Chapter 19

1.7K 91 8
                                    

"Elmo. Pinatatawag ka ulit sa admin."

"Again?" Bukas na ang finals nila tapos ngayon pa sya pinatatawag.

Binaba nya ang notebook nya at tumayo. "Tangina naman, kung kelan bukas na ang finals tsaka pa nagpapatawag!" Singhal ni Elmo.

"Sige na. Pumunta ka na dude. Baka may progress na sa hinihingi mo." Sabi ni JL.

Bukas na ang finals at isang linggo nalang sila sa Adilet. Isang linggo nalang ang palugit nya para suyuin si Julie.

Balak kasi nya ilabas yung video ng CCTV at the same time, gusto nyang iharap si Attorney Justine sa buong Adilet to prove na magkapatid sila ni Julie. Malaking impact yun kay Leah. Pwede rin sya mawalan ng pagkakataong maging abogado pag nagkataon. Hindi nakakahinayang para kay Elmo ang mga katulad ni Leah na marumi maglaro. Ang abogado, malinis at tuwid ang prinsipyo.

Tumayo na si Elmo at naglakad papunta sa admin. Dinig pa rin nya ang pagbubulungan ng mga tao tungkol sakanya. Sa pinakalat DAW nya. Pero di nalang nya pinapansin.

Mga walang magawa sa buhay.

"Have a sit, Attorney." Sabi ng nakausap nya last time na si Sir Rod.

"Salamat po. Bakit nyo po ako pinatawag?"

Ngumiti ang lalaki at binuksan ang drawer nya kung saan nandon na ang CD ng CCTV Footage na hinihingi nya.

Naka burn na yon sa CD at inabot nya kay Elmo. "Eto na yung nirequest mo, Attorney Magalona." Sabi ng lalaki.

Walang mapaglagyan ang tuwa na bumabalot sa buong katawan ni Elmo dahil sa wakas. Malilinawan na silang lahat. Lalo na si Julie Anne. Magkakaroon na ng pag asa ang relasyon nila.

"Salamat po! Salamat po talaga!" Sabi nya at nakipagkamay dito.

"Naku, iho. Minadali ko talaga yan kasi nakikita kong pursigido ka malinis ang pangalan ni Attorney San Jose."

"Basta po, Salamat po. Hindi nyo po alam gaano po kahalaga saakin to."

Ngumiti ang lalaki at muling nagsalita. "So kelan mo ilalabas yan?"

"Pagkatapos po ng Finals para po hindi po muna magulo ang isip ni Julie Anne."

"Oo, mainam yan. Para makapag concentrate kayo. O paano, Attorney. Inaasahan ko ang pagpapanalo nyo ng maraming kaso ha."

Napakamot naman ng ulo si Elmo. "Ah hehe. Opo, susubukan po natin."

"Anong subok? Kaya nyo yan. Sige na. Lumakad ka na at baka naaabala na kita."

"Sige po. Thank you po ulit." Sabi nya at naglakad na papuntang pinto.

Paglabas nya ay nagtatalon sya. Yung parang nanalo sa lotto. Sa wakas! Pero hindi muna nya ipapaalam kahit kanino na meron na syang kopya ng CCTV. Baka kasi gumawa nanaman ng move yang si Leah.

"Si Attorney Magalona yan diba?"

"Oo."

"Ang saya nya ata ngayon."

"Baka nagkabalikan na sila ni Attorney San Jose." Sabi ng isa at humagikgik pa na parang kinikilig.

Sana..sana nga magkabalikan na sila. Ang hirap kasi titigan ni Julie mula sa malayo.

--

Nagmamadali si Julie nang umagang iyon. Pero bago pa sya pumunta sa Adilet ay dumaan sya sa simbahan. Finals na nila at kailangan nya ng guidance. She's still aiming for top 1 and to beat Elmo Magalona. Ni porke't mahal nya ito ay pababayaan na nyang manalo ito.

Law of LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя