Chapter 9

1.7K 73 12
                                    

"Julie. Andyan na yung sundo mo!" Sigaw ni Maqui habang hawak ang cellphone.

Nandito sila sa tambayan nila malapit sa flag pole. Nakaupo sila sa damuhan. Tumayo naman si Julie at nagpaalam.

"Uy. Una na ko ha. Baka mapagalitan ako ni Boss."

"Sige sige lang, Julie. Ingat kayo." Sabi ni Elmo at nginitian si Julie.

"Sigurado kayo okay lang mauna na ko?"

"Oo nga." Sabi ni JL at Nash.

"Pinagpraktisan?" Natatawang tanong ni Julie.

"Hahaha. Sige na, Attorney. Mauna ka na."

"Bukas ha?" Sabi ni Elmo kay Julie.

Tumango naman si Julie. "Opo, Attorney." Sabi nito at nagbeso kay Elmo. Ganon din ang ginawa nya kay JL, Nash at Maqui.

"Enjoy." Sabi pa ni Maqui. Napayuko naman si Elmo.

"Bye." Sabi ni Julie at naglakad na.

"Tol. C.r muna ko." Paalam ni JL. Tumango naman sila Nash.

Hindi nila alam at hindi alam ni Julie na sinusundan pala sya ni Leah. Desidido talaga itong sirain si Julie.

Paglabas ni Julie ng gate ay nakita nya agad ang bmw ng kuya nya at si Justine naman ay nakatayo sa gilid nito.

Agad itong niyakap ni Julie. "Baby." Sabi ni Justine at yumakap pabalik.

"San daw tayo sabi nila Dad?"

"Sa bahay daw."

"Okay ka lang kuya?" Ngumiti naman ito.

"I'll be fine, Julie." Pag aassure nito sa kapatid.

Agad namang kinuhanan ng picture ni Leah ang magkapatid.

Parang nakita ni Julie na may nagflash.

"Ano yon?" Tanong nya sa kapatid.

"Wala. Ilaw lang siguro." Sabi ni Justine at pinagbuksan ng pinto si Julie.

"Okay. Sige." Sabi nito at sumakay na sa kotse.

"Julie kumusta pala kayo ng Attorney na nakasama mo sa selda?" Tanong ni Justine habang iniistart ang kotse nya.
"Si Attorney Magalona."

Napakunot namann ang noo ni Justine. "Is he happened to be the son of Attorney Pia--

"Yes." Sagot agad ni Julie.

"Dude! Ang swerte mo! Sobrang bait ng nanay non. Nakausap ko nga sya dati sa PAO eh." Sabi nito na mukhang masayang masaya.

"Talaga? Hindi mataray? Ano itsura?" Biglang tanong ni Julie.

Napaisip naman si Justine. "Hindi. Sobrang bait. Itsura nya? Mukhang sophisticated pero mukhang hindi naman matapobre."

"Kinausap ka naman nya. Tungkol saan?"

"Ah oo. Hindi kasi may pinuntahan sya sa PAO. E nagpalunch si Judge. Isinama nila ko." Sabi ni Justine.

Halata sa mukha nito ang pagkamangha kay Attorney Pia Magalona.

"Idol mo na sya? Hahaha."

"Abay oo naman! Sobrang galing na abogado non. Though, hindi sya top 1 non sa bar exam. Mabisa talaga yung mga techniques nya."

"Hindi sya nag number 1?"

"Yeah. Kinwento lang sakin ni Judge yon. Hindi daw sya top 1 pero tignan mo naman. Nirerespeto."

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon