Chapter 41

1.9K 87 27
                                    

"Happy birthday to you.. happy birthday to you.. happy birthday happy birthday.. happy birthday to you!" Sabay sabay na kanta nila Julie para kay Jezreel.

Its her son's 4th birthday. Yes, they fought on. Masyado silang matapang na mag ina kaya kahit cancer cells ay iniwan sila.

"Thanks Mommy! Dada" Bulalas ng bata at yumakap kay Julie at kay...

Doctor Marlo Mortel.

Si Marlo ang naging doktor ni Julie sa america noong may Leukemia sya. Hindi sila ni Julie pero ito ang kinikilalang ama ni Jezreel San Jose. Oo, hindi pinadala ni Julie sa anak ang apelyidong Magalona. Alam din naman ng anak ni Julie na hindi nito biological father si Marlo.

Para kasi kay Julie. Isang kahibangan nalang kung isusunod nya ang pangalan ng anak sa ama nito. Sa ama nitong iniwan sila.

"Welcome sweetheart." Sabi ni Julie at hinalikan ang anak.

Nakauwi na silang Pilipinas dalawang araw bago ang birthday ni Jezreel. Ito kasi ang request nito. Gusto daw nito magtravel sa boracay.

"Anong wish ng baby namin?" Tanong ni Justine sa pamangkin.

"Wish ko po.. wish ko po sana, maging masaya na po talaga si Mommy." Sabi ng bata.

Para namang hinaplos ang puso ni Julie sa narinig. "Ayaw ko na po na umiiyak sya tuwing napapanaginipan nya po yung bad guy. Ayaw ko na po na umiiyak si Mommy." Sabi ng bata.

Naiiyak na hinalikan naman ni Julie sa ulo ang anak. "E anak. Hindi naman ako masasaktan noong bad guy eh. Why don't you wish for yourself?"

"Ayaw ko po. Gusto ko po maging happy ka na. Kasi po pag happy ka, happy na din po ako."

"I love you anak.."

"I love you too, Mommy." Sabi ni Jezreel at niyakap ang ina.

Napatingin naman si Justine sa mag ina. Apat na taon na simula ng dumaan ang napatinding pagsubok na halos sumira sa kanilang lahat.

Lalong lalo na kay Julie.

Kaya hindi yon basta nakalimutan ni Justine. Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin sya sa walang kwentang asawa ng kapatid nya.

Nag umpisa ng kumain ang pamilya San Jose. Katabi ni Julie si Marlo at sa gilid naman nya ay si Jezreel.

"Jezreel, kumain ka anak ng gulay."

"But mommy. It's not masarap."

Natawa naman si Justine. "Ganyang ganyan si Julie noong maliit. Kopyang kopya." Sabi nito na natatawa.

"Tito Justine. Si Mommy din po ayaw ng veggies?"

"Ayaw na ayaw baby." Sagot ni Justine.

"Hoy kuya. Wag mo ko sinisiraan sa anak ko ha."

"Andito na ang pinakamaganda at pinakacute at pinakamabait na bestprend ni Hulyetaaaa!"

Sabay sabay silang napalingon.

"Frenchfrieeees!" Sigaw ni Julie at nagmadaling yakapin ang bestfriend.

Naiiyak na niyakap naman ito pabalik ni Maqui. "Gaga ka. Kumusta ka na?"

"Ito. Maayos naman. Magaling na."

"Iba talaga kilabot mo sa katawan, Julie. Pati cancer cells natalo mo? Hahaha."

Pumamewang naman si Julie sa harap ni Maqui. "Well well well."

"Caramel?"

"Gaga. Hindi nila ko kaya. Pinagalitan sila ni Kuya eh." Sabi ni Julie.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon