Chapter 33

1.8K 91 19
                                    

Natutulog na si Julie at Elmo dahil bukas na ang balik nila sa Pilipinas.

Nakabili na rin sila ng mga pasalubong para sa kanilang mga kaibigan at pamilya.

*Krrrrriiiiiiing

"Elmo.." Sabi ni Julie habang nakapikit.

Naka simpleng racerback sando lang sya at pajama habang mahigpit na nakayakap kay Elmo at nakaunan sa braso nito.

"Hmmmm."

"Elmo. May tumatawag." Sabi ni Julie at nakapikit pa din.

"Ikaw na babe. Inaantok pa ko."

Inis na kinapa ni Julie ang side table at sinagot ang tawag. Cellphone ni Elmo.

"Hello?" Sagot nya dito.

"..."

"Hello?" Ulit nya.

"..."

"Nangtitrip ka ba? Para sabihin ko sa'yo natutulog na mga tao no. Bye!" Sabi ni Julie at pinatay ang cellphone.

"Sino yon?" Tanong ni Elmo.

"Wala. Di naman nagsasalita eh. Baka nangtitrip lang." Sabi ni Julie at umayos ulit ng higa.

"Jules.."

"Hmmm?"

"I love you." Lambing ni Elmo at niyakap pa lalo si Julie.

"I love you more, Elmo. Sleep na." Sabi nya at hinalikan pa ito.

Nang masiguradong tulog na si Elmo ay unti unti nyang tinanggal ang pagkakayakap nito. Binuksan nya ang cellphone ng lalaki at kinuha ang number na tumawag kanina sa asawa nya.

Nagcheck rin sya ng messages dito. Wala namang masama diba? Asawa nya si Elmo at may karapatan na sya sa mga gamit nito.

Isang text ang pumukaw sa pansin nya.

From : Nash
Dude. Nakaalis na raw eh. Hindi ko na naabutan si Dana. Sensya na.

So pinapahanap nya si Dana?

She checked the date at nakita nyang bago ito kasal nila. Naiinis sya kay Elmo dahil hindi nito sinasabi sakanya ang plano nya.

"Nakakabwisit ka talaga, Magalona." Mahinang bulong nya.

Kinuha nya ang bag nya para kuhanin don ang cellphone nya. Pinagpalit nya ang sim nila ni Elmo.

Kung tatawag ka man ulit. Ako na makakasagot. Malakas ang kutob ko na ikaw Dana yan. Hindi ako papayag na sirain mo kaming mag asawa.

Tumayo si Julie at dumiretso sa veranda.

"Nakakainis. Bakit kasi may mga tao pang kailangan bumalik sa nakaraan nya."

Oo. Nagseselos sya. Insecure sya. Kasi mas matagal itong nakasama nila Elmo. E sila? Hindi pa nga sila umaabot sa aniversarry nila ay nagpakasal na.

Dinama muna nya ang lamig sa veranda bago bumalik sa pagkakahiga sa tabi ni Elmo. Kailangan nya matulog dahil flight na nila bukas.

--

"Akin to." Sabi ni Nash at kinuha ang isang box na Ferrero.

"Hoy. Akin yan!" Reklamo ni JL.

"Huh! Hawak mo na nga yang hershey's ang dami mo na kayang nakuha!"

Habang nag aaway over a Ferrero Rocher ang dalawa ay pasimple ng kinukuha ni Maqui ang ilan pang supot na chocolates.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon