narin ng invitation.

Buong araw ang dami naming ginawa, kala mo naman 18th birthday na nung anak nya sa sobrang bongga ng plano nya. Mukang mas engrande pa sa debut ang balak nya e!

Lumipas ang mga araw at celebration na, sa dressing room kami parin ang magkasama ni Charlie. Ang sabi nya kasi may sariling nag aasikaso kay Bebe kaya ako nalang daw ang aayusan nya. Sya rin ang nagpasuot sakin ng costume ko. Nakakapagtaka lang kasi sobrang haba naman ata, actually mukang talaga syang pangprincess pero may pagkadirty white. Mukang hindi ata naintindihan nung modesta na white yung pinagawa namin. Si Charlie naman hindi rin nakarainbow costume pero sa kanya napunta yung puting gown, medyo mas simple lang ng konti ang design nung sa kanya.

Natapos na nya akong ayusan pati narin sa buhok ko. Nagtataka ako kasi hanggang sa kotse sya ang kasa-kasama ko. Nung tinanong ko kung nasan si Bebe Ayann, nauna na daw kasama ni Jigs. Yung totoo, ang weird nya ata at parang kabado sya. Di ko nalang ulit pinansin, kasi alam ko namang minsan may pagkabaliw talaga itong babaeng ito.

Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang simbahan. Maraming mga tao sa labas nito, hindi ko mamukaan dahil may hagdan pa bago makarating sa mismong pintuan kay amedyo malayo kami rito. Pero alam ko, may okasyon dito. Hindi kaya diretso binyag narin ni Bebe Ayan? Pero hindi e, bakit puro itim at puti lang ang suot nila?

 Napatingin ako kay Charlie, na parang nagtatanong. Nginitian nya lang ako ng makahulugan.

Hindi kaya, syet! Gusto kong umiyak. Wag nyang sabihing, totoo ba ito? As in, is this my own wedding day?

Tumango si Charlie na para bang maluha luha. Mukang alam na nya kunganong ibig kong itanong. " Yes Bru, this is it! Congrats! Sorry kung hindi ko sinabi pero masyado lang talaga akong happy at ayaw kong may kung ano pang mangyari kaya basta Bru! I'm so happy for you!" tyaka nya ako niyakap. Alam kong pabagsak na ang luha ko sa sobrang saya.

Kumalas sya at agad na ikinabit sa akin ang isang belong puti na kanina pa nakatago sa isang paper bag.

" O tama na yang iyak-iyak na yan ha! Kumakalat yang eyeliner mo oh! Ikaw talaga!" tyaka sya kumuha ng pangretouch sakin.

" Bru, salamat ha! sobrang salamat!" hindi ko alam kung ano pa ang masasabi ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano ba ang ginawa ko nung unang buhay ko kung bakit binigyan ako ng mga kaibigan kapatid at lahat lahat na, na gaya nila. Napakaswerte ko!

" O sya, o sya tara na dali! Labas na super nanggagalaiti na yung asawa mo sa kakaintay kanina pa! Parang di mo kilala yun, nag aalburuto na!" sabi nya ulit nung niyakap ko sya.

Inalalayan nya akong lumabas at habang naglalakad kami pataas sa hagdan bumulong sya sakin.

" Bru, tingnan mo nga naman ang tadhana no? Nung kinasala ko buntis rin ako kay Bebe Ayann, ngayon ikaw naman." Tyaka sya ngumiti. Ginantihan ko rin iyon ng ngiti.

At nang malapit na kami sa pintuan, iniwanan na nya ako para pumasok sya, wala na rin ang mga tao sa labas nito baka nasa loob na rin.

Nagsimula na ang serimonyas, narinig ko na ng bahagya ang malalamig na boses ng choir. Ang piano na sorang sarap pakinggan sa tenga. Ilang saglit pa, bumukas ang napalaking pinto. Pagtunghay ng akin ulo nakita kong nasa may gitna sina Mama at Papa. Gusto ko talagang mapaluha, umuwi sila. Nandito sila!

Kasabay noon ay ang pagbabago ng kanta, sa sobrang ganda ng himig nito hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha.

(Play Video>>> credits to youtube and to it's owner.)

 

 

I see beautiful days with you 
I feel beautiful ways of loving you 
You've touched my heart so deeply 
And I can't thank God enough 
For all the beautiful days with you 
I feel beautiful ways of loving you 
Everything is just so wonderful 
Every little thing is just so beautiful 
When I spend it with you...

Nagsimula akong lumakad sa gitna ng pulang tela. Bawat lingunan ko, bawat makita ko lahat sila nakangiti sa akin. Kitang kita ang pagkatuwa sa mga muka nila. Everything is so perfect. I didn't imagine that I will experience this kind of event. Kahit naman kasi hindi na kami ikasal sa simbahan as long as mahal namin ang isa't-isa masaya na ako.

" Ang ganda mo Hija!" rinig kong sabi ng mga tao sa magkabilang gilid ko. mga kamaganak ko sila sa side ni Mama at Papa, ang iba ay kina Seth pati narin ang mga kaibigan namin. Sinalubong ako nina Mama at Papa sa gitna. Kumapit ako sa braso ni Papa habang si Mama naman ang humawak sakin at inabot ang Bouquet ko. Pinunasan rin ni Mama ang luha ko.

Tumingin ako sa kaliwang bahagi ko at nandoon sina Divina, Gemma, Mia, Jena at syempre ang bride's maid kong si Bru habang karga ang little flower girl na si Bebe Ayann. Bumaling ako sa bandang kanan at nakita ang tatlo kong kapatid pati na ang buong Banda syempre pati ang mga Kuya ni Seth na sina Kuya Led at Tristan. Sa unahan nila ay may dalawang lalaki, si Jigs na best man at ang pinakahuli kong binalingan ng paningin ko ay ang lalaking ngayon ay nakatitig sa kinaroroonan ko.

Kung kanina hindi ko maaninag ang ekspresyon nya, ngayon kistang kit ako ang maaliwalas nyang muka.  Nakaitim syang toxido at sobrang gwapo nya sa suot nya. Hindi mapagkakailang sya nga ang lalaking matagal ko nang minamahal.

Hanggang sa makalapit kami sa kanya. Nagmano sya kina Papa at Mama. Bago iabot ni Papa ang kamay ko sa kanya sinabihan nya muna ito ng..

" Bahala ka na sa kanya ha, subukan mo ulit paiyakin ang prinsesa namin nakikita mo yang tatlo sa may likuran mo? Halinhinan ka naming babalatan."

" Pa naman," singit ko.

" Biro lang Hijo, alam ko namang mahal mo itong anak ko" ngumiti lang si Seth sa kanila. Pagkaraa'y niyakap ko na sina Mama at Papa.

" Wag nang umiyak anak, yang make up mo sayang." Sabi ni Mama sakin. Nakikita ko rin may luha si Mama sa mata. Pero hinawakan na sya ni Papa para iwan kaming dalawa ni Seth.

Humawak ako sa kamy nyang nakalahad at inilagay nya ito sa braso nya.

Humakbang na kami pero bumulong muna sya. " Sa sobrang ganda mo parang gusto na kitang itakas ngayon palang."

 

 

" hmmmp, Baliw ka talaga. Plinano mo nanaman lahat no!" muling tumulo ang luha ko. Iniisip ko palang kasi ang paghahanda nya hindi ko na makayanan. Sobrang pinasaya nya talaga ako.

" Hindi ko kasi matandaan ang araw na kinasal tayo kaya gusto kong ulitin. Experience ba."

Napangiti ako sa sinabi nya. Halata naman kasing nagisip lang sya nang idadahilan sa akin.

Sinimulan na ng pari ang pagkakasal samin. Nagpalitan ng " I do at syempre ng Vows. Hiyang hiya ako sa mga sinabi ko dahil halos wala akong masabi sa sobrang kaba ko. Hindi gaya nya mukang preparadong preparado talaga sya. Dahil hanggang sa pagsasabi nya noon napaiyak parin ako.

" Hindi ko man maalala kung paano tayo nagkakilala masaya parin ako dahil ikaw ang binigay sakin. Hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan, na hindi kita mapapaiyak dahil magmumuka naman tayong hindi normal kung hindi satin mangyayari ang mga bagay na yun. Basta ang maipapangako ko lang sayo, hanggang kaya kong iwasan ang mga bagay na alam kong makakasakit sayo, iiwasan ko. Ang swerte ko dahil isang tulad mo ang nagmahal sakin, kahit alam kong hindi ako ganun kabuting tao. Hindi ako perpekto pero ni minsan di ka sumuko. Tinanggap mo ako ng buong buo. Sa lahat lahat, ang makilala ka ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko. Kung sakaling mawala man tayo sa mundong ito, ikaw at tanging ikaw lang ang pipiliin ko. Dahil wala ng ibang mas hihigit pa sayo. Ikaw lang ang buhay ko, Eli. Ikaw lang ang mahal ko."

Habang binibitawan nya ang mga salitang yan hindi ko mapigilang mapahagulgol. Ni hindi ko naisip na nasa simbahan dahil sya lang ang tanging nakikita ng mga mata ko.

" I now present to you, the newly weds. You may now kiss the Bride." Kasabay ng isang malakas na palakpakan ay ang pagtanggal nya ng nakaharang na belo sa mukha ko.

Naglapat ang mga labi namin panandalian at tyaka sya kumalas. Pinaglapat nya ang mga noo at ilong namin at tumitig sa akin ng diretso.

 

" Mahal na mahal kita."

 

 

" Mahal na mahal rin kita."

At muli, inangkin ang mga labi ko.

                                                             ============

                                                                 THE END

                                                             ============

***

Nakaprivate parin ang EPILOGUE, pero ang mga hidden chapters ay hindi. it may be two to three at lahat ay tungkol sa SUPLADO TRILOGY. Doon mababasa ang mga sikretong natatago sa kwentong ito at kung anu-ano pa.

O SYA KITA KITS HANGGANG SA EPILOGUE HA! KISS ♥

-prettylittlemiss

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
35K 320 2
Mariposa Series Book 1 The story of Malaya Angelica Cole, the youngest among the three members of Mariposa. Malaya as her name depicts, a wild, out o...
23M 402K 89
*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY...
22.5M 355K 85
Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya?