Chapter 24

1.9K 91 2
                                    

Magkayakap si Julie at si Elmo kinaumagahan. Nakaunan si Julie sa dibdib ni Elmo habang si Elmo naman ay nakalingkis ang kamay kay Julie.

"Hmmmm." Unang nagdilat ng mata si Julie. Hindi na rin sya nabigla nang makita nya si Elmo sa tabi nya. Bahagya syang bumangon para mapagmasdan ang mukha nito.

May tao ba talagang ganito kaperpekto? Napatingin sya sa labi ni Elmo.

"I wanna kiss you, honey." Bulong nya habang tinetrace ang facial features nito.

"Then do it." The man huskily said.

"Huh?" Napakunot ang noo ni Julie. Nagdilat ng mata si Elmo at muling nagsalita.

"Ang sabi mo diba gusto mo ko halikan? Then do it."

"H..hoy! Wala akong sinasabi ah!" Deny ni Julie.

"Wala pa daw. Dinig na dinig ko kaya."

"Baka nananaginip ka sana Mr. Magalona?" Naiiritang sabi ni Julie.

"Narinig ko nga kasi." Mahinang sabi ni Elmo na nakanguso.

"Oo na nga. Sige na. Sige na. Sinabi ko yon. Happy?" Sabi ni Julie.

Napangiti naman ulit si Elmo at hinalikan si Julie. "I want to kiss you too, honey. Good morning!" Bati ni Elmo at hinalik-halikan pa sa mukha si Julie.

Napatawa naman si Julie sa ginagawa ni Elmo. "Good morning din, honey. Pero may kasalanan ka sakin." Sabi ni Julie

"Ano naman yon?"

"Uminom ka kagabi ng hindi mo kaya. Ang bigat mo. Dinaganan mo pa ko." Sabi ni Julie.

"E si dad eh. Ang daming pinashot sakin."

"At sumunod ka naman? Elmo ha. Nakikipagbakbakan ka nanaman sa alak." Kunwaring pangaral ni Julie dito.

"Hoy. Ikaw kaya ang maraming kalokohan na ginawa noong magkahiwalay tayo." Sabi naman ni Elmo.

"At ano naman yon?"

"Ang dami mong basyo ng alak sa condo mo. Noong nag bar ka, sinundo pa kita sa sobrang kalasingan mo." Sabi ni Elmo habang nakayakap kay Julie.

"Akala ko kasi you betrayed me eh."

"You know I can't do that. Pero hayaan na natin yun, tapos na yun eh."

"What about Leah? Totoo ba talagang ipapahold mo ang graduation nya?"

Elmo nodded his head. "Yes." He simply said.

"Pero..pero paano yun? Ilang taon sya nag aral ng abogasya. Almost 10 years!"

"Yun ang pagkakamali nya, kung kailan last year na nya. Tsaka pa sya gumawa ng kagaguhan. Abogado sya, Jules. Dapat pinipili nyang gawin ang tama kaysa gumawa ng mali. You see that? Kaya nya mag setup ng tao. Kaya nya rin yon gawin sa husgado."

"Nakakakunsensya lang kasi."

"Wag. Wag kang makunsensya dahil kung sino man dito ang dapat makunsensya ay siya yon."

Julie got Elmo's point. Ayaw ni Elmo na maagrabyado sya. Pero hindi ba parang ang selfish nila kung gagawin nila yung sinasabi ni Elmo? What she meant is, ang pagkakamali mo ba ang susukat sayo bilang tao?

"What're you thinking?" Elmo asked.

"Hmm. Wala naman. Naisip ko lang, ano kaya mararamdaman ng parents ni Leah."

"You know what honey. Umagang umaga sinisira mo ang araw mo. Tara na sa baba."

Bumangon naman na si Julie at inalis ang kumot sa katawan nya bago tumayo.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon