Chapter 7

1.7K 67 5
                                    

Inis na inis si Leah nang tanggihan sya ni Elmo para kay Julie.

"Kailangan makahanap ako ng butas kay San Jose." Sabi nito sa mga kaibigan na si Jean

"Paano mo hahanapan ng butas e sobrang perfect kaya ni Julie." Pahayag ni Jean. Tinignan naman sya ng masama ni Leah.

"Basta. Uumpisahan kong alamin kay Nash at JL yon. Alam kong may alam sila at may issue sila kaya hindi sila madalas sumama kay Julie. Aalamin ko yon."

"Sige lang Leah nang one of these days hindi lang rank 203 ang matitikman mo kung gagawin mo yan."

"Sa tingin mo magpapahuli ko?"

"Ewan ko sayo. Pero ito sinasabi ko sayo, Leah. Hindi ako kasali d'yan."

"Duwag ka talaga, Jean."

"Hindi sa pagiging duwag. Pero ayoko ng gulo." Sabi nito at umalis na. Desidido si Leah na mapalapit kay Elmo dahil kapapasok palang nya dito sa Adilet ay may pagtingin na sya dito.
--

Habang si JL naman ay nasa klase. Marahan syang tumingin sa likod at nakita nyang busy si Elmo at Julie sa pakikinig.

Napag isip isip nya na dapat hindi nya pag isipan ng masama si Julie dahil nakikita nyang napapasaya talaga nito si Elmo. Titigilan na rin nya ang pagpapantasya nya dito. Ang tanging nasa isip nalang nya ngayon. Dapat hindi mahulog si Elmo kay Julie dahil masasaktan lang si Elmo, dahil may boyfriend na si Julie.

--

Natapos ang klase nila at nagpatiuna na sila Elmo at Julie. Bibili kasi sila ng liquor sa hypermarket. Wala naman kasing ganon sa condo nya.

Kaya si JL at Nash ay magkasama sa bench malapit sa pool area ng university.

Restricted area to. Pero wala silang pakeelam.

"What time tayo pupunta kila Julie?" Nash asked.

"Itetext nalang daw ni Moe."

"Nawawalan na talaga sya ng time sa'tin." Malungkot na sabi ni Nash.

Si JL naman ay tahimik lang na nakatingin sa pool area. "We should stop." Sabi nito

"Ha?"

"Sabi ko. I should stop judging Julie. Mukha naman syang mabait eh." Sabi nito at lumingon pa kay Nash.

"Sabi sayo eh."

Palihim namang nakikinig si Leah.

"Ginagamit ni Julie si Attorney Justine para maging top 1 sa bar exam. Dahil maraming tips si Attorney Justine na pwedeng pwedeng magamit ni Julie para matalo si Elmo. Inisip ko na marumi sya maglaro." Sabi pa ni JL. Nanlaki naman ang mata ni Leah.

Ang bilis naman ng swerte. Sabi nito sa isip isip nya.

Umalis na sya don dahil baka mahuli pa sya nila JL.

"Pero dude mali ako. Dude, hindi naman ata sya ganon eh."

"Makikilala natin sya JL kung bibigyan natin sya ng chance. Ito. Itong gagawin natin mamaya. Chance natin to para makilala sya. It's been a year JL na malungkot si Elmo sa pag alis ni Dana. Ibalato na natin to sakanya." Sabi ni Nash at tinapik si JL.
--

Nandito na sila sa condo ni Julie at nagdidinner. Asikasong asikaso naman ni Elmo si Julie.

"Shrimp pa?" Tanong nito habang naglalagay ng pagkain sa plato ni Julie. Ngumiti lang naman si Julie.

"Hindi na. Kumain ka na ng sayo." Sabi nito.

"Uyyy. Ang hina kumain ni San Jose ngayon ah." Pang aasar ni Elmo.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon