Chapter 42

1.7K 88 57
                                    

"N..nash?"

"I knew it. Ikaw nga yan!" Sabi nito at yumakap pa sakanya.

"We missed you, Julie." Sabi pa nito.

"Ah eh. Mawalang galang na. Pauwi na kasi kami eh."

"Kailan ka pa nakabalik?" Not minding Maqui's dialogue.

"Noong nakaraang araw lang. Ah eh ikaw? Kumusta ka na?"

"Ayos lang din. Laki ng pinagbago mo ah. Parang pumayat ka pa lalo." Sabi nito.

Pinansin din nito ang nakableach na buhok ni Julie. "Tapos ang hair. Grabe! Bagets na bagets ah."

"Ah eh. Hahaha."

"Kasama mo sila Attorney Justine?" Pinanlakihan ni Maqui ng mata si Nash signalling him to stop talking. Pero mukhang hindi ito nahalata ng lalaki.

"Si Moe? Nagkita na kayo? Siguro nagulat yon no. Umuwi ba naman ang as--"

"No. Hindi kami nagkita." Nakangiting sabi ni Julie.

Tumingin naman si Nash sa paperbags na hawak ni Maqui.

"Ah? Isusurprise nyo sya? Dami namang regalo ni Moe. Pakita nga." Sabi nito at akmang kukuhanin pa yung paperbag.

"WAG!" Sabay na sabi ng dalawa.

Napakunot naman ang noo ni Nash.

"Ha? Pinraktis nyo ba yan? Ayos ah." Sabi nito at tumawa pa ng malakas.

"Nash. Masama pakiramdam ni Julie. Sa ibang araw nalang."

"Pero wait lang."

"Please?" Makaawa ni Maqui.

Marahang tumango nalamang si Nash kahit naguguluhan kung bakit ito umiiwas.

"S..salamat. It is nice to see you again, Nash." Sabi ni Julie at ngumiti bago maglakad.

"Ang liit ng mundo no, Julie?" Makahulugang sabi ni Maqui.

"Baka sa susunod, hindi lang si Nash ang makita mo." Dagdag pa nito.

Hindi nalang naman ito pinansin ni Julie at isinara ang compartment ng sasakyan nya.

"You think makikita nya ko?"

"Oo. Si Nash nga nakita ka eh. H'wag mo na kasi ituloy."

--

"Elmo! I saw her! Sya yon!" Bulalas ni Nash.

Nandito sya sa office ni Elmo sa MOA FMCC.

"Nash.. please. Pang ilan mo na yan eh."

"Siya yon. Nakausap ko pa nga sya eh. Kasama nya si Maqui. Dude, wala ka ba man lang gagawin?"

Natahimik si Elmo. Apat na taon na nya hinahanap ang asawa nya. Pero sobrang ilap nito. Ni kaunting trace ay wala itong iniwan.

Tumayo si Elmo.

"Tara puntahan natin sya."

"Pero dude kasi.. umuwi na sila eh. Nagmamadali nga. Masama daw pakiramdam ng asawa mo." Sabi ni Nash.

Para namang nanghina nanaman si Elmo.

"G..ganon ba?" Malungkot na tanong nito.

"Pero diba yung bahay nila Tita Marivic alam mo naman. Puntahan mo nalang."

Natigilan si Elmo. Damang dama nya pa rin kasi na galit sakanya ang pamilya ni Julie lalong lalo na si Justine.

Nagsipasukan sa email niya ang mga message nito ilang araw pa lang pagkatapos nyang iwan si Julie.

Law of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon