Chapter 28

1.8K 72 10
                                    

Sinundan ni Elmo si Frank nang magpaalam itong magsi-cr.

"Kuya." Sambit nya pagkalabas nito sa banyo.

"O? Nakakagulat ka naman."

Napakamot ng batok si Elmo. "Sino yung babae?"

Lumingon lingon pa si Frank at naguguluhang humarap kay Elmo.

"Babae?"

"Yung babae kanina sa FMCC. Sino yon? Yung nagwala? Si Dana ba? Ano sinabi?" Sunod sunod na tanong ni Elmo gamit ang napakahina nyang boses. Ayaw nyang may makarinig sakanya lalo na ang pamilya ni Julie.

"Dana? Hindi. Hindi si Dana. Yung naka one night stand ko ata yon last tuesday. Ewan ko ba bakit nalaman na ako nagmamanage ng branch ng FMCC sa Moa. Pero teka. Dana you say? Nandito sya sa Pilipinas?"

Marahang tumango si Elmo. "Yes nakita ko sya."

"Does Julie knew about this?"

"Yes of course! Sinabi ko, Kuya. I want to be clean to Julie."

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha ni Frank.

"How was it?"

"Okay naman noong nasabi ko kay Jul--"

"How'd you feel when you saw her again." Pagtatama nito sa nauna nyang sinabi.

"Natakot ako. Tingin ko kasi, she's a bad news sa relationship namin ni Julie."

Napakunot ang noo ni Frank. "Sure ka ba na ikaw ang pinuntahan nya dito sa Pinas?"

Umiling naman si Elmo. "See? Stop overreacting at mag focus ka sa kasal nyo ng sister-in-law ko. Don't worry, hindi haharang si Dana sainyo. Ako bahala." Sabi ni Frank at tinapik pa sa balikat si Elmo.

"Salamat, Kuya. Ayoko lang talaga magulo kami ni Julie. You know.."

"Yeah yeah. Sige na. Tara na don at baka magtaka na sila satin."

Tumango naman si Elmo.

"Elmo. Waglitin mo na sya sa isip mo, okay? Hindi nya kayo malalapitan."

"May sinasabi ba ko?" Nakakalokong tanong ni Elmo.

"O e di wala. Sorry ha? Nakakahiya kasi sa itsura ng mukha mo kanina noong nalaman mo na may babaeng nanggulo sa FMCC. Para sabihin ko sa'yo, Moses. Hindi lang ikaw ang gwapo, at dahil ako ang Kuya mo. Latak ka lang ng kagwapuhan ko. Wahahahaha!" Sabi ni Frank at nauna nang naglakad.

"Gago." Sabi ni Elmo at naglakad na rin pabalik ng table nila.

"Tagal mo, babe." Sabi ni Julie nang bumalik si Elmo.

"Sorry. Si Kuya kasi eh, kwento nf kwento." Sabi nalang kunwari ni Elmo.

Tumango tango lang si Julie. Kanina pa uncomfortable si Elmo simula dumating si Frank at kating kati na si Julie magtanong pero alam nyang hindi ito magsasabi sakanya dahil nandito ang pamilya nila kaya sinadya nyang tapunan ng kaunting juice ang damit nya.

Napatingin naman si Elmo sakanya at nakita nitong marumi na ang damit ni Julie.

"Babe! Anong nangyari!?"

"Ah eh ano kasi. Natapon eh. Samahan mo ko." Sabi pa ni Julie.

"Ma, samahan ko lang si Jules. Excuse me po." Sabi ni Elmo at tinulungan tumayo ang mapapangasawa nya.

Lihim namang napangiti si Julie dahil kumagat si Elmo.

"Ang clusmy mo talaga, babe." Puna ni Elmo.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon