Chapter 17.1

1.8K 87 11
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang maospital si Julie at so far..nakabalik na sya sa school. Ang relasyon naman nila ni Elmo ay smooth sailing pa rin.

Papasok na si Julie ng gate nang mapansin nya ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao.

"Ano meron?" Sa isip isip nya. Bakit parang may mali?

"Kala mo matalino, malandi naman pala." Sabi pa ng isa. Tumingin si Julie sa paligid nya at maging sa likod nya pero wala naman syang kasunod. So malamang, sya ang pinag uusapan.

"Oo nga. Top 2 sa ranking. Kaya naman pala. Nasa loob ang kulo."

"E di ba lagi sila magkasama ni Elmo? Oh my! I can't believe it."

"Ahmm. Excuse me?" Lapit nya sa dalawang babaeng mapanuring nakatingin sakanya.

"May problema ba?" Professional na tanong nya pero inirapan lang sya nito at tinuro ang pinagkakaguluhan ng tao.

Kahit naguguluhan ay hinakbang nya ang paa nya. Pakiramdam nya ay may masama talagang mangyayari.

"Julie! Lika na. Umuwi na tayo." Nagmamadaling sabi ni Maqui na nakasalubong nya pero curious talaga si Julie kung ano ang pinagkakaguluhan nila doon.

"Wait lang, Maq. Saglit lang. Tignan ko muna yon."

"Wag na. Lika na. Ihahatid na kita. May dala ka bang kotse?"

"M..meron. Ano ba kasing meron don? Bakit parang kanina pa ko pinagtitinginan ng mga tao?"

"Julie wait.." Sabi ni Maqui dahil naglakad ng mabilis si Julie palapit sa pinagkakaguluhan ng mga tao.

"Si San Jose!?" Tarantang tanong ni Nash at JL kay Maqui.

"Nandon sa bulletin board! Dalian nyo. Hindi nya dapat makita yon!" Sabi ni Maqui kaya tumakbo na sila JL.

"Elmo.. nasan ka ba kasi?" Tarantang tanong ni Maqui sa sarili.

Ilang sandali pa ay dumating na si Elmo.

"ELMO!" Sabi ni Maqui at nilapitan si Elmo.

"Anong nangyari? Bakit ang daming missed call nila JL at Nash? Tsaka bakit parang namumutla ka?"

"Elmo. Listen, kailangan mong puntahan si Julie sa bulletin board. May kumakalat na picture nila ni Attorney Justine na magkasama. Ang iniisip ng mga tao, boyfriend ni Julie si Justine at ginagamit nya ito para sa bar exam. Moe, sira na ang pangalan ni Julie. Hindi nya boyfriend si Justine! Kapatid nya yon!" Sabi ni Maqui para namang binuhusan ng tubig si Elmo.

"K..kapatid?"

"Don't tell me yun din ang inisip mo kay Julie?"

Hindi na sya sinagot ni Elmo at tumakbo na para puntahan si Julie.

"Kala mo anlinis! Malandi ka naman pala!" Sigaw ng isa kay Julie 

"Kaya siguro nag rank 2 yan! Humihingi ng tips at ginagamit ang katawan para may mapatunayan sa abogasya!"

"Malandi!"

"Slut!"

"Whore!" Narinig ni Elmo lahat ng sinasabi ng mga tao kay Julie.

"No! Alisin nyo yan! It's not what you think!" Narinig din nya ang iyak ni Julie kaya dali dali syang pumasok sa crowd.

"TANGINA NYO UMALIS NGA KAYO DITO! DINAIG NYO PA ANG TIDE SA SOBRANG KALINISAN AH! ALIS!" Sigaw ni Elmo sa mga tao.

Natawa naman si Leah. "Wow naman Elmo. Di ba nga ikaw ang nagpost nyang mga picture na yan? Don't act as if malinis ka din!"

"Ano? Anong pinagsasabi mo!? Siraulo ka ba ha!? Paano ko ipopost yan e lagi kami magkasama ni Julie!"

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon