Chapter 44

1.9K 86 32
                                    

"Julie! Lumabas ka d'yan!" Sigaw ni Elmo na lasing na lasing.

"Lumabas ka d'yan, kausapin mo ko! Don't be so unfair!" Sigaw pa nito ulit at kinalampag ang gate kasabay noon ang malayang pagtulo ng luha nya.

Sobra syang nasasaktan. Bakit..bakit sa kanila pa nangyari to.

"Lumabas ka dito! Kasi pag di natin napag usapan to. Mababaliw ako! Julieee!!"

"Julie!" Sigaw pa ulit ni Elmo.

"Sir." Nag angat ng tingin si Elmo nang magsalita ang katulong.

"Wala ho si Ma'am Julie dito." Magalang na sabi nito.

Hindi ito pinansin ni Elmo at pinunasan ang luha. "Julie! Kausapin mo ko!"

"Kausapin mo ko! Don't be so coward!" Sigaw pa nya.

"Excuse me sir. Nakakagulo na po kayo."

"Shut up! You don't know how I feel! Hindi mo alam ang pakiramdam ng nasaktan.." Sabi ni Elmo dito.

"Lasing ka na po sir, umuwi nalang po kayo." Sabi ng katulong pero halata dito ang pagkaawa kay Elmo.

"JULIE! Hindi ako aalis dito!"

Bumukas ang pinto kaya natigilan si Elmo. Hindi si Julie ang lumabas kundi si Justine.

"Pumasok ka na sa loob." Utos ni Justine sa katulong.

Agad namang sumunod ang katulong.

"K..kuya." Naluluhang sabi ni Elmo.

Lumabas si Justine sa gate.

"What're you doing here?" Tanong ni Justine dito.

Nakasilip lang naman si Julie sa pinto at tinitignan ang pag uusap ng Kuya nya at ng asa--dati nyang asawa.

"Please let me talk to my wife." Nagmamakaawang sabi nito habang umiiyak.

Natawa naman si Justine. "Wife? May asawa ka ba dito?" Nang iinis na sabi ni Justine.

"Please.." Pagsusumamo nito.

"Umuwi ka na." Mariin na sabi ni Justine.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ko sya nakakausap."

"Leave my sister alone." Matalim na sabi ni Justine.

No one can blame him dahil nakita nya kung paano nagdusa si Julie dahil sa pang iiwan nito. Ano man ang dahilan nya.

"May karapatan pa rin ako sakanya." Matigas na sabi ni Elmo.

Kaya nag init ang ulo ni Justine at ngumiti.

"Karapatan?" Sinuntok nito si Elmo.

"E tarantado ka pala eh! Anong karapatan ang pinagsasabi mo!? You shook your head, Elmo! Hindi na sya sayo!"

Para namang gumuho ang mundo ni Elmo sa narinig. Hindi na sya sayo.

"Akin sya! Akin lang sya! Hangga't dala dala nya ang apelyido ko! Hangga't Magalona sya. Akin sya!" Sigaw din ni Elmo dito.

Kinuwelyuhan sya ni Justine.

"Leave her alone. Iniwan mo na sya diba? Ano pa bang gusto mo?"

"Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong ipaliwanag bakit ko kinailangan..kinailangan umalis." Sambit nito at muling tumulo ang luha.

"No need. Save your explanation. Maayos na ang kapatid ko."

"Ka..kahit saglit lang. Nagmamakaawa ako.." Pagmamakaawa ni Elmo.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon