Chapter 36

1.7K 76 13
                                    

"Attorney Julie Anne Magalona. Pinapatawag po kayo ni Attorney Monteverde."

"Sige. Be there in five minutes." Sabi ni Julie at ibinaba ang folder na hawak nya.

Agad syang tumayo at nagtungo sa c.r ng building. Inayos nya ang itsura nya at binaasa ng konti ang buhok.

Pagkatapos ay muli nyang sinuot ang salamin nya.

Dumiretso na sya agad sa office ni Attorney Monteverde at nagtanong.

"Pinapatawag nyo daw po ako?"

Nag angat ng tingin ang naturang abogado. "Yes. Have a sit." Sabi nito.

"Ano po yon?"

"May ipapahawak sana ako sayong kaso. This is a sensitive case, Attorney Magalona." Panimula nito.

Umayos naman ng upo si Julie. Sa limang kasong naipanalo nya sa loob ng pitong buwan nya sa serbisyo ay hindi ito mga seryosong kaso. Kadalasan ay agad nawiwithdraw ang kasong nahahawakan nya.

"I'm in, Attorney. Ano po ba yan?"

"It was a rape case." Sabi nito at humugot pa ng hininga.

Nanlaki naman ang mata ni Julie. "P..po? Complainant po ba ang hahawakan ko o defendant?"

"Complainant." Sabi ng Abogado.

"P..pero bakit po ako?" Takang tanong ni Julie.

"Kasi ikaw lang ang alam kong makakapagpanalo nito." Sabi ni Attorney Monteverde.

"You are my greatest asset dito sa Firm. I hope hindi mo ko tinatanggihan." Sabi pa nito.

Namalayan nalang ni Julie na pumipirma na sya ng kontrata.

"Kailan ko po makikilala yung kliyente?"

"Actually they're here. Gusto kong i priority mo ang kaso na'to. Julie."

Agad tumayo si Julie. "Nasaan po sila?"

Ngumiti ito sakanya at sinabing. "Sa conference room."

--

Unti unting binuksan ni Julie ang pinto ng conference room.

"Magandang araw ho." Bati nya sa dalawang babae sa loob ng conference room.

Tantiya nya ay nasa 16 years old ang kasama nito at ang isa naman ay nasa 40 years old.

"Magandang araw naman ho, Attorney." Magalang na bati ng mid aged na babae.

"Maupo ho kayo." Sabi ni Julie.

"Kukuhanan ko po kayo ng salaysay. Kayo po ba yung..yung biktima?" Tanong ni Julie sa babae.

Umiling ito. Kaya unti unting nangilabot si Julie. Kung hindi sya ay.. "Ikaw?"

Umiiyak na tumango ang bata. "O..opo."

"Okay, calm down ha. Kumalma ka lang. Ako si Attorney Julie Anne Magalona. Ako ang magiging abogado mo."

Nagpahid ito ng luha. "Ilang taon ka na pate?"

"F..fiftheen po."

"What!?"

"Kinse anyos po ang anak ko, Attorney." Napatingin si Julie sa bata.

Kumuha sya ng ballpen at papel.

"Anong pangalan mo? Edad. Civil status. Saan nakatira." Tanong ni Julie.

"Ako po si April Tinio. 15 taong gulang, walang asawa. Nakatira po sa Sta. Clara, Pampanga."

Sinulat ito ni Julie. "At sino ang suspek?"

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon