Chapter 5

1.9K 70 7
                                    

A/N : Late na to. Sorrna. Sana magustuhan nyo. Don't forget to vote and comment. Pretty please?

-

"We're here." Elmo said

"11:19" He added while looking at his watch then smiled to Julie. Sabay silang bumaba ng kotse at pumasok sa mall.

"Grabe ang init." Sabi ni Julie pagkapasok ng mall. Nakatayo lang sila na parang inaabsorb muna ang lamig ng mall.

"Oo nga eh. Iinit pa yan mamayang palabas tayo. Tanghaling tapat. Anyway, saan tayo?" Elmo asked Julie.
"Ikaw bahala. Ikaw magbabayad remember?" Julie teased him while Elmo just chuckled.

"Oo nga sabi.."

"And take note Attorney Magalona. I will not spend any penny from my pocket." Sabi ni Julie habang kinukuha ang phone sa bag nya. Si Elmo naman ay nakatitig lang sakanya.

Ang ganda mo pala talaga.

"Uy!" Untag ni Julie. Tulala kasi si Elmo na nakatingin sakanya kaya medyo naiilang sya.

"Ah eh. So may bibilhin ka pa?" Elmo asked.

"Shit, Elmo. Nakakahiya ka!" Pagalit ni Elmo sa sarili nya.

"Siguro. Syempre. Susulitin kita ngayon. Mukhang nilalagnat ka eh."

"Ha? Bakit naman?" Wala naman kasi syang maalalang may sakit sya.

"E kasi ang bait mo. Parang may sakit." Sabi ni Julie at naglakad na. Sinundan naman siya ni Elmo.

"Ikaw din naman ah. Hindi mo ko tinatarayan ngayon. E di may sakit ka din?" Elmo joked.

"Hindi ah! Mabait talaga ako. Naaasar lang kasi talaga ako sayo, noon. Lakas mo kaya mambwisit!" Reklamo ni Julie kaya natawa si Elmo.

Habang naglalakad sila ay puro random talks lang ang ginagawa nila. Like favorite color, birthday and other basic infos.

Naputol iyon nang mabangga si Julie ng mga teenagers na lalaki.

"Aray!" Julie whined.

Elmo hold her arm worriedly. "Ayos ka lang? Ano ba yan! Pwede watch where you walk!?" Singhal nya sa mga teenagers.

"Sorry po." Sabi ng mga to at yumuko. Magsasalita pa sana si Elmo pero piniit na siya ni Julie dahil mukhang natatakot na yung mga bata.

"No, it's okay." Sabi ni Julie at binigyan ng assuring smile ang mga bata.

"Anong ayos lang?" Sabi ni Elmo na naguguluhan. Nabangga sya ng mga to. Tapos ayos lang?

"Elmo, hindi naman nila sinadya." Sabi nalang ni Julie.

"Sinadya o hindi. Hindi sila nag iingat." Hindi alam ni Julie kung ano ang mararamdaman nya. Concern ba ito saakin? Tanong nya sa sarili nya.

"Hay nako, attorney. Hanggang dito ba mag aaway tayo?" Julie asked at naglakad na palayo. Mukha kasing may sasabihin pa si Elmo.

"Attorney, wait up!" Habol ni Elmo kay Julie Anne.

Nang maabutan nya ito ay hinawakan nya ito sa kamay. Mabilis na kung mabilis. E ano nga magagawa nya? Tatakasan sya nito eh.

Halatang nagulat si Julie pero nagpaubaya nalang sya. "Uy, sorry na." Ani Elmo.

"Oo na. Nagsusungit ka e first time natin to lumabas. Tsaka akala ko ba gusto mo ko maging friend? Bakit ang sungit sungit mo?" Singhal ni Julie dito.

"Sorry na nga eh. Kain nalang kaya muna tayo para lumamig ang ulo mo? What do you think?" Tanong pa ni Elmo sa nakasimangot na si Julie.

"Hay attorney. Ewan ko sayo ha!" Nagpuppy eyes naman si Elmo at nagtanong ulit.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon