Law of Love

By lostruss

115K 4.4K 908

"Sa batas ng lupa, walang iibig ang hindi luluha." - Julie Anne San Jose Sa mundo kung saan bawat batas ay ma... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Final Note

Chapter 46

2.8K 108 84
By lostruss

A/N : Konting kembot nalang po itong story. 😢

--

Nilapitan ni Elmo si Julie at lumuhod dito.

"Sorry. Alam ko hindi sapat yan para maghilom ang sugat d'yan sa puso mo. Pero hayaan mo kong tulungan kang gamutin yan." Sabi ni Elmo habang umiiyak.

"Leave us alone, Elmo. Tahimik na kami eh." Sabi ni Julie.

"Yung annulment ba talaga ang magpapatahimik ng kalooban mo?" Lumuluhang tanong ng lalaki.

Natigilan si Julie pero umoo din sya. "Oo."

"I will sign the annulment papers." Nasasaktan na sabi ni Elmo.

"Pero hindi mo ipagkakait sakin si Jezreel. Pwede ko pa rin sya makita." Pakiusap ni Elmo dito.

Tinignan sya ni Julie. Kagaya nya ay umiiyak din ito.

"S..sige." Pag sang ayon nya.

Nabigla ang babae nang yakapin sya ng asawa.

"Wag mo iisipin na pinapakawalan kita dahil hindi na kita mahal, ginagawa ko to para di kana mahirapan. Ginagawa ko to kasi mahal kita. Mahal na mahal kita, Julie Anne. My Mrs. Magalona."

Napaiyak si Julie nang marinig ang mga katagang yon.

Yumakap nalang din sya pabalik kay Elmo.

"Salamat at inilaban mong mabuhay ang anak natin. Isa lang ang hiling ko, Julie. Sana..sana ipakilala mo ko sakanya na ako ang daddy nya."

Tumango lang naman si Julie habang patuloy na umiiyak.

If this is my fate then so be it. Hinayaan ko ang asawa ko at ang anak ko. Siguro nga, hindi nila deserve ang tulad ko.

--

Hinatid ni Elmo si Julie sa bahay nila nang mag aalas nueve ng gabi.

"Sa FMCC MOA tayo magkita bukas. Pag usapan natin yung kay Jezreel.."

Napatingin si Julie kay Elmo. Oo, wala syang tiwala dito.

"Siguro naman sa halos isang taon natin na pagsasama noon, kilala mo na tumutupad ako sa usapan." Sabi ni Elmo.

Tumango lang naman si Julie.

"S..sige." Sabi ni Julie.

Tumango lang naman si Elmo. Palabas na sana si Julie ng kotse nang magsalita ulit si Elmo.

Hinawakan din nito ang kamay nya.

Umiiyak pa rin ang binata. Hinalikan nya ang kamay nito.

"I wish I can tell you how sorry I am. Mahal na mahal kita." Sabi nito.

Tumango lang naman si Julie at bumaba.

Pagkaalis na pagkaalis ng sasakyan ni Elmo ay umiyak sya ng umiyak.

Pumasok sya sa loob ng bahay.

"Kuya.." Sambit nya at niyakap ang kapatid.

"Nag usap kayo?"

"Oo."

"Anong sabi nya?" Hindi sumagot si Julie at niyakap lang ito ng mas mahigpit.

"Gusto nya makilala si Jezreel. Yun ang kondisyon nya para sa annulment." Sabi ni Julie.

Tumango tango naman si Justine.

"Pipirma sya?"

Umiiyak na tumango si Julie. Hindi nya gusto ang desisyon ni Elmo. Akala nya ay kukulitin pa sya nito. Akala nya ay hindi sya susukuan nito.

"I thought he will fight for you longer." Sabi ni Justine.

--

Ilang linggo ng pinagmamasdan ni Elmo ang mag ina sa malayo. At ngayong araw ang napagpasyahan nila ni Julie na ipakilala sakanya ang bata.

"Mommy. Where are we?" Tanong ng bata.

"We're gonna see some important person." Sabi ni Julie habang hawak hawak sa kamay ang anak.

"Mam Julie!?" Bulalas ng isang babae.

"Len?" Takang tanong ni Julie.

"Ay buti naman po natandaan nyo ako. Kumusta na po?" Bati nito skaanya.

"Maayos naman." Nakangiting sabi ni Julie.

"Anak nyo po?" Tanong pa nito.

Proud na ngumiti naman si Julie at tumango. "Ah oo. Si Jezreel. Jezreel, say hi to your tita Len."

"Hi, Tita Len."

Lumabas ito sa counter at tinignan ng mabuti ang bata.

"E kamukhang kamukha ng tatay."

Natigilan naman si Julie pati na rin si Jezreel.

"You know my father?" Naguguluhang tanong ni Jezreel.

Napatingin naman si Elen kay Julie na parang nagtatanong.

"Andito na pala kayo." Sabi ni Elmo at lumabas sa pinto ng office nya.

"Ah eh. Ano. Ah. Balik na po ako sa trabaho." Sabi ni Elen.

Tumango naman si Elmo. Inakay naman ni Julie ang anak papasok sa office.

Nakatingin lang naman si Elmo sa anak.

Nang hindi na nya mapigil ay niyakao na nya ito.

Halatang nagulat si Jezreel sa inasta ni Elmo.

Naiiyak naman si Julie nang pagmasdan nya ang mag ama.

"Uhmm. Kilala nyo po ako?" Inosenteng tanong ng bata.

Hinawakan ni Elmo sa ulo ang anak at mas niyakap pa ito.

"I'm glad..you're here." Sagot nalang ni Elmo.

Nang kumalas sya sa yakap ay halata pa rin sa bata ang pagkalito. Papalit palit ang tingin nito sa mga magulang.
"Ah.. mommy. Sino po sya?"

"H..he's Attorney Magalona." Sabi ni Julie.

"Ah. Your co-worker po?"

Umiling si Julie. Magsasalita na sana sya nang magsalita ulit ang anak.

"Mommy. Will Dada fetch us later?" Tanong nito.

Napatingin naman sya kay Elmo. Nag iwas lang ng tingin ang lalaki.

"Hindi baby eh. Busy kasi si Dada." Sabi ni Julie.

"Ah. Were gonna stay here po muna with Attorney Magalona?" Tanong pa ulit nito.

"Ah baby kasi ano.."

"Hayaan mo na muna, Julie. Wag natin biglain ang bata." Sabi ni Elmo.

Tumango naman si Julie.

"Anak. Listen ha. Aalis muna si Mommy para bumili ng pagkain d'yan sa stall sa labas. Stay with Attorney Magalona muna ha." Bilin nya sa anak.

Tumango naman ang bata. Hindi naman ganon ka insensitive si Julie. Alam nyang gustong gusto na ni Elmo kausapin ang anak. Pero dahil nandito sya ay naduduwag ito.

"Yes mommy." Sabi ng bata.

Humalik pa si Julie dito bago lumabas.

Pinaglalaruan lang ni Jezreel ang mga daliri nya nang magsalita si Elmo.

"Ah. Ano full name mo, an--big guy?" Napatingin naman si Jezreel.

"Dada call me big guy. Pero I am Jezreel Andrei San Jose po." Sabi nito.

Para namang tinusok ng isang libong karayom si Elmo nang banggitin nito ang salitang 'Dada' .

"E ilang taon ka na?"

"Four po." Sabi nito.

"What's the name of your dad again?" Tanong ni Elmo.

"Ah. He is Marlo Mortel po. Pero he's not my real dada daw po eh. Because my real dada went somewhere. He left us po ni Mommy."

Napalunok si Elmo. "G..galit ka ba sakanya?"

"Opo." Mabilis na sabi ng bata 

"Kasi po. He always make mommy cry eh. Even sa dreams po. Pag nga po nakita ko sya susuntukin ko sya eh." Sabi pa nito.

Nanggilid ang luha ni Elmo sa narinig. Pero he still managed to smile.

"Ang tapang mo naman pala." Biro ni Elmo dito.

"E kasi po. Kailangan po ni mommy ng savior. Hindi man po binigay sakanya ni God yung mabait na daddy ko. Mayroon naman po syang matapang na baby."

"P..pwede ba payakap?" Tanong ni Elmo dito.

Naguguluhan naman si Jezreel. Pero tumayo ito at yumakap kay Elmo.

"Paano.. paano kung bumalik sya?"

"Sino po? Si Mommy? Babalik po yun. Bumili lang po ng food eh."

"No. Your real daddy." Sabi ni Elmo.

"Sana po wag na. Kasi baka saktan nanaman nya mommy ko."

"Paano kung gusto ka nya makasama? Di mo ba sya love?" Tanong ni Elmo.

"Love po. Kaso po..kaso po, mas okay po ako pag hindi po umiiyak si Mommy and keeping him away from her will make her feel better." Sabi ng bata.

"Jezreel. You listen to me ha." Sabi ni Elmo at hinarap sakanya ang bata.

"I.."

"Jezreel." Tawag ni Julie dito.

"Jezreel. I am your dad." Pagpapatuloy ni Elmo.

Napakunot naman ang noo ng bata. "But..but.. mommy." Sambit nito at tumingin pa sa ina. Naiiyak na rin ang bata.

Tumango naman si Julie.

"He's telling the truth,anak."

Umiiyak na tumingin si Jezreel kay Elmo. "No.. hindi ikaw ang daddy ko." Sabi nito sa ama.

"Anak." Pigil ni Elmo dito.

Sinuntok suntok lang sya nito sa dibdib.

"Hindi ikaw ang daddy ko. I hate you. I hate you." Paulit ulit na sabi nito.

Umiiyak lang naman si Elmo. pinapanood nito ang anak habang sinasaktan sya.

"You hurt my mommy. Bad ka. Bad ka. Ayoko sayo." Umiiyak na sabi nito.

"Anak.." Pigil ni Julie kay Jezreel.

"Sabi mo, sabi mo you hate him din. Bakit mo sya kinausap? Ibibigay mo na ba ko sakanya? Ayaw mo na ba sakin mommy?"

"Anak. Hindi.."

"I hate you! I hate you!" Sigaw ni Jezreel at tumakbo.

"Elmo.. si Jezreel."Iyak ni Julie.

Dali dali namang kumilos si Elmo at tumayo.

Pagkalabas nila ay hindi na nila inabutan ang bata. Nawala ito agad sa paningin nila.

"Ah.. kuya.." Untag ni Elmo sa gwardya.

"Po sir?"

"May nakita ho ba kayong bata na tumakbo galing pong FMCC. Maputi po. Tsaka po nakakulay blue po ng damit." Tarantang tanong ni Elmo sa gwardya.

"Hindi ko ho napansin sir eh." Sabi ng gwardya at nagkamot pa ng ulo.

Agad kumilos si Elmo para hanapin ang anak. Pag may nangyaring masama sa anak nya ay hinding hindi nya mapapatawad ang sarili.

"Julie. Doon ka maghanap sa kabila. Dito ko." Sabi ni Elmo.

Nakalabas na sila ng Mall para hanapin ang anak.

"Jezreel!" Sigaw ni Elmo.

"Anak please. Lumabas ka na. Please anak." Paulit ulit na sambit nya.

"Jezreel!" Tawag nya ulit.

--

"San ka ba nagpuntang bata ka. Bakit ka tumatakbo ng ganon!" Pagalit ni Julie sa anak.

Naglalakad sila pabalik ng mall at oo nga. Tama si Elmo ng pinuntahan nasa parking lot nga ito.

"Mommy. Totoo po ba yung sinabi nyo kanina? Na yung daddy ko.. si Attorney Magalona?" May tampo sa boses nito kaya napansin sya ni Julie.

"A..ah anak..."

"Mommy you will understand naman if I don't accept it this soon diba?" Tanong pa ng bata.

"Anak.." Lumuhod si Julie para makapantay si Jezreel.

"Your dad is a good guy. Yung amin. Iba yon sainyo. Maybe nagkamali sya sa relasyon namin pero iba ka naman don anak."

"I don't understand, mommy." Sabi ng anak at mukhang naiiyak nanaman.

"You have to accept your dad no matter what. Tatay mo pa rin sya." Sabi ni Julie dito at niyakap.

"I understand kung hindi pa ngayon. Masyado ka pang nabibigla. Kuhanin na natin ang gamit natin." Sabi ni Julie.

Habang si Elmo ay tahimik lang na nakatingin sa dalawa.

Napaluha nalang sya nang makitang umiiyak ang mga to.

Hindi ito ang pinangarap nyang buhay ng pamilya nya. Ng pamilya nila ni Julie. Hindi ganito kagulo.

Wala nang nagawa si Elmo nang maglakad ang dalawa pabalik ng mall.
*Beeeeepppppp!

Nanlaki ang mga mata ni Elmo nang makita ang isang rumaragasang kotse patungo sa mag ina nya.

Dali dali syang kumilos at itinulak ang dalawa.

"Julie!" Sigaw nya at napahiga sa semento.

--

Nagulat si Julie nang may tumawag sa pangalan nya.

Paglingon nya ay si Elmo. Lumingon sya sa kanan at nakita ang mabilis na sasakyan na patungo sa direksyon nilang mag ina.

Humigpit ang hawak nya kay Jezreel.

"Julie!"

Tinulak sila ni Elmo.. tinulak sila ni Elmo.. kasabay non ang mabilis na pag arangkada ng sasakyan.

"Elmo!" Sigaw ni Julie at nilapitan ang duguan na lalaki.

Nanlaki ang mga mata nya nang makumpirmang ito nga ang asawa nya.

Nakadilat ito at lumuluha.

"Elmo.. tulong! Tulungan nyo kami!" Sigaw nya.

"Tulungan nyo kami! Please!" Umiiyak na sigaw ni Julie habang nanginginig na hinawakan ang mukha ng asawa.

"Tulong!"

"Tulungan nyo kami. Parang awa nyo na!" Sigaw ulit ni Julie.

"Elmo. We just got you back, wag mo na kaming iwan ulit please!" Umiiyak na sambit ni Julie.

"Don't leave me again. Don't leave us again." Pagmamakaawa ni Julie sa asawa habang humahagulgol.

"You left me once. Hindi ko na kakayanin pag inulit mo pa yon. Mababaliw na ako Elmo. Please.."

Pilit iginalaw ni Elmo ang kamay nya para mahawakan ang mukha ni Julie.

"If it's my fate to die then so be it. Ikaw ang pina..pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Julie.. kayo ni Jezreel."

"No.Don't say that.. don't say that. Makakapunta tayo sa ospital ha? Basta kapit ka lang okay? Please Elmo.." Pagmamakaawa nya.

Para na syang nababaliw tuwing makikita ang kalagayan ng asawa.

Umiiyak na nilapitan ni Jezreel ang ama.

"D..daddy.. daddy.." Paulit ulit na sambit nito habang umiiyak.

Hinawakan pa ng maliit na kamay nito ang mukha ni Elmo.

"Daddy.."

Mas lalo napaiyak si Elmo sa sinabi ng anak.

"A..anak."

Bago pa matapos ni Elmo ang sasabihin nya ay niyakap sya ni Jezreel.

"I'm sorry daddy.. please stay with us.. don't leave us again.. wag mo na po kami iiwan ulit ni mommy. We need you dad..." Pagmakakaawa ng anak nya sakanya. Niyakap lang ito ni Julie kasabay din ng pag iyak nito.

Narinig pa ni Elmo ang sigaw ni Julie. Pero talagang pinanawan na sya ng ulirat.

--

To be continued.. 💙✌

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
2.5M 91.5K 40
Bookworm and introvert are probably two words that best describe Aika. She's a half-Japanese, half-Filipino writer who likes to watch Korean drama se...
2.5M 56.7K 50
Allie De Guzman decided to break-up with her two-year long boyfriend. The only problem is, ayaw siyang pakawalan ng boyfriend niya. That-and she just...
585K 8.2K 37
Walk of Shame is officially out on every PPC stores nationwide for only P109.75! Ho pe you guys will support it and grab a copy! Thankies!! :)