Chapter 40

2.2K 95 61
                                    

"I'm so disappointed to your son, Pia." Sabi ni Jonathan kay Pia.

Nandito silang lahat sa ospital. Nandito ang buong pamilya ni Julie at ni Elmo. Pero kung sino pa ang dapat na nandito ay syang wala. Si Elmo.

Napayuko nalang si Pia sa sinambit ni Jonathan.

Hiyang hiya sila sa ginawa ni Elmo. Lahat sila ay hindi ito macontact.

"Im sorry Mav, Jonathan. Hindi ko alam na ganito ang gagawin ni Elmo. Ako na humihingi ng tawad para sa ginawa ng anak ko." Sabi naman ni Francis.

"M..mom." Sabay sabay silang napalingon kay Julie.

Agad lumapit dito si Marivic at hinalikan sa noo ang anak na babae.

"Anak." Sabi nito. Lumapit din si Justine.

"Baby.." Sabi ni Justine dito at niyakap.

"Am I dying?" Julie asked.

Naluha naman agad si Marivic. "Ano ka bang bata ka, h'wag ka nga mag isip ng ganyan."

"Joke lang po. Si Elmo.. bumalik po ba sya?" Nagtinginan silang lahat.

"Ano pong nangyari sa'kin?" Tanong pa nito.

"Anak kasi. Y..you're pregnant." Lumawak ang ngiti sa mukha ni Julie.

"Talaga po? Sabihin po natin kay Elmo." Sabi agad nito.

"Si Elmo..anak.. Hindi sya bumalik. You're pregnant and.."

"And?"

"You were diagnosed with a Leukemia." Diretsong pahayag ni Jonathan.

Napatingin naman si Julie kay Justine na parang naguguluhan.

"W..what?"

Naiiyak na tumango ang mag asawa. "Stage 3." Sabi pa nito.

Umiiyak si Julie at naiiling na kinuha ang cellphone sa gilid ng kama. "H..hindi.. hindi totoo yan."

"Anak." Pigil ni Marivic dito.

"Hindi. Tatawagan ko si Elmo. Baka bumalik pa sya. Babalikan nya ko."

"STOP!" Sigaw ni Jonathan.

Natigilan naman si Julie. "Hindi na sya babalik!"

"Jonathan.." Pigil nila Pia.

"Hindi na sya babalik, Julie." Marahang sabi nito at hinawakan ang kamay ng anak.

Napaiyak naman si Julie ng tuluyan.

"D..dad" Hagulgol nito. Naiiyak na nilapitan naman ni Jonathan ang anak.

"Gagaling ka. Gagaling ka anak. Nandito kami. Hindi ka namin iiwan."

"Pero si Elmo ang kailangan ko. Kailangan namin sya, Dad." Patuloy pa rin ito sa pag iyak.

Hindi kaya ni Justine manood lang sa dinadanas ng kapatid. Lumabas sya para tawagan si Elmo pero patay nag linya nito.

Sinundan sya ni Maxene.

"Awang awa ako sa Kapatid ko, Maxx." Bungad ni Justine.

"Hindi ko kayang mawala sya sa'min." Naiiyak na pahayag ni Justine.

Napakahalaga sakanya ni Julie. Sa loob ng ilang taon nyang nabubuhay. Si Julie ang laging nandyan para sakanya. Napakasweet kasi nito. Noon ngang pinalayas sya ng daddy nya at pinutulan ng allowance ay si Julie ang sumalo sakanya. Ultimo pang baon nito ay binibigay ni Julie sa kanya.
Napaka selfless na tao. Kaya iniisip pa lang ni Justine na malubha na ang kalagayan ng kapatid nya at wala pa ang asawa nito ay gusto nyang magwala. They can't just let Julie go.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon