Chapter 8

1.7K 69 4
                                    

"Moe. Ginaw." Nagising si Elmo nang marinig na nagsalita si Julie. Bumangon sya agad at nakitang giniginaw to. Sinilip rin nya ang thermostat ng aircon. Nakatodo ito.

Lumapit sya agad kay Julie at kinumutan ito.

"Shhh." Sabi ni Elmo at hinawakan sya sa pisngi.

Madilim pa at sa tingin ni Elmo ay mag aalas kwatro pa lang ng umaga kaya ingat na ingat sya na wag gumawa ng ingay.

"Hinaan mo yung aircon." Sabi pa ni Julie na nakapikit. Kahit gusto ni Elmo sa malamig ay hininaan nya yon para kay Julie.

"Ayan okay na?" Tanong nya.

"Better. Go back to sleep na." Sabi ni Julie.

"Sleep tight, Julie." Sabi nya at muling inayos ang kumot nito at ang unan sa tabi ng dalaga.

Bumalik na sya sa couch at natulog ulit.

Pakiramdam ni Elmo ay wala pang 30 minutes ang tulog nya nang maramdaman nyang may humawak sa pisngi nya at nagsalita.

"H'wag mo ko masyadong palapitin sayo, Elmo at baka hanap-hanapin ko." Hindi nagsasalita si Elmo pero boses pa lang ng nagsasalita ay kilalang kilala na nya.

Si Julie. Nang maramdaman ni Elmo na naglakad na palabas ang dalaga ay agad syang nagmulat ng mata.

Hinawakan din nya ang mukha nya. "Julie?"

Ilang sandali pa muna ang pinalipas nya bago nya napagpasyahang lumabas. Maliwanag na din kasi at naririnig na nya ang ingay ng mga kaibigan nya. Ang mga tawanan nito.

Tumayo na sya at dahan dahang lumabas.

"Goodmorning, Elmo!" Sabay sabay na sigaw ng mga to.

"Ano meron?" Sabi nya habang nagkakamot ng ulo.

"Coffee?" Asked by Julie. Ngumiti lang sya at mas lalo lumawak yon ng maalala nya ang sinabi ni Julie kanina.

"Yes please." Sabi nya dito at umupo sa bakanteng upuan habang si Julie naman ay nagtimpla ng kape.

"Wala ata kayong hang over." Puna nya sa tatlong nasa harapan nya.

"Nagluto kasi si Maqui ng maasim na sabaw kanina." Sabi ni JL.

"Ahh. So hindi nyo ko tinirhan?"

"Hindi. Quits lang kayo ni Julie hindi rin sya nakatikim eh." Sabi naman ni Nash.

Tumango tango lang sya. "For sure maiinggit kayo pag pinagluto ako ni Julie." Pagmamayabang ni Elmo.

"Ano yon?" Biglang sulpot ni Julie.

"Sabi ni Elmo ipagluto mo daw sya kasi hindi sya nakatikim ng luto ni Maqui." Sabi ni JL.

Ngumiti naman si Julie at tumingin kay Elmo. "Ano ba yung gusto mo, Elmo?"

"Kahit ano. Basta masarap ha?" Tugon ni Elmo.

"Champorado, gusto mo?" Tanong ni Julie sabay sabay naman na tumingin sakanya sila Maqui.

"Champorado? Kami din!" Sabay sabay nilang sabi.

"Heh! Hindi nila ko binigyan, Julie. Wag mo din sila bigyan!" Sumbong ni Elmo.

"Oh eh. Wag daw sabi ni Boss eh." Lihim namang napangiti si Julie.

"Yan ang sinasabi ko sainyo. Madadamot kasi kayo! Hahaha." Sabi ni Elmo at kinuha ang kape na inilapag ni Julie sa lamesa.

Napasimangot naman silang tatlo.

"Teka lang, magluluto muna ko." Paalam ni Julie.

"So bro? Ano nangyari kagabi? Naka score ka?" Tanong ni Nash

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon